|
June 29, 2010
7 dahilan kung bakit EPIC FAIL si Aquino para sa
kabataan
Taksil si Aquino sa mga binitiwan niyang
pangako sa mga kabataan at mamamayan. Ang kanyang campaign promise: “Kung
walang korap, walang mahirap.” Ang kinahinatnan: Sa isang kurap, dumami
ang mahirap. Ang “tuwid na daan” ay para pala makapag-top speed ang
Porsche. Ang nagbago lang ay ang hairstyle ni Gloria Arroyo na nagagawa pa
ring magpasalon.
Matapos ang isang taon, tila mas marami pa ang buhok sa bunbunan ni Noynoy
kaysa nagawa niya para sa kapakanan ng kabataan at mamamayan.
Pwede na ulit mangarap? Tinanggalan ni Aquino
ng pangarap ang maraming kabataan, walang edukasyon, walang disenteng
trabaho, nilalabag ang karapatan, lubog sa kahirapan.
Epic fail, bagsak, bugok na penoy ang iskor ni
Aquino para sa mga kabataan. Narito ang ilang mga dahilan.
1. Budget cut sa SUCs at kawalan ng prayoridad
sa edukasyon
Kinaltasan ni Noynoy ng pondo ng mga state universities and colleges (SUCs)
ng mahigit P1 billion para sa taong ito. Pero dinagdagan ng bilyon-bilyon
ang pondo para sa pork barrel, militar, dole-outs at utang panlabas.
Dahil dito, lalong tumindi ang krisis sa mga
SUCs, nagtaasan ang mga matrikula at mga bayarin, marami ang nahirapan na
makaenroll. Kahit sa mga nakapasa sa UP, halos kalahati ang hindi
nakapasok dahil walang pambayad.
Tipid na tipid naman ang basic education, na
nasa P6 kada kabataan sa isang araw lamang ang ginagasta ng gubyerno.
Imbis na dagdagan ang badyet, dagdag na taon sa K12 na programa ang plano
ni Noynoy. Sa unang taon ng pagpapatupad nito, dumami pa ang kakulangan sa
pasilidad, gastos at sakit ng ulo ng mga kabataan at magulang.
2. Tuloy-tuloy na tuition increase
Idagdag pa, walang ginagawa ang gubyerno para
pigilin ang pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa pamantasan.
Nasa 340 na paaralan ang nagtaas na naman ng matrikula ngayong taon na
aabot na sa P30,000 pataas ang bayarin.
Habang dumarami ang hindi makabayad,
tinatayang nasa P15.43 billion ang kabuuang kita ng top 5 schools pa
lamang sa nakaraang 6 na taon.
Kaya naman dumadami pa ang hindi
nakakapag-aral. Aabot sa 80% ng mga nasa edad high school ang tinanggalan
na ng gubyerno ng pangarap at out of school sa kasalukuyan. Sa 10 na
makakapasok sa paaralan 1 lamang ang makakatapos ng kolehiyo.
3. Pagpapatindi ng kahirapan
Sa isang kurap, dumami lalo ang mahirap. Sa
kasalukuyan, aabot sa 80% ng populasyon ang lubog sa kahirapan at
nabubuhay sa mas mababa sa P104 sa kada araw. Kalahati nito ay nabubuhay
sa P18-54. Dumami ang bilang ng nagugutom sa ilalim ni Aquino, na aabot sa
20.5% o 4.1 milyong pamilya nitong unang kwarto ng 2011, mas mataas kaysa
3.4 milyon noong huling kwarto ng 2010.
Dumami ang walang trabaho na aabot sa 11.3 milyon, mas mataas kaysa 9.9
milyon noong 2010. 4,000 Pilipino araw-araw umaalis ng bansa para
magtrabaho.
Mabilis na bumababa ang halaga ng sahod sa gitna ng patuloy na pagpapataas
ng mga bilihin. Kulang na kulang ang P404 minimum wage kumpara sa higit
P900 na kailangan para mabuhay ang isang pamilya. Ayaw ibigay ni Aquino
ang P125 na umento sa sahod ng mga manggagawa at pagtatanggol nito ng
bilyon-bilyong kita ng mga kapitalista. Insulto ang sagot nitong P22 na
emergency cost of living allowance (ECOLA) para sa Metro Manila.
Inutil si Aquino na itigil ang pagtaas ng presyo ng langis, kuryente at
mga bilihin, at nagpapabigat pa sa pamamagitan ng pagtutulak ng pagtataas
ng presyo ng MRT at LRT at mga serbisyo.
Tuloy-tuloy ang demolisyon sa mga komunidad na aabot sa 500,000 ang
maaapektuhan, samantalang 30,000 lamang ang pabahay ng gubyerno.
