A Christmas Appeal for the Victims of Rapu-rapu fishkill

and militarization in Surigao

 

December 5, 2007

 

 

   


December 4, 2007

Dear Sisters and Brothers,

The cold December wind reminds us how Mary, Joseph and Jesus were coping to survive.

No doors of comfortable homes were opened to them, as everyone was busy and their houses were full. A humble barn temporarily sheltered them, and Jesus was born among the animals and hays. The bleak first Christmas sight resembles the plight of our brothers and sisters in Rapu-rapu in Albay and Lumad communities in Surigao, Mindanao.

The latest fishkill in Rapu-rapu Island brought by the Lafayette mining operations left thousands of families hungry and
vulnerable to sickness and death. Massive environmental destruction drastically deprived the people of livelihood. Meanwhile,
massive militarization in 12 communities in Surigao forced more than 1,000 Lumad to evacuate.
 

As we celebrate the Christmas season, we lament that so many of our sisters and brothers can hardly catch the Christmas mood
as they struggle to cope with both natural calamities and man-made disasters. We hope that our hearts and hands would be
willing enough to welcome our brothers and sisters by sharing with them the blessings we have received. We may be far away

from them, but we can send our message of generosity, solidarity and kinship by extending our gifts unto those who are poor
and needy. We may not know them by names and we may not be able to receive gifts from them in return, but surely, the Lord of
the Star who granted the wise men the light to find their way to the Messiah will surely guide us to celebrate a meaningful
Christmas.

 

 

If our compassion compels you to visit them, kindly inform us so we can coordinate ahead with the local people's
organizations. Attached please find detailed information on the situation in Rapu-rapu and Surigao along with the urgent
appeal for immediate relief-medical support and psycho-social therapy. May your blessings increase as you share the bounty
your have received.

Blessings and Peace,

Norma Dollaga

Kapatirang Simbahan para sa Bayan

 

Amie Dural
Promotion of Church People's Response

 

Download Christmas appeal

 

■   Residents of Lumad communities in Diatagon, Lianga and San Agustin in Surigao del Sur have fled their homes since November 1 due to massive military operations, Nov. 22, 2007

 

■   Killing the fish, killing the livelihood, while Lafayette makes a killing in digging up and shipping out the treasures of Rapu-Rapu, Nov. 6, 2007

 

   

 

                                                                                                                        Nobyembre, 2007

______________________________

______________________________

______________________________

 

 

Pagbati!

 

Sa ngalan ng mamamayan ng isla ng Rapu-Rapu, Albay, kami po ay sumulat sa inyo upang maipaabot ang tunay at kasalukuyang kalagayan ng isla at ng mamamayan nito partikular ang sektor ng mangingisda at magsasaka. Gayundin, ang sulat pong ito ay ang pagdulog sa inyo upang lubos ninyong maunawaan at maging kaisa namin kayo sa aming makatao at makatarungang kahilingang pagpapahinto ng operasyon ng pagmimina,  pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette sa Isla ng Rapu-Rapu, Albay.

 

Kalakip po nito ay ang Kasalukuyang Kalagayan ng Isla ng Rapu-Rapu, Albay at ng Mamamayan nito at ang mga isinasagawang pagkilos at paglaban ng mga mamamayan.

 

Mahaba-haba na ang pagtutol at paglaban ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa operasyon at pagmimina ng Lafayette. Ito na rin ang nagbunsod ng pagkakabuo ng SAGIP ISLA-SAGIP KAPWA, Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at Kumbersyong Agraryo o UMALPAS KA-Bikol at ng SAVE RAPU-RAPU ALLIANCE o SARA.

 

Pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette ang isinisigaw ng mamamayan ng Rapu-Rapu, mga grupong pangkalikasan, taong simbahan, kabataan, propesyunal at maka-kalikasan at ilang makabayang pulitiko. Iba’t-ibang porma na ng pagkilos ang inilunsad ng mamamayan, mula sa petisyon, pagpasa ng resolusyon, piket at dayalogo, rali, pagsampa ng kaso sa korte, at ngayon nga ay ang KAMPONG BAYAN. Ngunit sadyang bingi, bulag at nabubusalan ang mga bibig ang mga ahensya ng gubyerno at kinauukulan sa panawagang ito.

 

Ang muling pagtindig ng KAMPONG BAYAN noong Nobyembre 14, 2007 ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu ay isa sa pinagkaisahan ng katatapos lamang na Pangkalahatang Asembliya ng SAGIP ISLA-SAGIP KAPWA noong Nobyembre 11, 2007. Para sa kanila, mataas na antas na ito ng protesta at pagkilos laban sa Lafayette at nangangailangan ng pakikiisa at pagsuporta ng iba pang mamamayan, sektor, organisasyon, institusyon, grupo at mga indibidwal.

