SOME ONE HUNDRED POEMS OF
ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
A few of the poems published in Bulatlat, Arkibong Bayan, KM64 and his own
blogsite
|
 |
OF PIES AND CRUMBS
(OR HOW A FORTUNE CAN
BE A PITTANCE)
Alexander Martin Remollino
20 million pesos
is a pie that could make or break records
...until you break it up for multitudes
of mouths long longing for something to bite --
at which point you find
that each mouth gets nothing more
than crumbs. |
|
|
|
|
|
Bago Padapuin sa Kanila ang Inyong mga Pamalo
Alexander Martin Remollino
At isang krimen na pala
ang magkampo sa harap ng isang "arko ng kapayapaan"
upang hingin ang talagang sa iyo.
Sana, bago padapuin sa kanila ang inyong mga pamalo
ay naisip muna ninyo
na ang mga katawang "humarang" sa Mendiola
ay hindi lang mga tagapaghatid ng pagkain
sa inyong mga hapag:
kabilang din sila sa mga bumibili
ng pampaaralang mga gamit ng inyong mga anak,
ng mga pulseras at kuwintas ng inyong mga asawa't kabit;
ng inyong mga uniporme, medyas, at kalsunsilyo.
Sana, naisip ninyo ang lahat nito
bago ituring na mga kriminal
at padapuan sa inyong mga pamalo
ang mga katawang "humarang" sa Mendiola
upang hingin ang talagang sa kanila. |
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|

Stills from a Kodao
Video on Hacienda Luisita |
Higit na
Mahal
ni Alexander Martin Remollino
Sa silid-kainan ng iyong isip,
kailanman ay hindi nila natikman ang ipaghain --
kailanman ay hindi.
Ni hindi nga nila nalasap doon ni minsan
ang alukin man lamang na kumain --
ni minsan ay hindi.
Ano kaya,
ano kaya kung sa isang biglang pihit ng pagkakataon
ay maglahong tulad nina Juan Feleo,
Manuel Merino at Jonas Burgos
silang lahat na humahawak ng araro't asarol?
Tiyak na magmamarkang parang kagat sa iyong isip --
sa iyong isip na kasinliit ng mumo --
ang katotohanang ang mga lipaking palad
na naghahatid ng pagkain sa iyong hapag
ay higit na mahal, higit na mahal
kaysa sa iyong mga pinggang
porselana.
|
|
|
|
|
Alexander
Martin Remollino
Ako, si Noynoy Aquino,
na lubusang nakatitiyak
na ang mandatong nakuha ko sa huling eleksiyon
ay patunay
na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago,
ay nagdedeklara ngayon
na ito ang daang tatahakin natin
tungo sa pagbabago:
Boom tarat tarat
Boom tarat tarat
Sasara ang bulaklak
Bubuka ang bulaklak
Dadaan ang reyna
Ang saya-saya
Boom-tiyaya
Boom-tiyaya
Boom-yeye
Tiyaya
Tiyaya
Tiyaya-boom
Yeye-boom
Yeye-boom
Spageting pataas, pataas nang pataas
Spageting pababa, pababa nang pababa
Spageting pataas, pababa at pataas
Spageting pababa, pataas at pababa
The quick brown fox jumped
Over the lazy dog
In the stream
Over the lazy dog
In the stream
The quick brown fox
Jumped
Monkey, monkey, Anabel
How many the monkey
Did you see?
Tararat
Tararat
Boom boom boom
Ito, mga minamahal kong kababayan
ang daang tatahakin natin
tungo sa pagbabago.
Maraming salamat po.
Alexander Martin Remollino
(kina Atty. Edwin Lacierda, Atty. Ignacio Bunye, Atty. Fernando Barrican,
at iba pang nagsilbi bilang presidential spokesperson)
Iba nga ang siyang nagkalat ng putik;
pero pagkatapos, ikaw ang naglinis!
Alexander
Martin Remollino
At kanyang tinapos
"ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan."
Pero, wala siyang sinabing
ang mga daing ay hahayaan niyang dumapo
sa kanyang mga tainga:
ang tangi niyang sinabi
ay hindi siya magiging manhid sa mga ito.
Kaya't habang nagtatalumpati siya sa Batasang Pambansa,
ang mga raliyista
ay dapat makuntentong kausapin ang mga sarili
sa Quezon Memorial Circle.
Alexander
Martin Remollino
At isang krimen na pala
ang magkampo sa harap ng isang "arko ng kapayapaan"
upang hingin ang talagang sa iyo.
Sana, bago padapuin sa kanila ang inyong mga pamalo
ay naisip muna ninyo
na ang mga katawang "humarang" sa Mendiola
ay hindi lang mga tagapaghatid ng pagkain
sa inyong mga hapag:
kabilang din sila sa mga bumibili
ng pampaaralang mga gamit ng inyong mga anak,
ng mga pulseras at kuwintas ng inyong mga asawa't kabit;
ng inyong mga uniporme, medyas, at kalsunsilyo.
Sana, naisip ninyo ang lahat nito
bago ituring na mga kriminal
at padapuan sa inyong mga pamalo
ang mga katawang "humarang" sa Mendiola
upang hingin ang talagang sa kanila.
Itinatak mo na sa iyong noo
ang mga katagang
"kayo ang aking lakas."
Kaya't utang mo sa mga mamamayan
ang di-pagbigo sa pag-asa ng marami
na magsasalin ka ng lakas
sa bayang kaylaon nang nakaratay,
at hindi mo sisipsipin
ang kanilang lakas.
Alexander
Martin Remollino
(kay Dr. Jose Rizal -- bayani, manggagamot at manunulat)
Nang itaas mo ang bahagi ng belong
nagtatakip sa mga kanser nitong lipunan,
hinubdan mo rin ng dangal
ang walang-dangal na mga prayle't opisyal ng gobyerno
at ang mga alipures nila.
Napaso sila sa pagkakabilad sa araw,
kaya ibinuwal ka sa Bagumbayan.
Ang akala nila,
sa pagbagsak ng iyong bangkay sa lupa
ay muli ring maibababa
ang nakaangat nang bahagi ng belo,
ngunit hindi --
nanatiling nakalantad ang mga kanser
sa sinumang nagnanais
na magmungkahi ng lunas --
kundi man magbusbos.
You let your science flourish
where no one splits atoms
to send cities back to the Stone Age.
Always you were in search of solutions
to the problem
of how humankind can become human.
You did not want to spend your life
"figuring out how to kill people."
Your place in the hall of heroes
is certain,
as certain as quarks exist.
Alexander
Martin Remollino
How many mouths can P10 million feed
in a single sitting?
Up to 250,000 or so.
But they fed it all to the dustbins and toilets
as they pompously paraded floats featuring feats
as real as the claims
in the State of the Nation Addresses
of 2001-2009.
Alexander
Martin Remollino
A fortune most will not amass
even after spending P10 million
on lottery tickets
goes down the drain in a day
for a pompous parade of floats featuring feats
that are real --
as real as promises to lead "by example,"
as real as promises to not run for the helm,
as real as promises to "just fade away."
Alexander
Martin Remollino
(sa alaala ni Rogelio "Ka Mamay" Galit, lider-magsasaka sa Cavite,
1957-2010)
Sa iyong mga huling araw,
tila ka iginapos sa luklukang may gulong.
Gayunman,
hindi nalumpo ang iyong paninindigan --
bagkus, nanatiling kasintatag
ng mga katawang "nagpapala
sa mga pinitak"
upang dugtungan ang hininga
ng buong daigdig.
Alexander
Martin Remollino
Hindi lang ang di-paglingon sa pinanggalingan
ang dahilan ng ating kabiguang
makarating sa paroroonan.
Kung sa kalauna'y matuto tayong lumingon,
ano pa kaya ang malilingon natin --
gayong tinitibag ang mga panandang-bato
sa ating dinaanan?
Sa ganito, halos matitiyak
na ang ating paroroonan
ay yaon ding kaylaon na nating
kinaroroonan.
Alexander Martin Remollino
(in response to the May 31, 2010 attack by US-armed and
-funded Israeli forces on an aid flotilla bound for Gaza
Strip)
And your soldiers pulled the trigger
on that flotilla,
whose only excess -- if any --
was to sail to the aid of a people
on whom you have wrought a holocaust.
Did they let
the Miep Gieses who hid the Anne Franks
cross their minds
before pulling the trigger?
|
|
Alexander Martin Remollino
Alice in Wonderland cries and creates
a sea of tears,
where she swims and meets a Mouse
and other animals.
They later meet on the bank
and talk about how to dry themselves --
whereupon the Mouse gives them a very dry lecture
on William the Conqueror.
A Dodo decides drying themselves
would take a Caucus-Race
in which everyone runs in a circle.
Pebbles turn into cakes.
Babies turn into pigs.
Flamingos are used as mallets,
hedgehogs are used as balls,
in a croquet game.
A Mock Turtle is so very sad
though he has no sorrow.
In another land Juan Tamad becomes president.
An ousted and convicted plunderer
is pardoned and permitted to run again for the helm,
placing second in the race.
A deceased dictator's wife and children,
bent on bringing back the good old days,
are all on the road back to power --
and they're not encountering humps and potholes.
And clowns and blood-drainers
are tasked with making laws.
Alexander
Martin Remollino
You have refused to seal your lips --
knowing that each time you tell your tale,
you speak out for all those voices
put to silence
because they were fighting for a future
when no child would have to scream
at every steel bird in the sky,
thinking it was that one steel bird
that took their mother away
to where the grass is greener.
(for Melissa Roxas)
Alexander
Martin Remollino
McKinley did not civilize these islands:
their people had just fought fiercely for freedom
when his uniformed beasts
planted the Stars and Stripes on their soil.
