|
Student Christian Movement of
the Philippines
NCCP Compound, 879 EDSA Quezon City
Mobile Number: 09289526973 E-mail: scmp.infomedia@yahoo.com
News Release
June 26, 2008
Students remember Karen and Sherlyn on 2nd year;
Enforced disappearances is the worst form of torture,
students say
The youth group Student Christian Movement of the Philippines (SCMP)
expressed support for the families of desaparecidos on International Day
Against Torture and the second year of the disappearances of UP students
Karen Empeno and Sherlyn Cadapan.
"We believe that enforced disappearances is the worst form of torture.
While the victim suffers from physical and psychological torture, their
families also suffer from mental torture from being separated from their
loved ones," SCMP chairperson Biyaya Quizon said.
Quizon said this after a mother of a desaparecido, Concepcion Empeno,
shared in a forum her heartaches as a mother.
Empeno is the mother of Karen. Erlinda Cadapan, mother of Sherlyn, was
with her in the gathering on June 25, a day before exactly two years when
the said students were abducted and went missing in Hagonoy, Bulacan.
In the gathering titled "Kalayaan!" (Freedom), friends of Karen and
Sherlyn shared their testimonies of the good times, and the struggles,
that they shared with the two. Various youth groups, including young human
rights advocates and seminarians, offered songs, prayers and a panata
(oath) to continue the struggle the two students have begun.
The two students immersed in a farmers' community in Bulacan to support
their plight for land and rights.
The parents responded by thanking the audience for supporting their fight,
and said they gain strength from knowing that the lives of their daughters
were offered for the oppressed and poor.
"Kay Karen ako kumukuha ng lakas...Ngayon ko naiintindihan kung anong
klaseng pagmamahal ang ibinigay niya sa amin, na ibinibigay niya rin ito
sa marami nating maralitang kababayan (I get my strength from Karen...Now
I understand what kind of love she gives for us, it is the same love that
she share for our poor countrymen,"Empeno said.
"In a time of unrest, we youth choose to pursue what our fellow students
Karen and Sherlyn have fought for, as we continue to search for them,"
said Paolo Marco Mapula, spokesperson of Tanggulan Youth Network for Civil
Liberties and Human Rights.
After the gathering in UP Diliman, some 100 students and teachers marched
carrying banners "Ilitaw at Palayain si Karen at Sherlyn!" (Surface and
free Karen and Sherlyn) and "Panagutin ang gobyernong Arroyo sa mga
paglabag sa karapatang pantao!" (Make the Arroyo government accountable
for all human rights vioations).
This morning, some students and families of desaparecidos (the missing)
held a protest action infront of Camp Aguinaldo.
"We will continuously condemn the Armed Forced of the Philippines and the
Arroyo government for making more lives in peril because of its systematic
plan of repression. This is no different from the terrorism brought about
by the current economic crisis," Quizon said.
SCMP and other youth groups will continue to support the families of
desaparecidos, especially of Karen and Sherlyn, as they wait for the next
hearing of the petition for the writ of amparo for the two on July 1. ###
For Reference:
Ma. Cristina Guevarra,
Information officer and secretary general
09186106275
|
 |
 |
Dalawang Taon nang Nawawala
Teo S. Marasigan
http://kapirasongkritika.wordpress.com/
Ngayong araw, dalawang taon nang nawawala sina Karen Empeño at Sherlyn
Cadapan, mga aktibistang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na
nag-volunteer sa isang organisasyon ng mga magsasaka sa Bulacan at dinukot
noong 2006 sa Hagonoy.
Para sa ating nagagawa ang mga gusto at kailangang gawin, napakabilis lang
ng
dalawang taon. Pero para siguro sa kanilang dalawa, napakabagal ng
pagtakbo
nito. Ang nakakalungkot, posibleng wala na silang malay ngayon sa
pag-andar ng
oras o panahon.
Dumalo ako kahapon sa “Kalayaan!” – porum ng mga organisasyon at alyansa
para
kina Karen at Sherlyn. Linawin natin: Hindi ito parangal, kundi
pagpapatuloy
ng pagkondena sa pagdukot sa dalawa ng militar, at ng pananawagang
palayain na
sila. Bukod sa mga tagapagsalita ng mga organisasyon at alyansa, naroon
ang
mga kasama, kaibigan at kaanak ng dalawa – tampok sina Nanay Concepcion at
Erlinda.
