 |
PAMANTASANG HIRANG:
PANGWAKAS NA TULA
BIENVENIDO LUMBERA
Professor Emeritus at Pambansang Alagad ng Sining
Binasa sa pagtatanghal ng ”Pamantasang Hirang,”
Selebrasyon ng UP
Sentenyal, Hunyo 18, 19, 20, 2008,
sa Cultural Center of the Philippines.
Bulwagang kolonyal ang pinagsimulan
Sadyang itinayo bilang pasanayan
Ng manunungkulan sa pamahalaan
Ng Amerikanong sumaklot sa bayan.
Taliwas sa layon ng mga sumakop,
Ang unibersidad, nagbangon, kumilos,
Natutong lumaya, tumayong bantayog,
Naging institusyong ayaw magpabansot.
Karunungang handog ng unibersidad
Ginawang tumana ng bayang maunlad,
Binhing kaalama’y pinunla sa utak,
Sa sambayana’y tumubo ang lakas.
Kayong kabataang salinlahing bago,
Halina’t araling magpakatotoo,
Magtanong, tumutol, suriin ang dayo,
Sarili’y hanapin, kayo’y Filipino.
|
Abutin ang sulo ng giting at
tapang,
Bayang sinisilim ay inyong tanglawan,
Hawiin ang dilim ng pandarayuhan,
Akayin ang bayan sa kaliwanagan.
Awit at tulain sa baya’y ihain,
Bako-bakong landas ng baya’y patagin,
Ang araw ng bukas huwag paghintayin,
Sa langit ng ngayo’y dapat nang magningning.
Taong magdaraa’y may paghamong hatid,
Hihinging ialay ang puso at dibdib,
Hahamunin kayong sarili’y iwaglit
Lumwalhati lamang ang bayang piniit.
Sa pagsulong ninyo tungo sa pangarap,
Oblation ay naryan, bantayog ng lakas,
Hahamunin laging ihandog ang lahat
Nang kamtin ng bayan ang paglayang ganap.
Sumulong patungo sa bagong sentenyal,
Simulang isaysay bagong kasaysayan,
Sige, kabataan, sa giting mo’t tapang,
Itanghal ang bagong pamantasang hirang.
|
|
Letter to the Editor
Philippine Daily Inquirer
First Posted 02:46:00 06/20/2008
UP closed to brightest of
poor
On the third day of classes in the hundredth year of the University of the
Philippines (UP), a freshman from Cotabato province, a Chemistry major at
UP in Diliman, Quezon City, had to drop out. Together with his father, the
brokenhearted young man went to see each of his instructors to have his
subjects invalidated.
While his Math 17 instructor was deleting his name from the class list, I
could see the poverty, desperation, anger and sense of resignation in
their faces. It was not the disappointment of winning the lottery and
being denied the prize later. The young man is a member of a minority
group in Mindanao. Without any connections and in the absence of any
socialized admission policy, he qualified as a freshman in the College of
Science of UP Diliman, a distinction he earned through intelligence, pure
hard work and perseverance amid poverty. But in a few days, father and son
are going back to Mindanao for good.
The father explained they could not afford the "socialized" tuition at
P600 per unit for students in Bracket C, families whose annual incomes
range from P135,001 to P500,000 per annum. The father and son expected to
be in Bracket D, families with annual incomes ranging from P80,001 to
P135,000. Students in bracket D pay P300 per unit.
|
UP president Emerlinda Roman
seems to be disconnected from reality, or she must be fooling herself by
insisting that the new Socialized Tuition and Financial Assistance Program
(STFAP) is fair and proper for an "iskolar ng bayan" [scholar of the
nation]. Her family should try living on P6,666.75 a month (which when
multiplied by 12—the number of months in a year—equals P80,001, the lower
bound of Bracket D incomes).
UP, no longer conscious of its role in society, chooses to ignore the
long-term impact of offering greater genuine educational opportunities to
the brightest among the poor, who are getting poorer amid the reported
economic gains of the country. Socialized admission and tuition fee
schemes do not lower academic standards. I've had countless students from
public schools and far-flung provinces. They come to UP not as well
prepared as their counterparts from the best schools in Metro Manila. But
many later outshine the sometimes overconfident Manila-raised kids.