What he did was to tame,
to tame in the hearts of these islands' people
the newly born wild yearning
for a life without chains.
Notes for a Poetry Workshop, by Way of a Poem
A poem is the smallest package
containing the biggest things.
It should speak volumes upon volumes
without saying as much.
It should paint a thousand pictures
and sculpt a thousand statues.
It must possess power enough
to send a million ships around the world
a million times.
Latest posts by Alexander Martin Remollino
Alexander Martin Remollino
Sa silid-kainan ng iyong isip,
kailanman ay hindi nila natikman ang ipaghain --
kailanman ay hindi.
Ni hindi nga nila nalasap doon ni minsan
ang alukin man lamang na kumain --
ni minsan ay hindi.
Ano kaya,
ano kaya kung sa isang biglang pihit ng pagkakataon
ay maglahong tulad nina Juan Feleo,
Manuel Merino at Jonas Burgos
silang lahat na humahawak ng araro't asarol?
Tiyak na magmamarkang parang kagat sa iyong isip --
sa iyong isip na kasinliit ng mumo --
ang katotohanang ang mga lipaking palad
na naghahatid ng pagkain sa iyong hapag
ay higit na mahal, higit na mahal
kaysa sa iyong mga pinggang
porselana.
Alexander Martin Remollino
(for Atty. Kathrina Castillo, Kabataan Partylist's third nominee
in the 2010 elections)
A black ribbon from them to you.
And all because you have taken the challenge
of sending sparks of hope
to the "fair hope of the Fatherland" --
who can no longer even think
of smoldering projects,
because they
are being drowned in the depths of darkness.
They have prepared a grave for you
for unlike them, you refuse to believe
that to breathe is a mere privilege.
Browse:
Home /
Tula
/ Panghaharana sa Ating mga Boto
By
Alexander Martin Remollino
on
4/17/2010
Binabasag nila ang katahimikan
ng ating mga gabi’t araw
sa kanilang panghaharana sa ating mga boto.
Ngunit kung bakit nararapat nilang makamit
ang matamis na “oo” ng ating mga boto
ay hindi matarok nitong isip,
sapagkat kahit na kasinlakas ng kulog
ang kanilang pag-awit
ay wala akong marinig na kanilang inaawit.
Higit ko pang nais na
padapuin sa tainga
ang pagkokak ng mga palaka,
ang pagkahol ng mga aso,
ang pagngiyaw ng mga pusa.
Di ko man alam ang kanilang wika,
tiyak kong sila’y may sinasabi.
Browse:
Home /
Tula
/ Kung ang Kulay Mo Ma’y Hindi Nakasisilaw
By
Alexander Martin Remollino
on
3/9/2010
Kung ang kulay mo ma’y hindi nakasisilaw,
huwag kang tumungo’t magtakip ng mukha.
Sapagkat kung makinang man ang lantay na ginto,
kumikislap din
ang kalawang na tinubog sa ginto.
By
Alexander Martin Remollino
on
2/16/2010
Sa ngalan ng “Morong 43” at ng mga nakikinabang sa kanilang libreng
serbisyong pangkalusugan sa isang bansa kung saan pati yata hangin ay
gustong pabayaran sa mga mamamayan, walang patlang na pasasalamat ang
nauukol na ating ipaabot sa Armed Forces of the Philippines, lalo na kina
Maj. Gen. Jorge Segovia at Lt. Col. Noel Detoyato.
Salamat sa kanila at
nabatid natin ang mga sumusunod: na ang mga sinaunang Intsik na nag-imbento
ng acupuncture ay mga kasapi ng New People’s Army, na ang mga
hiringgilya’t gamot ay mga kasangkapan sa paggawa ng bomba, na ang isang
matandang duktor na ang panaho’y okupado ng pagiging lider sa health
program at elder ng isang simbahan ay pupuwede palang maging
hitman ng New People’s Army, na ang granada pala ay pupuwedeng ilagay sa
ilalim ng ating mga ulo. Salamat sa kanila at nabatid nating ang isang
rehiyunal na lider ng Communist Party of the Philippines at ang isang hitman
ng New People’s Army ay makaiisip na magkita sa isang lugar na gaya ng
Luneta upang doon pagplanuhan ang isang operasyon.
Salamat sa kanila at natutuhan nating ang pagsusulong sa bansang ito ng
karapatan ng lahat sa kalusugan ay isang akto ng rebelyon.
Pasasalamat na walang wakas, sa ngalan ng “Morong 43” at ng mga
nakikinabang sa kanilang libreng serbisyong pangkalusugan sa isang bansa
kung saan pati yata hangin ay gustong pabayaran sa mga mamamayan.
Browse:
Home /
Tula
/ Rapacity Is Not a Tub
By
Alexander Martin Remollino
on
2/5/2010
You say he is as likely to steal
as a sheep is likely to kill,
because he has all the wealth in the world.
I take it no one ever informed you
that “greed and hunger are not the same”?
The greatest thieves, in case you haven’t heard,
have often been the richest men.
(Ever read of the robber barons?)
Rapacity is not a tub:
it is a pit without bottom.
Browse:
Home /
Tula
/ A Hundred Februaries and More After
By
Alexander Martin Remollino
on
2/4/2010
A hundred Februaries and more
after Grayson fired those fatal shots,
the blood shed by Anastacio Felix
on the pavement at Sosiego and Silencio
refuses to dry.
Liwanag is bound still to the balete,
with gold chains,
as the bald eagle hovers on over the land
with our tattered flag
hanging from its beak.
Browse:
Home /
Tula
/ You Will Never Be History
By
Alexander Martin Remollino
on
1/29/2010
History for you
was never a mere calendar of events.
Your pen was a million megaphones,
loudspeaker upon loudspeaker,
for the chorus of voices
silenced by official histories.
And now,
the last page of your life is writ.
But your annals
are etched in stone in the people’s history.
And so you will never be history.
In memoriam: Howard Zinn, people’s historian, 1922-2010
NO
WELLNESS
Alexander Martin Remollino
For Tweetie de Leon, Marian Rivera, and
other Nestle product endorsers
There can never be wellness
in eating and drinking
the flesh and blood of workers
who fought for the good life.
ISRAEL, THE OPPRESSORS OF YOUR PEOPLE ARE STILL ALIVE
Alexander Martin Remollino
Israel,
your soldiers today are the Romans and Nazis of old.
Listen to the wails of the women and men in Palestine
whose homes were reduced to rubble,
whose sons and daughters and brothers and sisters
were slaughtered like pigs --
these are the same cries
that burst forth from the mouths of your people
as Jerusalem's ruins were being buried
under Aelia Capitolina,
as their loved ones were being gassed to death
in the concentration camps.
Israel,
the oppressors of your people
are still alive --
daily uprooting and murdering the Palestinians.
PARALLELS
Alexander Martin Remollino
Sixty years have the Palestinians spent
away from Palestine,
herded into the Gaza Strip and the West Bank
as the Jews were
in the ghettos of Nazi-occupied Europe.
For sixty years they have been fleeing
from massacres against them,
which are not unlike the pogroms of the Holocaust.
With their homeland being chewed up almost daily,
the Palestinians are getting dispersed
throughout the world,
as the Jews were after Rome's pillage of Judea.
And recently they have been walled in
from what is now Israel --
suffering the same fate that the Jews did
when the Romans built Colonia Aelia Capitolina.
KAHIT NA IISA ANG
ATING TAHANANG LUPAIN
Alexander Martin Remollino
Isang bayan tayong hindi nasasakop
ng mga hanggan ng heograpiya.
Tayo'y nahahati sa kayraming pirasong nakakalat
sa lahat ng sulok nitong daigdig,
sapagkat itong ating lupain
ay pinaghahati-hatian ng mga tagaibang-bayan,
mga tagaibang-bayang inaari ang hindi kanila
at ninanakawan tayo ng tahanan sa sariling lupain.
Ang tirahan mo at ang tirahan ko
ay pinapaghihiwalay ng sampung libong milya,
kahit na iisa lamang ang ating tahanang lupain.
At ang nagbubuklod sa atin
ay ang iisang kasaysayan ng pagkakataboy
at ang iisang pakikitalad para sa pagsapit ng araw
na matitipon sa wakas ang mga pirasong nakakalat
sa buong daigdig,
at silang naghahati-hati sa lupang hindi kanila
ay tatakbong lahat na bahag ang mga buntot
mula sa ating lupain.
KUNG MAY MGA DALIRI SANA ANG LUPA
Alexander Martin Remollino
Binigkas ang tulang ito sa isang rali ng
mga magsasaka may mahigit sa isang buwan na ang nakararaan, ngunit hindi pa
nalalathala bago ang araw na ito. Ngayo'y iniaambag ito ng may-akda sa
Blog Action Day 2008.
Hindi nila pag-aari
ang lupang kanilang pag-aari.
Paano magiging kanila
ang di man lamang nadampian
ng malalambot nilang palad?
Ang tanging pinagmumulan ng kanilang kapangyarihang mag-ari
ay ang mga daliri nilang mahusay na magturo
kung hanggang saan ang lupang nasasakop
ng kanilang pag-aari,
ng kanilang pag-aaring hindi kanila.
Kung may mga daliri sana ang lupa,
maituturo niya ang mga nararapat
sa kanyang pagkandili.
Maituturo niya ang mga lipaking palad
na nag-aruga sa kanya,
ang mga lipaking palad
na naghawan ng sukal at naghasik ng binhi
upang makapagluwal siya ng mga butil
na nagbibigay-buhay sa buong sambayanan.
ANG PINAKATAHIMIK MAN NATING MGA GABI AY HINDI TAHIMIK
NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Inilathala ng Bulatlat
Maging ang pinakamahimbing nating pagtulog
ay hindi mahimbing.
