UPDATE # 05 (12/12/2007) Kampong Bayan Laban sa Pagmimina ng Lafayette sa Rapu-Rapu, Albay Peñaranda Park, tapat ng Albay Capitol, Legazpi City Dalawang piket ang isinagawa sa araw na ito: 1. DENR – nagsalita ang 5 lider mula sa SAGIP ISLA, habang nagmartsa mula Aquinas University patungong DENR ay nag-OP ang mga kabataan ng SAGIP ISLA ng mga panawagan laban sa Lafayette at pagmimina * wala man lang reaksyon ang DENR 2. MGB – sa buong panahon ng piket ditto ay nagtatanawan ang mga empleyado nito * naging madamdamin na ang mga tagapagsalita mula sa Rapu-Rapu at umiyak pa ang isang lola na namatayan ng apo dahil sa kagutumang nararanasan sa Rapu-Rapu dahil sa Lafayette * ang mga piket na ito ay nacover ng ABS-CBN at nailabas sa TV Patrol Bicol nang araw ding ito Nagtuloy-tuloy ang programa sa kampuhan at nang tanghali ay muling binasa ang mga pahayag na nailalabas sa buong panahon ng Kampong Bayan. 2pm ay naglunsad ng pag-aaral, ang Batayang Oryentasyon sa Kalikasan na ibinigay ng Farmers Assistance for Resource Management Education and Rehabilitation (FARMER), Incorporated. Umabot sa 44 ang participants at iba naman ay nakikinig din kahit mayroong ibang ginagawa sa kampuhan. Matapos nito ay nagkaroon ng picture taking ang lahat ng mga taga Rapu-Rapu para sa kanilang ID ng SAGIP at sila ay tuwang-tuwa. Hindi na mapigilan ang mga taga Rapu-Rapu kaya lahat ng gustong magsalita sa mike ay nagsalita laban sa Lafayette at pag-express ng kanilang galit. Dumating ang 60+ na 3rd Year Col. Students ng Daraga Community College mga 6pm kasama ng kanilang guro at nagkaroon na naman ng programa. Liban sa mga students na ito ay regular na nasa kampuhan ang Tau Gamma Phi (TGP) at tumutulong sa mga marshall para sa seguridad ng kampuhan. Matapos ang hapunan ay film showing ang isinagawa. Umabot sa 300+ katao ang nasa kampuhan sa araw na ito. Sa loob naman ng kapitolyo ay tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang mga lider sa offices ng Gob, Vice Gov. at SPA. Hanggang sa ngayon ay hindi mahagilap si Gov. Joey Salceda para sa makipag-usap sa mamamayan ng Rapu-Rapu samantalang may pormal na letter para sa kanya. Galit na ang mga taga Rapu-Rapu dahil hindi siya nagpapahayag at walang kalinawan kung ano ang kanyang posisyon sa usaping ito.