 

Kaya nananawagan po kami sa inyo ng pakikiisa sa aming laban at dumudulog ng suporta sa aming mga pangangailangan para sa aming pamilyang nagugutom at para sa pagsusustini ng aming laban at mga aktibidad at sa ngayon ay ang, KAMPONG BAYAN na itutuloy-tuloy sa harapan ng Albay Capitol kung saan nag-oopisina ang mga Kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan at ang mismong Gobernador. Ito po ay ilulunsad mula Disyembre 5 – 12, 2007.

 

Kayo po ay inaaanyayahan rin namin na pumunta sa Rapu-Rapu upang makita sa aktwal ang aming kalagayan at makasalamuha ang mga mamamayan at makiisa sa lahat ng aktibidad ng kampanya laban sa Lafayette at sa dayuhang pagmimina sa rehiyon ng Bikol.

 

Diyos Mabalos (Salamat po) at Mabuhay kayo!

 

Para sa Mamamayan ng Rapu-Rapu,

 

 

Antonio Cacitas                                                            Arieto Radores

Head Servant                                                    Tagapagsalita ng UMALPAS KA-Bikol at

SAGIP ISLA-SAGIP KAPWA                             Tagapangulo ng LAMBAT-Bikol


 

Kasalukuyang Kalagayan ng Isla ng Rapu-Rapu, Albay at ng Mamamayan Nito:

 

 

Muli na namang naulit ang “fish kill” noong Oktubre 26-28, 2007 matapos ang 2 insidente noong Oktubre at Nobyembre 2005 ngunit mas malala sa ngayon. Namatay, nagkalat sa baybaying dagat, lumutang sa karagatan at namaho ang mga patay na isda sa mga Barangay ng Pagcolbon, Malobago, Sta. Barbara, Carogcog, Binosawan at Poblacion. Nangyari ito matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan sa Isla ng Rapu-Rapu noong Oktubre-28, 2007. Sa ngayon, mas marami ang nakita at nakolektang mga patay na isda at seashell sa pangyayaring “fish kill” na ito.

 

Nawalan ng kabuhayan ang mahigit siyamnapong porsyento (90%) o mahigit 16,500 katao ng total na populasyong 19,000 residente ng Isla, ang mga mangingisda. Umabot na rin ang epekto nito sa mga karatig na isla tulad ng Batan, Cagraray at Ginanayan. Mula ng mangyari ang fishkill, hindi na nagpalaot para manghuli ng isda ang mga mangingisda ng 6 na barangay na direktang tinamaan ng fishkill at ng 7 pang barangay ng isla dahil sa takot na malason sila ng mahuhuling isda at wala rin namang bibili ng isda kung sakaling magpalaot sila. Hindi lang kabuhayan ang nawala kundi ang mismong pagkain at ang resulta -- Gutom at Sakit ang nararanasan ng mamamayan ng Rapu-Rapu.

 

Sa kasalukuyan sa Barangay Buenavista mahigit 100 mangingisda na ang lumisan sa kanilang baryo at pumunta ng Catanduanes para doon maghanap-buhay, ang “maghagot” ( trabahador sa abakahan ) at gayundin sa Barangay Carogcog at iba pang barangay na napilitang maghanap sa ibang lugar ng kahit anong mapagkakakitaan para makaraos.

 

Hindi lang ang pinagmumulan ng kabuhayan ang tinamaan ng lason ng Lafayette kundi ang kalusugan ng mga residente ng Isla. Labing anim (16)  katao na ang nairehistrong nalason dahil sa pagkain ng isda at tagunhason (sea shell) sa buong Isla. Kasama na dito ang 3 bata na sina Sarah Jane dela Cruz, 14, Lorilyn dela Cruz, 11 at Saint Jane Balbino, 2 taong gulang na dinala sa Ospital matapos kumain ng tagunhason dahil sa walang tigil na pagsusuka at pagtatae noong Oktubre 31. Higit na nakalulungkot ang sinapit ni Maurita de Ramas, 27 taong gulang at may 4 na maliliit pang anak na namatay na noong Nobyembre 23 dahil sa kanyang naging karamdaman dahil sa pagkain ng patay na isda na nakuha ng kanyang asawa sa laot. Ika – 28 ng Oktubre nang siya ay kumain ng isda at agad siyang nahilo at nagdilim ang paningin (nauna siyang kumain sa buong pamilya), mabuti na lamang at hindi na nakakain ang kanyang 4 na anak at ang kanyang asawa. Agad siyang dinala sa District Hospital ng Rapu-rapu at pabalik-balik doon dahil sa kanyang karamdaman. May mga tumubong mga sugat sa kanyang mukha at tiyan animo kinakain ang kanyang mga balat at hindi naglaon ay binawian na ng buhay. Batay sa pamilya, walang ibang karamdaman si Maurita de Ramas bago siya nakakain ng patay na isda.