Sa pinakatahimik man nating mga gabi,
waring walang katapusan ang ingay ng mga buldoser,
ng nagkakapira-pirasong mga tabla,
ng nagkakayupi-yuping mga yero.
Sapagkat may ilang nagnanasang umangkin
ng ating karapatang
makumutan ng katahimikan sa kalaliman ng gabi,
ng ating karapatang huminga nang maluwag.
Sa lupang itong inaagaw nila sa atin,
ibig nilang itanim ang mga binhi
ng lalong pagrangya nilang mararangya.
Ang ating mga bangkay ang kanilang nais na pataba.
KAY
PLARIDEL
Alexander Martin Remollino
Binigkas sa isang pagtitipun-tipon ng mga mamamahayag noong 3 Mayo 2008,
Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag, sa 70s Bistro. Inilalathala para
sa ika-158 kaarawan ni Marcelo H. del Pilar (30 Agosto 2008).
I
Piping Dilat,
Dolores Manapat,
Plaridel:
Nangarap ka ring tumalunton sa mga ulap
ng mga kaisipang "panghabang-panahon"
ukol sa kagandahan,
ngunit nanatili ang iyong mga paa sa lupa
at ipinagpauna mo ang pagtugon
sa mga panawagan ng iyong panahon.
Sa Diariong Tagalog,
sinimulan mong hubdan ng maskara ng karangalan
ang mga kolonyal na awtoridad ng Espanya sa Pilipinas.
Nakipagdasalan-at-tuksuhan ka pa
sa mga puting malignong suot ay sutanang itim.
Di naglaon,
pinakawalan ng mga prayle ang kanilang mga kampon
at sumikip sa iyo ang Pilipinas
at kinailangan mong mandayuhan sa Espanya
upang doon ipagpatuloy ang paghihimagsik ng panulat.
Doon, ang pinamatnugutan mong La Solidaridad
ay namandila ng mga kahilingan
para sa lalong pagkalinga ng Inang Espanya sa Pilipinas.
Subalit nagtaingang-kawali ang Espanya
at ipinagamit mo kay Pingkian ang iyong pangalan
upang itatak sa una't huling pangulong tudling
ng Kalayaan.
Sa dakong huli, ikaw ay nauwi
sa pamumulot ng beha sa mga bangketa ng Barcelona
upang tupukin ang gutom at ginaw.
Nadarang din ang iyong mga baga
at sapilitan kang inihiga ng tisis.
Ngunit, kahit sa pagkakaratay,
walang pahinga ang iyong diwa
at nanginginig ang mga daliring walang-patid ang pagnanais
na hawakan ang pluma.
Paulit-ulit na nalilimbag sa iyong isip
ang tanong na ito:
"Paano na ang Inang Bayan?"
Hanggang sa ikaw, na sakdal ng kayamanan ang diwa,
ay lisanin ng iyong hininga
sa sala de pobres ng isang ospital sa
Barcelona.
II
Piping Dilat,
Dolores Manapat,
Plaridel:
Tiniis mo ang buhay na puno ng pagpapakasakit,
at hanggang sa iniaalok na ang pagpapahingalay
ay walang-tigil ang iyong pagbabalikwas,
sapagkat ikaw ay mangingibig
na taos-pusong humarana
sa Mutya ng Katotohanan --
gaya ng sinumang tunay na peryodista.
Bagama't panulat ang iyong piniling sandata,
dumaloy sa iyong mga ugat ang dugo
ng isang mandirigmang nakahandang sumagupa,
sa ngalan ng matwid,
"kahit na ang labanan ay isa sa sandaan" --
gaya ng sinumang tunay na peryodista.
TO A WARRIOR DYING OLD
Alexander Martin Remollino
You were one of a kind as a warrior,
one who dared to venture
where even the fearless feared to tread.
You marched to the Devil's den
for the cause of the heavens.
Without hesitation you courted the wrath
of the false gods, the usurpers of power:
you fought for the right "without question or pause,"
ever resting your faith
on the God of justice fighting by your side.
In memoriam: Danilo Poblete Vizmanos
(24 November 1928-23 June 2008)
MGA MANHID
Alexander Martin Remollino
Habang binabagtas ng sinakyan kong dyip kanina
ang isang lansangan sa Quezon City,
tinawag ang aking pansin
ng isang higanteng karatulang may nakangiting mukha ni GMA
na nagsasabing,
"Ramdam ang kaunlaran."
Siguro,
ramdam na ramdam nga ang kaunlaran
kaya kailangang ipagsigawang nararamdaman ito –-
parang sinasabing mga manhid tayo
kaya hindi natin nararamdaman.
Pero sino ba ang talagang mga manhid?
Ano ang pagiging manhid?
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing "ramdam ang kaunlaran"
kahit na pinagtitiyagaang pilahan ng mga tao
ang kakapurit na murang bigas na mabuhangin at mabato
habang kayraming palayan sa Pilipinas
na nagiging mga golf course o taniman
ng export crops.
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing "ramdam ang kaunlaran"
kahit na nag-uunahan patungong kalawakan
ang mga presyo ng inangkat na produktong petrolyo
habang mga korporasyong dayuhan ang nagpapasasa sa Malampaya't Sulu.
Ang pagiging manhid
ay ang pagsasabing "ramdam ang kaunlaran"
kahit na nagtitiis na kumain ng darak ang karamihan
habang dalawa sa malalaking negosyante ng Pilipinas
ang nasa talaan ng 500 pinakamayayaman sa buong mundo.
Silang nagsasabing "ramdam ang kaunlaran" –-
sila ang mga manhid:
mga may kalyo sa tiyan
mga may kalyo sa mata
mga may kalyo sa utak.
Sila ang mga manhid at hindi tayo.
HUWAG MONG ISIPING ANG IYONG PAGYAO'Y DI PAGLISAN NG ISANG BAYANI
Alexander Martin Remollino
Sa alaala ni Crispin "Ka Bel" Beltran,
lider-manggagawa, 1933-2008
Maramot sa liwanag ang araw
at siya'y nagtatago sa likod ng mga abuhing ulap
nang ikaw ay iwan ng huli mong hininga.
Hindi ka nasawi sa larangan,
di-gaya ng siya mong nais.
Ngunit huwag mo sanang isiping ang iyong pagyao
ay hindi paglisan ng isang bayani,
sapagkat hanggang sa huli mong hininga,
may ligtas na pahingahan sa iyong puso't isip
silang nagpapagal
upang bigyan ang bansa't ang buong daigdig
ng bubong na masisilungan, kalasag
laban sa dahas ng unos at lupit ng araw.
Hanggang sa kahuli-hulihang sandali,
ang bawat tibok ng iyong puso ay laan
sa kanilang nagbabaon ng mga pako sa kahoy at kongkreto
upang itindig sa lupa ang mga tahanan.
Ikaw ay bayani,
kaya't nauukol na mabuhay nang walang hanggan
sa pambansang alaala
upang maging tanglaw sa umagang makulimlim
at sa gabing walang buwan at bituin.
DISGUISING THEMSELVES
Alexander Martin Remollino
Guilt and shame --
particularly the types that tower --
are virtuosos at coming up with ways
to conceal their identities.
So a conversation about how visits
to certain friends of yours languishing in jail
are becoming rare as cases speedily tried
could jump to what is labeled
"the primary task of those behind bars"
without you knowing why or how.
Such things do take place
without bothering to explain themselves,
because guilt and shame --
especially of the colossal kind --
are geniuses at coming up with ways
to disguise themselves.
KUNG BAKIT LAGING LUMANG BALITA ANG NAIBABAHAGI KO SA MGA MAKADADALAW NAMA'Y
KUNG BAKIT HINDI DUMADALAW
Alexander Martin Remollino
Kina Axel Pinpin, Riel Custodio,
Aristides Sarmiento, Enrico Ybañez, at Michael Masayes -- ang tinaguriang "Tagaytay
5"
Sa inyong katayuan ngayon,
usad-bato ang kalendaryo't mga orasan:
kahit na nagbabagu-bago ang araw at oras,
waring wala ring sandaling lumilipas.
Kaya't sa tuwing kukumustahin kayo sa akin
ng mga kasama't kaibigang
sa kung anumang kadahilanan
ay mapagpasya sa kanilang kawalan ng kapasyahang
dumalaw
ay laging lumang balita ang naitutugon ko:
"Buhay pa naman sila,
pero wala pa ring paggalaw
sa kanilang kaso."
Ganyan yata talaga ang karaniwang karanasan
ng mga nabibilanggo
sa bansa kung saan ang mga gulong ng hustisya
ay umiikot lamang nang mabilis
kapag may ginto sa timbangan.
MGA DALIT SA PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN
Alexander Martin Remollino
1.
Di bubukol kung di ukol.
Pero ang mga komisyon
Sa kontrata'y bumubukol
Sa bulsa ng mga baboy.
2.
Ang k'wagong nasa palasyo
Nang wala nating permiso --
Matakpan lang ang totoo,
Sarili ma'y niluluko.
3.
Itong si Gloria Arroyo
Ay walang gloryang totoo.
Isa s'yang bulaang tao:
Kapatid po ni Dorobo.
4.
O Banal na Espiritu,
Obispo namin ay hilo:
Sa pagtungong Paraiso,
Dinaana'y pa-Impyerno.
5.
Ang sa totoo'y magtakip,
Kapatid ng mang-uumit:
Di man siya ang nang-umit,
Kamay rin n'ya ay marungis.
Ang unang dalit ay kabilang sa mga nagwagi ng
consolation prize sa ikalawang linggo (Marso
7-14, 2008) ng "Katext Mo sa Katotohanan," isang pampanulaang patimpalak ng
Filipinas Institute for Translation, Inc. (FIT).
