|
== |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
|
Stifanny Sol reads a message
from a STAND-IIT alumni |
Sr.
Maria Jesus Braza, Coordinator of Catholic Center Campus Ministry where
Kimay served as one of its student leaders |
Pat
Argen Marzon reads a message from LFS-Southern Mindanao Region |
|
|
|
|
 |
From:
http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/statements/releases.pl?date=100108;refer=cpp;lang=eng
PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines
CPP pays tribute to Kimay, urges youth and students to join NPA
January 8, 2010
The Communist Party of the Philippines (CPP) today paid revolutionary
tribute to Kemberly Jul Luna, a former youth activist and Mindanao State
University-Iligan Institute of Technology student leader, who was martyred
last December 15 as a Red fighter of the New People's Army (NPA). She was
fatally hit with a bullet that went through her chest and nape in an
encounter of her NPA unit with fascist troops of the 8th IB in Barangay
Concepcion, Valencia City, Bukidnon.
'Kimay,' as she was fondly called by her friends, was placed by the CPP,
the National Democratic Front of the Philippines and the NPA in the "hall
of martyrs and heroes" of the people's democratic revolution.
"The CPP, the national democratic revolutionary movement and the Filipino
people salute her and her seven other NPA comrades who died as people's
revolutionary heroes, and express sympathy with their families, loved ones
and comrades-in-arms," said the CPP.
"We express sympathy with Kimay's family, friends and co-fighters both in
the armed revolutionary movement and in the student democratic where she
was earlier involved in--all of whom value her martyrdom as her highest,
final contribution to the national democratic revolutionary cause, even as
her early death was a great loss to all who knew and loved her."
"Her martyrdom is extolled as well by the peasant masses whom she
intimately lived with and served as a Red fighter and medic of the NPA
until her last day," added the CPP. "Her life of tireless work and
selfless sacrifice for the downtrodden will forever be etched in the
hearts of those she loved, worked and died for."
"Her death has inspired a number of revolutionary poems and essays written
about her, her revolutionary commitment and her struggles. It inspires
even more students, young people and urban intellectuals to follow her
example in serving the people to the fullest of her capacity, going to the
countryside where the people's war rages, and waging the highest form of
revolutionary struggle."
"Kimay is a revolutionary model
who should be emulated by the youth and students and all of those longing
for an end to the grave sufferings of the Filipino people," said the CPP.
"When Kimay joined the NPA, she brought with her a profound grasp of the
need to wage armed revolution to help realize the patriotic, democratic
and progressive aspirations which she shares in common with hundreds of
thousands of youth and student activists and other fighters for the
cause."
"We enjoin the Filipino students and youth to follow the example of Kimay
and tens of thousands of others who have turned their backs against
selfish ambitions and have embraced the common dream of the Filipino
people for national and social liberation," the CPP added.
The CPP looks forward to a geometric growth in the recruitment of Party
members and NPA fighters from the ranks of students, youth and more cadres
and activists from the urban areas as well as from the countryside in the
coming years.
"The central leadership of the CPP has issued directives and instructions
to intensify recruitment among the youth and students and young workers in
order to keep up with the rapid expansion of revolutionary armed struggle
in the countryside and help in the further expansion and strengthening of
the NPA and its guerrilla fronts and revolutionary bases."
"Party members and activists are poised to step up recruitment in
university campuses, factories, worker and urban poor communities in Metro
Manila and other urban centers as well as in the rural areas," said the
CPP.
"Let us pay tribute to Kimay by amplifying the call for student, youth and
other activists to join the New People's Army. As the people's revolution
gears for greater advances, there is a growing need for more youth and
students and activists from the other sectors to sign up as Red fighters,
combine with the peasants and workers and contribute to carrying out the
tasks of people's war with unprecedented vitality."
Reference:
Marco Valbuena
Media Officer
Cellphone Numbers: 09156596802 :: 09282242061
-mail:cppmedia@gmail.com |
|
Kraite Gerwin Hernandez reads
a message from STAND-Univ. of San Carlos, Cebu City |
 |
|
A fellow AB English student
from MSU-IIT remembers Kimay as a loving friend and hardworking student |
 |
|
Kimay's former boardmate
recounts their shared experiences with kimay during her years as a student |
 |
|
Edu Velarde reads the message
from the LFS Nationa |
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
|
Bai Nishran Candao of Liga ng
Kabataang Moro |
Matet Conde of GabYouth |
Mark Jason Tan Cesar, present
STAND-IIT Chairperson |
|
|
|
|
|
|
 |
|
Poetry reading
|
 |
| Members of
the LFS Cultural Group pay their tribute to Kimay
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
LFS-SMR statement on the death of Kemberly Jul Luna
translated by Pia Montalban
“Only through militant struggle can the
best in the youth emerge.” – Jose Maria Sison
Pinapaabot ng League of Filipino Students – Southern Mindanao Region ang
taas kamaong pagpupugay para sa kasamang si Kemberly Jul Luna.
