Parangal ng First Quarter Storm Movement (FQSM)

kay Monico Ka Togs Atienza

 

Part I      Part II       Part III - Parangal ng mga Kabataan     Part IV (this page)

 

December 8, 2007

 

 

Boni Ilagan, FQS Movement Chair, salutes Monico Ka Togs Atienza as the march passes by the UP Oblation

 

 

"Pero isang mahalagang bagay na natutunan ko sa iyo: maging mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa iyo ako natutong maging kritiko. Sa iyo ko nabatid na hindi lahat nang isinusubo ng lipunan ay tama. Hindi dapat tanggap lang nang tanggap. Kailangan ding timbang-timbangin ang mga diskurso. Sa iyo ko nakilala ang totoong Mao Zedong; ang tunay na hangarin ni Marx; at ang pag-ibig ni Pablo Neruda. Sa iyo ko rin nabatid at patuloy na isinabuhay ang mga katagang (adaptasyon): "Nagmamahal kaya nasasaktan". At ito ay tumutukoy sa pag-ibig natin para sa Inang Bayan....

 

"Alam kong masaya ka na diyan. Diyan ay pantay-pantay ang lahat. Hindi na kailangan pang makibaka. Magpahinga ka na Sir. Marami na ring labanan sa parlyamentaryo sa kalye ang iyong nilahukan. Panahon na upang ikaw ay magpahinga. Diyan ay walang pinunong dapat na patalsikin. Diyan ay walang masa na inaapi. Magpapatuloy kami sa pakikibaka. Sinabi mong nasa amin ang sariwang init ng araw na siyang uuyam sa lahat tungo sa pagbabago. Ipagpapatuloy namin ang iyong laban."

 

--- Blog entry of a former student of Prof. Monico Atienza.

    Read more

 

Alex Umali of the Concerned Artists of the Philippines (CAP) provided the piano accompaniment to the singing of the Internationale, Ka Togs' favorite anthem. Afterwards friends, associates and relatives of Nick marched to the UP Diliman campus and to his final resting place.

 

Dinig ko pa -- isang awiting alay kay Sir Nick

Prof. Monico Atienza was a member of the board of Arkibong Bayan, Inc. as well as the boards of  several NGOs which benefited from his valuable guidance and ideas.

   
/p
Google

/p
           
FQSM Chair Boni Ilagan UP Professor  Edberto Villegas

 

Para sa Iyo... Sir Monico Atienza

Dec 5, '07 9:21 PM

For everyone

 

Naalala ko nung natapos kong basahin yung Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom. Naisip ko nun na kung sakali mang sa akin mangyari yun, sino naman kayang mahusay na guro ko ang magsisilbing Morrie sa akin. Bigla kitang naisip.

 

Una kong klase na sa ilalim ng iyong patnubay... ang PI100. Bugnutin ka nun. Paiba-iba ang ugali. Merong sobrang saya mo, meron namang kulang na lang eh magmura ka sa pagkainis.

 

Pero isang mahalagang bagay na natutunan ko sa iyo: maging mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Sa iyo ako natutong maging kritiko. Sa iyo ko nabatid na hindi lahat nang isinusubo ng lipunan ay tama. Hindi dapat tanggap lang nang tanggap. Kailangan ding timbang-timbangin ang mga diskurso. Sa iyo ko nakilala ang totoong Mao Zedong; ang tunay na hangarin ni Marx; at ang pag-ibig ni Pablo Neruda. Sa iyo ko rin nabatid at patuloy na isinabuhay ang mga katagang (adaptasyon): "Nagmamahal kaya nasasaktan". At ito ay tumutukoy sa pag-ibig natin para sa Inang Bayan.