MABUBUHAY KA SA P41.25 SA ISANG ARAW, AYON
SA NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD
Alexander Martin Remollino
Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan.
Sa halagang P30, lubos nang matutugunan
ang pangangailangang kumain
nang tatlong beses sa isang araw.
Para naman sa "panulak,"
mabibili sa sampung piso
ang pinakamaliit na bote ng mineral water.
Matutong magtipid at kakasya sa maghapon
ang 350 ml na tubig.
'Yang matitirang P1.25 ay huwag balewalain:
kapag nagmarakulyo ang sikmura
at ayaw kang patulugin pagdating ng gabi --
lamang-tiyan din 'yan,
lamang-tiyan din 'yan.
ISANG PAALAALA SA ATING LAHAT HINGGIL SA MGA GANITONG PANAHON
Alexander Martin Remollino
Mabuti pa raw ang kubong ang nakatira ay tao
Kaysa roon sa palasyong nakatira ay kuwago.
Ngayon, tayong taong laging nangahuhukot sa kubo
Ay nagtataboy ng k'wago mula roon sa palasyo.
Ngunit, hangga't sa 'ting bayan ay isang kaugalian
Ang pag-ayaw na lumingon sa ating pinanggalingan,
Tuluy-tuloy lamang tayong wala ring paroroonan --
Humakbang ma'y di aalis sa ating pinagsimulan.
Hangga't tayong mga tao ay hindi nangatututo,
Itong ating mga buhay ay hindi rin magbabago:
Tayong tao'y lagi't laging mangahuhukot sa kubo
At parati nang kuwago'ng malalagay sa palasyo.
AT KAHIT NA
NINGNING AY WALA SA IYO
Alexander Martin Remollino
Ikaw na ngayo'y nasa pinakamataas na luklukan
ng aming bayan: luwalhati -- liwanag --
ang ibinabandila ng iyong pangalan.
Ngunit anong luwalhati ang mababanaag
sa isang magnanakaw na sa araw,
hindi man lamang sa gabi, nagnanakaw?
At anong luwalhati ang mababanaag
sa isang mamamatay-taong ang mga kamay
ay hindi matuyuan ng dugo ng bayan?
Luwalhati ang ibinabandila ng iyong pangalan,
ngunit isang silahis man lamang ng liwanag
ay wala ka --
at kahit na ningning ay wala sa iyo.
I READ THIS LINE IN
BOLD LETTERS ON YOUR FOREHEAD
Alexander Martin Remollino
What did they say about the young Maceda --
"so young and so corrupt"?
I read this line in bold letters on your forehead
whenever I hear your drumbeating
for that thief and tyrant in Malacañang
who holds a gold-plated scepter.
For Lorelei Fajardo, deputy presidential
spokesperson
WHY YOU'RE ON THE RUN
Alexander Martin Remollino
"Papa, if it is true that you did well for the country, why is it we are on
the run?"
-- Rodolfo "Jun" Lozada, National Broadband Network (NBN) scam whistleblower,
quoting one of his children in a Feb. 18 speech
You are all on the run
even as your father did good for the country --
because this is a land where, for the longest time,
those who do good for others
have been looked upon like rotten eggs.
Yes, for ages we've been throwing out the good stuff
and feasting on that which is rotten to the core.
At times we throw up the moldy food
that we have grown to love gobbling up.
But, as we have all too often seen,
it is a prevalent habit in this part of the world
to swallow your own vomit.
Until that habit is licked,
no one can tell how long you'll be on the run
in this country --
for which your father did good.
BLACK SWAN
Alexander Martin Remollino
And the black swan let itself be found.
In so doing, it shocked into their senses a people
long accustomed to thinking of thievery
as something to be met simply
with a shrug of the shoulders.
That could all be very well.
But until when will this nation be waiting
for black swans?
CHOICES
Alexander Martin Remollino
We have by and large been reduced to choosing
between hell and the deep blue sea.
The path to the heavens is now "the road less traveled."
Is it simply because it is infinitely easier
to make a downhill run to the Devil's den,
or to take a plunge into the mystery-filled depths
than it is to scale the heights?
Or is it because there are now so many among us
with cotton spines and jelly knees
that the uphill path has become the most-feared option?
But of what consequence are the pains
of even the most laborious climb
if at the end of the road lie the heavens?
Let us not let the weak of will and mind pull us down,
for ours
is a journey worth all the pains that come with it.
MAGKABILANG DULO HALOS
Alexander Martin Remollino
Alay sa mga magbubukid ng Sumilao,
Bukidnon
Hindi na "diyan lamang" ang kanilang nilakad
kahit para sa mga paang matagal nang nasanay na magturing
na "diyan lamang" ang tatlong bundok na lakarin.
Hindi "diyan lamang" kundi sanlibo't pitong daang kilometro --
magkabilang dulo halos nitong kapuluan --
ang itinakda nilang haba ng kanilang lakad
sa pagitan ng pag-asa't kawalan ng pag-asa.
At bakit naman hindi?
Layang magtanim at umani --
layang huminga nang maluwag sa kasariwaan ng
hangin --
ang katarungang mailap na kanilang tinutugis.
Subalit ang dulo ng kanilang paglalakbay
ay tila lakbayin pa ring higit pa
sa sanlibo't pitong daang kilometro:
lakbaying kung saan dudulo
ay walang nakababatid.
Samahan natin sila sa kanilang paglalakbay,
gaano man kalayo ang lakarin
at saanman umabot ang ating mga talampakan
sa pagtugis sa layang magtanim at umani --
layang huminga nang maluwag sa kasariwaan ng
hangin.
IF THOSE MUTE WITNESSES COULD SPEAK
Alexander Martin Remollino
A final tribute to Monico M. Atienza
Your passing opened up the road
to a convergence of contradictions.
It seems as though the entire human race
was there for your stopover
and the march to your final destination.
So many mouths claimed
to have been friends with you,
it seemed like a contest for pouring out
the best testimonial.
Such is the glory of your greatness
that all wish to bask in it,
and the sole consolation lies in this:
that merely doing so does not make them
a single inch greater.
If the land and the wind
that you not just once serenaded with your poems,
the walls and floors and ceilings
of the classrooms and offices and meeting places
that you graced with your presence --
the mute witnesses to your struggles and sufferings --
could speak,
they would cry out one by one to the high heavens
the names of your true friends.
They know that your true friends are they
who fully live the convictions
you embraced to the end.
HINDI KAILANMAN
Alexander Martin Remollino
Sa alaala ni Rene O. Villanueva,
1954-2007
Sa dakong huli, naubusan din ng tinta
ang panulat na tila hindi kailanman mauubusan.
Kayhirap isiping yumao na siya:
paano mamamatay
ang panulat na isang buong panitikan yata
ang naiakda?
Marahil,
hindi niya hahangaring ipagpatayo siya ng monumento.
Ang hindi niya alam ay may monumento na siya,
buhay pa man siya, at ito'y ang katotohanang
napalapit man siya sa mga "nakasuso sa bulok na sistema"
ay manunulat siyang hindi nagbili ng kaluluwa,
hindi kailanman.
HIS LIFE WAS NOT
GLITTER BUT LIGHT
Alexander Martin Remollino
In memory of Monico M. Atienza --
revolutionary, writer and teacher (1947-2007)
Death tried thrice to take him:
the first and second attempts were failures,
and the third was the last.
He vehemently refused to just let go of life like that:
twice he stubbornly resisted Death's attempts on him --
even as he had a wound that refused to heal,
even as his consciousness refused to return.
And rightly so, for his
was a life that was worth fighting for to the death.
In a nation grown enamored by the glitter of foil,
his life was not glitter but light:
a bright star, steadfast amidst the dark sky and long night
in this "country of our sorrows."
OF
CALLUSED SOULS
Alexander Martin Remollino
For Sen. Antonio Trillanes IV
There are those who would salute your failed attempts
at leading a changing of the guard,
and there are those who would thumb them down.
But that is beside the point --
the point being that you definitely had a point
in those instances you wondered aloud why people
have repeatedly failed to rise to the occasion
at crucial points
in our recent history of benightedness.
Have their souls become so thoroughly callused
by repeated dehumanization
that they now think like beasts of burden?
ANG MAHIGIT SA SANSIGLO AY WARING WALANG ANUMAN
Alexander Martin Remollino
I
Ang mahigit sa sansiglo ay waring walang anuman.
Naririto pa rin
ang mga maharlikang nagnanais na maging alipin
na humiklas sa iyong hininga.
(Magugunitang matapos ang kanilang kataksilan
sa Bundok Buntis, Maragondon
ay pinilas-pilas nila ang "Katapusang Hibik ng Pilipinas"
at pinalitan ito ng Kasunduan ng Biak na Bato.)
Sila'y naririto pa rin, Bonifacio:
naghahari pa rin sa ating lupaing
nakasanla pa rin pati kaluluwa.
II
Sa Biak na Bato,
apatnaraang libong piso ang naging kabayaran
upang ideklara ni Aguinaldo
na bandera ng mga bandolero, bandido't ladron
ang watawat ng mga Anak ng Bayan
at kanyang saluduhan
ang bandila ng Espanya.
Tumalilis siya patungong Hong Kong
bitbit ang magkapatid na Paterno
at iba pang "kapatid ni Cain."
Subalit sinuyo sila ng Estados Unidos
na noo'y kaaway na mortal ng Espanya
at inalok ng tulong sa pakikidigma,
at sila'y bumalik sa Pilipinas
upang muling magtimon sa Himagsikang
ipinagbili nila pati dangal sa Biak na Bato.
Sa Kawit, kanila pang
ipinagsigawan ang "kasarinlan" ng Pilipinas
na nasa mapagkandili diumanong kamay
ng "Dakila't Makataong Bansang
Hilagang Amerikano."