Ang buhay ng aktibista ay mahirap. Maraming pagsubok. Naririyan ang mga
panahong hindi makauwi ng bahay, napapagalitan ng mga magulang, mga gabing
walang tulugan, nalilipasan ng gutom at siyempre ang walang katapusang
paglubog sa mas malawak na bilang ng masa upang magmulat, magorganisa, at
magpakilos. Subalit hindi naman mababayaran ang tuwa ng mga kasama sa
bawat kampanyang naipagtatagumpay. Ito ang buhay ng isang aktibista. Ito
ang buhay ng mga kasama sa LFS.
Napakalaking sakripisyo ang pagkalimot sa mga pansariling interes, ang
paglabas sa apat na sulok ng silid-aralan ng burgis na paaralan, para
makapaglingkod sa mga magsasaka sa kanayunan, lalo na yaong mga nagmula sa
uring peti-burges. Sa esensya, batayang responsibilidad ng mga kabataan
ang lumubog at makilahok sa pakikibaka ng batayang masa.
Pinagpupugayan at kinikilala ng LFS-SMR ang personal na desisyon ni
Kasamang Kimay na ialay ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pakikilahok sa
armadong pakikibaka sa kanayunan, upang isulong ang pambansa at
demokratikong interes ng sambayanan.
Ang nagpapatuloy na pagsasamantala, pagyurak sa karapatang pantao, pasismo
ng estado at panggigipit ng mga Imperyalista ang nagtutulak sa sambayanan
lalo na sa kabataan na makilahok sa lahat ng porma at pamamaraan ng
pakikibabaka para sa tunay pagbabago at kalayaan.
Sa pagbagsak ng katawan ni Kasamang Kimay na tinamaan ng bala ng kaaway,
yumanig ang lakas ng sigaw ng sambayanan. Galit sa sinapit na kalagayan.
Galit sa naghaharing uri na patuloy na nagsasamantala sa masang api.
Mabuhay si Kasamang Kemberly Jul Luna!
Mabuhay ang lahat ng kabataang martir!
Isulong ang Pambansa at Demokratikong Pakikibaka ng Sambayanan!
Para sa tunay na hustisya at kalayaan,
Karlos Manlupig
LFS-SMR, Regional Spokesperson
*Translated by: Pia Montalban |
|
|
|
|
|
|
|
|
BONUS
TRACKS
Young martyrs and disappeared:
Some of the patriotic young men and women
who, like Kimay, served the people wholeheartedly and entirely
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
|
Rachelle Mae Palang,
22 years old
Pagsisiyam (Poem by E. San Juan, Jr.) |
Cris Hugo, 20
years old |
Farly Alcantara, 22
years old |
 |
 |
 |
|
Erika "Blondie" Salang, 20 yers old
See story below ▼ |
Riemon "Ambo" Guran, 21 years old |
Karen and Sherlyn (disappeared)
Eksenand Tahimik by Jess Santiago |
|
|
|
|
|
|
|
 |
Sa loob ng mga taong iyon ay nagsilbi si Erika bilang kasapi ng Highschool
Committee ng Pambansang Opisina ng ANAKBAYAN. Masipag siya at higit na
masikhay sa mga gawain. Isa siya sa mga tinitingala at kinagigiliwang
lider estudyante ng mga bagong miyembro—“agit” pero sensitibo, “gnd” (grim
and determined) pero malambing. Mahilig siyang makipagtuksuhan tungkol sa
mga buhay pag-ibig ng mga kasama hanggang sa pakikipagharutan o
pakikipaghabulan habang naglalakad papuntang Vinzon’s para sa dadaluhang
mga pulong.
Sa panahong iyon, maituturing nang buhay ni Erika ang pagkilos. Hindi
nagtagal at nagpasya siyang pumunta sa Camarines Sur para sa isang
dalawang linggong exposure trip noong Mayo 2001. Nang matapos ito, pormal
na dineklara ni Erika ang kanyang kagusutuhang magfulltime bilang isang
gerilya. Sa puntong iyon, sa edad na labing anim na taong gulang, siya ang
pinakauna sa aming henerasyon ng mga aktibista sa hayskul na magpasyang
magfulltime sa kanayunan.