 

Napakalaking trahedya ang tumamang ito o nagaganap sa Isla ng Rapu-Rapu at sa mga mamamayan nito. Pinatutunayan ng mga mangingisda at residente ng Pagcolbon, Malobago, Carogcog, Sta. Barabara, Binosawan, Poblacion at iba pang barangay na walang nangyayaring fishkill sa Isla nang wala pa ang Lafayette. Napatunayan na nang nakaraang fishkill na ang lason mula sa pagmimina ng Lafayette ang sanhi nito at ito ay muling pinatutunayan ng mamamayan ng Rapu-Rapu na walang ibang salarin sa pagkaulit ng “fishkill” kundi ang dayuhang pagmimina ng Lafayette sa Isla.

 

Mauulit at muling mauulit lamang ito sa Isla ng Rapu-Rapu at maaaring mangyari rin sa iba pang lugar ng rehiyon ng Bikol na may operasyon ng pagmimina. Ito ay sa kalagayang umiiral ang Philippine Mining Act of 1995. Ang makadayuhan at anti-mamamayang batas na ito ng pagmimina sa bansa ang pinag-uugatan ng mga problemang kinahaharap ng mamamayan sa ngayon. Nagiging instrumento ito ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina tulad ng Lafayette upang wasakin, lapastanganin, saidin at pagtubuan ang ating likas na yamang mineral. Basura, Lason at Kahirapan lamang ang hatid ng mapangwasak na pagmiminang ito.

 

Mula nang pumasok at mag-operasyon ng pagmimina ang Lafayette, nanatiling isa sa pinakamahirap na munisipyo ang Rapu-Rapu sa probinsya ng Albay. Isang panloloko ang deklarasyon ng Lafayette na maghahatid sila ng trabaho, kabuhayan at kaunlaran sa mga mamamayan. Mayorya ng mga manggagawa ng kumpanya ay hindi naman taga-Isla kundi nagmumula sa iba’t ibang lugar. Matapos ang fishkill noong 2005 ay hindi pa nakababangon sa pagkasadlak sa kahirapan ang mga mangingisda at ang pangyayaring fishkill ngayong 2007 ay mas lalo pang nagpalala sa dati nang kahirapan ng mamamayan ng Rapu-Rapu. Kung gayun, hindi kaunlaran bagkus labis na kapinsalaan ang hatid ng Lafayette sa Isla ng Rapu-Rapu.

 

Gaya ng inaasahan, naghugas kamay ang kumpanya ng Lafayette sa nangyaring fishkill. Hindi daw sila ang dahilan ng pangyayaring ito. Samutsaring pagsisinungaling, paglilihis at pagmamaniobra sa isyu ang isinasagawa ng Lafayette. Wala raw silang operasyon sa panahon ng mangyari ang fishkill, ang kanilang tailing dam na pinag-iimbakan ng mga lasong kemikal ay 11 metro pa daw ang taas at 9-10 kilometro daw ang layo ng minahan sa Poblacion.

 

Waring mga tagapagsalita naman ng  Lafayette ang mga ahensya at lokal na gubyerno gaya ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) at Environmental Management Bureau (EMB), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), LGU- Rapu-Rapu at ilang kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay partikular si Celso Aytona. Nagkukumahog sa pagdepensa at lantaran ang pagiging tuta at pagpapakita ng suporta sa Lafayette ng mga ahensya at mga tinaguriang halal na opisyal at lider ng bayan. Hindi pa man lumalabas ang pagsusuri na ginawa ng BFAR sa sanhi at pinagmulan ng fishkill at saklaw na lugar na pinangyarihan, nagpapanabay na sa pagpa-interview sa midya itong mga taksil sa bayan at tagapagbenta ng soberanya ng bansa at likas na yaman ng Rapu-Rapu, halos isa ang kanilang tuno at linya - walang kinalaman ang Lafayette sa nangyaring fishkill at Poblacion lang ang apektado. Ang higit na katawa-tawa na kahit Grade-1 ay hindi maniniwala, ay nang maglabas na ng resulta ng pagsusuri ang BFAR- ang mga isda na namatay sa dagat ng Isla ay nalunod.