Ngunit ang kasarinlang natamo
ay "tanikalang ginto" lamang pala
at doon sa mga larangan,
muling umalingawngaw ang mga putok ng baril.
Sa muling nagbangong Himagsikan,
dumanak ang dugo ni Luna --
sa kamay ng sariling mga kababayan,
mga tauhan ni Aguinaldo --
matapos ang kanyang pagsigaw ng:
"Mabuhay ang kasarinlan!
Kamatayan sa awtonomiya!"
Samantala,
sa hanay ng Rebolusyonaryong Pamahalaan,
ikinalat ang kamandag ng kabulaanan
laban kay Mabini.
At siya'y nagbitiw sa tungkulin.
Bonifacio, batid nating si Mabini
ay mortal na kalaban ng pananakop --
kagaya ni Luna.
Habang tinutugis palang parang daga
ng mga puwersa ni Funston si Aguinaldo,
naglalaro na sa kanyang isip
ang muling pakikipagsapakat
sa mga kaaway ng kasarinlang
dinilig ng dugo ng ating mga tunay na kapatid.
Matapos na madakip ni Funston,
agad na sumaludo si Aguinaldo
sa bandila ng Estados Unidos
at muli niyang dinurhan sa mukha
ang mga manghihimagsik na Anak ng Bayan --
kabilang na si Sakay,
na sa malao't madali'y ipagkakanulo sa bitayan
ng mga pumatid sa iyong paghinga.
III
At hindi matatapos doon
ang kanilang pang-aagaw ng tagumpay
at pagkakanulo sa pakikibaka.
IV
Sa Pambansang Asambleyang natayo,
nagputakang parang mga manok
ang mga Quezon at Roxas
at sila'y nag-unahang parang mga daga pa-Washington
gayong ang hangad lamang nila kapwa
ay kasarinlang gumagapang
at inaalalayan ng Amerika.
Bonifacio, ang mga kapatid din ni Aguinaldo
ang kumilala sa "karapatan" ng Hapon
na gapusin ang Pilipinas
at paulit-ulit na bayuhin ng puluhan ng baril
ang humpak na tiyan ng ating mga kapatid.
Sila rin ang yumakap nang buong higpit
sa "kasarinlang" nagbigay ng pagkakataon sa Amerika
na lamuning tuloy-tuloy ang ginto't bulaklak
ng lupaing Pilipinas --
kasarinlang "lukob ng dayong bandila,"
kung saan ang Pilipinas
ay patuloy na nakasanla pati kaluluwa.
At ito'y pagyakap na kasama pati mga hita't binti.
V
Sila ang unang pumalakpak
nang iladlad ni Marcos ang tabing ng karimlang marahas
at sa EDSA,
nang masunog sa poot ng taumbayan ang tabing,
mabilis pa sa kidlat
na hinablot nila ang watawat ng pakikitalad
na taumbayan ang siya namang talagang tumatangan
at walang kahihiyang sila ang nagwagayway nito.
Gayundin ang ginawa nila
nang sa pangalawang pagkakataon --
labing-apat na taon matapos mapalayas si Marcos --
ay maging tagpuan ng poot at pag-asa ang EDSA.
Kalaunan,
nalaglag kapwa ang mga maskara nina Estrada't Arroyo
at napatunayang iisa lang pala ang kanilang mga mukha.
Ginawa nila ang lahat nito
habang nagpupugay sa dayong bandilang
nakalukob pa rin sa ating watawat.
VI
Ganito ang ginawa nila, Bonifacio --
sapagkat ang tunay na hangad nila
ay hindi ang kalayaan, hindi ang dangal
kundi ang mga susi, ang mga susi
sa mga bastiyon ng kanilang pinapanginoong mga dayo.
VII
Huwag munang humimlay, Bonifacio
sapagkat ang "Katapusang Hibik ng Pilipinas"
ay hindi siyang naging katapusang hibik.
Hindi natatapos ang hibik ng Pilipinas,
hindi matatapos ang hibik ng Pilipinas
hanggang sa hindi nalalagot ng punlo
ang matandang tanikala
at hanggang sa hindi napaluluhod at napahahalik sa lupa
ang mga nagkanulo't patuloy na nagkakanulo
sa ating Himagsikan.
Pasasalamat na walang hanggan, Dr. Renato
Constantino -- Ang May-akda
MARIANNET
Alexander Martin Remollino
DAVAO CITY, Philippines -- A 12-year-old
girl, who became despondent over her family’s poverty, hanged herself inside
their makeshift house a day after her father told her he could not give her
the P100 she needed for a school project.
Using a thin nylon rope, 12-year-old Mariannet Amper hanged herself in the
afternoon of November 2. She was a sixth grader at the Maa Central Elementary
School.
Her father, Isabelo, 49, who was out of job as a construction worker, said
Mariannet asked him for P100 which she needed for school projects, on the
night of November 1. He told his daughter that he did not have the money yet
but he would ask his wife if she could get some money for her. The morning
after, however, he was able to get a P1,000 cash advance for a construction
work on a downtown chapel.
By the time he got home, Mariannet already lay dead...
-- Nico Alconaba, "Girl
Who Killed Self Lamented Family's Poverty in Diary," Philippine Daily Inquirer,
7 November 2007
Ang mga pahina ng talaarawan niya
ang nagsasalita para sa kanya:
Mga pangarap lamang ang bumuhay sa kanya
sa loob ng ilang taong nagdaan.
Ngunit payak man ang mga pangarap na iyon
ay mistulang mga suntok sa buwan:
patay na bago pa man maisilang.
Isang araw, natagpuan siyang nakabigti.
======
Ilan na ang sa kanya'y nauna
at tiyak na hindi siya ang huli.
Para sa marami,
matagal nang nakabigti ang mga pangarap
sa "bansang ito ng ating mga kalungkutan."
Kaninong mga kamay ang pumaslang sa pag-asa
ng kayraming nawalan ng pag-asa?
Mga kamay na walang hinawakan buong buhay
kundi ang salapi nilang hindi kanila.
Mga kamay na sumenyas na ayos lang ang lahat
habang kayrami ng mga taong
sinasawi ng dalita.
Salaring lahat silang nasanay nang mabuhay
na parang mga patay --
silang mga patay na buhay, mga buhay na patay
na maiging magpatiwakal na lahat
upang mabuhay na muli ang pumanaw na pag-asa
ng napakaraming tao,
lalo na ng mga batang hindi pa man isinisilang
ay tiyak nang walang bukas na haharapin.
======
Humimlay na si Mariannet Amper:
sinamahan na niya sa paghimlay nang walang hanggan
ang mga pangarap niyang isinilang nang walang buhay.
Sa ating mga diwa, sa ating mga puso --
hayaang magsaya si Mariannet sa kanyang kamusmusan,
hayaang ang kanyang mga pangarap
ay mabuhay nang walang katapusan.
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/2007/11/09/mariannet/
http://www.tinig.com/mariannet/
Kasama rin sa
http://www.bulatlat.com/2007/11/apat-na-tula-kay-mariannet-amper-12-taong-gulang
SILANG IILA’Y IISA ANG MUKHA
Alexander Martin Remollino
Sa masang tagasuporta ng dating Pangulong
Joseph “Erap” Estrada
========
“I believe I can best continue to repay our people the blessings that God has
so graciously given me by supporting from hereon the programs of Mrs. Arroyo
that are intended to attack generational poverty and hunger.”
–- Joseph “Erap” Estrada, 26 Oktubre 2007, matapos mapalaya sa bisa ng
executive clemency
I
Kaytagal ninyong sinubaybayan ang pelikulang-seryeng iyon:
ang walang-katapusang duruan
ng isang gustong makalaya’t isang ayaw makulong.
Kaytagal na kayo’y nakingitngit, nakidalamhati
sa tauhang nakakulong
sapagkat sa tabing ng inyong mga panaginip,
siya na sana ang maghuhudyat ng inyong itinakdang araw –-
dangan nga lamang at inagaw ng iilan sa kanya,
wika ninyo,
ang luklukang inyong sa kanya’y pinaghatiran.
Sa wakas ng palabas,
umugong at dumagundong ang inyong mga hiyaw
nang ang bida’y humarap sa inyo
na wala nang posas ang mga galanggalangan –-
at aywan kung rumehistrong malinaw sa tabing
ang nabunyag na katotohanang
’sindilim ng bulwagan kung patay ang mga ilaw:
na yaong bidang kaylaong ipinagrosaryo’t ipinag-orasyon
at kontrabidang kaylaong gustong ipakulam
ay iisa lamang pala ang tunay na mukha.
II
At dito’y walang dapat ikapanlaki ng mga mata
sapagkat sa pelikula ng ating kasaysayan,
tayong mamamayan ay lagi nang mga hamak na ekstra
at may iilan lamang na bida’t kontrabida
na iisa ang hilatsa ng mga mukha.
At magpapatuloy ang nakapahaba nang palabas na
ito
hanggang tayong mamamaya’y hindi nakapagpapasya
na maging direktor ng sariling kapalaran.
IN THESE
TIMES THAT TEST US
Alexander Martin Remollino
It is tempting quite to be thankful for this day’s dawning,
even as we should not be so, by any means.
For these times, which test the mettle of men and women,
afford us this unusually rare opportunity
to see –- in all their uncovered ignominy –-
the sunshine patriots and the summer soldiers among us:
they who, like the weeds,
would kiss the soil at the slightest huff of the wind.
It is not difficult in times like these
to recognize the genuine warriors –-
who would stand proud amidst the fiercest storms,
like the narra and the molave,
and refuse to settle for anything less
than the most glorious of triumphs.