Sa pag-alis ni Erika at sa kanyang kapasyahang magsilbi bilang isang
fulltime na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, hindi nawala ang mga
kontradiksyon—paungunahin sa kanyang pamilya. Bagamat relatibong
demokratiko ang naging pagpapalaki sa kanya ng ina, hindi pa rin naging
madali para dito na tanggapin ang naging desisyon ng anak.
Gabi ng pag-alis ni Erika, buo ang loob niya na hindi magpapigil sa ina.
Sinamahan siya ng isang kasama na naghintay sa labas ng kanilang gate.
Mula sa kanyang pwesto, dinig ng kasama ang naging pagtatalo ng mag-ina.
Sa isang punto, narinig niya ang binitawang mga salita ni Erika: “Hindi
ako nagpapaalam sa inyo, sinasabi ko lang na aalis ako”.Noong panahong
ding iyo’y batid ni Molly, ina ni Erika, na wala na siyang magagawa pa
upang mapigilan ang anak. Sinubukan niyang ipahabol sa kasambahay si Erika
ngunit nagmamadali itong lumabas ng gate, sumakay sa naghihintay na
tricycle, ngumiti sa kanya at kumaway habang mabilis na humarurot papalayo
ang sinasakyan.
Hindi pa noon batid ng ina ang bigat ng pag-alis ni Erika. Sa mga susunod
na panahon magmula nang magpasyang magfulltime doon si Erika ay miminsan
lamang ito makadalaw.
Miminsan at mabilis lamang ang mga pagdalaw. Karaniwan, ilang araw o
linggo lamang siyang mamamalagi rito at mababalitaan ko na lamang na
narito siya sa Maynila kapag paalis na siya o hindi kaya’y matitiyempuhan
ko siyang nasa rali. Kung minsa’y nilalagpasan ko siya, hindi alam na siya
pala iyon. Magugulat na lamang ako sa pagtawag niya sa akin, pagkatapos ay
mainit na babatiin at mahigpit na yayakapin.
Minsa’y bumaba siya hindi para dumalaw kung hindi para ipagamot ang paa.
Nasugatan daw ito habang tumutulong siya sa pagkakaingin ng mga magsasaka
doon. Sa kanyang pagkakakuwento, hindi mababakas sa kanya ang pangingirot
ng paa o ‘di kaya’y ang sakit na nararamdaman sa tuwing inilalakad niya
nito. Magiliw pa rin siyang nakikipagkuwentuhan, nakikipagkamustahan at
nakikipagbiruan.
Katapusan ng Abril o simula ng Mayo nang kinailangan niyang bumaba sa
Maynila dahil sa mahigpit na pinapatupad na bagong patakaran noon:
kinakailangang nasa edad disi otso pataas ang mga kasapi ng Hukbo. Bumaba
si Erika at naghintay ng ilang araw para sa kanyang ika-18 na kaarawan
noong Mayo 8, 2003. Makalipas ang isang araw, agad din siyang bumalik sa
trabaho.
Ika-30 ng Marso, 2006, nang matanggap ng kanyang ina ang masamang balita.
“Alam kong mangyayari ito. Hindi ko nga lang inakala na magiging ganito
kaaga,” pagtatapat ni Molly noong parangal.
Lunan ng bus, lubhang nakakapagod at naging mahaba ang biyahe para kay
Molly habang binabagtas ang daan patungo sa Brgy. Patalunan sa Lupi,
Camarines Sur kung saan kukunin ang katawan ni Erika. Katabing bayan iyon
ng Ragay, lugar na pinangyarihan ng engkwentro.
Ayon sa balita, ika-29 ng Marso, parehong araw ng pagpanaw ng kanyang ama
labing apat na taon na ang nakalilipas nang salakayin ng 31st Infantry
Batallion sa pamumuno ni 1st Lt. Marshall Tumanga ang kampo nina Erika.
Namatay siya, kasama ang tatlo pang iba. Magdadalawampu’t isang taon sana
siya sa kanyang kaarawan sa Mayo 8, 2006.
Apat na kabaong na gawa sa kahoy ang nakahilera sa municipal hall. Suot ni
Ika ang isang kulay rosas na bestida na halatang hindi kanya. Hindi na
kinailangang magpaabot ng pakikiramay ang mga tao doon. Ayon kay Molly,
“Parang nangusap sa akin ang kanilang mga mata. Alam ko, sinasabi nila,
“kilala namin ang anak mo””.
