 |
Groups mark
Bonifacio Day, say more anti-Cha cha protests to come
News Release
November 30, 2008
The umbrella group Bagong Alyansang Makabayan joined the partylist group
Anakpawis and Kilusang Mayo Uno in commemorating Bonifacio Day on November
30 with a protsest march towards Mendiola Bridge in Manila.
“We vow to use the same nationalist aspirations of the hero Andres
Bonifacio in thwarting the moves of the Arroyo regime to stay in power and
to surrender national patrimony to foreign interests. Expect more protests
in the days to come,” said Bayan secretary general Renato M. Reyes Jr.
Bayan was criticizing moves to amend the Constitution which it said would
likely lead to the removal of term limits for elected officials including
the president. The group als opposed proposals to life restrictions to
foreign ownership of land and other businesses saying this would be a
gross sell-out of the Filipino people.
“Allowing 100% ownership of land is like begging foreigners to recolonize
the Philippines. Bonifacio would be turning in his grave with this gross
national betrayal,” Reyes said.
The militant group just finished holding its National Council meeting on
November 29 and said that it would embark on a nationwide campaign against
charter change.
“It is only a question of when the next major protest action will be held.
Various groups are in the process of consultations now. Even in provinces,
there are ongoing efforts to step up the campaign against charter change,”
Reyes said.
“The Arroyo regime is sorely mistaken if it thinks the cha-cha express
cannot be stopped. People are more vigilant now against any moves to
extend Arroyo’s term in office,” he added.
The groups assembled in Plaza Miranda in Manila before marching towards
Mendiola Bridge. The group had a permit for a rally after Manila Mayor
Alfredo Lim allowed protest actions in Mendiola on weekend and holidays.
Bayan said that it was possible to see another protest action before the
year ends or early next year if charter change moves are persistently
pushed by administration allies.
“The consensus among various groups is that cha-cha must be stopped and
that we should do all we can to prevent Arroyo from prolonging her stay in
power. We may see the same groups that mobilized last February 29 against
the ZTE scandal to come together again soon,” Reyes said.
|
|
Press Release
November 21, 2008
“The people wants economic relief, and not charter change.”
This was the reaction made by Vencer Crisostomo, national chairperson of
the League of Filipino Students (LFS) over reports of administration led
moves to push charter change in Congress.
“An economic recession is looming in the country but instead of
talking about measures to ease its impact on the people, Arroyo’s
cohorts in Congress, led by no less than her son, would rather want the
Congress to spend its time discussing charter change,” said Crisostomo.
The youth leader explained that in light of the global financial
crisis, it is the responsibility of the government to ease the
people’s burden by imposing ‘economic relief measures’ such as the repeal
of the ‘anti-people’ policies such as the Expanded Value Added Tax and the
Oil Deregulation Law, and by legislating the P125 wage hike.
Crisostomo also belied Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo’s claim
that the moves for charter change is not intended to extend Arroyo’s term
beyond 2010.
“Who are they kidding? We all know that the moves to change the
charter is intended to serve the administration’s bid to stay in power
beyond 2010. They even pray for it in their meetings,” said
Crisostomo, referring to Press Secretary Jesus Dureza’s cabinet
meeting prayer last Tuesday.
The LFS, along with other youth groups vowed that they shall exert all
efforts to stop Arroyo’s charter change.
“Arroyo has already made the lives of many Filipinos miserable for
almost a decade. We shall not let her administration and its policies
worsen our lives even more,” said Crisostomo. ###
Reference:
Ron Villegas, Vice Chairperson and Information officer,
ronvil@gmail.com, 09239130516
Vencer Crisostomo, National Chairperson, venzie@gmail.com, 09228262606
–
Visit the NEW LFS WEBSITE:
http://www.lfs.ph
■
UN agency raps govt over poor rights record
|
 |
 |
League of Filipino Students Editorial:
Labanan ang diktadura at panunupil!