MAKALAMPAS
LANG NANG KAUNTI SA PAANAN
Alexander Martin Remollino
May higit sa isang taon na ang lumalakad
mula nang ang mga paa ng mga
Dale Abenojar, Erwin Emata, Leo Oracion, at Romi Garduce
ay makahalik sa tuktok ng Everest.
Noo’y nagpista ang buong bayan,
at karapat-dapat lang na ipagbunyi hanggang langit
ang kanilang tagumpay.
Sila ang kauna-unahang mga anak ng Pilipinas
na nakarating sa tuktok
ng pinakamataas na bundok sa mundo.
Ngunit huwag sanang angkinin ang kanilang tagumpay
bilang “tagumpay ng ating lahi,
tagumpay ng ating lipi.”
Hindi nila panahon ang ating panahon:
sila’y angat sa ating panahon.
Sapagkat ang ating panahon
ay panahong nagkakasya ang karamihan
sa makalampas lang nang kaunti sa paanan
ng bundok na ni hindi kasintaas ng Everest,
at sapagkat malapit lamang sa paanan
ang hinahangad na marating,
itinuturing nang malaking tagumpay
ang makaapak sa paanan lamang –-
sa halip na tuklasin at sikaping igpawan
ang dahilan ng kahinaan ng tuhod.
ANG LALONG
MAHALAGA SA ATING PANAHON
Alexander Martin Remollino
Kay Aquilino “Koko” Pimentel III, ang
tunay na ika-12 senador ng halalan ng 2007
Gusto ko sanang humiling ng aral sa iyo
hinggil sa kung paano ang digmaang
ang labanan ay isa sa sandaan,
ang kalaban mo ay buong daigdig.
Sapagkat nauna ka sa akin,
at ang landas ng buhay
ay maraming laang patibong
na mahirap takasan –-
kabilang ang mga digmaang
wala kang kakampi,
o kung may kakampi ka man
ay siya ring kaaway mo pala.
Ngunit huwag na muna.
Sapagkat sa wari ko,
higit na mahalaga sa ating panahon
ang alamin
kung bakit tayo ngayo’y napaliligiran
ng mga matang di man lamang nagtitis
sa pagdaan ng nakangisi’t nandudurong katampalasanan –-
na tila ba hindi nakasusulukasok
ang amoy ng bulok na bangkay,
na tila ba hindi nakababasag ng tainga
ang mga kantang wala ni titik, ni tugtog.
HINDI IYAN ANG AMING HINAHANAP
Alexander Martin Remollino
Bakit iyan ang ibinigay ninyo sa amin?
Hindi iyan ang aming hinahanap.
Ang aming hinahanap
ay hindi ang inyong paboritong mga kanta --
mga kantang may mga titik nga ay walang sinasabi,
mga kantang may himig nga'y walang ipinaririnig --
mga kantang walang paiindakin
kundi yaong ang mga utak
ay nasa mga kuko sa kanilang mga paa.
Ang aming hinahanap
ay mga
kasama
kapatid
kaibigan
na iwinalang parang mga bula
at ngayo'y hindi namin malaman-laman
kung ipagtitirik na ba ng mga kandila
o aantaying isang araw ay biglang magpakita.
Sila'y mga taong
naglagay ng sariling mga buhay sa panganib
alang-alang sa pangarap
na lahat ay mabuhay nang walang panganib --
at sila'y iwinalang parang mga bula
ng mga duwag, mga natatakot
na matupad ang kanilang mga pangarap.
Ang aming hinahanap
ay kalayaan
at katarungan.
Ito ang aming hinahanap.
at hindi ang inyong paboritong mga kantang
walang paiindaking sinuman
kundi yaong ang mga utak
ay nasa mga kuko sa kanilang mga paa.
Huwag iyan ang ibigay ninyo sa amin.
DO NOT PUKE AT THE SIGHT OF THE SOIL
Alexander Martin Remollino
Do not puke at the sight of the soil.
It is not as dirty as you think.
It is not as dirty as it looks.
Even if littered with manure and other wastes,
the soil is still a thousand times cleaner
than any, any of the hands
that desecrated the wishes of the people.
MAGUINDANAO, SULU, LANAO DEL SUR: 2007
Alexander Martin Remollino
Maguindanao, Sulu, Lanao del Sur:
doon pinagpasyahan ng iilan ang kapasyahan ng bayan.
Doo'y nakapaghalal ang mga taumbayan
nang di naghahalal:
sa maraming bayan sa mga lalawigang iyon,
ni hindi nila nahipo ang mga balota.
Isang milyon halos ang mga botong mula roon,
mga botong isinulat ng mga kamay
na karamiha'y hindi nakahawak ng balota --
isang milyon halos na botong kung ibilang na lahat
ay sapat upang itakda ang kapalaran
ng dalawang mahigpit na naglalabang koalisyon.
Maguindanao, Sulu, Lanao del Sur:
doon ibinaba ng iilan ang hatol ng mga mamamayan
sa karampot na kriminal na ayaw maparusahan.
PAGKAKAIT NG KATAHIMIKAN
Alexander Martin Remollino
Sa mga kaanak at kaibigan ni Jonas Burgos at ng iba pang biktima ng
sapilitang pagkawala
Kabilang sa inaangkin nilang mga pribilehiyo
ng kanilang katungkulan at uniporme
ang karapatang ipagkait ang katahimikan
sa pinakatahimik man nating mga gabi.
Ilan nang kaanak at kaibigan
na nakitalad upang ang lipunan ng mga tao
ay maging karapat-dapat sa mga tao
ang kanilang pinapaglahong parang mga bula,
at tayo'y kanilang isinadlak
sa walang-katapusang pakikipagtalo sa mga sarili
hinggil sa kung ang nawawalang mga kaanak at kaibigan
ay aalayan na kaya ng mga elehiya
o patuloy na aantaying kumatok isang araw
sa mga pinto ng ating mga tahanan at tanggapan
o biglang sumulpot sa ating mga pagtitipon.
Dahil dito,
atin naman ang karapatang ipagkait sa kanila
ang katahimikan ng tiyak na pagkakaupo
sa mga luklukan ng kapangyarihan.
Atin ang karapatang ibitin ng buhok
sa tapat ng kanilang mga ulo
ang espada ni Damocles.
IT WAS NOT A ONE-SHOT DEAL FOR YOU
Alexander Martin Remollino
For Carlos Bulosan
Your courage does not lie in a one-time sigh of disappointment
at a seductive dream that turned out to be a nightmare.
Your life was a lifetime and a hundred of rage
against man's inhumanity to man.
From that fateful encounter with moneyed boors
at that market in your native Pangasinan
to your last days in America
(when you were too weak to even punch the typewriter's keys),
you were fighting for a truly human society.
It is not those one-hit wonders who can fully honor you.
It was not a one-shot deal for you
but a struggle lasting beyond a lifetime.
SAPAGKAT NASA GAYONG PAGHIHINTAY ANG PAG-ASA
NILA'T KINABUKASAN
Alexander Martin Remollino
Mapalad ang mga nangangailangan
sapagkat ang kanilang pag-asa't kinabukasan
ay nasa paghihintay lamang ng suwerte sa tuwi-tuwina.
Kailangan lamang nilang mag-antay na irehistro ng mga bola
ang numero ng kanilang tiket,
o maambunan sila ng mga proyektong pangkawanggawa
ng gobyernong walang pakialam
kung mabutasan nang kasinlalaki ng kamao
ang mga bituka ng mga mamamayan.
Ito lamang ang kanilang dapat na gawin.
Di na kailangang putlin pa nila
ang mga ugat ng kanilang pangangailangan.
Kailangan lamang nilang maghintay ng suwerte
sa tuwi-tuwina
sapagkat nasa gayong paghihintay
ang kanilang pag-asa't kinabukasan.
Mapalad ang mga nangangailangan.
AND SO THE BELL SHOULD NOW TOLL FOR THEE
Alexander Martin Remollino
“(What is happening today by way of human rights abuses) is nothing compared
(to what we have experienced. What is happening under the Arroyo regime today)
is so tiny that it is a mere speck.”
-- Gaudencio Cardinal Rosales, Archbishop of Manila, 26 March 2007
You are not having the bell toll for them.
"A mere speck of blood," you say
of the bloodbath that they in the Palace
have brought upon this nation.
Close to a thousand innocent lives seized
in just a little more than six years --
that, to you, is "a mere speck of blood."
Do you hold human life so cheaply
as to scoff at the slays of hundreds of innocents?
Just one such murder is too much,
and here you have hundreds, hundreds --
and still you have not found it fit
to cry for a stop to the killings.
You are not having the bell toll for them.
Is there a heart that beats in your chest?
It would be no surprise to find none.
And so the bell should now toll for thee.
PANALANGIN NG NAKIKITALAD PARA SA KATARUNGAN
Alexander Martin Remollino
Ama naming nasa langit
Na nais din naming malikha sa lupa,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo
At ang niloloob Mong katarungan para sa lahat
Ay mangyari nawa sa lupa,
Para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ng tapang at tatag
Upang harapin at labanan ang mga kumakamkam
Ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami
Kung di-sadyang may pagkukulang sa aming pagbabantay
Sa kapakanan ng aming kapwa,
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga di-sadyang nagkulang nang gayon sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot
Sa tukso ng kasakiman,
At iadya Mo kami
Sa lahat ng masama.
Siya nawa.
MESSAGE TO THE GUILTLESS
Alexander Martin Remollino
There is this mindset, which I think is so passe, that says: "The country
is in shambles and the country is having a hard time and you are out there
partying." But this generation is guiltless when it comes to that.
-- Tim Yap
It is not just that ten nights a week you party
like you'd never go to another party
while multitudes rot like plants long deprived of water
in this basket case of a country.
