Crispin 'Ka Bel' Beltran:

Outstanding Fighter for National Liberation and Democracy

 

 

 

Marchers accompanied Ka Bel's hearse from Plaza Salamanca to the Iglesia Filipina Independiente Cathedral

 

/p

Google

/p
           
 


Si 'Ka Bel' at ang kalikasan
ni Joey C. Papa
(sa /People's Journal,/ 28 Mayo 2008)

Ililibing na si Crispin "Ka Bel" Beltran sa Mayo 28. Namatay siyang
taglay pa rin ang kaisipan at gawi ng isang manggagawa. Sa halip na
humanap ng taong mababayarang magkukumpuni ng sirang kisame o bubong,
siya na mismo ang gumawa nito. Ang kamay ng isang manggagawa ang
nagtulak sa kanyang huwag nang ipaubaya pa sa iba ang kapalaran ng
kanilang bahay.
 

High school pa lang ako sa Tundo nang minsan sa aking paglalakad ay
makita kong nagsasalita ang isang medyo matipunong lalaki sa isang bahay
na ginawang opisina. Marami na pawang kalalakihan ang nakaupo at
nakikinig sa kanya. Bagaman ang pulong na 'yon ay mukhang hindi bukas sa
publiko, nakabukas naman ang malaking bintana ng bahay at nakikita ko
sila. Panahon na 'yon ng rehimeng Marcos.
 

Naging interesado ako at lumapit ako sa bintana upang makinig. Humanga
ako sa lalaking nagsasalita. Trade unionism ang ipinaliliwanag niya sa
mga tila manggagawang nakikinig sa kanya. Ang unang pumasok sa isip ko
ay isa siyang abogado. Kung magsalita siya ay tiyak ang mga sinasabi,
may kumbiksyon ang bawat salita, at may tapang ang tinig.
 

Natapos ko ang lecture ng lalaki. Marami akong napulot sa mga sinabi
niya. Nang naglalabasan na ang mga nakinig sa lecture ay tinangka kong
lapitan ang lalaking nagsalita ngunit maraming pumaligid sa kanya na
waring kulang pa ang oras ng kanyang lecture at marami pang gustong
itanong.
 

Nagtanong ako sa isang lalaking nakinig sa lecture. At sinabi niyang ang
nagsalita ay ang labor leader na si Crispin Beltran. Natural, namangha
ako sa narinig ko sapagkat madalas ko nang marinig ang kanyang pangalan
ngunit di ko pa siya nakikita.
 

Idiniklara ni Marcos ang martial law at maraming mga aktibista,
manggagawa, pari, guro, magsasaka, estudyante, atbp dinakip at
ikinulong. Wala na akong balita sa kanya hanggang sa naging masigla ang
itinatatag na samahang manggagawang Mayo Uno. Lumutang muli ang pangalan
ni Crispin "Ka Bel" Beltran.
 

Sa isang pagtitipon makaraang maibagsak ang rehimeng Marcos, nakita ko
si Ka Bel na nakikipag-usap sa ilang kalalakihan. Sa obserbasyon ko,
waring malaking karangalan sa mga kasapi ng mga sektoral na organisasyon
na makausap man lang nila si Ka Bel.
 

Aaminin kong noong simula'y asiwa akong lumapit kay Ka Bel. Pinagtawanan
ko ang aking sarili na marahil ay tumimo sa isipan ko na siya'y isang
"abogado." Baka makipagdebate lang siya sa akin.
 

Mali ang akala ko. Tao pa rin ang lider manggagawang si Ka Bel. Nang
makita niya ako ay kinumusta niya agad ang kilusan sa kalikasan. Dito na
nagsimulang magkwento si Ka Bel.
 

Sabi niya, "huwag na huwag n'yong bibitawan ang advocacy sa kalikasan
sapagkat ang kalikasan ang kinabukasan nating lahat. Hindi lang ang
kabuhayan ang winawasak ng mga ganid na pumuputol ng mga puno, pumapatag
sa mga kabundukan, at nagnanakaw ng mga mineral na yaman ng ating bayan,
kundi ang kinabukasan ng mga anak natin at magiging anak nila."
 

Marami siyang napuntahang lugar sa loob at labas ng bansa at sinabi
niyang ang dami nang nasirang yaman ng kalikasan. Natandaan kong
binigkas niya na, " Kapag lumaya na ang Pilipinas sa pang-aapi at
pagsasamantala, ang dami nating kukumpunihin sa ating kapaligiran na
sinira ng mga dayuhan at mga galamay nila rito sa ating bayan."
Kapag nagpapaliwang si Ka Bel nang ganito ay naaalala ko ang Crispin
Beltran noong high school ako na may commitment ang pagsasalita at tunay
na diwang palaban. Pero tulad nang sinabi ko. Marunong ding
makipagbiruan si Ka Bel. Marami rin siyang kwentong nagpapatawa.
Hindi lang dinagdagan ni Ka Bel ang rubdob ng pagmamahal ko sa kalikasan
at bayan, sumakit pa ang panga at tiyan ko sa katatawa sa mga kwento
niya noong gabing 'yon. Hindi ko na maiisa-isa sapagkat kukulangin ang
ispasyong ito.
 

Ang isang mahalagang bagay kay Ka Bel sa kanyang pagiging lider ay ang
kanyang kababaan ng loob, at katapatan. Hindi ko kailanman nakita o
naringgan ng salita o pag-aasal na nagpakita ng kayabangan ng ugali si
Ka Bel. Ito ang dapat tularan ng mga bagong lider-aktibista ngayon,
maging saan man sila galling na sektor. ( e-mail address –
bangonkalikasan@yahoo.com)


 

 
           

Home

Send us your feedback