|
Tanya Domingo and Ian Dorado, UP
Diliman
Iskolar ng Bayan at mga Martir ng
Sambayanan |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Renato Reyes Jr.:
Remembering Tanya Domingo, artist
and revolutionary

I first met Tanya
in the summer of 2009, while we were preparing for the 15th anniversary of
the UP-based cultural group Alay Sining. We had founded Alay Sining in1994
and thought it would be great to bring together old and new members to
perform and share stories. Tanya was then coordinating the University-wide
Alay Sining chapter. She was among the most enthusiastic about the idea of
the anniversary.
She was a young, giggling Fine Arts student who at an early age, had to
step up to the plate and lead an activist group of visual artists, singers
and writers in UP.
Twenty-year-old Constancia Isidora “Tanya” Domingo seemed like any other
student her age. I remember her to be quite cheerful and seemed care-free.
But she also appeared to have a deep sense of responsibility for others.
She knew what she wanted to do in life.
Her taste in music ranged from Fra Lippo Lippi, Bjork, Cynthia Alexander
and the Carpenters. We talked about the works of the great Japanese film
maker and animator Hayao Miyazaki and how she wanted to borrow DVD’s from
my brother. She was also a former gymnast and was reportedly known for
doing egg-rolls in the College of Fine Arts and Architecture.
Tanya wasn’t only a visual artist. She also sang for Alay Sining, being
part of the core of the music collective. We did chorale practice during
weekends and she was truly excited when she “found” her voice.
Bungisngis sya sa practice, as the trainers soon discovered. I would
often find her singing at the lobby of Vinzons Hall with the rest of the
group. She performed at various fora, cultural events and yes, rallies.
Even if there was just two of them singing in an event- her voice and
Dania’s blended well by the way – she would show no hang ups and would go
all out.
Like most student artists, she kept a sketchbook where she drew, in great
detail, images of the peoples’ struggle. She didn’t have a lot of money
and so she didn’t want to waste the pages of her prized possession. One
time she made me write lyrics of the songs we were doing on a cramped
space on her sketchpad, just so she could save on paper.
One time I complimented her on a dress she wore which she said was made by
her mom. Her mom, a single parent, worked as seamstress. Tanya had five
other siblings. One worked abroad, while the rest were either studying or
trying to find work.
I think I last saw Tanya in July, at the height of the preparations for
the State of the Nation Protests. I remember her singing at a forum that I
spoke at at the College of Home Economics. She seemed excited about
something. It could tell it wasn’t just the Alay Sining anniversary.
She had longed to work outside the University, to be with the farmers. In
June, she wrote a poem about her wanting to follow a comrade who had gone
on to work in the countryside. She wrote:
isa-isa dinampot ko ang mga
nalalaglag.
hinayaang malukot sa pagtikom ng aking
palad,
iniwagayway sa hangin at hinayaang mapad-pad
saiyo
-dala ang mensaheng 'kasama, susunod ako..'
I got a text from her one night where she expressed thanks. The message
seemed to come from out of the blue. It was only later that week that I
learned Tanya had left the university to organize in the countryside (I
did not even know where). She did not even wait to finish the Alay Sining
anniversary which was in September. There seemed to be no stopping her.
And so for this young cultural activist, art was no longer confined to the
idyllic and sheltered environment of UP. Her palette was revolution and
her canvass was the countryside. The mural she was making was of the epic
struggle for national and social liberation. I was pretty sure she would
still be doing sketches, writing poems and singing her heart out, and
would more than ever be inspired (though I’m not sure if she would still
be doing egg-rolls).
Last January 14, my friend Tanya died while serving the people in the
countryside of Dona Remedios Trinidad, Bulacan. She was among the seven
killed during a military operation against alleged members of the New
Peoples Army. Another UP student from the College of Fine Arts, Ian
Dorado, was also among those who were killed.
I was saddened upon learning the news that Tanya had died. She was the
first martyr from Alay Sining. I hope to be able to talk to her family
soon and tell them that they had a wonderful daughter and sister who had
offered her life for the people.
Artists and youth can learn a lot from the short yet meaningful life of
Tanya Domingo. Hers is a death as heavy as the proverbial Sierra Madre.
Unlike polticians, no monument made of stone will be erected in her honor.
