Metro Manila - 2:

Young students walk out of their classrooms and take to the streets

to demand from their elders in Congress and the Palace greater state subsidy for their education

 

■   Manila - Part 1   ■   Manila - Part 2   ■   Iloilo     ■   Davao    ■   Cotabato    ■   Cebu

 

July 19, 2011

/p

 

 

     
   
   
/p

/p
Photos courtesy of Kabataan Partylist
           
     
     
     
   

 

SUCS, YOUTH GROUPS LINK ARMS FOR PRE-SONA EDUCATION PROTESTS
[17 Jul 2011 | View Comments | 220 views]

Picking up from the massive education protests last year, the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) and national youth groups on Friday have vowed unity to push for education demands through a nationwide walkout and protest actions on July 19, in preparation for the State of the Nation Address (SONA) of President Benigno Aquino III.

The 112 SUC-strong PASUC in a unity statement said that “In preparation for the State of the Nation Address of President Aquino on July 25 and the budget talks following that, it is crucial that we revitalize our unity and collective action to call for a sufficient increase in the budget of public higher education.”

Kabataan Party-list Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino, after clinching the commitment of PASUC, said that the “partnership will definitely reinforce our concerted efforts in the education fight. Our united resolve to push for a sufficient budget increase for our SUCs will impact SONA and the budget talks. If we need to mobilize ourselves for another massive strike to make President Aquino listen, then so be it.”

Palatino said that on July 19, SUCs and youth groups will do a “white ribbon” protest and a nationwide walkout to symbolize “the call for justice for public tertiary education.” He said that SUCs have suffered continuous budget cuts through the years .

PASUC said that its 2011 budget of P24 billion is grossly insufficient to fund the operation of SUCs. It added that the budget cuts have invariably limited the people’s access to education.

Palatino said that an alternative SUC budget is now being drafted with PASUC to be submitted to the Department of Budget and Management (DBM) and President Aquino before his SONA. ###

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



PASUC declares solidarity for greater state subsidy, July 19 day of action
on JULY 16, 2011


In its officers’ meeting yesterday, the Philippine Association of State University and Colleges declared their resolve to fight for greater state subsidy and set July 19 as Day of Unity and Action. They agreed to wear white for education and hold various mass actions nationwide. Signatories of the manifesto include Dr. Ricardo Rotoras, PASUC President; Serafin Ngohayon, PASUC Auditor; Dr. Olympio Caparas, TUP President and VP for NCR; Dr. Miriam Pascua, VP for Luzon.

 
 
   
 

UP deserves increased budget appropriation

Thursday, July 21, 2011
 

Statement of UP President Alfredo E. Pascual
21 July 2011

As the country’s national university, the University of the Philippines (UP) deserves to get sufficient funding from the national government. It must have the means to effectively play a leadership role in higher education and national development, and attain a competitive status in the regional and global arena. In my vision statement for UP, I already noted that “(n)ot enough funds are being appropriated annually to meet the rising cost of quality UP education, much less to sustain capital expenditures for upgrading the university facilities.”

The UP Charter of 2008 clearly states that “it is the policy of the State to strengthen the University of the Philippines as the national university” (Sec. 2) and that the national government is responsible “for the continued growth, operation and maintenance of the national university” (Sec. 28).

In this context, I issue this statement to fully support the call of concerned UP students, faculty, staff and alumni for greater subsidy for UP. 

 

 

I also take this opportunity to express my solidarity with the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) in its “strong appeal for a sufficient budget increase for the qualitative functioning of public higher education.” I fully agree with the PASUC’s explanation that the stand for a budget increase for SUCs is “closely aligned with the call for national progress and development.”

On 26 November 2010, the UP Diliman University Council already issued a statement calling for greater subsidy for UP. It noted:  “A low budget has a debilitating effect on UP’s capacity to fulfill its mandate as the national university. The underprivileged students’ access to quality tertiary education will be compromised. The sustained development of academic facilities and programs will also be hampered.”

This scenario is unacceptable. I therefore encourage our students, faculty, staff and alumni to make their voices heard in the call for increased budget appropriation for UP and other SUCs

 

From:

http://up.edu.ph/features.php?i=344

     

x

 

Almusal 101


Pumatak na nang alas-sais
Ang kamay ng lumang orasan
(Isang dekada na kaulayaw ang aking balat)
Inihahanda ang sarili sa munting almusal.

Kapirasong pandesal, mainit na kape
Kinakargahan nang mabigat na laman
Ang sariling tiyan at anim na bibig
(Kasabay ng sigaw ng Landlord sa labas).