After the new STFAP took effect last year, UP is no longer an option for
the brightest among the poor. I agree with the cab driver whose daughter
qualified for UP Diliman, as narrated in Youngblood (Inquirer, 3/24/08) by
Mariel Kierulf Asiddao, a UP Mass Communication student. The cab driver
insisted it was ESTIFAK and not STFAP.
NOLI N. REYES, professor, Institute of Mathematics, University of the
Philippines, Diliman, Quezon City
|
|
Queer na Politika at Selebrasyon ng UP
Centennial
Pomp at pageantry ang inaakda na bisyon ng administrasyon sa UP
Centennial. Pinapakita ang naratibo ng edukasyong UP bilang natatangi sa
bansa. At nang sa gayon ay higit pang kumita. Ito ang inaakala ng
administrasyon. At ang trahedya nito, pinagkakakitaan nito ang nakaraang
pamana ng 100 taon na pinagsimulan ng kolonyal na edukasyon at ang
transformasyon nito sa pagiging social commentator ng bansa.
NI PROPESOR ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Vol. VIII, No. 20, June 22-28, 2008
Pageantry o magarbong spectacle ang pangunahing lagusan ng selebrasyon ng
UP Centennial. Isang daan taon matapos itatag ang pangunahing unibersidad
sa bansa, ang Unibersidad ng Pilipinas ay patuloy pa ring nagtatangkang
ireafirma ang kanyang kontribusyon sa akademikong kagalingan at serbisyo
sa bansa.
Na nagpapadiin sa tumutunghay sa selebrasyon na kakatwa ang gamit sa queer
na politika na tumutukoy sa panlipunang konstruksyon ng katawan, paglaban
sa sexual na normativity, at produktibong gamit sa kalabisan (excess) sa
pagtatanghal ng kontraryong identidad. Sa kaso ng queer politics,
lumalaban ito sa heteronormativity o ang sosyalisasyong panlipunan na
sabayang nagtatakda ng pagbibigay-pribileh iyo sa heterosexualidad at
nagsasantabi sa iba pang uri ng sexualidad, tulad ng bakla, lesbiana,
bisexual at transexuals.
Nagbukas ang pagdiriwang sa isang parada. Magarbong fireworks ang
naghudyat ng pagsisimula ng selebrasyon. Matapos ay parang de-kalibreng
balang pinaputok isa-isa ang mga aktibidad: centennial lectures (gastos ay
P13 milyon), tri-media projection (P12 milyon), centennial concert (P5
milyon), centennial notes (P5 milyon), centennial awards (P2 milyon),
centennial literary contest (P2 milyon), audiovisual presentation (P2
milyon), history project (P1.4 milyon), coffee table book (P1.5 milyon),
digital film making contest (P.7 milyon), centennial music video (P.7
milyon), centennial address book (P.5 milyon), centennial glass plates (P5
milyon), centennial song contest (.4 milyon), centennial newsletter (P.3
milyon), events poster (P.15 milyon), capital outlay projects (P5 milyon),
at administrative expenses (P5 milyon).
Ang suma total ng pagdiriwang ay P147.15 milyon. Kapansin-pansin na ang
selebrasyon ay nakaangkla sa paglikha ng temporal na performatibong imahen
ng UP. Temporal dahil time-bound na kasalukuyang paggunita sa 100 taong
kasaysayan. Marami sa proyekto ay awards sa sarili, produksyon ng
panitikan at kasaysayang sentenaryo na nagdadamba sa inaakalang ideal ng
UP.
Performatibo rin ito dahil itinatanghal sa concert, literatura at awit ang
paggunita. Kakatwa rin na kitsch ang maraming pinopondohan ng selebrasyon:
plato, address book, coffee table book, music video at iba pa. At dahil
ang bulto ng selebrasyon ay isinasagawa sa isang takdang panahon (ang taon
ng sentenaryo), tunay na kalabisan na itong paggunita.