But she will be remembered in the songs, poems and works of the people’s
struggle. Her memorial will be built in the hearts of the oppressed masses
who are forever grateful for her sacrifice.
Paalam, Tanya.
|
 |
| |
|
|
 |
| |
|
|
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|
 |
League of Filipino Students
Vinzons Hall, University of the Philippines, Diliman, Quezon City
09158513904
PRESS RELEASE
January 18, 2010
LFS Pays Tribute to 2 UP Students Ambushed in Bulacan Encounter
The League of Students paid tribute today to Ian Dorado and Tanya Domingo,
LFS members from the University of the Philippines who were ambushed by
government forces in Bulacan last week. They add to the list of youth and
students who were killed in the last two weeks by government raids against
guerilla positions, which included Kemberly Luna, of the Mindanao State
University and Ian Maderaso, former student leader of UP Los Banos.
“Ian and Tanya left the comforts of university life to embrace the armed
revolution as NPA guerillas in the countryside, knowing full well that
revolutionary force was indispensable in the fight for national
democracy,” This was the statement of Terry Ridon, National Chairperson of
the League of Filipino Students, as the LFS criticized the desperation of
the Arroyo government in heightening attacks against revolutionary forces
under Oplan Bantay Laya II and achieve its pipe dream of reducing the
armed movement to ‘inconsequentiality’.
Ridon said that Ian and Tanya were prodigious and talented artists from
the prestigious UP College of Fine Arts, where many National Artists for
the Visual Arts hailed.
“But instead of merely creating art for moneyed patrons, Ian and Tanya
were involved in producing art for the benefit of our exploited people, as
when Tanya made a large mural for striking Kowloon House workers in Quezon
City last year to express the workers’ aspirations for better working
conditions,” Ridon said.
He said that by joining the NPA, Ian and Tanya proved that the Arroyo
government had been lying through its teeth that the NPA has been reduced
into a small group of ragtag bandits terrorizing the countryside.
“On the contrary, Ian and Tanya are proof that the national democratic
revolution is alive and well, that it is capable of achieving its
pronouncements of advancing the phase of its revolution in the next five
years.”
Ridon also noted that the two UP students joined the armed underground
during the regime of President Gloria Macapagal-Arroyo.
“Terrible working conditions, unfulfilled promises and ultimate puppetry
to imperialism and the local ruling classes by Mrs. Arroyo have compelled
many students like Ian and Tanya to join the NPA. It is proof that GMA is
the number one recruiter of the NPA today.”
Ridon said that no amount of fascist threats or killings can prevent the
‘wave upon wave’ of youth and students in joining the armed revolution in
the countryside, as long as the ruling ‘rotten system’ exists.
“For advancing the national democratic struggle, in its highest, finest
form, we pay tribute to you, Ian Dorado and Tanya Domingo,” Ridon finally
said.
Reference:
Terry Ridon, National Chairperson, League of Filipino Students
09158513904, teridon18@gmail.com
|
|
|
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
Roselle Pineda: tanya
hindi ko alam kung
ilang ulit nga bang pinunit ng mga impit na paghikbi ang gabing madilim sa
pag-alala at pagdagsa ng mga parangal para kay kasamang tanya? hindi na
mabilang, ngayong araw pa lamang. hindi ko na matandaan ang dalas ng
pagluha simula nang una kong mabalitaan ang kaniyang pagkamatay.
paano ko nga ba susubukang isa-salita ang lungkot na paulit-ulit na
bumabayo sa aking dibdib? para sa mga kasamang nauna nang nagbuwis ng
buhay. hindi man sila kilala ng aking pangita ay lupos naman ang
pagkakakilala ng aking puso at isipan sa kanila. kina ian maderazo,
kimberly luna, ian dorado at si tanya. si tanya na walang kaparis ang
sigasig. ilang ulit ko na nga ba nakantiyawan si tanya at pinapaulit-ulit
sa isang linya lamang ng isang awit hanggang sa makuha niya ang tamang
pitch at tono? maraming ulit na. ngunit hindi ko siya nakitaan ng
panghihina ng loob. patuloy na nag-eensayo hanggang sa makuha niya ang
awitin. bagay, na nagpapatindi ng pangangantiyaw ko sa kaniya. malakas
akong mangantiyaw, oo, sa pag-awit, lalo na, higit pa sa mga tulad ni
tanya na may kakaibang halo ng pagiging isang masayahing bata ngunit tila
hindi nage-enervon at the same time. masarap asarin at i-bully si tanya sa
pag-awit kasi namimilipit siya sa hiya, lalo na kapag sinasabi kong kulang
sa energy ang kaniyang pag-awit, at saka niya ako sasagutin ng "mam naman
eh!"na parang batang hiyang-hiya, sabay ngiti-tawa ng malaki na
magpapakita ng kaniyang malalaking ngipin. si tanya, masarap asarin kasi
parang palaging wengwang, at guilty siya dito. malamang dahil sa dami ng
kaniyang gawain, o gampanin kaya't kahit pagod o nangangayayat na sa
kapupuyat ay hindi pa rin tumitigil. walang tigil, walang pagod gurl kung
tutuusin.