 

Sa klase natin sa PI100, hindi mo ako kilala noon. Ni hindi mo nga matandaan na ako si Ms. Entico. Naghanap ka nun ng boluntaryong mag-uulat para sa Noli. Kasama ako sa mga nagtaas ng kamay, pero hindi mo ako tinawag. Sumunod na araw, nalaman ko rin ang diskarte mo. Upang ako ay makilala mo sa klase, kailangan kong magbahagi ng aking nalalaman sa mga diskursong inihahain mo sa ating klase. Sumagot ako sa tanong mo ukol kay Jose Rizal, sa pag-ibig ni Juli kay Basilio, sa pagmamahal ni Kabesang Tales sa kanyang pamilya, at sa pagdurusa ni Tandang Selo. Pinagdebatihan pa natin nun kung tunay nga bang bumaligtad si Rizal sa kanyang mga isinulat mga oras bago siya bitayin.

 

Ang saya ng ating klase. Araw-araw ay natututo ako. Araw-araw ay nadaragdagan ang aking pagkatao. At ikaw ang dahilan nun. Minahal ko ang wikang Filipino dahil sa iyo. Iningatan ko siya, ipinagmalaki, at hanggang ngayon ay hindi kinakalimutan. Nakilala mo ako sa buong klase. Naging paborito. Kaya naman lalo pa akong nagpakitang-gilas sa klase. Nag-aral. Nagbasa. Naging kritiko. At marami pang iba. Binigyan mo ako ng pinakamataas na grado sa PI100.

 

Hindi kita nakalimutan. Kaya naman nung meron pa akong asignatura na natitira sa UP na puwedeng ako na lang ang pumili, pinili ko ang klase mo. Ang Araling Filipino: Diskurso sa Wika at Lipunan. Huling taon ko na nun sa UP. HIndi mo ako nakilala sa unang araw ng ating klase. Pero naramdaman ko sa pagtitig mo sa aking mga mata na pilit mong inaaninag ang aking pagkatao. At nung mga sumunod na araw, nalaman mo rin na ako ang dati mong estudyante.

 

Marami tayong naging debate noon: ang Prok blg 1017 ni Gloria na nagsasailalim sa ating bansa ng State of National Emergency; ang Ultra Stampede kung saan magkaibang opinyon ang ating ibinahagi: ikaw kampi sa mga biktima, at ako sa ABS CBN; ang EO 464 kung saan nagkaroon ang mga opisyales ng pamahalaan ng karapatan na huwag dumalo sa hearing nila sa Senado o sa Kongreso; ang pagka-ospital ng isang APO hazing victim kung saan tahasan mong kinondena ang hazing; at ang pagkamatay ng isang UP student sa loob ng kampus dahil sa holdap.

 

Lalo pa akong humanga sa iyo nung sinabi mong naging bahagi ka ng First Quarter Storm. Kinuwento mo kung paano ka nakibaka. Ipinagmalaki mo pa sa amin na sekretaryat ka ng Kabataang Makabayan noong mga panahong iyon. Sinabi mo sa amin kung sino at ano ba talaga ang mga hangarin ni JOMA Sison.

 

Noong mga panahon na iyon ay nahihirapan ka nang magsalita. Sinabi mo na noon na mayroon kang karamdaman. Ikaw ang pinakahuling nagbigay sa akin ng marka nun. Pinuntahan pa kita dahil dapat ay maagang naibibigay ang mga marka ng mga magsisipagtapos na. Kinausap mo ako nun nang masinsinan. Tinanong mo ako kung ano ang aking mga balakin sa buhay. Sinabi ko sa iyo na magtatapos ako ng Cum Laude. At natuwa ka para sa akin. Natuwa ka nung sinabi ko na magsisilbi ako sa bansang Pilipinas. Natuwa ka nung sinabi ko na sa UP pa rin ako magtatrabaho. Binigyan mo ako ng mga magagandang salita noon. Umuwi akong may mga ngiti sa aking mga labi. Lalo kitang minahal.