Patuloy na minumulto si Gloria Macapagal-Arroyo ng mga malignong bigo
niyang tinataguan. At hindi pa man nanahimik ang kalakhan, walang puknat
pa rin ang pagsulpot ng mga bagong kababalaghang patuloy na bumubulabog sa
kanyang panunungkulan.
Nitong Oktubre, bumulalas ang panibagong iskandalong dulot ng mga
tinaguriang ‘euro generals’ nang matuklasan ang 105,000 euros (P6.9
milyon) sa bagahe ni retired Philippine National Police comptroller Eliseo
dela Paz sa Moscow International Airport. Pabalik na sana si dela Paz sa
Pilipinas mula sa dinaluhang 77th Interpol General Assembly kasama ang
pito pang opisyal ng PNP. Ang salaping natuklasan kay dela Paz ay
labis-labis sa inaprubahang P2.3 milyong pondo para sa naturang byahe.
Sa kanyang pagbalik, inihayag ni PNP Director General Jesus Verzosa sa
midya at sa isinagawang pagdinig sa Senado na ang salapi ay gagamitin
diumano upang bumili ng ‘intelligence equipment’ ngunit nabigo niyang
ipaliwanag kung saan galing ito at kung sino ang nag-awtorisang ilabas
ito. Maugong ang opinyon at hinala ng taumbayan at mga kritiko ng gobyerno
na maaaring mula na naman sa katiwalian ang 105,000 euros na sangkot sa
iskandalo.
Hindi pa man tuluyang humuhupa ang isyu ng ‘euro-general scandal,’ umugong
naman sa balita ang pagbalik ni dating Department of Agriculture
Undersecretary Jocelyn ‘Joc-Joc’ Bolante sa bansa. Matatandaang si Joc-Joc
ang sangkot sa mahigit P728 milyong fertilizer fund na ginamit umano para
sa pangangampanya ni Arroyo noong nakaraang halalan. Ang fertilizer scam
ang isa sa pinakakontrobersyal na isyu ng korupsyon na kinasasangkutan ni
Arroyo sampu ng kanyang mga alipores sa gobyerno. Itinuturing na tiyak na
lalong malalantad ang kabulastugan ni Arroyo sakaling maglabas ng
testimonya si Joc-Joc. Nakatakdang muling buksan ang pagdinig sa Senado
hinggil sa fertilizer scam sa susunod na linggo.
Ang mga kaganapang ito at iba pang mga di-resolbadong isyu ng gobyerno ni
Arroyo ang tinatayang nagbunsod sa mga obispo ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines (CBCP) na manawagan para sa ‘pagbabago ng
rehimen at pagbabago ng sistema, ngayon na.’ Ito na ang pinakamatapang na
pahayag ng CBCP mula nang manungkulan si Arroyo. Nanawagan ang mga obispo
na walang ibang panahon kundi ngayon upang maghanda at kumilos para sa
pagbabago sa gobyerno. Anila, hindi mareresolba ang malawakang korupsyon
hanggat nananatili si Arroyo sa pwesto.
Halos kasabay naman ng pahayag ng CBCP ang pagsampa ni ZTE whistle-blower
Jose ‘Joey’ de Venecia III ng panibagong impeachment complaint laban kay
Arroyo.
Walang kamatayang Charter change
Samantala, isa rin sa mga Obispo ng CBCP, si Archbishop Oscar Cruz, ang
pinakahuling nagbabala sa publiko sa muling pagpapakana ng gobyerno ni
Arroyo sa charter change sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso ngayong buwan.
Hindi malayong mangyari ito gayong batbat na naman ng kontrobersiya si
Arroyo at lalong lumalabo ang katiyakang manatili siya sa pwesto hanggang
sa eleksyong 2010 at lagpas pa.