Pagkatapos ng magarbong almusal,
Buntong-hininga ang idadagdag sa laman ng tiyan
Handa na sa lasapin ang buong araw
Mabigat na trabaho ang sasalubong…

Kahit ang pera sa bulsa
Ay parang almusal lang na dadaan.

Si Emmanuel Halabaso ay isang guro sa pampublikong paaralan (sekundarya). Isa sa mga pinalad na graduate ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong AB Filipino. Ang unang tula niya sa ingles na "Catalog" ay nailathala sa Philippine Graphic at wala nang sumunod na pagtatangka pa sa nasabing wika. Hilig niyang sumulat ng tula at maikling kuwento ngunit di pa nabibigyang pagkakataon mailathala.

---------------------------------

ANG DAANG MATUWID AY SA LUBAK NA LANDAS
by: Beedam Dorisco

Ang daang matuwid
kunwa'y ng mga ganid
at ni Haring David
para daw sa mga gilid-gilid
o sa kanilang yamang silid
Itatali ko kayo sa lubid
upang dalhin sa bilibid.

Ang tuwid na landas
likha ng mga balasubas
daig pa si hudas
sa kanilang pang-aahas.
Gumamit kaya tayo ng dahas?
Ipapatay kay Barabas!
o ating iposas,
dalhin sa rehas.

Ang daang malubak
sa dulo puno ng tabak
kikitil sa mga uwak
alisan natin ng utak
gamit, armas ng hawak
para sa kawawang tagak
tagumpay ang ating tiyak
wala ng iiyak.
Andiyan na, mga pulang bulaklak.
 

--------------------------------------------------------


MUSMOS
by: Beedam Dorisco


"pahinging limos"
sabi ng mga musmos
na binagyo ng unos
pinagkaitan ng haplos
puno ng galos
laging hinahambalos
uhog na ang tumatangos
pinagwalangbahala halos
ginutom sila ng lubos
wala na atang pusong taos
dahil sa dami ng busabos
pag-ibig sa kanila ay pulos
hindi sila selos
gusto lang nila ay 'dos'
lagi nyo naman sagot ay may diyos.
Aysos!
sawa na sila sa puros
nais nila ng magandang agos
na ngiti ang papalit sa kanilang alusngos.
 

------------------------------------------------

MAMA KO, PROLETARYO
by: Beedam Dorisco


Mama ko,
isang proletaryo
mananahi ng kwelyo
bench, penshoppe, oxygen, puma ang selyo
ngunit kakarampot ang sweldo.

Mga proletaryo
ay tunay na henyo
kahit tingin ay ordinaryo
magaling silang magdisenyo
inaabuso nga lang ng mga milyonaryo.

Mama ko,
may anak na pilyo
ngayun, isang rebolusyonaryo
nakikibaka para sa pagbabago
para sa makatarungang sweldo
para sa mama kong proletaryo
at sa proletaryo ng buong mundo.

Beedam Dorisco
mula sa Polytechnic university of the philippines
BS-Sociology students, second year.
vice-chair ng League of Filipino Students PUP
mass leader.


--------------------------------------

BUKAS, MAKALAWA
Ni: Simoun Garyo Ilag


Sa patuloy na pagtaas ng presyo
Ano pang mabibili mo?
Sa kakarampot na suweldo
Saan makararating ito?

Patuloy sa pagyaman
Mga kapitalistang gahaman
Dito sa ating lipunan
Sila’y pinararangalan.

Ngunit ang uring manggagawa
Ay nauuwing kaawa-awa
Sila ang nagpapakahirap
Iba ang nagpapakasasa.

Sa umentong dalawampu’t dalawang piso
Ay hindi sapat baliktarin man ang mundo
Kaya’t hindi masisisi ulanin man ng batikos
Sa manggagawang naghihikahos.

Hindi malayong bukas, makalawa
Na ang manggagawa ay mag-alsa
Kasama ang masang sawang-sawa na
Sa tuwid na daang hindi masikmura.

 

ang may-akda ay mula sa lungsod  ng quezon, isang contractual
employee sa isang gov't office at patuloy na sumusulat ng mga
tula na nagpapakita ng tunay na  anyo ng lipunan sa ating
panahon.
 

     
     
     
     
     
     
           
     
     
     

x

 

IKAW, MANGGAGAWA
Alexander Martin Remollino

Bawat pakong iyong ibaon sa kahoy o kongkreto
ay gusaling itinatarak sa aspalto,
bubong na inilalatag sa ibabaw ng bahay.
Bakal kang pinanday ng karanasan
sa siyensiya't sining ng pagbibigkis-bisig.
Kung kaya naman ikaw,
manggagawa,
ang nasa unahan ng milyong patak ng tubig
na bibigwas, isang bagyo
sa alinsangan ng kasalukuyan --
sa mga kamay mo ang mga ngipin ng lagari,
lagaring kakagat sa binubukbok na kahoy
ng lipunang walang matwid.