 

At inisip ko na nun na ano kaya ang maibibigay ko sa iyo. Naisip ko ang magsuplay sa iyo ng Philippine Daily Inquirer. Alam kong paborito mo itong basahin sapagkat ito lamang ang matapang na bumabatikos para sa tama. At sinabi mo pa noon na kung paanong biglaan itong nagmahal. Mag-iisang taon na ako nung nagtatrabaho sa UP nang malaman kong naospital ka na sa PGH. Hindi kita nadalaw. At ngayon nga, wala ka na. Ni isang isyu ng PDI, hindi kita nabigyan....

 

Alam kong masaya ka na diyan. Diyan ay pantay-pantay ang lahat. Hindi na kailangan pang makibaka. Magpahinga ka na Sir. Marami na ring labanan sa parlyamentaryo sa kalye ang iyong nilahukan. Panahon na upang ikaw ay magpahinga. Diyan ay walang pinunong dapat na patalsikin. Diyan ay walang masa na inaapi. Magpapatuloy kami sa pakikibaka. Sinabi mong nasa amin ang sariwang init ng araw na siyang uuyam sa lahat tungo sa pagbabago. Ipagpapatuloy namin ang iyong laban. ►

 

Salamat. Salamat. Salamat.

 

* A blog entry of a former student of Prof. Monico Atienza 

http://lalaentico.multiply.com/journal/item/7/Para_sa_Iyo..._Sir_Monico_Atienza

 

Download blog entry 

 

 
     
     
     
     


Atty. Romulo Macalintal

Nick's classmate at the FEU Boys High School

 

"Punong-puno ng tao ang kanyang apartment na kailangang ang iba ay sa labas na makinig ng misa. Sa dami ng taong dumalo n short notice, doon natin mapagtitibay na si Nick ay maraming kaibigan, kasama at mga taga-hanga.

"At bakit hindi. Sapagkat si Nick ay ginugol ang kanyang buhay hindi para sa kanya lamang kundi upang ipagtanggol ang mga mahihirap at ang mga inaapi...."

Download tribute of Atty. Macalintal

 

           

 

Dinig ka pa
(Alay kay Sir Nick at sa lahat ng pantas

na naglaan ng sarili sa bayan)

C D G
Dinig pa ang 'yong tinig
C D Em
Saan man napupunta
C D G Em A7
Sa bawat guro, ama/ ina, kaibigang
Cmaj7 F
mapagkalinga, makatang maparaan
A7 D
nakangiting gumagabay


Sisikaping tatag mo'y aming baunin
Upang maipangkalasag
Sa bawat hamon, lungkot, suliranin
habi ng buhay at lipunang
sukat binabago natin

A D
Pamana mong paninindiga'y
A D
Busilak at pag-aalay
C#m Fm B E7
Sa bayang nilulugmok at sinisiil.

Awit mo'y mataginting,
Mga mata'y nagniningning pa rin
Sa puso, isip at bisig namin
Dinig pa rin ang 'yong tinig.
 

 

 

 

C D G
Dinig pa ang 'yong tinig
C D Em
Saan man napupunta
C D G Em A7
Sa bawat guro, ama/ ina, kaibigang
Cmaj7 F
nakikibaka, karamay at kalakbay,
A7 D
nakangiting gumagabay


A D
Pamana mong paninindiga'y
A D
Busilak at pag-aalay
C#m Fm B E7
Sa bayang nilulugmok at sinisiil.

Bayang umaawit nang buong taginting,
Tala ng pagbango’y nagniningning pa rin
Tuwina sa ‘ming puso, isip at bisig
Naririnig ang 'yong tinig.
Naririnig ang 'yong tinig.

Naririnig ang 'yong tinig.


Luna Soler
08 Enero 2007

 

Download lyrics with chords

Download MP3
 

           
           

 

Lifewatch
(For Monico Atienza)

by Edel Garcellano

 

I
A day before Christmas
and he lies comatose
at Mary Chiles.
Is it a way of forgetting
how long he has waged
war against the empire,
or the body now refuses
what the mind perseveres?
He doesn’t even know
he’s taking a long nap -
Something probably
he has dreamed of
after all those exhausting years.
His friends keep vigil.
That’s all they can do.
If only the gates of the universe
will open and disgorge
angels to tell them
the real score.
But his circle is used to waiting:
A revolution is a handiwork
of patience.
It will go on without Nick.
But it’s impossible to imagine
the future without him.