When those who bring the sumptuous dishes to your tables
ask for a greater share of the food they produce
from back-breaking toil in the fields and factories,
their demands fall on deaf ears --
or they themselves are fed to the prisons
or peppered with bullets.
They who feed the nation
are left to starve to death
so that you can continue
with your nightly bacchanalian orgies.
And you are guiltless.
DETERMINING DEMENTIA
Alexander Martin Remollino
For Federico Licsi Espino
You insist,
complete with the needed mathematical logic,
that 1 + 1 = 0.
At this point it is found easy to brush you aside
as a head with loose screws.
It has long been proven and held as absolute
that 1 + 1 = 2.
There's solid proof behind that,
unearthed by the most scientific of methods.
But in a world where it's fashionable
to describe the night sky as brilliant blue,
in a world where fools are applauded
for making fools out of everyone --
who has the competence
to determine the state of your mind?
KAMPANYA MMVII
Alexander Martin Remollino
Pakinggan ang mga talumpati ng mga pipi.
Ang lalakas ng kanilang mga tinig;
Rumaragasang parang ilog ang mga salita
At ang agos ay tila walang katapusan.
Dapwat walang marinig isa mang kataga.
Ang tunog ng kanilang mga sigaw ay katahimikan.
Nakatatanggal ng tainga kung sila'y mangusap:
Gayong nagsasalita'y walang sinasabi.
May ingay na gayong walang tunog ay nakatutulig.
Ganitong ingay ang ngayo'y kumukubabaw sa ating pandinig:
Ang mga haranang walang tugtog at titik, na alay sa mga botante.
Umaapaw ang mga pagbibida, ang mga sumpa at pangako
Nilang nanliligaw sa ating mga boto.
Gayunman, sa gitna ng malakulog na palitang-salita
Ay walang masagap ang ating mga tainga
Sapagkat nangungusap sila nang walang ipinangungusap.
HIS LIFE IS WORTH FIGHTING FOR TO THE DEATH
Alexander Martin Remollino
For Monico M. Atienza –- activist, writer, and teacher
On the sickbed he wrestles with Death
mightily, and he is winning thus far.
His again is the breath,
the breath that Death tried to seize –-
and his hold this time is surer.
Even as his heart threatened to beat its last,
he insisted he was fine.
He is no stranger to uphill battles for his life.
He had done it before
and he has done it again.
From all indications,
he will be locked in a duel with Death
as long as there’s an ounce of strength in him.
And rightly so,
for his is the kind of life
that is worth fighting for to the death.
It is a life
that was never like a gun without bullets,
that was never like a pen without ink.
In the annals of our benighted land,
his name shines with the full glory of light
and not with the blinding glitter of falsehood.
With all his might he wrestles with Death,
and rightly so.
His life is worth fighting for to the death.
YOUR SURNAME DOES NOT
BECOME YOU
Alexander Martin Remollino
Patriotism is a two-way process. It's not
just you as a citizen. It's also about the government that should also give
you work, or something for yourself, to be able to live a dignified life...
(Back home, the expectation is) that you should become the model Filipino,
doing it for your country. I want something for myself. I want to move on.
-- Elmer Jacinto, 2004 medical board topnotcher, on choosing to work in the US
as a nurse "for money"
It does not become you to bear the surname
of that young man whose life
was consecrated to the loftiest of purposes.
To the moment that his eyes closed,
never to open again,
they were afire with a smouldering project
in the name of Freedom.
You are there, you say,
because patirotism is not a one-way street.
But unpatriotism is never meant to be met
with more and more of the same.
You do not confront the unpatriotism
of those who presume to run this country
by running away from patriotism.
Which brings us to the heart of the matter:
it is not about them,
it is all about you.
You could not content yourself with all the opportunities
beckoning to you in the homeland
and responded only to the greater glitter of the dollar.
And then you excuse yourself,
saying that patrotism
is not a one-way street.
In sum, you have been living a life
that is like a shadowless tree.
What a joke it was then that Destiny played,
giving you the surname of that fine young man.
Your surname does not become you.
IN THE END, IT IS
THE WORD MADE FLESH THAT COUNTS*
BY ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Posted by Bulatlat
There are those who think they are Christians
by their continually speaking out the words of Christ.
In the end, however,
it is not only the word that counts -–
but the word made flesh.
Here lies a man whose life was a continuous sojourn
in the company of Christ.
He took up the cross of serving the people
and struggled hard against Caesars playing God.
He was one who strove to usher in the day
when all men,
all men shall have become brothers
of one another.
In the end,
it is not only the word that counts -–
but the word made flesh.
This was a man who spokes the words of Christ
and made the word become flesh.
By this, he was a real Christian.
*This poem was recited at the tribute to Rev.
Alfredo Faurillo on Jan. 5, 2007 at the UCCP national chapel in Quezon City
LET THE HEAVENS FALL ON THEM
Alexander Martin Remollino
And after all that was said and done,
the uniformed night beast from a foreign land
walks, free as a mad dog unleashed.
The young woman wronged once more wakes
on the bed of garbage along the boardwalk --
stripped almost to the bone,
raped -- this time by her rapist's jailers.
They have seized the scales of the blindfolded woman
and tilted these in the criminal's favor.
Let justice be done to the young woman twice raped.
Let the heavens fall on her rapist's treasonous jailers
with our wrath's irresistible gravity.
THEY WON'T BE STOPPING ANYTHING
Alexander Martin Remollino
They threaten to stop helping the soldiers of this country
because we insist on keeping the rapist of "Nicole"
behind our own bars?
They had better make good on that threat:
they won't be stopping anything to begin with.
What help have they given the soldiers of this republic?
Nothing, except to equip them with enough ammunition and arms
to make them lose in conventional warfare.
To hell with their mutual defense.
Their mutuality is a one-sided affair:
we defend them --
and we defend ourselves.
And they've pulled out of the joint exercises. Good for us!
The joint exercises are just rehearsals,
just rehearsals for the soldiers of this republic
in shooting off the emaciated hands
that feed them
and clothe them.
They won't be stopping anything to begin with,
so they had better make good on their threat
to stop helping the soldiers of this country.
DO NOT DEMAND RESPECT FOR THEM
Alexander Martin Remollino
After insults were thrown and heaped upon them
for their being bereft of principles,
a shrill voice rang out,
demanding respect for the "representatives."
But it is the "representatives" who should be asked for respect --
they who are a bunch of serial rapists,
they who arrogantly commit crimes in full view of the nation
and declare that their words are the law.
It is they who should be asked for respect
and not a citizen who pointed his finger
at them who deserve much worse than finger-pointing.
Do not demand respect for them:
there can be no respect for those
whose faces deserve to be doused with the murkiest water.
REHIMEN NG MGA TULISAN
Alexander Martin Remollino
At nang gabing iyon ay naihayag sa buong daigdig
ang pag-iral ng isang Republika ng Saging sa Pilipinas.
Ganap na naibasura ang pamamayani ng mga batas
at opisyal na pinasinayaan sa isang magarbong seremonya
ang isang rehimen ng mga tulisan.
Batas? At hindi ba't sila ang batas?
Ang sinasabi ng mga batas
ay ang kanilang sinasabi,
sapagkat gayon ang kanilang sinasabi.
A! para ano pang sila'y nasa kapangyarihan?
At ngayo'y ginagawa sa ating harapan
at 'pinangangalandakang naaayon sa batas
ang isang kagula-gulantang na krimen.
HE DIDN'T SAY WHY HIS BLOOD WAS WANTED
Alexander Martin Remollino
"The people wanted the blood of a young man, and that's what swayed the
decision."
--- L/Cpl. Daniel Smith, on Makati RTC Judge Benjamin Pozon's decision
convicting him of the rape of "Nicole" in Subic, Zambales last year
Of course he didn't say why his blood was wanted,
and that has made us look
like a big bunch of bloodsuckers.
Lest it be erased from the pages of the mind,
it has to be said again:
his blood was wanted because the dirt
with which he and three others smeared the honor
of a young woman and an entire nation
cried out to the ends of the earth
for his blood to cleanse it.
Of course it was a derogatory remark.
But in deprecating us,
he complimented us.
He acknowledged with his insult to the nation
that there's still a sense of justice in this land.
His calumny was a tribute.
COLLATERAL DAMAGE
Alexander Martin Remollino
They say that all wars are bound to inflict
collateral damage.
This is what they say when queried
about the rising piles of non-combatant corpses
across the land.
No less than seven hundred all in all --
and all of these, they say,
are collateral damage.
So expect every war to take the heaviest toll
on the likes of Mylene and Raymond Golloso --
thirteen and nine years old, respectively,
who were shot to death in the sanctity,
in the sanctity of their parents' bedroom
by soldiers fighting a legitimate encounter
with ''rebel'' forces.
For as they say,
all wars are bound to inflict
collateral damage.
HINDI LAGING PINAGPAPALIGUAN ANG UNANG ULAN NG MAYO
Alexander Martin Remollino
Ang sabi nila'y mainam pagpaliguan ang unang ulan ng Mayo.
Ang sabi ko nama'y maaaring oo't maaari ring hindi:
ang salalayan nito ay kung ano ang bumubuhos.
Hindi dapat na maligo sa unang ulan ng Mayo
kung ang bumubuhos ay mga bala,
tulad ng umulan kina Mylene at Raymond Golloso,
mga paslit na pinasok sa silid ng mga magulang
at binaril sa mukha, binaril sa mukha
ng mga sundalong napalaban sa mga rebeldeng komunista
noong hapon ng Mayo 7, 2004.
Hindi laging pinagpapaliguan ang unang ulan ng Mayo.
Hindi dapat na maligo sa ulan
kung ang bumubuhos ay kamatayan.