Bio: Si Alex ang sec gen ng KM64 Poetry Collective. Isang matapang na makata at mamahayag. Pumanaw siya noong nakaraang taon sa edad na 33.

--------------------------------------------------
Laging Sapat
Jillian Kristin Ramos

Ang sahod ay laging sapat,
At ang sambayanan ay hindi naghihirap.
Dahil,
Walang ama't inang kailangang lumisan
Walang panganay na kailangang kumita agad
Walang mangagawang sa OT ay sagad
Walang anak na kailangang maiwan ng magulang
Walang gurong sagana sa utang
Walang magsasakang pinagkakaitan ng karapatan.

Ang sahod ay laging sapat,
At ang sambayanan ay hindi naghihirap.
Kung,
Hindi ka isa sa kanila,
At hindi ka nabibilang
Sa mga Pilipinong, sa pagsasakripisyo ay bihasa.

Bagong graduate ng Unibersidad ng Pilipinas. Mahilig sa musika at sumulat ng mga tulang may malulungkot na tema.

-----------------------------------------------------------

Magulo ang Sahod at Presyo

Sahod na pinipresyohan
Presyo ng sinasahuran
Timba na isinahod sa gripo: DOS ANG PRESYO
Presyo ng iyong pagtratrabaho: WALANG BALAK BIGYAN NG UMENTO
Sahod mo’y di makabili ng iyong yaring produkto
Aliping presyo ng sahod ay isang palatandaan: PAGSASAMANTALA NG TAO SA TAO

Pinoy Haiku:
Sibatin ang Bundat na Nangulimbat
I
Salaping sinisipat
Na hindi sapat
Katawan niya’y patpat
II
Sa dusa’y binabatbat
Di paaampat
Sikmurang laging salat!
III
Yaman ay nilalambat!
Ng mamang bundat
Ganid!Ayaw paawat!
IV
Kamataya’y ilapat
Sa nangulimbat
Gamit ang aking sibat!

Rommel Forbes Aguilar
Bio: Aktibong kasapi ng NNARA Youth (National Network of Agrarian Reform Advocate -Youth Sector). kumukuha ng kursong B.S. Nutrition and Dietetics at kasalukuyang Student Regent sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. madalasNoong sya ay nasa hayskul ay aktibong kasapi ng Teatro Filipino sa kanilang paaralan at bahagi nito ang pagkamit ng "Best Supporting Actress in a Female Role ". Noong una ay sumusulat ng tula bilang pampalipas oras ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang simbuyo ng damdamin sa Panitkang Anakpawis.Madalas na maging tagapagpadaloy sa mga programa sa mga kilos protesta. Malabo ang kanyang mata

 

     
     
     
     
           
     

x

 

Maketi
ni: Carla Samantha Pulido Ocampo


Alangaa'y hinubarang itim at abo
Ngunit wala, walang nahihimbing
sa Ayala Avenue. Ako'y inaapakan
ng aspalto; ginugulungan ng mga alikmatang
"Alipin ng salapi," sabi ng aking kasabayan
sa pagpapalipas ng oras at gutom.
"Wala tayo sa call center, pero
ano'ng ginagawa natin sa magdamag?"
Lumalakad tayo (dahil walang pamasahe)
Nagtatahi ng kwento (at mga gasgas na imahe)
Kumakain ng itlog-pugong de-kolor
At nagpaplano ng hinaharap.
"Bente-dos si Nanay nu'ng ako'y ipanganak."
Tayo, bente-syete, alipin ng pangarap.


Bio: Ako po si Carla Samantha Ocampo,
limang taon nang nagtatrabaho
bilang isang video editor-
scriptwriter-videographer.
Sweldong bagong-gradweyt pa rin,
sa kabila ng mahaba-habang
panahon nang iginugol sa
kumpanya... ngunit batid kong
wala ako sa posisyong mag-
umiyak, dahil mas marami pa ring
taong mas kulang-palad.

