NEWS RELASE 07 MARCH 2008 PULIS MAYNILA, PANANAGUTIN SA MADUGONG DISPERSAL "Dapat managot ang mga pulis Maynila na parang mga asong-ulol na uhaw sa dugo sa kanilang ginawang pambubugbog sa aming hanay. Hindi masukat ang aming galit sa karahasang tugon sa aming mapayapang pagpapayahag ng aming mga makatarungnag hinaing sa DOLE." Ito ang naging pahayag ni Janet Barrientos, coordinator for services ng GABRIELA Timog Katagalugan sa kanilang mariing pagkundena sa madugong dispersal kagabi. Mismong si Barrientos ay nagtamo ng sugat at pasa sa kanyang kanang braso. "Amin ngayong inihahanda ang pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa mga berdugong pulis Maynila na pinamumunuan ni Col. Rosales. Pinagpupukpok, kinaladkad, at tinulak ang mga manggagawang papaatras na at nagmamakaawang itigil ang dispersal," ani Barrientos, Umabot sa 17 ang kinailangang isugod sa Philippine General Hospital at sa Ospital ng Maynila. Mahigit 30 pa, kabilang ang mga kababaihan ang nagtamo ng mga maliliit na sugat at pasa sa naganap na dispersal. Sa kasalukuyang lima ang nananatiling nakaditine sa Manila Police District Headquarters, kabilang ang isang vendor, na mula sa Sta. Cruz, Manila na si Jay Aban at si Marlon Torres ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU) na nakita sa media na kinuyog at kinaladkad ng mga pulis. Sinasabing nasa kritikal na kondisyon si Torres subalit sapilitang inilabas ng MPD mula sa Ospital ng Maynila. "Lalo's higit kaming determinado ngayong ipaglaban ang aming mga karapatan. Lalo't higit kaming determinado ngayong lumahok sa malaking pagkilos ng kababaihan bukas, Araw ng Kababaihan. At dahil sa pinakitang karahasan kahapon ng mga kampon ng Malakanyang sa mga pulis-Maynila, lalo't higit kami ngayong lalaban para mapatalsik ang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo."# For Reference: JANET BARRIENTOS (Coordinator for Services, GABRIELA-ST) 0928-6534275 __._,_.___