Paglipas ng Panahon Monday, 12 February 2007 Lyrics and Music by Danny Fabella Awit ni Ava Danlog kina Joma at Julie February 8, 2007 Habang lalong tumatagal Lalong napapamahal Ang tulad mong nagbibigay Ng kulay sa'king buhay Bawat oras na lumipas Ikaw ang lagi kong hanap Dahil pag di ka natanaw Kulang ang aking araw Refrain: Pag di nagtagpo ang ating paningin At di namalas ang iyong ngiti Pag di narinig ang 'yong tinig At mayakap ka kahit sandali Sana tayo'y di magbago Paglipas ng panahon Magkaramay, magkasalo Bawat pagkakataon At sa ating paglalakbay Sa pangarap nating buhay Ang lakas ko'y di sasapat Kung ika'y hindi kaagapay Repeat Refrain Sana hanggang sa pagtanda'y Tayo pa ring dalawa Hawak-kamay at ang buhay Alay sa'ting paglaya (Alay sa isa't isa) Hanggang tagumpay ay ating marating (Hangga't tuloy ang ikot ng daigdig) Hangga't ang puso'y may pintig Hindi magsasawang sa iyo'y sabihin Kita'y pinakaiiibig Repeat