-----------------------------------------------


NARS, NARS, NARS

Nangarap, nag-aral at nagtiyaga
Abuso lang pala ang mapapala
Ramdam na ngayon ang pagdurusa
Sa kawalan ng trabahong makita

Napakaraming mga nakapagtapos
Ang mga pasyente pa rin ang naghihikahos
Rasyon ng gamot at mga suplay na kapos
Salaping inaasahan na hindi pa rin maibuhos

Ngayon ang pangarap ay tila nagugunaw
Akit ng pangingibang-bayan na tinatanaw-tanaw
Rangya sa buhay na maranasan balang araw
Serbisyonng nabahiran na ng kakaibang layaw

Ako po si mito cisnero, isang lisensyadong nars na hindi minsan nag-volunteer at ngayo’y nagtuturo ng mga estudyante sa parehong kurso at aking iginigiit na ang propesyon ng pagiging nars ay isang bokasyon at hindi isang pasaporte tungo sa karangyaan.

Kasalukuyan kong tinatapos ang aking Masters Degree sa isang pamantasan dito sa lalawigan ng La Union at patuloy pa rin ang pagsusulong ng dapat na iniaasal ng isang nars-na dapat sa pasyente at kami’y hindi alipin o utusan ng mga manggagamot na doktor.


---------------------------------------------------

Oyayi
-Czarina S. Gacias


Kung ang oyayi ay hindi na sapat
Para mapatulog ang mga sikmurang butas
Upang mapatahan ang mga kaluluwang
Sa gabi ay ang huni ng pagkalam ng sikmura ang natatanging musika
Nakakarimarim
Nakakabaliw
Huwad na oyayi ng mga batang hinehele
Sa mga bisig na buto’t balat din
Na hindi pa sumusuko
Sa pakikibaka
Sa saliw ng pag-asa at kamatayan
Ng bukang-liwayway at dapit-hapon
Sa kahabaan ng kalsadang hindi pa rin naitutuwid
Upang sa gabi ay magdusa pa rin
Marimarim
Mabaliw
Wala nang awitin ang makapagpapatahan
Wala nang pag-hele ang makakapag-aliw pa
Sa mga pagal na katawan
Sa mga kaluluwang kalyado
Sa mga mandirigma ng araw-araw
Na nananatili pa ring gutom
At sa indayog ng mga nagrerebeldeng bituka
At sa panaghoy ng mga naaagnas na pangarap
Ay hindi na oyayi pa ang nais na masumpungan
Hindi na.

Czarina S. Gacias. 18. An incoming third year student, taking up BEED-General. Three of my most favorite outdoor activities: hiking, camping, immersion. Gusto ko ring makapagturo sa mga batang nasa bundok, nasa mga liblib na kanayunan, nasa mga lansangan.
 

     
     
     
     
           
     
     

x

 

P30
(Kay Anabel)


Iwaksi sa tulirong isip ang
balitang nabubulok na
tone-toneladang bigas sa
mga NFA warehouse,
na pumalo na sa
P55
ang bentahan ng
1 kilong asukal,
na pumalo na sa
P41
ang bentahan ng
1 tintong mantika.
Abalahin ang sarili,
ilako ang mga nalalantang
sampaguita
kahit na nga abutin
ng dilim,
sa mga bakanteng garahe
sa mga bakanteng lote.
Patuloy na kumayod.
Patuloy na umindayog.
Patuloy na lamutakin
ang mga
talulot.
Huwag alintanain ang
mga sumisilip na
ilaw
sa yumuyugyog na
sasakyan.
Bayaang magbigay
hugis sa mga
nanunumbat na utong.
Bayaang maghumindig
ang kanilang mga
burat.
Bayaang malantad
ang mga
nambabarat.
1 Lucky Me instant mami
P7
1 San Mig 3 in 1 coffee
P5
I Swak Bear Brand 33gm
P10
1 Sakto Datu Puti toyo
P3
1 tinging mantika (plastic ng ice candy)
P5
Suma tutal
P30.
Ed Nelson R. Labao
6 Agosto 2010
© 2010 Kwentulang Marino


Bio: Eduardo Nelson Labao - Dating tinalaktak ang marahas na lansangan ng buhay, sumagwan ng karanasan bilang marino. Ang kanyang mga tula ay nalathala sa PAROLA, nakabase sa The Netherlands, ANI ng Cultural Center of the Phils. (CCP), antolohiyang IPUIPO SA PIGING (2010)

----------------------------------------------------------
Pauwi na ako
Kathy Yamzon

pauwi na ako.
matagal-tagal na panahon na rin pala
na ako’y nagpakalayo,
sa mga kapatid at magulang,
sa mahal na asawa,
sa mga anak
sa sinisintang bansa.

pauwi na ako.
hindi ko na maitago ang pananabik.
pagal nang aking katawan,
sa pagpapa-alipin sa lupang di kinagisnan,
sa mga panginoong dayuhan,
para sa salaping bumubuhay
sa nagdarahop kong pamilya’t bayan.