Naglipana sa flagship campus sa Diliman ang paalaala ng sentenaryo. Hindi
ito makakaligtaan. Mula sa “UP@100” sa Quezon Hall, sa sandamakmak na
tarpaulin na nagkalat mula bukana ng Oval hanggang sa bawat pagbati at
anunsyo ay nakaangkla sa selebrasyon ng UP Centennial. Bakit ganito na
lamang ang diin na ipaalaala ang sentenaryo?
Ano ang gustong ipaalaala ng UP sa kanyang sarili sa ka-OA-yan ng
paggunita? Kung akademikong kagalingan, bakit walang substansyal na
proyektong pang-akademiko na maaaring mabiyayaan ang mga fakulti at
mag-aaral? Bakit hindi nadagdagan ang scholarship para sa mag-aaral o
egalitaryong pag-angat ng kalagayan ng fakulti conducive para sa
kagalingan? Kung ito ay serbisyo sa bansa, bakit puro paggunita sa
nakaraan, hindi sa hinaharap?
Na matapos ihinto ang proyektong volunterismo ng Pahinungod, ano pa nga ba
ang tunay na serbisyo ng UP sa bansa? Na marami sa kanyang nagsipagtapos
ay naging presidente, at sinundan ng landslide ng mga skandalo ng
panungurakot bilang presidente, tulad ng kasalukuyang nakaluklok? O naging
kabinete na nagpatupad ng higit pang liberalisasyon ng ekonomiya para sa
serbisyo ng dayuhang negosyo?
Hindi kaya dahil may kontra-produktibong substansyal na kontribusyon din
ang UP sa pagtalikdan sa interes ng sambayanan na maramihan nitong
gunigunita ang posibilidad at hindi ng realidad? Na ang ipinagdiriwang, sa
isang banda, ay ang mga bagay na nagawa, kahit pa limitado at hindi
maximisado sa potensyal ng kanyang papel sa sambayanan. Na matapos nga
naman ng 100 taon at bilyon-bilyong resources na in-invest dito ay mayroon
naman talaga itong magagawa.
Pero hindi pa rin lubos sa klase ng pagkaunlad ng UP at sa pagmaniobra
nito ng higitan pang neoliberalisasyon ng edukasyon sa kolehiyo. Magtataas
lang ng matrikula, 300 porsyento pa ang laki? Kokomersyalisahin lang ang
lupa nito, call center pa ang itinatayo sa Commonwealth Avenue? Na walo
lamang sa 2,500 bagong freshies ngayong schoolyear ang may full
scholarship? Na magpapaaproba lang ng bagong Charter, korporatisasyon ang
tinungo?
Sa kabilang banda, ang hindi sinasabi ng pagdiriwang ay ang hindi rin
nagawa ng UP. At dahil malawakan, malaliman at malakihan pa ang hindi
nagagawa ng pangunahing unibersidad ng bansa, labis-labis ang pagdambana
sa (limitadong) nagawa na nito. At kung gayon, ang kalabisan ay nakabatay
rin sa pagtatakip ng administrasyon sa mga hindi nagawa ng UP.
Kung sa queer na politika, kinikilala ang kakayahan ng indibidwal at
sektor na magsiwalat ng kontra-heteronormat ivity na praxis, ang queer na
politika sa UP Centennial ay may normatibong kalakaran. Hindi kontraryo,
kundi pagtapik sa sariling balikat ang isinasaalang- alang ng pagdiriwang.
Pagbubuhat sa sariling bangko. Hindi rin kalabisan kung sasabihing
arrogance ito ng UP na itanghal ang sarili, sa pagkaaproba ng bagong
charter nito sa sentenaryong taon, bilang kaisa-isang “national
university.” Na parang ito lang ang may pambansang saklaw na unibersidad
at may direktang akses sa gawaing pambansa (nation-building) .
Pero gaya na rin ng pagsusuri hinggil sa bagong charter, ang pagiging
national university ay mas tugma sa itinatakdang pribatisadong gawain ng
UP—bilang magnet ng kita mula sa lupain at ari-arian nito, kasama ng
dunong ng kanyang fakulti at estudyante. Sa katunayan, ang presidente ng
UP ang kinikilala nang chief executive officer, tulad sa pribado at
gobyernong korporasyon.