Hindi pa rin pinamamahagi ng Haciendero Republic ang lupa para sa Hacienda
Luisita at walang tunay na land reform para sa 70% ng mga magsasakang sa
kasalukuyan ay walang lupa.
4. Paglabag sa karapatang pantao
Tuloy-tuloy ang pamamaslang, pagdukot at
paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ni Aquino. Wala pa ring hustisya
para sa higit 1,000 na biktima ng pamamaslang at pagdukot sa ilalim ni
Arroyo.
Aabot sa 45 ang mga kaso ng extra-judicial killings at 5 kaso ng
sapilitang pagkawala sa unang taon ni Aquino, hindi nalalayo sa record ng
dating rehimeng Arroyo. Walang anumang proklamasyon si Aquino hinggil sa
panawagan na paglaya ng mahigit 300 ang mga political prisoners, at least
59 dito ay mga kabataan.
Kabilang dito sina Maricon Montajes, Romiel Canete at Ronilo Baes. Hindi
pa rin inililitaw sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Hinuli kamakailan
lamang at kinasuhan ang 7 mga nagpoprotestang kabataan sa Calamba,
kabilang ang limang mag-aaral ng UPLB.
Nagpapanggap si Aquino na para sa usapang pangkapayapaan ngunit ito mismo
ang hindi tumupad sa mga kasunduan na palayain ang mga konsultant at
kasapi ng NDFP na nakasaad sa Joint Agreement on Safety and Immunity
Guarantees (JASIG).
5. Hindi pagpapanagot kay Arroyo
Si Erap noon, nakulong tatlong buwan matapos
mapatalsik sa pamamagitan ng EDSA 2. Ngayon, sa kabila ng malawak na galit
ng mamamayan kay Arroyo, ni hindi pa nasasampahan ng kaso ng gubyernong
Aquino ang nagdaang rehimen.
Malinaw na hindi ito seryoso na panagutin si
GMA at ginagawa lamang na palusot ang nagdaang gubyerno para may masisi sa
mga kapalpakan nito. Samantala, marami sa mga nasa posisyon sa kasalukuyan
ay mga dati din namang kasabwat ni Arroyo.
Hindi kataka-taka na mabilis na dumausdos ang
popularidad ni Aquino. Ipinostura nito ang sarili na kabaliktaran at
magpapanagot sa rehimeng Arroyo noong halalan; isang taon matapos, wala pa
ring ni isang kaso na naisampa ang rehimen laban kay Arroyo at sa kanyang
mga kasapakat.
Ang “truth commission” na binuo nito ay pakitang-tao na, palpak pa. Ang
mga kasong isinasampa laban kay Arroyo ay isinampa ng mga nasa labas ng
administrasyon at inuupuan pa ng kasalukuyang gubyerno.
6. PPP at KKK sa kapangyarihan
Lantad na din ang parehong bulok na pamamahala
ng bagong rehimen. Habang naghihirap ang mamamayan, walang kahihiyan na
bumili ng mamahaling Porsche na sportscar si Noynoy dahil may karapatan
naman daw siya mag-aliw. Laganap din ang imahe ng pangulo na tanghali
gumising, panay ang paglalaro ng playstation, Porsche at pakikipagdate
(PPP).
Malawak din ang galit ng mamamayan sa pagtatalaga ng rehimen sa “KKK” o
kakampi, kaklase, kabarilan sa mga posisyon sa gubyerno bilang kabayaran
sa pagsuporta sa kanya. Mismong sa hanay ng mga nasa paksyon ng gubyerno
ni Aquino, tumitindi ang bangayan at nag-aagawan sa kapangyarihan.
7. Pagkatuta sa dayuhan, pagpapatuloy sa VFA
Todo-todo ang pagkatuta ni Aquino sa Estados
Unidos at itinutulak ang pagpapatindi ng panghihimasok nito sa bayan. Sa
kabila ng mga panawagan na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA),
makitid na pagrerebyu ang ginagawa nito na magsusuhay pa sa pagpapatuloy
sa pagbabase ng US sa bansa. Mahirap na nga ang bayan, nagawa pang bumili
ng baril para lamang paboran ang US. Tila proxy ngayon si Aquino ng
interes ng US sa Spratlys.
Protesta at paglaban ang isasalubong ng mga kabataan sa unang taon at
ikalawang SONA ng gubyernong inutil, pahirap at papet. Tama na ang
kasinungalingan, tama na ang pambobola, tama na ang mga kasalanan sa
kabataan at mamamayan. Panahon na para sa pagtindig para sa kabuhayan,
karapatan at tunay na pagbabago.