 

II
He is not your kind of poet.
His language smells
of the elemental earth,
wind and fire
and harvest of fruit trees
by men and women huddled
at the edge of the land
talking of the coming of the rain.
He knows the city
like the palm of his hands
but he wouldn’t text
of the dark alleys
and the secret meetings
of angry hearts
who defy the state holocaust…
He doesn’t have to write his poems,
really.
He lives them anyway.
He is not your kind of poet.

 

III
Too light is the crown
on the heads
of young bucks
who croon about their secret pains;
too cheap is the applause
of state lackeys that grates their ears;
and too brittle
are the plaques that adorn their walls.
Poetry takes a long, long time.
Like life itself.
A neat lesson for those
who claim the title
so quickly, so easily.

 

IV
He has an eye for beauty,
of course
but he would quip about it
in a low voice
as if such were a difficult struggle…
He would laugh,
as though to rub an aching bone
of impossible desires.
Does he know the limits
of his passion?
But his persistence
to change the order of things
envelopes all.

 

V
The prognosis is grim:
The damage is extensive;
he’ll be a vegetable
if he survives.
She assures that a fund drive
would be initiated by comrades and friends…
Yes, it’s flailing at the moon.
If God is history
there must be something about it
that escapes our mortal reasoning.

 

VI
The rememberers
who turn tears into guns
and words into a hand
over our hearts
dare not utter
a word of comfort nor pain:
Silence is all
before so much grief.

 

 

VII
How does one weigh a life?
“As heavy as a mountain,
as light as a feather?”
The state will not honor him.
The imperialists and fascists
will shrug their shoulders.
The academe will sigh in relief.
His friends will huddle in a corner
thinking among themselves
how brief is life
when nights are long
and sleep does not come.

 

VIII
He stirs from his deep sleep,
as though the waves
that carry him floating on the river Lethe
inside his head
have tickled his ears.
But he’s not listening.
The Gods are merciful.

 

IX
(Nexus)

He explains,
as though before a jury,
why he couldn’t make it
to Mary Chiles:
“It is not,” he avers,”so much
the fear of setting foot
at the hospital
where he would smell the strange
eucalyptus fragrance
of death
as the terror that he couldn’t handle
seeing him
at his most vulnerable:”
O Schodenfreude!
————————————————-
He missed his father’s
death throes by a few hours.
But probably it was by some crazy design:
He sees him still very much alive
in his mind.
The illusion must persist.

 

Download poem

 

 

           
     
           

 

Pagpupugay kay Kasamang Monico Atienza
Ni E. San Juan, Jr.


Tuwing dalaw namin, naghuhuntahan tayo sa lagusan ng DiliMall –
Ngiti't biro mo'y testimonyo, sa gitna ng terorismong umiiral,
Sa masiglang pagsulong ng proletaryong masa sa bansa't buong 

   daigdig
Buhat pa sa mahimalang pagkaigpaw sa tortyur sa Crame't

   Bicutan…

Tunay ngang bawat sakit at sakuna'y katambal ng tuwa't ligaya –
Sumalubong ka sa ulan ng punglo, di alintana ang panganib sa

   bukana,
Walang pangambang binagtas ang diyalektikong landas ng

   pakikibaka
Walang pakundangan sa ahos at tukso ng imperyalismong

   humahadlang

 

 

 

 

 

Nagmamadali sa pagtawid sa rumaragasang agos ng kasaysayan –
Malayo ka na, pulang manlalakbay, ngunit aantabayanan pa rin

   namin
Habang libu-libong puso'y nagpupumipiglas sa Crame, Abu Ghraib,

   Guantanamo,
Sa susunod nating pagtatagpo sa lagusan ng DiliMall, Ka Nick,

Sasalubungin ka namin, tiwala na naghihintay sa dulo ng daang

   magubat
Ang himala ng ngiti mong bumabati sa tagumpay ng rebolusyon.

