More photos:

People's SONA in Metro Manila

 

Commonwealth Avenue, QC

 

July 23, 2007   Updated: July 24, 2007

 

BAYAN Chair Dr. Carol Araullo

delivers the SONA ng BAYAN

lKMP Secretary General Danilo Ramos

This PCPR effigy portrays the case of many mothers who lost their loved ones due to the inhuman policies of Gloria Macapagal-Arroyo administration against members of people’s organizations that are critical of the government policies.

Download  Write-up on the PCPR effigy

Vencer Crisostomo, LFS Chair
/p
Google

/p
           
KMU Chair Bong Labog KADAMAY Chair Carmen Diuneda BAYAN-ST Chair Orly Marcellana
VP Teofisto Guingona Sen. Jamby Madrigal Bayan Secretary General Renato Reyes

 

Other speakers were:  AGHAM Chair Dr. Giovanni Tapang, Migrante International Secretary General Maita Santiago and many more in a p;rogram that started around 11 in the morning and lastted until 4 in the afternoon

 

 

SONA ng Bayan

Talumpati ni Dr. Carol Pagaduan-Araullo

Tagapangulo, Bagong Alyansang Makabayan

23 Hulyo 2007

 

Nais ko munang batiin ang libo-libo nating mga kababayan mula sa hanay ng mga aktibistang samahang masa na kainib ng BAYAN, mga baseng pampulitika ng mga progresibong partido ng Bayan Muna, Anakpawis, GWP atbp, mga kaalyado nating mga personahe, organisasyon at pwersa sa kilusan para patalsikin si GMA at mga karaniwang mamamayan na sumama sa kilos protesta natin ngayong araw ng SONA.

 

Tayong lahat ang maglalahad ng tunay sa SONA ng Bayan sa buong araw ng pagtatalumpati, pangkulturang pagtatanghal, pakikinig, pagdadaup-palad sa isa’t isa at pagpapanday ng pagkakaisang “Makibaka, huwag matakot”, “Panagutin ang papet pasistang rehimeng US-Arroyo” at “Isulong ang pambansang kalayaan at demokrasya!”

 

Ang SONA ay taunang ritwal, mas kilala bilang magarbong okasyon para ilarawan ang sitwasyon ng bansa ayon sa iilang naghahari, upang bigyan matwid ang kanilang paghahari, patahimikin ang mga panawagan para sa pagbabago at sawatain ang rebolusyonaryong pagkilos ng mamamayan sa kanayunan at kalunsuran.

 

Kaya naman ang SONAng bibigkasin ni Ginang Gloria Macapagal-Arroyo ay mahirap tanggapin sapagkat ang sasabihin nitong pag-unlad ay hindi nakikita, hindi nararamdaman, lalu’t di nalalasap ng mayorya ng ating kababayan. 

 

Isang milyong bagong trabaho ika niya, nasaan? Hinahanap ito ng mahigit 11 milyong Pilipinong wala o kulang ang kinikita para mabuhay.  Ang 3,400 na kababayan nating nangingibang bansa araw-araw ay tumigil na sa pag-asang makakahanap sila ng disenteng trabaho sa sariling bansa. Anumang empleyo ang meron ay lubhang mababa ang sahod, kontraktwal, walang kaseguruhan o masahol ang kalagayan sa paggawa. Ang ating mga magsasaka ay bangkarote dahil sa pito pa rin sa kada sampu ay di nagmamay-ari ng sariling lupa, anupa’t kay baba ng pasahod sa mga manggagawang bukid.

 

Pagtaas ng halaga ng piso, ano ang katuturan? Mas marami bang pagkain sa hapagkainan? Nagmumura ba ang halaga ng tubig, kuryente at pamasahe?  Nakakapasok ba ang mga bata sa eskwelahan; may bubong ba laban sa sobrang init at malakas na bagyo; may gamot ba sa oras ng pagkakasakit? Gutom at hikahos pa rin ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan.

Balansyado na raw ang badyet ng gubyerno, paano naman ang badyet ng tahanan? Bilyong kita sa expanded VAT at iba pang bagong buwis at bayaring ipinataw ng gubyerno, saan/kanino napupunta?  Walang kaparis na pagprayoridad sa pagbabayad-utang, pagpapalamon sa lakas militar para sa all-out war laban sa NPA at kontra-“terorismo”, waldas at kurakot sa mga infrastructure projects habang tuloy-tuloy ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon, badyet sa kalusugan, kaliwa kanang demolisyon para diumano sa mga development projects at pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo.

 

Pagdagsa ng foreign investments, pagsigla ng stock exchange – katumbas ba ay kasaganaan at progreso? Hindi, kung ang dulot ay walang kaparis na pandarambong ng ating likas yaman at pagsasamantala sa ating murang lakas paggawa. Katulad ng itinutulak na industriya ng pagmimina. Maliit ang bilang ng trabahong ibinibigay habang malakihang danyos sa kalikasan, hanapbuhay ng mga katutubo at maging ng mga magsasaka’t mangingisda ang dulot sa pag-arangkada ng pagmimina sa bansa.

 

Di pa nababago ang sitwasyon na hamak na mas malaki ang kitang inilalabas sa bansa ng mga dayuhang mga bangko’t korporasyon kaysa sa kanilang pinupuhunan.  Lugi ang bansa pati sa kinikita ng mga korporasyong multinasyunal at ka-partner na mga burges-komprador mula sa pagtambak ng imported na mga produkto na pumapatay sa hanap-buhay ng mga magsasaka’t  nagpapasara sa mga maliliit na empresa. Sa ngalan ng globalisasyon.