Bagamat malaon nang nailantad ang motibo ni Arroyo sa cha-cha at sa kabila
ng malawak na pagtutol dito ng mamamayan, cha-cha pa rin ang pangunahing
inaasahan ni Arroyo para manatili sa pwesto at maisalba ang sarili sa
paniningil ng mamamayan. Maging ang kinakaharap na pinakamatinding krisis
sa ekonomiya ng mamamayan ay kinakasangkapan ni Arroyo para igiit ang
cha-cha – sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga ilang nalalabing proteksyon
sa Konstitusyon para sa pambansang patrimonya at soberanya. Pangunahin
dito ang pagtanggal sa probisyong naglilimita sa dayuhang pag-aari sa
bansa para diumano mas makapang-akit ng dayuhang negosyo at pamumuhunan
ngayong panahon ng krisis. Ani House Speaker Prospero Nograles, ito raw
ang pinakamainam na paraan gayong tiyak na naghahanap ng mapaglalagakan ng
kapital ang mga kumpanya sa US at iba pang mga bansa ngayong panahong ng
global financial crisis.
Samantala, una nang idineklara ng Korte Suprema na iligal ang motibong
cha-cha ni Arroyo sa pagsusulong ng kontrobersyal na MOA-AD (Memorandum of
Agreement on Ancestral Domain). Ito sana ang gagamiting pakana ni Arroyo
para patagong ipatupad ang cha-cha sa likod ng makatwiran sanang hangarin
ng mga kababayan nating Moro para sa sariling teritoryo.
Ngayong muling magbubukas ang Kongreso, tiyak namang ipagpipilitan ni
Arroyo ang paggiit sa ‘magkasanib na Constitutional Assembly (unilateral
Con-Ass)’ kahit na siguradong tatanggihan ito ng Senado at idineklara na
ring labag sa batas. Paborable ang isang magkasanib na Con-Ass para kay
Arroyo lalo pa’t mayorya ng Kongreso ay kanyang mga kaalyado – tulad ng
kung paanong nakasangkapan niya ang kanyang mga kaalyado upang ibasura ang
naunang mga impeachment complaint laban sa kanya. Inaasahang muling
ihahapag ng pangkat ni Arroyo ang magkasanib na Con-Ass sa Korte Suprema
pagsapit ng 2009 matapos niyang palitan ang halos kalahati ng mga kasapi
ng mahistrado ng kanyang mga appointee.
Pasismo, Panlilinlang at Panunupil
Dahil desperadong makapanatili sa pwesto, ginagawa ni Arroyo ang lahat ng
paraan upang hatiin, hadlangan at supilin ang hanay ng mga ligal na
oposisyon at kilusang masa. Tuluy-tuloy ang pagbigwas ni Arroyo ng
pulitikal na panunupil at dahas, pangunahin na sa mga lider-aktibista at
kasapi ng mga aktibistang organisasyon. Tampok ngayon ang
‘kriminalisasyon’ ng mga aktibista sa pamamagitan ng pagsampa ng mga
kasong pulos paratang at walang batayan.
Enero ngayong taon nang iligal na arestuhin at ikulong si Randy Echanis,
lider-magsasaka at beteranong aktibista, sa bisa ng kasong parehong
isinampa at malaon nang ibinasura laban kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo
noong nakaraang taon. Gayundin, may 27 lider-aktibista ng BAYAN (Bagong
Alyansang Makabayan) at mga alyadong organisasyon nito ang sinampahan ng
walang batayang kaso ng pagsunog at pagpatay sa Timog Katagalugan – tatlo
sa kanila ay iligal na inaresto at kasalukuyang nakakulong, kabilang na
ang respetadong labor lawyer na si Atty. Remigio Saladero.
Samantala, patuloy pa rin ang extra-hudisyal na pagpatay at forced
disappearances na sangkot ang hinihinalang mga elemento ng militar.
Pinakatampok ang kaso ng pagdakip kina Jonas Burgos, Karen Empeno at
Sherlyn Cadapan, at nitong huli ang pagdakip kay James Balao, lider ng
Cordillera People’s Alliance (CPA).