 

Pinasinungalingan, hinarap at buong lakas na nilabanan ng mamamayan ng Rapu-Rapu at Albay sa pangunguna ng SAGIP ISLA-SAGIP KAPWA at UMALPAS KA-Bikol ang lahat na panloloko at maniobrang ginawa at ginagawa pa ng Lafayette, DENR/EMB, BFAR, LGU ng Rapu-Rapu at ilang kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay lalo na si Celso Aytona.

 

Pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette ang isinisigaw ng mamamayan ng Rapu-Rapu, mga grupong pangkalikasan, taong simbahan, kabataan, propesyunal at ilang makabayang pulitiko. Ibat- ibang porma na ng pagkilos ang inilunsad ng mamamayan, mula sa petisyon, pagpasa ng resolusyon, piket at dayalogo, rali, pagsampa ng kaso sa korte, at ngayon ay KAMPONG BAYAN. Ngunit sadyang bingi, bulag at nabubusalan ang mga bibig ang mga ahensya ng gubyerno at kinauukulan sa panawagang ito.

 

Bagkus, ay karahasan at paglabag pa sa karapatang pantao ang ginagawa. Sa pinakahuli ay ang iligal na pag-aresto kay Antonio Cacitas – Tagapangulo ng SAGIP ISLA-SAGIP KAPWA at Stephen Perstado – volunteer documentor ng UMALPAS KA – Bikol noong Nobyembre 14, 2007, nang muling itinindig ang Kampong Bayan. Ang mga mamamayan ay mapayapa at maayos lamang na nagpapahayag ng kanilang kalagayan at kahilingan sa harap ng munisipyo ng Rapu-Rapu. Sila ay nagpoprotesta sa maka-Lafayette na resulta ng isinagawang imbestigasyon ng LGU ng Rapu-Rapu kaugnay sa fish kill. Ang paggamit ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao ay ang palagiang  sagot ng mga maka-dayuhan at anti-mamamayan na mga nakaupo sa gobyerno katuwang ng armadong pwersa nito.

 

Hindi natitinag at hindi natatakot ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu. Nanatiling matibay ang paninindigan ng mga mamamayan. Ang mga pangyayaring ito sa Rapu-Rapu ay lalo lamang nagtutulak sa mga mamamayan na pag-ibayuhin, palawakin at isustini ang laban sa Lafayette. Tuloy-tuloy ang pagpapahigpit ng  pagkakaisa ng mga mamamayan at pagbubuklod-buklod ng iba’t ibang sektor. Malinaw sa kanila na ito ang susi sa pagtatagumpay ng laban sa mapaminsalang Lafayette. At sa gitna ng laban, mahalagang maarmasan ng mga batayang kaalaman, mapataas ang antas ng kamulatan at mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayang lumalaban para sa tuloy-tuloy na pagpapasara at pagpapalayas sa Lafayette.

 

Mga layunin ng Kampanya at ng Kampong Bayan:

 

  1. Mapaposisyon at makagawa ng resolusyon ang LGU ng Rapu-Rapu at Sangguniang Panlalawigan ng Albay kaugnay sa pagpaparasa sa La Fayette at bayad pinsala sa mga biktima;

  2. Mapatingkad ang isyu ng pagmimina sa Rapu-Rapu sa lokal, nasyunal at internasyunal at mahamig ang malawak na mamamayan laban sa La Fayette at sa ibang pagmimina sa rehiyon ng Bikol;

  3. Mapataas ang antas ng kamulatan at madagdagan ang kaalaman ng mga kasapi/ lider ng Sagip Isla-Sagip Kapwa at mamamayan ng Rapu-Rapu kaugnay sa pagmimina;

  4. Mapahusay at madagdagan ng mga batayang kaalaman sa pakikibaka at kampanyang masa ang mga kalahok at magkaroon ng kakayahan at pagkabisa sa pagsusustini sa kampanya laban sa Lafayette; at

  5. Mapalawak at makonsolida ang organisasyon ng Sagip Isla-Sagip Kapwa;

  6. Makatulong sa pagtugon sa mga kagyat na pangangailangan ng mga biktima ng La Fayette partikular ang epekto ng fish kill.