ngunit lampas sa mga pangungulit, pananaray at pang-aasar ko kay tanya,
dapat siyang tularan at ang kaniyang makulay na buhay at komitment sa
bayan ay dapat magsilbing apoy at paalala sa kaniyang mga naiwan. hindi ko
man siya nakilala ng malaliman, alam kong siya ay tunay na modelo ng
pagiging aktibista at pagiging artista ng bayan.
bilang artista ng bayan, hindi siya nagpa-bilanggo sa kaniyang kinamulatan
at kinasanayang larangang sining, ang sining biswal, nang siya ay
nagsimulang magtanghal bilang bahagi ng music collective ng alay sining.
nahihiya man, o kaya, tanggap man niya na nahihirapan siyang tumbukin ang
matataas na nota, ay mapagkumbaba siyang nag-aral, nag-ensayo at
nagtanghal, hanggang sa tuluyan na niyang mapangibabawan ang mga naturang
kahinaan. tanda ito ng kaniyang maalwas at hindi mapag-imbot na pag-aalay
ng kaniyang mga kakayahan para sa gawain, sa bayan, at sa masang kaniyang
minamahal.
nawa'y maging paalala sa ating lahat, artista man ng bayan o hindi, na ang
pagmamahal sa bayan ay pagbibigay ng buong-buo dito ng ating puso, isipan
at mga kakanyahan. walang bakod ang kakanyahan kung ito ay hihingin sa
atin ng pagkakataon. at walang heyograpiya ang pagkilos kung ito ang
hinihingi ng panahon.
mabuhay ang alaala ng ating mga martir! tuloy ang laban!
|
FACEBOOK COMMENTS
Richard Ducat
I met Ate Tanya @
UP diliman in mid 2009last year, i was shocked right now b'coz Ate Tanya
passed away..
Roy
Danieles
red salute to you!!
Tine Sabillo
Beautiful write-up.
Helped me remember Tanya more clearly. Thanks.
Mon at 4:11pm ·
Report
Mark Saludes
pinakamataas na
pagpupugay at pagkilala sa iyo Kasamang Tanya!
Mon at 4:13pm ·
Report
Dondon Nakar
isang mapulang
pakikiramay at taas kamao sa iyo kasama salamat ang iyong iniwan na sulo
ang aming tanglaw sa karimlam sa paikid na daan upang matamo ng minamahal
nating mamamayang ang liwanag.
Mon at 4:13pm ·
Report
Eybriyel Mansilungan
Pagpupugay sa yo
kasama!
Mon at 4:19pm via
Facebook Mobile · Report
Aki Merced
magpapatuloy kami
tanya.
Mon at 4:22pm ·
Report
Fehm Malaluan
Condolence kay
Tanya isa kang tunay na makabyan!!!
Mon at 4:30pm ·
Report
Jaja Necosia
Tuloy ang LABAN!
Taas KAMAONG PAGPUPUGAY sayo Kasamang TANYA! ..
Mon at 6:08pm ·
Report
|
|
|
|
|
|
|
|
|
IN THIS NOTE: TANYA
Sa isang panahon
at bansang nanganganib
pumaling sa pessimism
ang mamamayang walang
tulog at nagugutom.
Nasasanay sa bulto bultong kabiguan
at pake-paketeng kasamaan
tila prusisyon.
Sa mga toxic at pathetic
at haggard na mga kaganapan
sa buhay sa araw araw.
Sa mga pangit at malulungkot
at masasamang kwento
minu-minuto.
Nakatakda pa pala kaming magulat.