Tagos naman ang bangis ng panunupil ng estado maging sa mga kampus at
eskwelahan. Ilang mga lider-estudyante ang hayagang pinararatangang mga
‘NPA recruiter at komunista’ at sukdulang sampahan ng gawa-gawang kasong
rebelyon ang limang estudyante ng Polytechnic University of the
Philippines (PUP) sa Lopez, Quezon.
Sa Jose Rizal University naman, 19 estudyante ang di-makatarungang
sinuspindi ng administrasyon ng paaralan dahil lamang pinangunahan nila
ang isang kilos-protesta laban sa Value Added Tax (VAT). Samantala,
patuloy ang paglulunsad ng mga forum at symposium ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) sa pamamagitan ng ROTC (Reserved Officers Training
Corps) na walang ibang layunin kundi siraan ang mga aktibista at
progresibong organisasyon ng mga kabataan sa mga eskwelahan.
Panlilinlang din ang isinusulong na nag-aastang progresibong Magna Carta
of Students ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel sa Kongreso na
naglalaman ng mga panukalang magliligalisa, reguralisa at magpapahintulot
ng higit pang panunupil sa mga estudyante.
Kaya naman hindi malayong sa gitna ng paglaban ng kabataan at mamamayan sa
patuloy na diktadura, panunupil at mga pakana ni Arroyo para manatili sa
pwesto tulad ng cha-cha ay hindi ito mag-aatubiling ibigwas ang kanyang
huling alas: ang tahasang pagdeklara ng batas militar.
Labanan ang diktadura at panunupil!
Kailangang maging mapagmatyag at mapagbantay sa mga kaganapan pag-usad ng
mga usaping pampulitika habang patuloy na tinututulan ang pambubusabos ng
mga patakaran ni Arroyo sa ekonomiya.
Kailangang puspusang maglunsad ng tuluy-tuloy at sustinidong malawakang
kampanyang higit na maglalantad sa desperasyon ni Arroyo na makapanatili
sa pwesto. Nakaamba ang kaliwa’t kanang mga pakana kabilang na ang iba’t
ibang mga iskema at paraan sakaling mabigo ang cha-cha at matuloy ang
halalan sa 2010. Hindi kailanman pahihintulutan ni Arroyo na mawala sa
estado-poder dahil nangangahulugan ito ng kanyang pagharap at
pagkakalaboso sa lahat kanyang mga krimen sa mamamayan.
Tinatanaw natin ang isang pambansang malaking pagkilos ng
kabataan-estudyante sa Nobyembre 25 na may temang, ‘Youth Defy Arroyo’s
Tyranny’. Kailangang tiyakin ang pagkakawing ng mga isyung lokal at
sektoral sa paniningil sa rehimeng Arroyo. Malakas na labanan ang mga
pakana ni Arroyo para atakehin at supilin ang mga demokratikong karapatan
at interes ng mamamayan.
Kailangang mag-ipon ng sapat na lakas at pwersa ang kilusang kabataan at
masa upang masustini ang kampanya laban sa diktadura at panunupil ni
Arroyo kahit na sa panahon ng bakasyon. Ang sustinido at solidong lakas ng
kabataan at mamamayan ang siyang magiging salalayan para sa inaasahang
bugso ng kampanyang masa pagsapit ng unang kwarto ng susunod na taon.
Tanging sa isang dumadagundong kilusang masa mapagtatagumpayan ng
mamamayan ang laban para sa tunay na pagbabago, demokrasya at katarungang
panlipunan.
Nobyembre 17 – National Youth Action Day
Nobyembre 25 – Youth Defy Arroyo’s Tyranny!
Nobyembre 30 – Anibersaryo ng Anakbayan/Kabataang Makabayan
Disyembre 2 – Caravan ng Maralita
Disyembre 10 – Human Rights Day
|