Rep. Crispin Beltran

marks 6th month in detention;

supporters hold vigil with torches,

songs and speeches

 

Quezon City

 

August 24, 2006  Posted: August 25,2006

 

Labor unionists, professionals, OFWs, peasant advocates, government employees, urban poor, students, Anakpawis (AP) supporters, and the Free Ka Bel Movement (FKBM) join Ka Bel in marking his 6th month in detention by holding vigil with torches, songs of protest, and solidarity speeches outside the Philippine Heart Center (PHC).

 

To download photo: Right Click on image and "Save Target as.."

To view actual size: Double click on image

If  some thumbnails are missing,    press F5 to refresh

 

           
           

Anakpawis

Statement

Free Ka Bel

Movement

Statement

           

WALANG BASBAS NG HUKUMAN
Alexander Martin Remollino

Kay Michael Masayes, isa sa tinataguriang "Tagaytay 5," kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran, at iba pang dumanas ng katulad na kapalaran

I
Makailan nang bumibilog ang buwan
mula nang ikaw at ang mga kasamahan mong sina
Axel Pinpin,
Riel Custodio,
Aristedes Sarmiento,
Enrico Ybañez
ay lambatin ng mga alagad ng estado
at isadlak sa likod ng mga rehas.
Dinakip kayo nang walang basbas ng hukuman
sapagkat kayo raw ay nahuli sa aktong
nagsasagawa ng isang krimen:
rebelyon.

II
A, rebelyon pala ang ginawa mong
pagsama sa isang kapitbahay na maghahatid
kina Axel, Riel, at Aristedes
sa isang pakikipagpulong sa mga magbubukid.
Masdan ang ginawa sa kongresistang si Crispin Beltran:
dinakip siya nang walang basbas ng hukuman
habang papunta sa isang salu-salo ng kanilang pamilya,
at kinasuhan ng rebelyon.

Sadya yatang kaydaling palitan
ang mga kahulugan ng mga termino:
nariyan ang kawalan ng trabaho, kahirapan ,
kakulangan ng silid-aralan,
at sa kaso nga ninyo,
rebelyon.

III
Ngunit kung tunay mang kayo nga'y nahuli sa aktong
pagsasagawa ng isang krimen,
pansinin natin:
bakit kayo lamang at ilang iba pa
ang ginawan nang ganyan?

Hindi ba't tuluy-tuloy ang rehimen sa aktong
pagpapapatay sa mga may tatak na "kaaway ng estado"?
Hindi ba't tuluy-tuloy ang rehimen sa aktong
pagtataksil sa bansa
sa pamamagitan ng pagiging tagapagsalita
ng mga gumahasa kay "Nicole"?
Hindi ba't tuluy-tuloy ang rehimen sa aktong
pagnanakaw ng salapi mula sa pambansang kabang-yaman?
At hindi ba't ang nagpapakilalang pangulo ng Pilipinas
ay dati pang nahuli sa aktong
pambabalasubas sa mga balota?

Kung tunay mang kayo nga'y nahuli sa aktong
pagsasagawa ng isang krimen,
hindi dapat na kayo lang at ilang iba pa
ang dinakip nang walang basbas ng hukuman.

IV
Tuluy-tuloy ang nagpapanggap na presidente ng Pilipinas
sa paggawa ng sala-salabat na mga kasalarinan
at ang mga ito'y kanyang ginagawa sa harap ng lahat.
Kaya't di na kailangang hingin ang basbas ng hukuman
upang siya at ang kanyang mga alipures
ay dakpin at isadlak sa likod ng mga rehas.

 

 Ferdie Gaite

 COURAGE

 Elmer Labog

KMU Chair

 Eleonor de Guzman

ANAKBAYAN

 Rep. Rafael Mariano

ANAKPAWIS

From Bulatlat: Solon’s Prolonged Detention Assailed in 2-Day Vigil, Rally

Rep. Liza Maza

GABRIELA

Alex Remollino recites his poem (posted here)

 

 

 

 

 

 

           
BONUS TRACKS
           

 

Members of the Free Ka Bel Movement distribute statements to passing motorists and passengers in jeepneys and buses.

     
     
 
           
           

<<<--- this vendor does not realize why very few rallyists buy their bottled water from him.

           

Home

 

 
Web www.arkibongbayan.org