pauwi na ako.
ilang buwan,
ilang araw,
ilang oras,
ilang minuto,
ilang segundo na lang
ang bibilanging lumipas.
hindi na tayo muling maghihiwalay.
magkakasama na tayo’t
di na muling mawawalay.

pauwi na ako.
magkahalo ang aking nadarama:
masayang magbabalik-bayan.
nanghihinayang
sa mga oras na nasayang,
na nangungulila’t puno ng kalungkutan.

pauwi na ako.
kung sana’y may trabaho’t kabuhayan,
kung sana’y may tirahan at hustisya
sa bayang tinubuan,
hindi na sana ang pagtatrabaho
sa ibayong dagat ay kailangan.
hindi sana sasapitin
ang pang-aabuso’t
kamatayan.

pauwi na ako.
nakakahon mang darating ang katawan
sa paliparan ng lipunang tila
nagnakaw at nagwasak ng aking tahanan,
hindi mamatay ang kaligayahang
muling mahalikan
ang lupang kanlungan,
ang hagkan ang pagmamahal
ng naghihintay na kaanak,
ang pag-asang magkakaroon ang bayan
ng tunay na kalayaan,
ng pagbabago sa kaayusang panlipunan.

pauwi na ako.
babaunin ko
ang pangakong darating ang araw
na wala nang dahilan ang pangingibang-bayan,
na may trabaho nang laan
ang pamahalaan sa mamamayan,
na magkakaroon ng malasakit
ang lipunan sa taumbayan,
na wala nang pamilyang masisira
dahil sa gutom at kahirapan.

• - alay sa mga migranteng Pilipino at kanilang mga pamilya.

Bio: Nagsisimula pa lamang si Kathy Yamzon sa pagsusulat ng tula. Nag-aral sa Far Eastern University, kursong Mass Communication. Kasalukuyang Media Officer ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region (Bayan-NCR). Simple lang ang nasa likod ng

kanyang pagtatangkang magsulat: ang pag-ibig at paglilingkod sa bayan. (sipi mula sa http://bakitakosumusulat.tumblr.com/)


---------------------------------------------

PELIGRO

Ang panahon daw ng krisis
Ay tag-gutom, kawalang trabaho
At pagbulusok ng piso.
Samantala, sapin-sapin ang anomalya’t misteryo
At pambansang badyet ay naghihingalo
Ngunit nakatuon ang pangulo’t mga tagaplano
Sa pagpuksa ng digmaang di makita ang puno’t dulo.

Sa panahon daw ng krisis
Nagsusulputan ang mga propetat’t manunubos
Mga mesayang mag-aahon sa atin sa paghihikahos
Nagsisigala rin ang mga manggagantso
Naglalako ng samutsaring relihiyon at prinsipyo
Sasabayan ng bangayan, angilan at sisihan
Kundi maidaan sa patalbugan ng plataporma’t pangako ng kaunlaran
Magbibilangan na lamang sila ng bala’t bangkay.

Ang panahon daw ng krisis
Ay panahon ng pagtatanong
Kung bakit walang makain ang nagtatanim
Kung bakit basurahan ang tirahan ng marami
Habang nasa palasyo ang mga naghahari
Kung bakit ang pagbabanat ng buto
Ay sinusuklian ng kakarampot na sweldo
Kung bakit ang pagtutol sa lahat ng ito
Ay sinasagot ng karahasan ng estado
At paglapastangan sa karapatang pantao.

Ang panahon daw ng krisis
Ay panahon ng paniningil
Napapagod na sa pagpipigil
Ang sambayanang nagsawa na sa paniniil

At kung bakit naman sa tindi ng krisis
Marami ang di na makatiis
Nagbubuklod, tapang ay binibigkis
Sumasagupa sa mga bukid at lansangan
Nagpupuyos ang galit
Sa maraming larangan nanggigiit.

Mayroon nga raw napabalitang lumilisan
Naghahanap ng lunas sa kanayunan
At ang sabi pa’y ang sagot
Ay naroroon sa kabundukan.
 

------------------------------------

 

SA PANAHON NI HITLER
(BANGUNGOT)


Tayo’y ipinagtulakan sa sulok ng panahon
Nakabalabal ang ligalig
Sinukluban ng pangamba’t sindak
Sinakmal ng mga aninong bumulaga
Wari’y pangitain ng huling paghuhukom
Inabot ng higanteng bangungot.

Kay hirap na sa tuwina’y lumilingon
Balisa sa mga anino’t multong di kilala
Lalo’t ang dadakip sa iyo pala ay sasalubong
Wala, wala kang susulingan, aatrasan
Nakaamba sa yong mukha ang batas
Punglo ang sagot sa akmang pagtakas.

