PRESS RELEASE September 28, 2005 National Day of Indignation tomorrow "Arroyo government will pay for all its crimes against workers"-- KMU Militant labor center Kilusang Mayo Uno today said they will not stop seeking justice for the brutal death of labor leader Diosdado 'Ka Fort' Fortuna. Arroyo's ouster will be the most fitting justice for Ka Fort's slaying. From UP Diliman, a funeral protest caravan will proceed to Mendiola and Nestle Head Office at Rockwell Power Plant Mall in Makati. Workers will bring home Ka Fort to his hometown in Laguna. "Dadalhin namin sa harap mismo ng mga salarin ang malamig na bangkay ni Ka Fort. Katarungan ang sigaw ng mga manggagawa sa pagpaslang sa kanya. Wala siyang ibang sala kundi ipaglaban ang kapakanan ng mga manggagawa at mamamayan," said KMU Chairperson Elmer Labog. Labog also condemned Malacanang's silence on Ka Fort's killings. Our one hand points to government forces while our other hand points at the capitalist Nestle as the main perpetrators in this gruesome politically-motivated killing. "Workers nationwide will pay their highest tribute to Ka Fort by launching a National Day of Protest tomorrow, September 29. Ka Fort's martyrdom will not go in vain. Workers will continue to work for Arroyo's ouster despite the campaigns of suppression launched by Malacanang." Labog said KMU will push through with the protests tomorrow coinciding with Ka Fort's burial. KMU chapters from Bicol, Cebu, Davao , Central Mindanao, Far South Mindanao, Central Luzon , National Capital Region will launch protests and work stoppages as an indignation to the growing attacks on the labor front. We are holding Malacanang, the Department of Labor and Employment, the Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines as the primary perpetrators of Ka Fort's murder. We will seek for justice through all forms of struggle. The long hand of revolutionary justice will definitely punish the mastermind and executors of the series of political killings nationwide. "Ka Fort's loss will add more strength to our unity and struggle to defeat Arroyo's presidency and exact justice to all victims of political repression and trade union and human rights violations."Bibiguin ng taumbayan ang Martial Law ni Gloria na nag-aanyong 'calibrated preemptive response." KMU condemned the police and military for constantly harassing Ka Fort's funeral protest caravan. Several blockades were set up by the police to prevent the caravan to reach Mendiola and Nestle Philippines office. "What kind of government is this? Arroyo has no respect even for a dead person. We've had enough of Gloria. We will realize her ouster from Malacanang as soon as possible." ### References: Elmer Labog -0918-5515014, Mao Hermitanio 09272213353 BALITA Setyembre 28, 2005 Matapos ang deklarasyon ng 'calibrated preemptive response' ni Gloria Marahas na pananalakay sa mga unyon, nagpapatuloy; Ikinulong na opisyal ng nakawelgang unyon ng Ren Transport, palayain! -- KMU Nagpapatuloy ang pagbira sa hanay ng mga manggagawa sa mararahas na pananalakay sa mga unyon matapos ng deklarasyon ng 'calibrated preemptive response' ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ayon sa sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU). Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, "Habang ipinagluluksa namin ang pagkawala ng isang magiting na lider-manggagawa na si Diosdado 'Ka Fort' Fortuna, tagapangulo ng unyon sa Nestle Cabuyao, na walang-awang pinaslang matapos din ng mala-martial law na deklarasyon ni Gloria, binuwag ang payapang piketlayn at ikinulong naman si Vincent Quitoras, tesorero ng Samahan ng mga Manggagawa sa Ren Transport (SMART-ADLO-KMU). Ang Ren Transport ay isa sa pinakamalaking nangungontrata ng basura sa Kamaynilaan at nakawelga pa mula noong nakaraang buwan. Ayon sa ulat, katanghalian noong Setyembre 26 sa Montalban Ren Motor pool kung saan nakatayo ang isa sa mga piketlayn ng mga manggagawa ng Ren Transport, nang marahas na salakayin ng humigit-kumulang sa labinlimang (15) pulis ng Montalban na armado ng armalayt at pistola, kasama ang mga bayarang goons na may takip ng bonnet sa mukha. Ayon sa salaysay ng mga manggagawa, ilang pulis ang nakasakay sa mobile at karamihan sa kanila ay sakay ng dump truck ng Ren. Kalahati diumano ng mga pulis ang sumalakay sa mga nagpipiket na mga manggagawa habang nagpaputok naman ng armalayt ang isang pulis. Dahil dito, nagtakbuhan ang mga welgista. Dito na hinabol ng mga pulis ang mga welgista at nahuli si Quitoras. Sinabi ni Nestor Fulminar, Tagapangulo ng SMART, na walang dalang court order ng labor at husgado ang mga nagdispers sa piketlayn. Hindi rin diumano nagkaroon ng negosasyon at basta na lamang nilusob ang kanilang hanay. "Kalahati ng tropa ng mga pulis na inalalayan ng mga goons at drayber ng truck ang pumasok sa motor pool at ilang sandali pa'y pinaandar at itinakas ng mga pulis at goons ang labingdalawang dump trucks ni kay Nilo Pazcuguin, ang kapitalista ng Ren. Sinisingil namin ang sabwatan nina Pazcuguin, Mayor Cuerpo, at Police Inspector Dominador Pinid sa pangyayari." Dinala naman si Quitoras sa San Jose PNP Detachment sa Montalban at kinasuhan ng gawa-gawang kaso tulad ng maliscious mischief, resisting arrest, at assault resulting to damage to property. "Walang dahilan para pagdudahan namin ang kutsabahan ng gobyerno, ng pulisya at ng mga kapitalista para gawing pipi ang kilusang paggawa sa aming pagpapahayag sa aming mga karaingan. Ramdam na ramdam ng mga manggagawa ang kamay na bakal sa aming hanay pero hinding-hindi kami matatakot, "pagtatapos niMaglunsod. Ipinanawagan naman ni Maglunsod ang kagyat na pagpapalaya kay Quitoras at ang pananagot sa pananalakay ng mga alipores ni PGMA sa kilusang paggawa.### Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Jovito Labay, Board Chairman ng SMART (09203543768)