Inilathala ng Bulatlat

Download poem

 

           
     
           

 

Tatlong Tula ni Monico Atienza

KAIBIGAN XIV

Bawat salita’t panalita
ay may teorya, maiteteorya;
maipaliliwanag, malilinaw,
ibig sabihin.
Pagtulang biseral o serebral,
meron din; di nakakaiwas
pati paglulubid ng buhangin.
Pagkapayaso ko’t tangkang tulain
sa silong teorya’y salikop din;
kundi nga, di na ta konsistent.
Salita’t panalitang nakararami,
di dapat pigilin dapat alamin;
mapaglimi, usisain.
Sila ma’y may sasabihin,
sinabi na nga—maging
ang pinakamunti, pinakamangmang.

Pigilin ang teorya’t pinatay mo sila.

29.VII.93
 

 

KAIBIGAN XV

May salita ang maliit at mangmang,
di lamang sa DESIDERATA—
sa totoo at lipunan man,
maniwala ka Kaibigan.

Mas madalas ay may puntirya,
nakaangklang kamalayan,
minumunti man, minamangmang.

May teorya nga’t pagteteoryang
tuntunga’y riyalidad,
bumabago at nagbabago
sa praktika ng buhay,
produksyon at pakikitalad;
di nga pormal dahil di akademiko,
di “panlibro” dahil panalita.
Ng kontekstong karanasang
sapupunan ng pagwika.

Ang sa aki’y panagimpan,
sa payasong paninimbang—
pagpilosopo ng mangmang.

29.VII.93

 

KAIBIGAN XXIX

Batas-buhay ang sigalot,
mula maliit tungong malaki
ng daigdig at lipunan:
wika mo nga kay Ibarra—
may nais ding pagbabago,
sistemang walang galit
bawat isa’y nasisiyahan;
Iyong mawiwika: ng langit sa lupa.

Di nagbait ang lipunan,
walang patid ang pagtugis
sa repormang ninanais.
hanggang dulo kung magngalit;
Walang pintong di pininid,
mga sinta’y pinagsakit;
hinati ang mga ina
mga ama’y pinipilan;
Kalupaa’y di naglangit
sa susog ng panaginip;
paghahari’y nagpatuloy.

Kalaguyo ang sigalot.

(kinuha mula sa pinoyweekly.org)

 

           
           
           

Singing Ka Togs' favorite anthem, The Internationale, before he was brought out for a march to the UP Diliman campus and to his final resting place

       

One last march at the UP Diliman

where Prof Monico Atienza taught for 20 years

           

 

Red Angel
(for Nic and friends)

Edel Garcellano

They must have hoped
through the months
for a sign from the sky:
in the arabesque of leaves
under their feet,
in the blast of wind
over their heads...

But the gods were merciless!
Their prayers were like stones
Dropping into the abyss ---
and they couldn't eveh hear
the sound of their empty falling!

They would be no miracle?
and their feeble sighs
would resonate
from the secret chambers
of their hearts:
Why do revolutionaries die?

Still, the gods would madly laugh,
as if all should never dare question
the law of the universe...
The morning after,
the slow rain pattered
on ten rooftops.
The weather had been uncertain
the past few weeks.

But one thing
they were damned sure of ---
nature was taking its course.
They had finally read
the writing on the wall
of the universe.

So they dutifully gathered
at his bedside
to let the world know
that Ka Monico Atienza,
red angel,
of their subliminal joys and fears,
lived a just, heroic life
and they would now,
orphans of his presence,
take on the grim task
that he
unwillingly abandoned
for that light
beyond his body's shell,
and they, who would follow
his incandescent destiny,
would salute him
who was truly the miracle itself
for resisting,
for persisting to live
humanly and meaningfully
in this age
of tyrants
and luminous barbarians.
 

