UPDATES # 03 <12/7/2007) Umaani ng suporta ang Kampong Bayan mula sa mamamayan ng Albay at ng iba pang probinsya ng Bikol. Sa araw na ito ay maraming pumunta ngunit ang matingkad ay palagiang pagbisita ni Bishop Quiambao at Fr. Rex Arjona at ang Redemptorist Community sa pangunguna nina Fr. Bryan Espejo at Fr. Ol Ang mga sumusunod ay ang nagpunta at nakiisa sa Kampong Bayan: ุ 150+ istudyante ng Aquinas University kasama ang kamilang mga professors ุ University Student Council ng Bicol University ุ Taong simbahan ุ Board Member Borja ุ Mga kasapi ng KMU, GABRIELA, KARAPATAN, LFS, ANAKBAYAN, DYG (Dramatic Youth Group), SARA (Engr. Perdigon & Co.) ุ mga indibidwal na mga propesyonal at manggagawa ng gobyerno ุ mga walk-in na mga nakikiisa (may nagmula pa nga sa Baguio) Ang nakatakdang programa sa umaga sa araw na ito ay hindi muna itinuloy (piket sa MGB) dahil ito ang itinakdang public hearing ng SPA. Ang nangyari sa public hearing ay ang pagmaniobra, panloloko at hindi paggalang ni Aytona sa pinagkaisahan ng Sangguniang Panlalawigan sa regular na sesyon nito noong Disyembre 5 na agarang maglunsad ng public hearing (Disyembre 7) ang Committee on Environment at dapat kasama ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa pangunguna ng SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol. Hindi pinaupo ni Aytona sa public hearing ang mamamayan ng Rapu-Rapu sa pangunguna ng SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol at ang mga kinatawan lang ng Lafayette, DENR/EMB, BFAR, 2 kagawad ng Rapu-Rapu na pro-Lafayette at 4 na kapitan ng barangay na 3 dito ay talagang tuta ng Lafayette ang pinaupo samantalang kaisahan ito sa sesyon ng SPA noong Disyembre 5 kung saan si Aytona ay ”intentional” na hindi dumalo dahil dumating ang mga mamamayan ng Rapu-Rapu sa kapitolyo. Wala ring nagawa si BM Erwin Baldo samantalang siya ang Vice-Chairman ng komite. Gayundin si BM Harold Imperial nang ito ay makita at kinausap ng mga taga Rapu-Rapu. Sa ganitong pangyayari, ipinahayag ng mamamayan ng Rapu-Rapu, SAGIP ISLA – SAGIP KAPWA at UMALPAS KA – Bikol na anuman ang maging resulta ng nasabing public hearing (na tigurian pa ni Aytona na committee hearing) ay hindi kikilalanin at igagalang ng mga taga Rapu-Rapu dahil ito ay bogus at wala sila doon na tunay na nagrerepresenta ng mga apektado at biktima ng mapaminsalang dayuhang pagmimina ng Lafayette. At itinakda rin ni Aytona na ang pag-usapan lang ay ang usapin ng fishkill salungat sa pinagkaisahan sa SPA session noong Dec. 5 na isyu ng pagmimina ng Lafayette ang dapat pag-usapan. Ito ay nalaman na lang nang ang Barangay Kapitan ng Binosawan na si Manay Nida ay nag-ulat sa mga taga Rapu-Rapu matapos ang hearing. Dagdag pa dito, wala man raw kakwenta-kwenta ang naging pag-uusap dahil wala namang pagbabago sa dati ng sinasabi ng Lafayette at mga ahensya ng DENR/EMB, BFAR at 2 kagawad ng Rapu-Rapu ang dahilan ng fish kill at inamin pa ng BFAR na ang dati nilang ipinahayag na dahilan ng fish kill ay hindi pa opisyal dahil sila ay nag-iimbestiga pa hanggang sa ngayon. Ang ginawa naman ng mga mamamayan ng Rapu-Rapu dahil sa galit sa pagmamaniobra, panloloko at pagbastos sa kanila ni Aytona ay tuloy-tuloy na nagprograma sa harapan ng kapitolyo. Hindi napigilan ng mga tagapagsalita ng ibat ibang barangay ng Rapu-Rapu ang pagpapahayag ng galit at pagkondena kay Aytona at sa ilan pang kinatawan ng SPA. Matingkad dito ang pahayag ng isang kabataan mula sa Rapu-Rapu (Jennylyn – ang Vice Pres. ng LAYAG, ang cultural group na nabuo dahil sa Lafayette) na kung saan sinabi niya na mag-iisang linggo na silang lumiliban sa pagpasok para lamang makiisa sa kanilang mga magulang at mamamayan ng Rapu-rapu sa Kampong Bayan at sa laban sa Lafayette ngunit ano raw ang pinakita at pagtrato ng halal na opisyal sa kanila – Panloloko at Pambabastos. Sinabi rin niya na kaya sila nakikiisa dahil sila ay kasama sa dinaranas na kahirapan at kagutuman sa epekto at pinsala ng Lafayette at ano pa raw ang maiiwan sa kanila kapag nasira ng tuluyan ang kanilang isla. Sa hapon hanggang gabi itinuloy-tuloy na ang mga nakatakdang programa at mga activities sa camp site at ito ang mga sumusunod: ุ solidarity messages – Aquinas University (2 student leaders) at lahat ng pumunta na nasa itaas ุ pagtalakay sa pambansang kalagayan – Tesa Lopez, Public Information Officer – BAYAN-Bikol ุ pagtalakay sa isyu ng Oil Price Hike (OPH) – Gerald, Chairman ng KMU-Bikol ุ pagtalakay sa usapin ng pagmimina – Karpo Baraquel, Ingat-Yaman ng KMP-Bikol at ุ group discussion at integration sa mga taga Rapu-rapu ng mga nakikiisa ุ pagpapatugtog ng mga progresibo at maka-kalikasang awitin Gayung masamang-masama at galit na galit ang mga taga Rapu-Rapu nang umagang ito ay nananatili ang mataas na moral nila at bagkus ay lalo itong nagtulak sa kanila para labanan ang Lafayette at itakwil ang sinumang opisyal ng gobyerno na taksil sa kanila at maka-dayuhan lalo na pa’t nakikita at nararamdaman nila ang suporta ng malawak na mamamayan. 0 comments share