Isa ka sa mga napaslang sa Bulacan.
Brain freeze. Nakatakda akong matulala.
Iniisip ko kung saan kita huling nakita.
Kung nakalugay ang iyong buhok
o kung nakatali ba.
Kung nagpipinta o kumakanta.
Iniisip ko kung sa DAR o sa Mendiola.
Oo, sa DAR huli kitang nakitang nagpipinta.
Karit, magsasaka, at palay.
Mga itinangi mo't
pinag-alayan ng buhay.
At dahil hindi ka puro drowing, Tanya-
sa iyong alaala kami'y magpupugay.
ps.
Tanya, kagabi ko lang narealize na hindi pala tayo
friends sa Facebook. Kaya in-add kita,
sad pero habangbuhay na siguro
ang Waiting for Friend Confirmation.
Sa isang panahon
at bansang nanganganib
pumaling sa pessimism
ang mamamayang walang
tulog at nagugutom.
Nasasanay sa bulto bultong kabiguan
at pake-paketeng kasamaan
tila prusisyon.
Sa mga toxic at pathetic
at haggard na mga kaganapan
sa buhay sa araw araw.
Sa mga pangit at malulungkot
at masasamang kwento
minu-minuto.
Nakatakda pa pala kaming magulat.
Isa ka sa mga napaslang sa Bulacan.
Brain freeze. Nakatakda akong matulala.
Iniisip ko kung saan kita huling nakita.
Kung nakalugay ang iyong buhok
o kung nakatali ba.
Kung nagpipinta o kumakanta.
Iniisip ko kung sa DAR o sa Mendiola.
Oo, sa DAR huli kitang nakitang nagpipinta.
Karit, magsasaka, at palay.
Mga itinangi mo't
pinag-alayan ng buhay.
At dahil hindi ka puro drowing, Tanya-
sa iyong alaala kami'y magpupugay.
ps.
Tanya, kagabi ko lang narealize na hindi pala tayo
friends sa Facebook. Kaya in-add kita,
sad pero habangbuhay na siguro
ang Waiting for Friend Confirmation.
|
 |
| |
|
|
 |
| |
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
Jonna Baldres: Paalam, Tanya...
MGA ALAALA NI TANYA
Liham para sa kapwa alagad ng Sining at Bayan
Alam mo kung ano ang mga pinaka-naaalala ko tungkol sa 'yo?
Naaalala ko ang malaking-malaking siopao
na gawa sa canvas na tela
na ginawa mo para sa isang plate mo sa FA.
Sabi mo, ipapasa mo sa klase kinabukasan.
Pero hindi mo na ito ipinasa sa prof mo,
dahil imbis na pumasok sa klase,
nanatili ka sa piketlayn para samahan
ang 73 manggagawang tinanggal
sa trabaho sa Kowloon House.
Kapalit ng gradong sana'y makukuha mo,
hinayaan mo na lang na magamit
ang malaking-malaking siopao na ito
para sa pagpi-piket.
Dahil alam mong mas kailangan ito
ng mga pinagsasamantalahang manggagawa,
para magamit nilang pang-prop
at maiparating ang kanilang ipinaglalaban
sa mga tao at sasakyang dumaraan
sa malawak na kalye ng West Avenue.
Kapag darating ako sa piketlayn,
lagi kang sasalubong at magkukwento
tungkol sa mga crush mo.
Halos parang araw-araw nga yata,
mayroong bago.
Pero tandang-tanda ko pa
noong naglakas-loob ka,
at ikaw ang unang gumawa ng hakbang
na magpaalam sa iyong grupo
para manligaw sa isa pang kasama.
Alam mo bang kahit ikaw ang mas bata,
tinuturing kitang isang halimbawa?
Pero hindi ko yata nasabi sa iyo.
Naaalala ko rin
kung gaano ka kakulit at kasigasig
at parang laging baliw-baliwan mode.
Pero sa isang programa
noong mga unang araw ng piket,
napansin ko ang seryoso mong mukha
habang naghahanap ka ng masking tape
na gagamitin sa on-the-spot mural
na iyong pakana, at kung paanong
idinikit mo ang masking tape
at binigyang-laya ang mga manggagawa,
gamit ang kanilang mga kamay,
na mag-iwan ng marka sa puting tela.