Gagapang ang hilakbot sa dantay ng kaaway
Nagbabadya ang pagpanaw
Ng katwiran, kadahilanan at malay
Saklot ng takot ang mga sandaling binibilang
Di maapuhap ang simula’t wakas ng lahat.

Ito na nga ang limbo
Pagkat tortyur ay impyerno
Laging langit ang umagang darating pa sa iyo
Maglalaro sa isipan…
Kasalanan ang maging makabayan
Nararapat itanikala ang isipan
Paninindigan ay walang kasasapitan
Kundi bartolina’t lihim na libingan.

A, oo nga, halina
Maglamay tayo sa pagkitil ng pag-asa
Sa pagpaslang sa karapatan
Sa pagsikil sa isipan
Sa pagyao ng paglaya.

Ngunit, tapusin din ang bangungot!
Tibayan ang pusong tinamnan ng poot
Muling gisingin ang isip sa pakikisangkot
Ang tapang sa pagtutol
Pandayin, patatagin
Tumugon sa ligalig ng panahon!

Maikling bio: Luchie Maranan, tubong -Baguio, nagtapos ng AB Humanities sa UP Baguio, tibak mula pa noong late 70s, fellow sa UP National Writers Workshop noong 1980, naging kasapi ng Galian sa Arte at Tula (GAT) noong mid 80s, nasa development work mula 90s, freelance editor ngayon at kasalukuyang pangulo ng Baguio Writers Group, co-editor ng KALI Voice of Cordillera Women at Baguio Calligraphy.

 

 
 
     
     
     
     
     
     
     
           
=          
==          
           

x

PITIK BULAG
Ni: Simoun Garyo Ilag

Nang maisip mo nang umalis at mangibangbayan
Duon magtrabaho at makipagsapalaran
Titiisin ang lungkot sa pamilyang iiwanan
Kumita ng dolyar sa pagsisilbi sa dayuhan.
Sapagkat sa tingin mo kung mananatili ka rito
Mamumuhay sa gutom at hindi aasenso
Magkaroon ka ba naman ng manhid na gobyerno
Na hindi inaalintana paghihirap ng tao.
Kahit nagsisikap ka at isang diplomado
Ay hindi uubra at hindi eepekto
Problema mo pa’y paghahanap ng trabaho
At kung palarin ka nama’y mababa ang suweldo.
Ang tanging ugat ng suliraning ito
Ay ang pamahalaang mapanlinlang at di makatao
Sa maliit na halagang hinihinging umento
Ay nagbubulagbulagan at ibiniga’y pakunsuwelo.
Paano ba naman kasi ang s’yang pinapaburan
Ang mga negosyante’t maimpluwensyang mayayaman
Santambak ang kompromiso at ganansyang tinatanggap
Kaya’t mamamayan ang nagdurusa, Ayon naghihirap!

-----------------------------------------

Plastado
M.J. Rafa
l

Masyado nang plastado
Ang takbo ng buhay ko
Ngayon. Parang monumento
Parang nitso, parang rebulto.
Malamig, walang ligalig.
Tahimik na parang sementeryo,
Luksang alulong sa mga simboryo.

Wala nang pintig na pulso,
Wala nang alab na apoy.
Walang musika, walang sayaw.
Walang kulay, walang liwanag.
Walang araw na mga umaga,
Walang buwan na mga gabi.

Sementadong isip, laman at buto
Hulmado sa anyo ng pagiging tao—
Plastado na ang buhay ko?
Plastado na nga ba ang buhay ko?
Plastado na nga ba talaga ang buhay ko?

Sa lipunan ng kapital at tubo

Hindi.
 

--------------------------------------------

 

Krisis
M.J. Rafal

Kung ‘kahirapan’ ang hantungan ng ‘serbisyong panlipunan’
Resbak ang isasabak nitong pagod mang katawan
Ito’y signos ng pagbangon, martsa ng panahon
Simula ng pagtutuwid-kasaysayan, sabihin mang cliché itong tugon:
Itindig ang hanay! Bandila’y iwagayway!
Sa Mendiola tayo mamamahay! Hanggang bukas ay magpantay!

Si M.J. Rafal ay mahilig tumula. Paborito niya ang linyang “Poetry, like bread, is for everyone.” ni Roque Dalton. Ilan sa mga idolo niya sa pagtula ay sina Stum Casia, Kislap Alitaptap, Pia Montalban at si Alexander Martin Remollino. Mahilig din siyang magbasa at maglakad.

