Migrant workers in Rome

extol Ka Bel in a night of tribute

 

Part I- KMU Tribute   Part II - Tributes and Messages   Part III - Tribute of Partylist groups   Part IV - Hong Kong

 

Part V - Switzerland   Part VI - Toronto   Part VII - Netherlands    Part VIII - Vancouver    Part IX - Korea

 

Part X - Australia    Part XI - Rome   Part XII - Seattle    Part XIII - San Francisco Bay Area    Part XIV - New York   

 

Part XV - Japan     Part XVI - Los Angeles    Part XVII - Ka Bel in Albay    Part XX - Huling Paalam

 

May 25, 2008

 

 

 

 

   
/p
Google

/p
Photos courtesy of Migrante - Italy
           
           

 

Gabi ng Parangal para kay Ka Bel mula sa Roma

Nagtipon-tipon ang mga migrante sa Roma para alayan ng isang gabi ng parangal ang natatanging lider obrero at bayani ng masa na si Ka Bel.

Halos di pa rin makapaniwala ang mga kasama at mga migranteng pinoy sa Roma sa di napapanahon na pagpanaw ni Ka Bel. Laman ng usapan sa mga umpukan ng mga pinoy at talakayan maging sa radyo ang biglaang pagyao ng isang mabuting lider, kasama at ama ng tahanan sa katauhan ni Ka Bel.

Sa gabi ng parangal nagtipon ang mga lider at kasapi ng UMANGAT, MIGRANTE at SOLIDMOVE para talakayin at pahalagahan ang buhay at pakikibaka, layunin at mithiin ng isang tunay na lider obrero.

May mga kasama na nagbahagi ng karanasan at mga aral na natutunan nila mismo sa piling ni Ka Bel at may mga kasama rin na di man personal na kilala si Ka Bel ay maraming natutunan sa pagsubaybay sa buhay, pakikibaka at karanasan ng isang tanyag na mambabatas at lider ng bayan. Kahit sa magkaibang antas ng kamalayan at karanasan sa pagkakilala kay Ka. Bel, iisang tinig ang nagpupuri sa kadakilaan ni Ka Bel bilang isang tunay na bayani na isinasabuhay niya sa lahat ng oras, pagkakataon at panahon ng kanyang buhay, mapasa lansangan o sa kapulungan o sa tahanan. Tunay at dakila ka kasamang Beltran.

Kasama rin sa gabi ng parangal ang ilang lider simbahan at sila man ay nagbigay din ng kanilang pahayag ukol sa mga maningning na ala-ala ni Ka Bel. Ilan sa kanila ang nagpahayag ng kanilang karanasan kasama mismo ni Ka Bel sa piling ng isang komunidad na sinalanta ng sunog sa Pinyahan, Q.C., at nabanggit ang ginawi ni Ka Bel sa paghawak ng isang piraso ng kahoy na nagbabaga at tinuran na "sa pamamagitan ng bagang ito ay lalong mapatibay ang ating pagkakaisa."

Kaya't sa pagtatapos ng gabi ng parangal ang lahat ay nagkaisa sa pagsasabing TULOY ANG LABAN NI KA BEL!!! MABUHAY ANG MANGGAGAWANG PILIPINO!!!!


Roma, 25 Mayo 2008
 

     
           
           
           

Home

Send us your feedback