At sa pagtapyas ng masking tape
ay matingkad na tumambad ang mga salitang:
"Tinanggal na mga manggagawa ng Kowloon, IBALIK!"
na napalilibutan ng mapulang-mapulang pintura.
Halos araw-araw tayong magkasamang
nagbabantay noon sa piketlayn,
natutulog sa malamig na tarpaulin
na nakalatag sa semento,
kahilera ng mga manggagawang
pinagkaitan ng makatarungang sahod.
Sama-sama tayo noon sa simpleng pamumuhay,
at sa paggising sa umaga ay magisimula nang
gumampan sa ating mga tungkulin
bilang artista, iskolar at kabataan ng bayan.
Wala sa klasrum, kundi nasa lansangan.
Naalala ko rin nang minsang
nagkasakit ako habang nasa piketlayn.
Ikaw ang isa sa mga tumalima sa akin,
at ikaw ang nagbigay ng plastik
na sinukahan ko,
pati na rin ang gamot na ininom ko.
Sa loob ng mahigit isang buwan
na nagkasama tayo sa mga kubol,
maraming beses tayong kumanta
ng mga awiting mula sa mga may chummy
hanggang sa mga rebolusyonaryong tema.
Naalala ko rin ang bag na ipinagmamalaki mo
na gawa kamo ng nanay mo.
Nakiki-text ka rin noon gamit ang cellphone ko
para magpaalam sa nanay mo,
na naroon ka lang sa piketlayn
at doon tayo magpapalipas ng mga araw
para samahan ang mga manggagawa
sa kanilang laban.
Marahil kaya tayo nag-click kaagad
dahil pareho tayo ng kolehiyong pinanggalingan.
At kahit matagal na akong umalis sa unibersidad
ay natuwa akong mayroong mga nagpatuloy
ng mga gawain sa pagmumulat at pag-oorganisa
sa mga estudyante ng kolehiyong ating pinagsimulan.
Pero higit pa roon, sa mas malawak na pagtingin,
pareho tayo ng pinaniniwalaan.
Na ang sining ay hindi lamang dapat
nagsisilbi para sa sarili,
kundi sa mas malawak na hanay
ng lipunang pinagsasamantalahan.
Bagamat lumuluha ako ngayon
sa balitang natanggap,
hindi maiaalis ang paghanga at pagpupugay,
para sa isang kasamang minsa'y
kasa-kasama lamang sa pagpo-prodwork,
ngunit sa kalauna'y nagpasyang
ang pakikibaka at ang pagpapalaganap
ng kulturang magbabago sa bulok na lipunan
ay hindi lamang natatapos sa kolehiyo at sa piketlayn.
Ikaw na nag-alay ng buhay;
Ikaw na nagpanibagong-hubog,
nakipamuhay at nagsilbi
sa mga kababayang inaapi;
Ikaw na tunay na artista at iskolar ng bayan;
hindi masasayang ang iyong sinimulan.
At tulad ng pagpapatuloy mo noon
sa mga naiwang gawain naming mga lumisan
mula sa kolehiyo,
asahan mong sa pagkakataong ito,
na ikaw ang nagpaalam,
pupulutin namin ang iyong nabitawan
at ipagpapatuloy namin ang laban.
Kitakits, Tanya. Hanggang sa muli.
STP (Serve the People, na s'ya mong pinanghawakan hanggang sa huli),
Ate Jonna
|
|
|
|
|
 |
|
|
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
MORE FACEBOOK COMMENTS:
Michael Luat
Nato thanks for the
write up on sharing who kasama Tanya was. I have not personally met her
but have in our hearts and to continue to carry out what she did by
Serving the People!!!!
MABUHAY si Ka Tanya Domingo!!
Mon at 6:19pm ·
Report
Ailyn Abdula
Taas kamao ang
sasalubong syo, sa naging kasigasigan mo sa pagsusulong ng rebo.
Ipagpapatuloy ang kulturang rebo ng mga nakapiling mo at naging katuwang
sa kilusan!
Mon at 6:34pm ·
Report
Rene-Cristy Rivera
kasama mo kami sa
mapulang landas na iyong tinahak. pinaka mataas na pagpupugay sa iyo
kasama! KR
Mon at 6:41pm ·
Report
Dan Borjal
Masakit tanggapin
na isa na namang mahusay na anak ng bayan ang napaslang ng mga halimaw.