------------------------------------------

Sining ang Bala at Armas ng Kabataan


(kay N. at sa lahat ng kasapi ng SABAK: pangkulturang grupo ng mga kabataang biniktima ng marahas na demolisyon sa Corazon de Jesus, Pinaglabanan, San Juan)
Ni Pia Montalban

anak-loobang iniluwa
nang buwagin mga lungga
hindi sila mga dagang
sa 'sang hampas, kakaripas
susuguring dumadahas,
otomatik ang labas
barikada'y ititindig:
buong angas, buong tikas

'di iskuwater ang tawag
kapag lupa ay na-award
'di relokasyon ang tawag
sa lupang wala ni papag
de-kahong kural sa baboy
maralitang pinaglunoy
sa mga pait at dusa
kabuhayang dinestrongka

nagsimulang paghahasa
ng plumang-punyal lilikhang
mga makabayang obra
nagsimulang pagtatalik
ng mga nota at titik
bersong sa himig ay sabik
ito ang mga awit-giit
protestang bitbit-bitbit

pagka't sining ang bala't armas
ng kabataang aming lakas

nagbibigkis sa kanila'y talinhaga nitong digma
hikahos ng maralita'y ka-s'wapangang dala-dala
nitong mga ganid na burukrata kapitalista
armas at kalasag nila'y sining ng pakikibaka

Bio:
Pia Montalban
Babae. Edad bente-otso. Romantic Heart Disease Survivor.
Rice Terminator. Dating Model ng Rejoice, nasesante at nasampahan ng asunto sa nilikhang trapik sa EDSA.
Hindi pa convicted yet on-bail, tambay sa Facebook at Multiply.

 

     
     
     
     
     
           
     

x

 

Taglagas sa Panahon na Sagana
By: jp dimebag

Kami ay isininalng noong panahong ng taglagas
Sa mga angkan ng mga mababang antas
Mas kilala kaming mga dukha
Na mangagawa ng mayayamang nagpapasasa

Sa pera sa hustisya at sa kapangyarihan
Sila ang umuubos ng kaban ng bayan
Na dapat pang pagawa ng kalsada’t paaralan
Na dapat ay sa atin at sa buong mamamayan

Pudpud na mga kamay at katawang pagod
Mga paang ngalay at masakit na likod
Sa mga hapong trabaho ay talagang subsub
Nagtitiis pa din sa mababang sahod

Kelan ba makikita? Kelan ba mararamdaman?
Pag ginhawa sa buhay, pag ahon sa kahirapan
Hanggang kelan magtitiis? Kelan makakamtan
Pag ahon sa kalbaryo? Hanggang pangarap na lamang

Sa susunod na lahi taglagas sana’y matapos na?
Kahirapan, kaguluhan at matinding pagdurusa..
Tayo ay magisip at mga pagkakamili ay itama
Upang munting dahon ay di na ulit bumagsak sa lupa


Bio: Ako si John Paul Rumbawa . Nakatira sa Quezon City . 25 years old. Nagtapos sa kursong I.T. sa isang Computer School sa
Quezon City. Kasalukuyan akong nagtratrabaho sa Makati bilang IT Officer sa isang Construction Firm Company. Mahilig
akong magbasa at tumula.

---------------------------------------------------

Treinta Pesos

Treinta pesos.
Ito ang kita mo sa isang oras
na pagtatrabaho. Kailangan mo munang
magbuhat ng mabibigat, at palaging muntikang
mabalian ng buto, maumpog sa pader,
masermunan ng amo, mabuhusan ng semento
o 'di kaya'y (wag naman sana) mapugutan ng ulo.

Treinta pesos.
Kung itutumbas mo sa oras ng byahe
mula sa bahay papunta sa trabaho mo,
na kung sa'n-sa'ng lupalop ng
bansa - Pangasinan, Tarlac, Pampanga,
basta kung saan may itatayong bagong
gusali o kalsada, hinding-hindi pa rin sasapat
ang kikitain mo para ipampamasahe pauwi.
Humahaba ang daan sa ating pagitan, pero
hindi ito nasasabayan ng kakayahan
nating tuntunin ang kahabaang ito.

Treinta pesos.
Pang-load mo para makapagregister
ka sa Unlitxt na may extra pang sampung
piso at nang kahit sa loob ng beinte kwatro
oras, walang patid mo 'kong maitext. O 'di
kaya naman para matawagan mo 'ko, para
magkarinigan naman tayo kahit sa loob lang
ng tatlong minuto.