Sa taon ng sentenaryo ng Unibersidad at pagsasabuhay ng diwang radikal
nito, nagsisilbing patunay si Erika na hindi lamang kapusukan ng isip at
damdamin ang nag-uudyok sa mga kabataan at estudyante upang iwan ang
kanilang mga silid-aralan at magtungo sa kanayunan.
Patunay siyang hindi usapin ang edad sa kahandaan at kapasyahang lumabas
sa silid-aralan, magsilbing mag-aaral ng lipunan at lumaban para sa tunay
na kalayaan.
Iniluluwal ang mga bayaning katulad ni Erika ng matinding pakikihamok sa
buhay, ng pakikipagtunggali sa mga rebolusyon sa loob at labas ng sarili,
at higit sa lahat, ng pagmamahal—sa kapwa at sa bayan.
|
|
Erika Salang, Martir ng
Kabataan
Ni
Silay Lumbera
Molly said she could not forget how some villagers, without uttering a
word, seemed to tell her: "We knew your daughter."
-Inquirer, May 14 2006
Maraming alaalang maaaring pagpilian si Molly, ina ni Erika tungkol sa
kanyang anak. Ngunit isang piling alaala ang maituturing na bukod-tangi.
Alaala iyong nakasilid sa kanyang gunita: kung paanong sa murang edad na
sampung taong gulang ay ipinamalas ni Erika ang kakayahang mapagpasyang
magpanibagong hubog, umunawa, makabatid at makisalo sa pighati ng kanyang
kapwa.
Sa edad na sampung taong gulang, tatlong taon makalipas ang pagpanaw ng
ama ay nagpasya si Erika na baguhin ang sarili. Batid niyang kinaiinisan
siya noon ng mga kaklase at kaibigan dahil sa kanyang spoiled na
pag-uugali. Sa naging pagbabagong iyon sa sarili, kinagiliwan siya ng mga
kakilala. Hindi nagtagal, itinuring siyang isa sa mga pinakapopular na
bata sa kanyang klase.
Makalipas ang ilang panahon, umuwi noon si Erika sa kanilang bahay kasama
ang isang kaibigan. Seryoso at bakas ang pag-aalala sa mukha ni Erika.
Ikinuwento raw sa kanya nito ang pananakit ng ama na agad namang ninais ni
Erika na isumbong sa kanilang barangay, ayon sa kanyang ina.
Sa pagpasok ni Erika o Ika bilang isang new student sa hayskul ng UP
Integrated School o UPIS ay mabilis siyang naging usap-usapan sa mga
umpukan ng mga estudyante. Stand out ang kanyang tisay features—brown
eyes, maputi, matangos na ilong, malapad na mukhang puno ng mga nunal.
Matangkad din siya at malaki ang bulas—dahilan kung bakit madalas siyang
napagkakamalang exchange student o hindi kaya’y foreigner.
Ikalawang taon namin sa hayskul at madaling napukaw noon ang kanyang
interes sa ANAKBAYAN na kakatatag pa lamang sa gitna ng mainit ng kampanya
para sa pagpapatalsik kay Estrada. Huling kwarto ng taong 1999 nang
marekluta si Ika sa gabi ng parangal ng kanyang hipag—si Myra “Mayang”
Algarme, isang pulang mandirigma na nasawi sa isang engkwentro sa
Zamboanga. Masasabing ang gabing iyon ang nagbukas sa isipan at nagpabago
sa buhay niya—ang pagkaunawa sa gawain ng kanyang hipag, ang mga kinaharap
nitong sakripisyo, maging ang mga pangarap nito na nagbigay daan upang
maglingkod bilang pulang mandirigma sa kanayunan.
Mula noon ay naging isang aktibo at namumunong kasapi si Ika sa
pag-oorganisa, paglulunsad ng mga pag-aaral at diskusyon tungkol sa mga
isyu at usaping pampulitika at maging sa mga kilos protesta sa loob at
labas ng UPIS.
Kilos protesta laban sa Visiting Forces Agreement o VFA ang kanyang
kauna-unahang dinaluhang mobilisasyon at sinundan pa iyon ng marami pang
iba. SONA noong taong 2000, isa si Erika sa mga namuno at naggiit sa
administrasyon ng UPIS at mga gwardya nito na palabasin ang mga estudyante
na nagnanais lumahok sa pagkilos. Matapang niyang pinilit buksan ang mga
gate para makapuslit ang mga estudyante palabas. ►
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
** |
|
|
|
|
|