Salamat, Nato, sa pagbahagi mo ng kwentong ito na sana'y magsilbing
inspirasyon sa maraming kabataan.
Mon at 7:05pm ·
Report
Lfs Um
Our deep
condolences to the family, friends, comrades and colleagues of Tanya
Domingo.
Mon at 8:47pm ·
Report
Lfs Um
I remeber that i
met her at UP Diliman in the mid 2009, nag-duet kami noon, and i was
shocked and sad again after the death of my friend Kimay, another friend
is now passed and it was my 22nd B-day (Jan 14, 2009)...
Richard Ducat
LFS - UM Chapter
Mon at 8:55pm ·
Report
Raymund B Villanueva
Salute!
Mon at 9:03pm ·
Report
Stum Casia
Pagpupugay mula sa
Kilometer64 poetry collective.
Mon at 9:48pm ·
Report
Karen Mobo
another senseless
killing..when will it stop?!i don't think it will, for this nation is
swarming with demons in the government and in the military!tnx so much
nato for the very beautiful article, we don't personally know her, but you
gave justice to her story with this article that you have shared to us
all.paalam kasamang tanya. saludo kami sa iyo...
Yesterday at
12:09am · Report
Gil Estella
we need more
exorcists to send those demons back to hell... and for the goodness of
people to keep them there.
Yesterday at
12:17am · Report
Karen Mobo
@gil-yep, you are
right.we need thousands, if not, millions of exorcists to do that.these
demons are so evil, wicked, and vile and most of all, DISGUSTING!!!hope
they burn in hell!
Yesterday at
12:36am · Report
|
Diana Directo
Nakasama ko siya sa
art camp. Hindi ko makakalimutan ang pakikipagdebate namin kina raprap at
sim tungkol sa isang nakakatawang Physics issue. Paalam. Hindi ko
malilimutan ang mga sandaling ika'y nakasama, gaano man ito kaikli. Isang
pagpupugay! Walang masasayang. Kami ay magpapatuloy!
Yesterday at
12:50am · Report
Mario Ben
ka tanya,gaya ng
iba na nauna sa iyo,MABUHAY KA!!Frm,MB,OFW,RIYADH
Yesterday at 1:01am
via
Facebook Mobile · Report
Benjie Cruz
isang taos-pusong
pag-saludo! bayani ka sa puso ng masa
Yesterday at 1:32am
· Report
Reynold Borjal Boringot
ang isa ay hamon sa
marami at ang marami na pinagmulan ng isa ay pag-asa ng lahat. pagliyabin
ang sulo ng pagmamahal sa bayan.
Yesterday at
12:17pm · Report
Federico Dominguez
minsan naging
friend siya ng anak kung si tana dominguez,sabi pa nga magkahawig sila at
nakita ko rin sa SONA rally,isang pagpupugay,mula sa CAP saludo kami at
mabuhay ka!...paalam..........
Yesterday at 4:18pm
· Report
Che Marty
Tuloy ang pagsikhay
at pagpapanatili ng mataas na diwnag palaban para sa iyo, kaibigan at
kasama, Tanya.
3 hours ago ·
Report
Louie Eslao
I will miss you ,
Tanya !!
Mon at 11:07pm ·
Report
Nestor Emilio
isa na namang
kasama ang nagpaalam...
lumaban alang-alang sa bayan...
binistay ng bala ang kanyang katawan...
ngunit hindi ang kanyang ipinaglalaban....
hindi... hindi... kailanman......
See More
Stum Casia
dadaan ako sa burol
mamaya sa up crl.
Yesterday at
11:33am via
Facebook Mobile · Report
Hanna Fiel
salamat rustom sa
pagpapaalala kung saan ko rin sya huling nakita. kinilabutan ko nung
nakita ko yung picture. pagpupugay sa'yo, tanya...
Yesterday at
12:36pm · Report
Stum Casia
Madali mo sha
maalala pag naisip mo yung mural na iyon. Karamihan kase sha ang gumawa.
Yesterday at 6:26pm
· Report
Matyline Camfili
mam rosel, naiyak
naman ako d2......
Mon at 11:59pm ·
Report
Catherine Madjus Razo
taas kamao!
Yesterday at 8:14pm
· Report
Jeana Marie Escandor Jose
ituloy ang laban!
|
|
= |
|
|
|
|
|