At sa kauna-unahang
pagkakataon, ang sweldo ng presidente ng UP ay maaaring lampasan pa nga sa
kita ng presidente ng mga higanteng korporasyon. Hindi ba ito panibagong
anyo ng kalabisan? Ang kapansin-pansin sa maniobrang tulad nito, kasama
ang selebrasyon sa UP Centennial, ay ipakita ang bagong artifice ng UP. |
Ang artifice na ito ay walang ugnay sa legacy ng Oblation, ang simbolo ng
UP, na ang panawagan sa miyembro ng komunidad ay tumamasa ng biyaya ng
kaalaman at karunungan. Na nagsisilbi ang UP sa sinuman at anumang
nagpapatibay ng ugnay sa sambayanan.
Para na rin itong artifice ng
transgender at transexual na bading. Alam nating bading ito, gaya nang
ipinagsisigawan ng kapamaraan ng konstruksyon ng kanyang katawan, bilang
pag-aninag sa kanyang pagkatao na kontraryong nilalang sa heterosexualidad.
Hindi siya umaasang hindi mapapansin ito, parating may nakausling hibla
maging sa pinakamagandang bading, na magpapanatili na ito ay nahulma sa
lalakeng biolohikal na pagkatao.
Ang ginagawa ng selebrasyon ng UP Centennial ay normalisasyon ng di na
nito ginagawa—ang abdikasyon maging sa mismong aktibistang kasaysayan na
nagbago ng karakter ng UP at higher learning simula pa 1960s. Iginagayak
ang bonggang kaganyakan ng selebrasyon sa kulang sa bonggang
imaterialisasyon ng hindi nito nagawa.
Binobongga para itago ang hindi nagawa. At ang hindi na gagawin. Bongga,
di ba? Malinaw sa termino ng sentenaryong pangulo ng UP, si Emerlinda
Roman, ang neoliberal turn na isinasagawa ng kanyang administrasyon.
Market-driven ang mga programa at rekurso sa paghahanap ng dagdag na pondo.
Ipininta ni Roman ang kanyang sarili sa kanto ng kwarto. At buong giliw
naman itong nilalasap ang view mula sa kanto. Tunay ngang may sariling
republika ang UP na nakahiwalay sa sambayanan. At gaya ng karanasan sa
panonood ng sine, itinatanghal ng maraming nakapaloob sa institusyon (kaiba
sa komunidad) ang voluntaryong pakikibaybay sa direksyong tinatahak.
Pangako ng mas mataas na sweldo, mas magandang fasilidad, mas mabangong
banyo (kung pwede pa nga, tulad ng aircon at marmol na banyo sa De La
Salle University), mas mataas na karangalan ang inaasam-asam.
Pero ang kwento ng mga pangako ay napapako. Dagdag na naman sa di magagawa
kahit mismong administrasyon ni Roman. Ang rekurso ng susunod na
administrasyon ng post-sentenaryo ay higit pang paigtingin ang
predikamento ng market. At kung magpakaganito, maging ang Oblation ay
maari na ring ibenta. Kung hindi pa nga ito nagagawa.
Ang UP Centennial ay nagbibigay-diin sa branding ng UP. Ang branding ay
isang naratibong kayang bumenta nang higit sa aktwal na halaga. Ang
Mercedes Benz ay luxury car. Ang Coke ay the real thing. Just do it ang
Nike. Love ko ito ang McDonald. Langhap sarap ang Jollibee. Kaya nga
willing tayong magbayad nang lampas sa aktwal na halaga dahil napapaniwala
tayo sa inilalakong kwento ng mga produkto.
Pinagkakakitaan ng UP Centennial ang nakaraan nito, lalo pa ang
aktibistang karanasang substansyal ang ambag sa transformasyong historikal
at panlipunan. “Social consciousness” ang pangunahing bentahe kung bakit
ang UP ay UP. Kung ito ay “man for others” sa Ateneo University, ang
sinisimbolong paglilingkod sa sambayanan ang niche market ng UP graduate.
