|
Mensahe ng Pakikiisa ng
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Lanao) at Promotion of Church People’s
Response (PCPR-Lanao)
28 Hunyo 2008
Assalamu Alaikum!
Ang BAYAN-Lanao, kasama ang kanyang mga kaalyadong pambansa-demokratikong
mga organisasyon, at ang PCPR-Lanao, ay nakikiisa sa ating kapatid na mga
Moro sa araw ng kanilang pagkilos para sa kapayapaan.
Ang mga pambansa-demokratikong mga organisasyon sa Lanao ay nakikiisa sa
panawagan para sa kapayapaan, gayundin sa pagkakaisa ng mga mamamayang
Moro upang ipagtanggol ang kanyang mga karapatang sibil at pulitikal, at
isulong ang kanyang karapatan sa sariling pagpapasya. Nakikiisa kami sa
panawagan upang itigil ang opensiba at militarisasyon sa mga lugar ng
Bangsamoro, at ituloy ang naantalang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng
Government of the Republic of the Philippines (GRP) at Moro Islamic
Liberation Front (MILF).
Hinahamon namin ang pamahalaan na itigil ang kanyang deklarasyon ng
all-out war bilang tugon sa deadlock ng peace negotiations, at agarang i-pull-out
ang tropang militar sa mga komunidad ng Bangsamoro, at itigil ang
pagtatawag sa aming mga kapatid na MILF, MNLF at mga sibilyang Moro bilang
mga terorista.
Hinahamon namin ang pamahalaan na tugunan ang panawagan ng Bangsamoro para
sa karapatan sa sariling pagpapasya—kung saan ang mamamayang Moro ay
malayang makapagpapatupad ng kanyang pang-ekonomiya at pampulitikang
karapatan sa kanyang mga lupain.
Kung sakali mang magbalik sa negotiating table ang GRP at MILF, nanawagan
kami na tanggalin si General Esperon dito sapagkat naniniwala kaming hindi
siya kailanman magdadala ng kapayapaan sa mamamayang Moro. Ang kanyang
rekord sa pagyurak sa karapatang pantao ay seguradong magbibigay ng mantsa
sa usapang pangkapayapaan.
Naniniwala kaming karapatan ng bawat indibidwal o grupo na lumabas sa
isang sistemang mapang-api, at magsarili. Binibigyang katwiran nito ang
adhikain ng Bangsamoro para sa karapatan sa sariling pagpapasya.
Kasabay nito, pakatandaan nating sa loob ng isang sistemang kontrolado ng
imperyalismo at mga malalaking panginoong maylupa, walang maaasahan ang
Bangsamoro at mamamayang Pilipino na makakamtan nila ang kasarinlan.
Walang ibang landas tungo sa tunay na kasarinlan kundi ang magpunyagi sa
sa pakikibaka hanggang sa tagumpay.
Sa pakikipagharap sa GRP para sa peace talks, naniniwala kaming magiging
matatag at matapat ang MILF sa kanyang simulain, at maging mapagmatyag sa
lahat ng maniobra ng estado upang siya ay pasukuin nang hindi pa
nabibigyang lunas ang ugat ng suliranin—na siyang dahilan ng kawalang
kapayapaan sa kaslukuyan.
Sa pagtatapos, hayaan ninyo kami sa PCPR na maghandog ng isang panalangin
para sa isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan, hinango mula sa
Panalangin sa Kapayapaan ni San Francisco ng Assisi sa Italia:
Allah, Panginoon, Bathala
Gawin mo kaming instrumento at daan sa kapayapaan.
Hinihiling namin ang muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa
pagitan ng GRP at MILF;
Hinihiling naming huwag mangyari muli ang napipintong digmaan.
Sa harap ng pag-aalinlangan, humihingi kami ng pananalig;
Sa harap ng kalungkutan, kagalakan;
Sa harap ng kabiguan, pag-asa;
Sa harap ng kadiliman, liwanag.
Ibigay mo po sa amin ang
Pag-unawa,
Pagmamahal,
Pagpapatawad.
Sa aming kamatayan lamang,
Sa pag-aalay ng buhay para sa katarungan,
Para sa kalayaan,
Para sa kapayapaan;
Sa aming kamatayan lamang namin makakamtan ang buhay na walang hanggan.
Amen.
|
 |
|
Manifesto of
the Mindanao Alliance for Peace (MAP)
June 28, 2008
The Mindanao Alliance for
Peace (MAP), a broad alliance of civil society organizations, peoples’
organizations and individual peace advocates in Mindanao, strongly
believes that negotiated political settlement is still the best way of
resolving the age-old conflict in Mindanao.
The alliance also believes that prolonging the impasse in the peace
negotiations between the Government of the Republic of the Philippines (GRP)
and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) will inevitably lead to war
between the two protagonists. It could also tempt and invite anti-peace
groups and other peace spoilers to take advantage of the precarious
situation.
The alliance is fully aware that when war breaks out between the GRP and
the MILF, it will adversely affect not only the Bangsamoro people but the
Filipino people as well. In like manner, the dividends of peace will
ultimately redound to the best interest not only of the Bangsamoro but
also of the Filipino people.
Let everyone be reminded that engaging in war is always costly and
catastrophic that it could deplete further the meager resources of the
government that are better used instead on productive efforts.
To cast a little glance on how much the government spends on war campaign,
the article, “Mindanao: Land Raped and Plundered” gives us the proverbial
tip of the iceberg.
Accordingly, during President Estrada’s all-out war in 2000, “PhP6 billion
was spent on war or a billion peso higher than what the government spent
on building schools nationwide.” |
The same paper also claimed
that the “cost of one 105mm howitzer fired to Buliok Complex is PhP730,000
or an equivalent to 1,123 bags of certified rice seeds at PhP650 per bag.”
And the government did not spend on howitzer and mortar shells alone.
With these premises, the
alliance issues the following manifesto:
We call the GRP and the MILF to immediately resume the peace negotiations
between them and for them to honor the consensus points on ancestral
domain that they have already agreed upon. We see the immediate resumption
of the peace talks as the only way to obviate the possibility of war that
may break out in the midst once again.
We also call the Philippine government to postpone the election in the
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) set come August 11, 2008. This
undoubtedly poses as a hindrance in the peace talks. For even if a
comprehensive peace agreement may be signed soon, the implementation of
the Bangsamoro Juridical Entity (BJE) will not take effect until the terms
of the elected ARMM officials shall been finished. Clearly, holding the
ARMM election is a sign that the government is not sincere in its peace
negotiations with the MILF.
And, as we will all be the victims when war erupts in our midst, we call
on every Bangsamoro people and on every peace-loving individual, for that
matter, to unite with us in letting our voices be heard that we want PEACE
now for we have been suffering the brunt of war for so long.
Finally, we support, respect and uphold the legitimate struggle of the
Bangsamoro people for freedom and right to self determination. #
|