 

Mga pagkilos ng kampanya at mga aktibidad sa Kampong Bayan

 

Ø      Rally sa Dec. 5, 2007 sa harap ng Albay Capitol at sa Dec. 10, 2007 (Int’l. Human Rights Day)

Ø      Kampong Bayan sa harap ng Albay Capitol mula Dec. 5 – 12, 2007

      - tuloy-tuloy na programa

      - daily prayer rally

      - paglulunsad ng mga forum o group discussion

      - paglulunsad ng mga pag-aaral at pagsasanay at workshop

      - cultural presentation/konsyerto, film showing, photo exhibit, poster making para sa kalikasan

      - ehersisyong pangkalikasan

Ø      Piket/dialogue sa mga ahensya ng DENR, BFAR, EMB

Ø      Forum sa mga paaralan

Ø      solidarity mission ng mga suportang organisasyon, institusyon at indibidwal na katatangian ng aktwal na paglahok sa Kampong Bayan, Medical Mission at Relief Operation at Psycho-social Therapy

Ø      Pamaskong Handog sa Rapu-Rapu sa Dec. 18 - 20

 

Maraming paghahanda at pangangailangan ang kasalukuyang isinasagawa para ang Kampanya at Kampong Bayan  ay masustini. Kaya, nananawagan ang mamamayan ng Rapu-Rapu sa pakikiisa at pagsuporta ng mga iba’t ibang sektor ng mamamayan, organisasyon, institusyon, grupo at indibidwal upang makiisa sa ikakatagumpay ng Kampong Bayan at ang Kampanya laban sa pagmimina ng Lafayette.

 

 

Mga Pangangailangan at Gastusin

ng Kampanya at Kampong Bayan

 

 

Mga Aktibidad at Pangangailangan

Halaga

 

1

Pagkain – P50/araw x 500 katao x 10 araw (note: ang bilang na ito ay average dahil salit-salitan ang mga tao mula sa Rapu-Rapu at sa iba pang lugar ng Bikol)

 

P 250,000,00

2

Transportasyon at Mobilisasyon ng mga barangay ng Rapu-Rapu( krudo at bangka) – P600 x 13 brgys. x 10 araw

   

 78,000.00

3

Gastos sa Transportasyon labas ng Rapu-Rapu sa mga gawaing Advocacy/Networking, Piket/Dayalogo, Tri-Media at iba pa

    

25,000.00

4

Teknikal na mga pangangailangan at gastusin dito: sound system, megaphone, gitara, trapal, black board, lcd projector, laptap, video at camera, film at tape, pintura sako, tela, paint brush, office supplies at iba pa

     

25,000.00

5

Mga kagamitan sa pagtulog tulad ng banig, kumot, kulambo at tent

  

150,000.00

6

Mga kagamitan sa lugar ng Kampong Bayan tulad ng generator/krudo, ilaw, kagamitan sa kusina at pagluluto/pagkain, at iba pa

   

25,000.00

7

Mga ilulunsad na forum at group discussion, edukasyon at pagsasanay tulad ng: 1) Sectoral Orientation; 2) Basic Orientation on Environment (BOE); 3) Disaster Management Orientation; 4) Leadership & Speakers Training; 5) Paralegal Training; 6) Propaganda Training; 7) Cultural Workshop (Visual Arts, Theater Arts at Literary) – P15,000 x 7 (minimum na budget)

  

105,000.00

8

Mga pangangailangan sa Medikal tulad ng gamot sa sipon, ubo, lagnat, sakit ng tiyan, skin diseases at iba pa para sa emergency (minimum na budget)

  

 25,000.00

Total

 

P 683,000.00

 

Mga Pangangailangan at Gastusin sa Pamaskong Handog

(December 18 – 20, 2007)

 

 

Mga Aktibidad at Pangangailangan

Halaga

 

1

Relief Operation (bigas, de lata, noodles, asukal, kape, monggo at iba pang gamit tulad ng sabon, toothpaste, etc.)

P 400,000.00

2

Medical / Dental Mission ( consultation, treatment, referral at distribution of medicines)

     50,000.00

3

Pscho-social therapy, games at gift giving sa mga bata ( clothes, slippers, school supplies, toys, etc.)

    50,000.00

4

Transportation & other miscellaneous expenses

    50,000.00

Total

 

P 550,000.00

 

 

Note: Target na bilang ng bibigyan ay 2,000 pamilya

 

Note: Ang inyo pong maiaambag at maitutulong ay maaari rin pong direktang ipaabot/ ipadaan o makipag-ugnayan sa UMALPAS KA – Bikol at sa Farmers Assistance for Resource Management  Education and Rehabilitation, Inc. (FARMER) #156 Burgos Street Ilawod 3, Daraga, Albay – Philippines, Tel. No. (052) 483-3654 at Cel. No. 0915-4880891, E-mail Address:  farmers_phil@yahoo.com

 

Download sagiislap appeal

 

The massive evacuation in Surigao del Sur  

 

■   National literacy awardee schools threatened due to massive military operations

■   It’s happening again!!! Residents of lumad communities fear for their lives

 

 

■   Residents flee their homes

 

   
/p
Google

/p
           

Home

Send us your feedback