Kaya naiiba ang substansya ng katawan ng UP graduate na inilalako ngayon
ng UP sa bayan, kundi man sa call center nito sa Commonwealth Avenue. Ang
panlipunang kamalayan—ang mulat at nakakapagmulat, ang exemplar ng
pinakatampok na liberal na edukasyon sa bansa—ang ikinaiba ng UP.
Kaya ang Oblation ay tulad na lang ng imahen ni Che Guevarra sa
text-generation na nagsusuot nito dahil hip at cool, mukhang rock star, at
rock star ang dating ng may t-shirt. Wala nang orihinaryong kahulugan na
sinasambit ito. Binura na ng neoliberalismo ng business administration at
economics na kamalayan at management practice ng administrasyon.
Pero nabebenta ang Oblation: sandamakmak ang t-shirt sa shopping center na
may imahen nito, nasa coffee mugs, nabibili rin bilang skulturang tropeo,
at kabahagi nga ng lahat ng anunsyong may kinalaman o wala sa UP
Centennial. Wala lang, parang dapat naroon kahit wala rito o roon ang
winala na nitong kahulugan.
Pomp at pageantry ang inaakda na bisyon ng administrasyon sa UP
Centennial. Pinapakita ang naratibo ng edukasyong UP bilang natatangi sa
bansa. At nang sa gayon ay higit pang kumita. Ito ang inaakala ng
administrasyon. At ang trahedya nito, pinagkakakitaan nito ang nakaraang
pamana ng 100 taon na pinagsimulan ng kolonyal na edukasyon at ang
transformasyon nito sa pagiging social commentator ng bansa.
Ang radikal na kasaysayan ay kinakaligtaan sa kasalukuyang selebrasyon
kahit pa ang radikal na kasaysayan ay isang tampok na defining moment ng
UP. Kung isinasalang man, dahil hindi na maitatwa ang historikal: Diliman
Commune, ang mga namundok, ang mga naging martir, ang paglahok sa EDSA 2,
at ang kasalukuyang partisipasyon sa pagpapatalsik kay Arroyo.
Aksesorya na lamang ang aktibismo, tulad ng Oblation. Nandiyan at hindi
naman maaring tanggalin. At kung nandiyan, bakit hindi na lang din
pagkakitaan. Nang dinisenyo ang Quezon Hall bilang lagusan mula sa
panorama ng University Avenue, in-imagine ito bilang transparent na
strukturang pagtatagusan ng sinumang mapadaan sa kanyang poder.
Pero sa nagaganap na selebrasyon at sa bigwas ng implementasyon ng
neoliberalismo ni Roman, marami nang itinatago. Naalaala ko para sa isang
klase sa Kulturang Popular na gusto kong iakyat ang mga estudyante sa
balkonahe para matunghayan nila ang pakiwari ng transparency ng
kapangyarihan ay pinagbawalan kaming gawin ito.
Wala namang memo na iniharap. Bawal daw, sabi ng gwardiya. Na hindi ko
maintindihan dahil mismong ang liberal na pamantasan ay kumitid na ang
kalakaran. Mismong ang akses sa akademikong kagalingan at transparency ng
pamumuno ay binura na. Ano ang itinira?
Hindi koinsidental na ang pomp at pageantry ay nakabatay sa
image-building. Pagkatapos ng Kodak moment ng mga paputok at 100 hubad na
lalake sa Oblation Run, ano ang labi? Higit pang imahen, tulad ng digi
film, photo at MTV competitions at coffee table book na tiyak nating hindi
natin mabibili at kung gayon ay hindi matatagpuan sa ating mga sala.
Isang daang hubad na lalake, nakamaskara at dinidirektang maglakad sa UP
Oval tungo sa Quezon Hall ang naganap noong Hunyo 18. Inagaw ang eksena
raw sa pagdiriwang ng UP Centennial. Paano aagawin ang isang imahen kundi
ng isang mas malaking imahen.
Ito o/at patuloy na aktibismong pilit na ibinabaon sa pagdambana ng
ofisyal na kasaysayan. Sa huling paghuhusga, ang cornerstone ng UP ay kung
paano ito tunay na nakakapaglingkod sa sambayanan.
Maligayang kaarawan, Oble at sa mga skolar-guro- kawani ng bayan! Bulatlat
|