 

Kaya naman kapag sinabi ni Ginang Arroyo na nasa landas tayo ng pagiging bansang “First World” sa pagtatapos ng termino niya bilang pangulo sa 2010, daig pa niya si dating pangulong Ramos na nagyabang na aabot tayo sa newly industializing country (NIC)-status tulad ng South Korea, Taiwan, Malaysia sa taong 2000.  Pawang salitang “Enchanted Kingdom”  o pambobola lamang ang mga iyon at walang tinuntuntungan sa realidad.

 

Ang totoo, at alam ito ni Ginang Arroyo, ng kanyang mga heneral at mga alipures sa kabinete, wala nang naniniwala, bagkus kinamumuhian na ng mamamayan ang buong kawalanghiyaang pagsisinungaling ni Arroyo.  Kahit anu pa mang estatistika at mga drowing ng plano ang kanyang ilabas. Tanging mga bobo at sipsip na mga konggresista lamang ang nagpapaniwala pa o nagpopusturang naniniwala pa sa kanyang mga kabulastugan.

Alam ng rehimeng US-Arroyo na hinaharap nito ang prospek nang lalong paglalagablab ng armadong rebolusyon, lalong paglakas ng kilusang masa para sa mga demokratikong reporma sa ekonomya’t pulitika at lalong pagdagundong ng panawagang “Patalsikin si Gloria!” 

 

Kaya naman mula pa nang maupo sa poder, ipinatupad na ng rehimeng Arroyo ang patakarang “all-out war” laban sa rebolusyonaryong kilusang sa bansa na binansagang  “terorismo” alinsunod sa turo ni Presidente Bush ng gubyernong US.  Ang bago sa Oplan Bantay Laya ay ang pagdami ng walang habas na “extrajudicial killing” o pamamaslang ng mga aktibista’t iba pang pinaghihinalaang maka-Kaliwa sa kamay ng mga “death squad” ng estado, enforced disappearance o pagdukot , tortyur, iligal na pag-aresto at malawakang pagpapalikas ng mga komunidad na binabansagang base ng mga NPA.

 

Ngayon naman, nariyan ang Anti-Terrorism Act. Malinaw na di-deklaradong martial law ang nais ipataw sa bansa.  Dahil desperado and rehimen na manatili sa poder upang magpatuloy sa pagpapasasa sa kabang-bayan at sa pang-aabuso sa kapangyarihan, ginagawa at gagawin pa ang lahat ng kabuktutan laban sa sariling mamamayan. 

 

Dahil sa matinding presyur mula sa mamamayan at mula sa labas ng bansa, umaamin na si Ginang Arroyo na posibleng mga “rogue” o mga masamamang elemento ng militar ang may pananagutan sa mga pampulitkang pamamaslang at pagdukot. Subalit ang totoo, si Gloria mismo, kahit lamang sa prinsipyo ng “command responsibility” o bilang Commander-in-chief ng AFP at PNP, ang dapat managot sa mga pagpaslang na ito. 

 

Noong nakaraang SONA, buong giliw at pagmamayabang na pinuri ni Ginang Arroyo si Hen. Jovito Palparan Jr.  Di nagtagal ay mismong Melo Commission na kanyang binuo ang nagturo kay Palparan bilang responsable sa mga pagpaslang.  Malinaw pa sa sikat ng araw kung bakit hindi tumitigil ang mga malulubhang human rights violations: ang mga ito’y hinahayaan, pinapahintulutan at binabasbasan ng pasistang rehimeng US-Arroyo.

 

Kailangan tayong magpakatatag at maghanda sa higit pang panunupil, sa mas matinding terorismo ng estado, at sa lalong panghihimasok militar ng imperyalismong US at iba pang kaalyado ng gubyernong Bush sa kanyang gyera ng terorismo.

Subalit alam natin na hindi sila magtatagumpay.

Sa ngalang ng mga martir at bayani nating mga kababayan na nanguna sa paghihimagsik, sa pakikibaka, sa paglaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya, sa anumang larangan -- nangangako tayo sa araw na ito, na pananagutin natin ang mga salarin at ang msa nasa likuran nila.  Ang sambayanan ay mananaig, itatayo natin ang bayang malaya, maunlad at demokratiko kapag napatalsik na natin ang salot na rehimeng US-Arroyo.

 

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Isulong ang kilusang mapagpalaya laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrtaka kapitalismo!

Makibaka, huwag matakot hanggang sa tagumpay!

 

Above speech in word format

 

■   5,000 youth, students join 'People's SONA;Say 'better education' legacy a sham; Slam commercialized education, Terror Law

■   SONA speech of AGHAM chairman

■   CPP blasts Arroyo's illusions and threats, directs the NPA to launch more offensives

■   RP regressing deeper to Third World status–IBON

■   In the face of its glaring failures, the Arroyo government continues to pursue the very same bankrupt economic policies that caused these in the first place - IBON

■   Ballooning budget gap underlies flaws in Arroyo's economic policites - IBON

■   Arroyo's SONA betrays administration's lack of vision - IBON

■   kmp: Farmers say GMA's "reform agrarian reform" spells land-grabbing

■   PGMA's main accomplishment of job opportunities, pure lies - KMU

 

     
     
     
     
     
     
 
 
Concerned Artists of the Philippings and other artist groups
 
Health workers
           
Alliance of Concerned Teachers, AGHAM, CONTEND-UP and other academe-based groups
           
           
   
           
Human rights workers      
 
      Gabriela and other women groups
       
           
       
Friends from other countries - partiipating in the protest march in the name of international solidarity
     
         
         
KMP and various peasant groups
           
           
           
Church workers
           
   
           
           
           

Home