| |
Mga Kasamahan sa MIGRANTE Europe Network:
Naipaabot namin sa inyo ang nakalulungkot na balita sa pagyao ng ating
mahal na si Crispin 'Ka Bel' Beltran.
Sumangguni kayo sa mga online newspapers sa Pilipinas para sa mga update
sa kanyang buhay at pagluluksa.
Hinihikayat namin na magpaabot tayong lahat ng kahit maigsing mga
pananalita, pagpupugay, mensahe ng pakikiisa o pakikiramay sa kanyang
pamilya, kasamahan at mga kaibigan.
Hwag nating kalimutan na malalim ang naging pagpapahalaga ni Ka Bel sa
kapakanan at kagalingan ng mga migranteng tulad natin. Ilang beses syang
dumalaw dito sa atin sa Europe upang makasama tayo, makinig sa ating mga
istorya, hinaing at mga mungkahi kung paano sya bilang isang mambabatas at
lider-manggagawa ay makatutulong sa ating mga prublemang hinaharap bilang
mga migrante.
Kaya't bilang pag-saludo sa kanya, itong maliit na bagay na ito ang aming
hinihiling sa inyong lahat.
Pananatilihin nating buhay ang diwa, alaala at pakikibaka ni Ka Bel --
isang tunay na lider-manggagawa at lider ng sambayanan.
Maaari ninyong ipadala ang inyong mga maigsing mga mensahe dito (o sa amin
at ipo-porward namin sa pamilya ni Ka Bel):
Anakpawis Party
ap.intl@yahoo.com
anakpawis2003@yahoo.com
crispinbeltran@gmail.com
Aasa
kami sa inyong maagap na tugon. Mabuhay tayong lahat!
MIGRANTE Europe
Amsterdam, The Netherlands
|
|