Treinta pesos.
Pero kahit pa nangungulila tayo sa isa't-isa,
nagtitiis na lang tayo madalas. Dahil ang
halagang ito, imbis na ipangload ay pwede na
nating ipambili ng isang kilo ng
pinakamurang klase ng bigas. Nakikiusap
na nga lang ako sa titser ni Lisa,
dahil wala pa tayong perang pang-enrol
eh sa darating na Lunes, pasukan na.
Nelson, napakahirap ding maiwang mag-isa.
Araw-araw kong pinagkakasya ang perang iniwan mo
at ang mga pangangailangan namin
ng mga anak mo.

Treinta pesos.
At sa susunod na linggo o mga araw lang kaya,
'pag tumaas na naman ang presyo ng
langis,pamasahe at bigas pero hindi ang sahod mo,
lalong dadalang ang ating pagkikita,
lalong hahaba ang daan at lalong dadami
ang bibilangin nating araw, linggo, buwan
bago mo muling matunton
ang daan pauwi.


Bio:

Daena B. de Guzman
Kadamay National
----------------------------------------------------

Untitled

...presyo, presyo, presyo
palagi ay tumataas
hindi na sila naging patas
para silang batas!


...naghihirap na ang masa
kawawa naman sila
ang mga pasista nama'y
nagpapakasasa sa pera


...Oil Deregulation Law at iba pa
panahon na upang ibasura
upang ang masa'y guminhawa
at ang kanilang ekononiya ay lumuwa


...gahaman at dayuhan
paalisin nang tuluyan
nang magpunyagi ang bayan
gapiin ang kalaban
at sisigla ang bayan!


- Ka Angelo Madarang
8:38 ng gabi, ika-27 ng mayo, 2011
lungsod ng Maynila, Pilipinas

Bio: Si Angelo Madarang ay ang dating organizer ng Anakbayan at LFS sa Araullo High School. Hanggang ngayon ay kumikilos pa rin!

------------------------------------------

Walang Puso ang Sinigang
-grobyas-


Si misis ay nagluto ng sinigang
para sa aming hapunan
Nakabili siya ng 1/4 na karne,
tatlong gabi, isang taling
kangkong at ilang sili.
Pero walang puso ng saging.
Walang puso ang sinigang.
At ang karne ay 1/4 lang.
At ang sili ay sobrang anghang.
At pabiro niyang sinabi,
"O, walang puso ang sinigang,
hindi mo ba tutulaan?"
At naisip ko, oo nga naman.
Walang puso ang sinigang,
ang karne ay 1/4 lang, at ang sili'y sobrang anghang.
Hindi ko ba tutulaan?

Walang puso ang sinigang
gaya ng kawalan ng puso ng mga kapitalistang
ayaw payagang mamuhay
ng matiwasay
ang mga manggagawang baon na sa kahirapan.

1/4 kilo lang ang karne.
Sa sobrang taas ng presyo,
'di na kayang bumili ng madami,
'di na gaya ng dati.
'Di na maabot ng mababang
suweldo ang nagtataasang presyo.

Maanghang ang sili.
Maanghang din ang mga salitang
namumutawi sa mga labi
ng mga tsuper ng dyipni,
mga kabataang estudyante,
at mga ordinaryong kawani habang sila'y nagra-rally.

Tapos na ang hapunan.
Nakaraos na naman.
Masarap pa rin kahit
walang puso ang sinigang.
Mas mapalad pa nga kaysa ibang
walang laman ang tiyan, laging kumakalam.
Sila yung mga taong sadlak sa kahirapan
at abang kapalaran,
mga taong pinabayaan,
mga taong pinagdadamutan ng mga serbisyong-panlipunan,
mga taong tinatanggalan
ng kabuhayan at tirahan.
Sila ang mga taong patuloy na nililinlang
ng gobyerno nating halang.

Ayos lang kahit na
walang puso ang sinigang.
Pero ang totoong nakakawalang-gana
ay ang kawalan ng puso ng pamahalaan.

Bio: Kilala din si lester bilang Grobyas Magdiwang. Si Andres Bonifacio ang kinikilalang pambansang bayani, hindi si Rizal.

Si Grobyas ay kumukunsumo ng tatlong bote ng Pale Pilsen at dalawandaang tasa ng kape sa loob ng isang buwan. Paboritong kulay ang pula ngunit laging itim ang damit. Pantalo'y punit-punit kaya napagkakamalang adik. Frustrated dahil walang pakialam ang mga dormmates niya sa mga isyung panlipunan kaya't madalas niyang binubulabog ang buong dorm sa malakas na tugtog ng mga awit ng pakikibaka.

Kasapi ng Kapatirang Beta Sigma.
 

     
     
     
     
     
     
     
     
     
     
     
           
   
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
 
**          

 

/p

  
 

Google