Download poem
 

     
     
     
     
           
           
     
           
           
News and Blogs on Prof. Monico Atienza

 

INQUIRER.net

MANILA, Philippines -- Philippine arts and letters lost two stalwarts on Wednesday with the deaths

of Rene Villanueva and Monico Atienza, both writers and ...
services.inquirer.net/express/07/12/06/html_output/xmlhtml/20071205-105066-xml.html -

 

Activists of 2 generations mourn death of ‘Sir Nic’ - 12/07/07

... in mourning for Monico Atienza, beloved comrade, inspiring professor and, perhaps, a study of

what one stands to gain or lose for a revolutionary cause. ...
services.inquirer.net/print/print.php?article_id=105376 - 11k -

 

 
           

 

Pinakamataas na pagpupugay kay Monico Atienza - StudentStrike

Pinakamataas na pagpupugay kay Monico Atienza. Huling Leksyon Alay kay Kasamang Nick Atienza ... Dakila ka Kasamang Monico Atienza: ...
studentstrike.blogspot.com/2007/12/pinakamataas-na-pagpupugay-kay-monico.html

 

Sally Goes Out the Window - Sir Monico Atienza- Requiescat In Pace

Monico Atienza was my professor in P.I. 100. His class was one of the few that I fervently attended not because I’m particularly fond of Rizal, ...
princesseynjel.multiply.com/journal/item/32/Sir_Monico_Atienza-_Requiescat_In_Pace

 

To the people’s teacher, poet, friend and comrade | Pinoy Blog Machine

Monico Atienza. Ka Nic as he is fondly called passed away yesterday, December 5.Ka Nic will be remembered for his intensity and determination to carry out ...
pinoyblogmachine.com/2007/12/07/to-the-people’s-teacher-poet-friend-and-comrade/ - 16mga

 

Richard Ernacio (may pagka-pasaway na iskolar)

Nov 26, 2007. Ako ang Huling Estudyante ni Prop. Monico Atienza ... Monico Atienza. Siya ang propesor ko sa Fil245 (Pagpaplanong Pangwika). ...
richardernacio.blogdrive.com/archive/cm-11_cy-2007_m-11_d-26_y-2007_o-0.html

 

Inquirer.net VDO on Yahoo!

This exhibit is for the benefit of Professor Monico Atienza, who has been diagnosed with cancer and is among the few who know the real identity of Parts
inquirer.promos.yahoo.com/inq/?func_mode=play&vid=1537132

 

  

 

The art of Parts Bagani - Yahoo! Video

This exhibit is for the benefit of Professor Monico Atienza, who has been diagnosed with cancer and is among the few who know the ... Aggiunto: 28.11.2007 ...
it.video.yahoo.com/video/play?vid=1537132

 http://it.video.yahoo.com/video/play?vid=1537132

 

FQS leader fighting for life - INQUIRER.net, Philippine News for ...

The tribute, starting at 6:30 pm, is being organized by friends and colleagues -- calling themselves Task Force Monico Atienza -- to help shoulder his ...
newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view_article.php?article_id=45216

 

 adarna's attic: A Struggle Well-Fought, A Life Well-Lived

Pagpupugay kay Kasamang Monico Atienza. NI E. SAN JUAN, JR. Inilathala ng Bulatlat Tuwing dalaw namin, naghuhuntahan tayo sa lagusan ng DiliMall –
wrongbee.blogspot.com/2007/12/struggle-well-fought-life-well-lived.html

 

 

young radicals: tribute to sir nick

Monico Atienza's wake lies at the UCCP (United Council of Churches of the Philippines) chapel along EDSA. he will be cremated tomorrow, december 8, 10am. ...
youngradicals.blogspot.com/2007/12/tribute-to-sir-nick.html

 

 

sulat sa mga dahon at tubig: December 2007

*tulang alay para kay sir monico atienza. Posted by piping walang kamay at 11:04 PM 0 comments Links to this post. Labels: ang salita ma'y matalinghaga
captain316.blogspot.com/2007_12_01_archive.html

 

 

 

 

     

Home

Send us your feedback