June 30 – Youth Action Day, Students Walkout
10 AM – UP Diliman, UP Manila, PUP and community walk-outs/programs/noise
barrage
12 NN – Assembly along Espana
July 12 -19 – Natoinwide Weeklong Youth Protests
July 19 – Nationwide Strike for Education and Social Change
July 25 – Youth March: SONA ng Bayan
Reference: Vencer Crisostomo, Anakbayan National Chairperson
09224290258, 0917441673
vencercrisostomo@gmail.com
http://twitter.com/venzie
--
John Francis C. Losaria
ANAKBAYAN National Treasurer
National Office Staff for Campaign & Propaganda, and Cultural Work
johnfrancislosaria@gmail.com
anakbayanphils@gmail.com
www.anakbayan.org
==========================
LFS Negros statement: 1YEAR NI NOYNOY, WALA PINAGABAG-O!
by Lfs Negros on Thursday, June 30, 2011 at
5:45pm
LFS - Negros
1 YEAR OF AQUINO: NO SIGNIFICANT CHANGE, the Crises Worsen
The day Noynoy Aquino was inaugurated as president; he promised the
Filipino people that we are his boss and vowed to lead us in his “daang
matuwid”. Today, June 30, 2011 his regime will mark its 1st year. Based on
the promises he made, we vigilantly watch and analyzed his governance. In
all social, political and economic fields, we can attest along with the
broad masses that he has FAILED in making significant and genuine change
for the Filipino people.
THE WORSENING CRISIS IN EDUCATION
Millions of people still cannot afford to go to school, 7.93 million youth
have no access to education, Tuition fees in private schools doubled since
2000 – 2011 (National average: from P5, 406/sem to P10, 526/sem), The
total collection of the top 5 schools in 6 years: P15.43 billion, and The
primary program of Noynoy for education:
- K12
Additional year, additional payment
Did not fill the shortages
Designed a curriculum that will create graduates who will be semi-skilled
workers No program for the out of school youth to be able to go to school
The crisis in the Philippine education is indeed worsening. Despite the
fact that Aquino regime knows the real and perennial problems of the
education sector; his government decided to remain loyal not to his
so-called “kayo ang boss ko” but to his Imperialist boss, the United
States. Along with protecting the interests of the private capitalist
educators through the continual deregulation of tuition fees in private
schools and universities; also by cutting the budget in State universities
and colleges and ultimately, being DEAF to the sentiments of the masses on
the Right to Education. These are all age old problems that will be
further aggravated by Noynoy through K12.
REGIONAL EDUCATION SITUATION
University of St. La Salle – Bacolod increased 5% to tuition and another
5% to miscellaneous fees A.Y. 2011-2012 (P812.64/unit to P848.46/unit)
University of Negros Occidental – Recoletos increased 8% to tuition and
another 8% to miscellaneous fees A.Y. 2011-2012 (P753.05/unit to
P813.3/unit)
La Consolacion College – Bacolod increased 3% to tuition and other fees
A.Y. 2011-2012 (P532.18/unit to P548.15/unit)
Kabankalan Catholic College – increased 8% to tuition and other fees A.Y.
2011-2012 (P308/unit to P332/unit)
Southland College – increased a staggering 10% this A.Y. 2011-2012
(P252.78/unit to P278/unit)
VMA Global College – increased also 10% to tuition and other fees this A.Y.
2011-2012 (P352.24/unit to P389.66/unit)
Mt. Carmel College – increased 10% to tuition and other fees this A.Y.
2011-2012 (P348/unit to P382.8/unit)
John B. Lacson Colleges Foundation – Bacolod – increase their tuition to
10% this A.Y. 2011-2012 (P498.24/unit to P548.07/unit)
RELENTLESS PUPPETRY TO U.S. AND ALLOWING THEIR CONTINUED INTERFERANCE
Promised to re-pass the Visiting Forces Agreement but it never happened.
Allowed the Joint Special Operations Task Force – Philippines (JSOPTF-P),
700 US troops to station permanently in Zamboanga City.
The continuing entry of US troops and taking advantage the controversy of
Spratlys Islands.
There is no freedom and no sovereignty under Aquino. In one year, the
illusion that Noynoy Aquino will bring change to the Philippine society
has been broken. It is seen continuously that he will remain a puppet to
the US Imperialists, the big land lords and capitalists and will protect
their interests rather than the Filipinos masses’.
It has been the historic cry of the youth along with the other sectors in
society to fight for national democracy and we are determined to do so.
Tama na! Sobra na! Labanan ang inutil, pahirap, papet at pasistang
rehimeng US-Aquino!
Kabataan, manindigan para sa pambansa-demokratikong pagbabago!
Reference: Kabataan Partylist – Visayas
League of Filipino Students – National Office
|