NEWS RELEASE 10 December 2007 Reference: Emmi de Jesus, Secretary General, 371-2302 / 0917-322-1203 On Human Rights Day, GABRIELA Calls for an End to Sexual Violence Against Women Victims of Political Repression "For women victims of political repression, state sanctioned sexual violence is always a possible consequence. It aims to break the spirit to fight and to break the conviction of women activists." This was according to GABRIELA Secretary General Emmi de Jesus as the women's group joins other cause-oriented groups in a march-rally in commemoration of the International Human Rights Day. The women's group highlighted the case of missing UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeņo. According to the testimonies of the Manalo brothers, survivors of forced disappearance, they witnessed the rape and sexually torture of the two women. "The account of how Karen and Sherlyn were sexually tortured is simply gruesome. Its chilling effect aims to sow fear in other women, to debilitate women from taking part in the people's movement to defend and fight for our rights," added de Jesus. According to De Jesus, rape and other forms of sexual violence are employed against women human rights defenders. Sexual violence is also used as a tool of war in militarized areas. GABRIELA has documented at least 30 cases of gender-specific violence from January 21, 2001 to March 31, 2005 including two cases of rape and 24 cases of sexual abuse and harassment perpetrated by the military or the police. This includes the sexual molestation of political prisoner Angie Ipong who was 60 years old at the time of her arrest and interrogation. "Fascism's viciousness spares no one. This record alone makes GMA the number one human rights violator of women. And justice for women victimized by this fascist regime starts with the ouster of Arroyo," de Jesus concluded.## # Sa Araw ng Karapatang Pantao, Nananawagan ang GABRIELA sa Pagwawakas ng Sekswal ng Karahasan sa Kababaihang Biktima ng Pampulitikang Panunupil "Para sa kababaihang biktima ng pampulitikang panunupil, laging nakaamba ang sekswal na karahasan bilang porma ng panunupil ng estado. Layunin nitong sirain ang diwang mapanlaban ng mga kababaihang aktibista." Ito ang pahayag ni Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihim ng GABRIELA. Bahagi ang GABRIELA ng iba't ibang grupong magsasagwa ng kilos protesta ngayong araw sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Binigyang diin ng GABRIELA ang kaso ng dalawang nawawalang estudyante ng UP na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeņo. Ayon sa testimonya ng magkapatid na Manalo, mga nakaligtas na biktima ng forced disappearance, nasaksihan nila kung paano ginahasa at pinahirapan ang dalawang babae ng mga military. "Kahila-hilakbot ang kwento kung paano ang sekswal na pagpapahirap na ginawa ng mga hayup na militar kay Sherlyn at Karen. Layunin din nitong takutin ang ibang kababaihan na huwag maging bahagi ng kilusan ng mamamayan, upang pigilan ang kababaihang ipaglaban ang ating karapatan," dagdag ni de Jesus. Ayon pa kay De Jesus, ang panggagahasa at iba pang porma ng karahasang sekswal ay ginagamit laban sa mga kababaihang nagtatanggol sa karapatang pantao. Ang sekswal na karahasan ay ginagamit ding instrumento ng gyero sa mga lugar na matindi ang militarisasyon. May naitala ang GABRIELA na 30 kaso ng "gender-specific violence" mula Enero 21, 2001 hanggang Marso 31, 2005 kasama na ang dalawang kaso ng panggagahasa at 24 na kaso ng sekswal na pang-aabuso at panliligalig ng military o ng pulis. Kasama rin dito ang kaso ng sekswal na molestasyon ni Angie Ipong na 60 anyos nang siya ay dakpin. "Walang sinisino ang kahayupan ng pasismo. At ang ganitong rekord ay nagpapakita lamang na si GMA ang numero unong lumalabag sa karapatang pantao ng kababaihan. Para sa kababaihang naging biktima ng pasistang rehimen, ang katarungan ay magsisimula sa pagpapatalsik kay Arroyo," pagwawakas ni de Jesus.###