Sa porum, tumimo sa akin ang magkakaibang pananaw – ng gobyerno sa isang
banda at ng mga kasama, kaibigan at kaanak nina Karen at Sherlyn sa kabila
– sa kung bakit ginawa ng dalawa ang ginawa nila: Tinalikuran ang
relatibong
komportableng pamumuhay para sumama sa buhay at paglaban ng mga magsasaka,
tinahak ang landas na hindi sinusuong ng maraming katulad nilang
nakatuntong sa kolehiyo.
Lumilitaw, sa sinabi ng mga nakakilala kina Karen at Sherlyn, na pareho
silang
mapagmahal sa kapwa – iyung nakikita at hindi nila nakikita sa araw-araw.
Mapagkalinga sila sa mga nakatrabaho at mapagmalasakit sa mga mahihirap.
Pareho rin silang matapat at matalas magsabi ng saloobin. “Nanenermon” si
Karen kapag hindi maayos ang mga bagay; “naniningil” si Sherlyn kapag
hindi
nagagawa ang mga dapat.
Hindi man sinabi ng mga nakakilala sa dalawa, naniniwala akong mahalaga
ang
mga katangiang ito kung bakit naging aktibista – maalab na aktibista – ang
dalawa. Hindi sapat, pero mainam na panimula sa pag-unawa sa lipunan at
pagsisikap na mag-ambag na baguhin ito. Ginawa nila ang lohikal na
kongklusyon
ng kabutihan ng loob nila. Aral ito sa pagpapalaki ng anak – na sana’y
mapulot
ng marami.
Sa kabilang banda, sa presentasyon nina Antonio Tinio, tagapangulo ng
Alliance
of Concerned Teachers, at Ruth Cervantes, public information officer ng
Karapatan, makikita ang pag-unawa ng gobyerno kung bakit nagkaroon ng
Karen,
Sherlyn at di na rin mabilang na katulad nila. Tila mga “prenteng
organisasyon,” “mapanlinlang na propaganda,” at “tusong pagrerekrut” ang
paliwanag ng gobyerno.
Kaya naman ang tugon ng gobyerno: Takutin ang publiko, ang mga hindi
aktibista, na huwag sumali at magpadala. Kaalinsabay nito, dahasin –
ligaligin, patayin, dukutin – ang mga aktibista. Ang miyembro ng publiko
na
noong una’y pinag-iingat at iniingatan pa nga raw, kapag naging aktibista,
makakalasap ng dahas. Lumilitaw ang larawan ng isang gobyernong
nanggigiyera
sa mismong mga mamamayan nito.
Hindi tumutugma ang paliwanag na lumilitaw sa mga sinabi ng mga kaibigan
at
kaanak nina Karen at Sherlyn sa paliwanag ng gobyerno. Patunay ito ng
hindi
pagkakaunawaan, ng batayang pagkakaiba, at ng pagpapatuloy ng salungatan.
Ang gusto ng gobyerno: Manatili ang mga tao sa kani-kanilang lugar,
makiisa sa
balangkas ng pag-unlad na matagal nang ipinapangako, sumunod sa mga
programa’t patakarang lalo pa ngang nagpapasahol sa lagay ng karaniwang
tao.
Ang gusto nina Karen, Sherlyn, at ng mga katulad nila: Tunay na pagbabago
at
pag-unlad na nakakamit sa aktuwal na pagkilos ng mga tao, at pagluluklok
ng
mga programa’t patakarang direktang papakinabangan ng karaniwang tao.
Dalawang taon matapos dukutin sina Karen at Sherlyn, nagbabanta ng
panibagong
bugso ng pampulitikang pamamaslang at pagdukot ang gobyerno. Dalawang taon
matapos silang mawala, patuloy na lumalaban ang mga kasama, kaibigan at
kaanak nila – nagpaparangal sa kabutihan nila at namamanatang itutuloy ang
laban
nila.
Labanan ito ng mahina at malakas – sa ngayon. Pero hindi maiiwasang
tingnan
ito na labanan, higit sa lahat, ng mabuti at masama. |