THE HUMAN KINETICS BEHIND A KILLING
Alexander Martin Remollino
There is human kinetics involved in the killing
of Andy Pawecan, a UCCP pastor in Nueva Ecija.
The soldiers of the Philippine Army's 48th Infantry Batallion, "D" Coy,
deserve our salutes --
not only because they are protectors of the people
but because they have made a monumental discovery
in the realm of human kinetics.
Through their painstaking research, we learn
that a man carrying a child eight months old
can fight back at three soldiers who blocked his way,
because they were just going to ask him some questions
and then let him go home anyway,
and eight more surrounding him;
that the right protection against such a menace
to the lives of eleven soldiers
is to shoot him to death.
This, my friends, is the human kinetics
behind the killing of Andy Pawecan.
ANG BALON NG IYONG LAKAS
Alexander Martin Remollino
Dati nang dumapo sa aking mga tainga
ang paglalarawan sa iyo
bilang isang ang kagaya raw ay tingting,
nakatatakot daw na salingin man lamang
sapagkat baka kagyat na mabali.
Ang mga nagsabi niyon
ay pinanawan na marahil ng kanilang mga utak
bago pa man lumisan ang huli nilang hininga.
Sapagkat sino ba ang talagang marupok?
Nasa pagitan ng iyong butuhang mga daliri
ang panulat na di matangay-tangay,
di matangay-tangay
ng gaano man kabagsik na unos.
Ang balon ng iyong lakas
ay isang pinanghahawakang paninindigang
kasinlantay ng araw na naglalagablab sa katanghalian,
di tulad ng marami sa mga bituin
sa langit kung gabi
na mga larawan na lamang,
mga larawan na lamang
ng mga talang matagal nang naubusan ng liwanag.
HINDI HUKUMAN ANG HULING HUGUTAN NG KATARUNGAN
Alexander Martin Remollino
Sa ikaisang taon ng panggagahasa ng ilang sundalong Amerikano kay "Nicole"
Ang isang taon ay waring isang habang panahon --
isang taon iyong ikaw na nagsasakdal,
ikaw na nagsasakdal ang siyang isinasakdal.
Nagsabwatan sila sa loob ng panahong iyon
upang pakilingin ang timbangang tangan
ng babaeng nakapiring
sa panig ng mga dayo, mga dayong
lumugso sa iyong puri't sa dangal ng bansa.
Ang mga itinalagang magtanggol sa iyo
ay sila pang umusig sa iyo.
Sa panig kaya ng katarungan dudulo ang lahat?
Hindi natin matiyak, "Nicole" --
hindi natin matiyak
sapagkat mahirap tiyaking ang tama'y mangyayari
sa bansa kung saan ang tagapangalaga ng watawat
ang siya ring nagpupunas nito sa mga puwit at paa.
Ngunit kung ang hatol ma'y maging sumpa sa iyo,
pakatandaang lagi
na hindi,
hindi hukuman ang huling hugutan ng katarungan.
SA ARAW NA GANAP NATING
BAWIIN ANG ATING PAGPAPAHINTULOT
Alexander Martin Remollino
Kailangan daw natin ang kanilang pahintulot
upang makapagpahayag,
maging upang makapaningil ng katarungan
alang-alang sa isang obispo,
sa isang obispong katulad ni Kristo
ay ipinako sa krus
dahil pinanigan niya ang mga inapakan.
Kailangan daw natin ang kanilang pahintulot.
Umakyat na ang kapangyarihan
sa kanilang mga ulo.
Kaya nakalimot na sila,
nalimutan na nilang kaya sila naririyan
ay dahil na rin sa ating pagpapahintulot.
Tayo ang unang naglagay ng setro
sa kamay ng reyna.
At umaapaw ang masasarap na pagkain
sa dambuhalang mga hapag nila sa Palasyo
dahil sa mga buwis na ang ipinambabayad
ay ang mga butil ng ating pawis,
ang mga patak ng ating luha at dugo.
Kaya sila naluklok sa kataas-taasan
ay dahil sa atin, dahil sa ating pagpapahintulot.
At pagpapahintulot pa rin ang pananahimik
habang dumaragundong ang tunog ng mga ulong
binabayo ng mga batuta, binabayo ng mga batuta
dahil nagtangkang tumungo sa Mendiola
at ihingi ng katarungan
ang isang alagad ni Kristong ipinako sa krus.
At sapagkat tayo ang sa kanila'y nagluklok
at nagpapapanatiling nakaluklok,
tayo rin ang makapagtatanggal ng setro
mula sa kamay ng reyna,
ng reynang wala nang matwid na mamuno.
Sa araw na ganap nating bawiin
ang ating pagpapahintulot,
ang ulo ng reynang utusan,
utusan ng banyagang emperyo --
ulong ngayo'y labis nang lango sa kapangyarihan
ay gugulong, gugulong tungo sa putikan.
BEYOND REASONABLE DOUBT
Alexander Martin Remollino
"I consider her out of the panel," (Justice Secretary Raul) Gonzalez said
of Prosecutor Hazel Valdez. "How can she still be in the panel if her position
is incompatible with the majority?"
Valdez said Friday her fellow prosecution members concealed their last-minute
decision to call off a scheduled hearing intended to recall to the witness
stand agents Tony Ramos and Guy Papageorge of the US Naval Criminal
Investigative Service (NCIS).
-- Tetch Torres, "State Lawyer in Subic Rape Now 'Out of the Panel' --
Gonzalez" (INQ7.net, Oct. 9, 2006)
Punishment was your reward for fulfilling your duty.
You were removed from the case for your damning disclosure
of their connivance, behind your back,
to tilt the blindfolded woman's scales
in injustice's favor.
You had to be pulled out of the panel, they say,
since you're now humming a tune different
from that being sung by the others.
And a different song indeed it is --
for unlike the rest of them,
you refused to give in to the temptations
of treasonous prostitution.
For that, punishment was your reward.
This is another piece of evidence
that this government is a government
of criminals, by criminals, and for criminals.
Your plight should prove that
beyond reasonable doubt.
This, beyond reasonable doubt, is a government
that should perish from the face of the earth.
AND THEY SAY IT WAS A
ROBBERY WITH HOMICIDE
Alexander Martin Remollino
In memory of Bp. Alberto Ramento (Iglesia
Filipina Independiente), found dead with multiple stab wounds in his convent
on Oct. 3, 2006
And they say it was a robbery with homicide.
And so it is, for they say it is so.
For there's a lot to be stolen from a convent,
a convent the construction of which
has been perpetually in progress,
a convent with a damaged door.
There is much to be stolen from such a convent --
much aside from the breath of a bishop
whose heart throbbed with the pulse of the people.
And they say it was a robbery with homicide.
And so it is, for they say it is so.
THE STARS OF VAN GOGH'S NIGHT SKY
Alexander Martin Remollino
When Vincent van Gogh painted the Starry Night,
his brush dotted the evening with stars
that were not like diamonds in the sky.
They were not the ones that ever twinkled,
making children wonder what they were.
No, the stars of Van Gogh's night sky
threatened to fall from the weight of their fury
on a world that wallowed in the darkness.
Did Van Gogh base the Starry Night
on an image that appeared in a crystal ball?
HINDI TAKOT ANG KANILANG IBABATI SA INYO
Alexander Martin Remollino
Hindi nangangatal na mga labi,
hindi nanlalaking mga mata
ang sasalubong sa inyo,
kundi mga ngiting sakdal ng tamis.
Hindi pinangingilagan ng mga tapik
ang inyong mga balikat,
kahit ang mga ito'y may sukbit na baril.
Sapagkat kanilang nababatid:
kayo'y sandatahang ang puluhan ng mga riple
ay di ipinambabayo sa humpak na mga tiyan;
batid nilang ang mga bibig ng inyong mga baril
ay nakalaang magbaba ng hatol
sa mga gumugutom sa kanila.
IF WE FORGET THEM
Alexander Martin Remollino
If we forget the ones who were felled in the night,
we consent to our own demise.
They courted death that others may really live,
that others may really live.
Let us not consent to the slow and painful deaths
that are being offered to us.
Let not time erase their names printed,
printed on the pages of the mind.
For each one felled let us rise in our multitudes
and fight, fight till we cease to be
a nation breathing, but not living.
KUNG ANO ANG KATUTURAN NG KAGITINGAN
Alexander Martin Remollino
Dati nang nasabitan ng Medalya ng Kagitingan
si Jovito Palparan, Jr.
Hindi raw magiging heneral si Palparan
kung hindi isang "tunay na lalaki,"
ayon sa dating heneral na si Eduardo Ermita --
na ang pagpapakahulugan sa pagiging isang "tunay na lalaki"
ay pagiging isang huwaran ng katapangan.
Ano ang katuturan ng kagitingan?
Itanong natin sa mga paslit na Tausug
na pinagpapatay ng mga sundalo sa Sulu
upang, diumano,
huwag nang makasapi pa sa "rebeldeng" mga Moro.
Itanong natin kay Marcelo Fakila,
ulama sa isang baryo sa Sagada --
dinukot at pinahirapan ng mga sundalo.
Itanong natin sa lilimahing taong gulang na batang
pinaslang sa Laguna;
at kay Niña Angela Apolinar,
walong taong gulang,
na ginapos sa mga kamay
bago kinitlan ng buhay sa Oriental Mindoro.
Itanong natin kay Marvin Montabon,
binaril at sinilaban isang madaling-araw
sa sariling tahanan.
Itanong natin kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan:
sinugod sa dampang tinuluyan habang natutulog,
binati sa paggising ng nakatutok na mga baril,
piniringan -- at sariling kamisetang hinubad kay Karen
ang ipinampiring sa kanya --
binitbit at hindi ilitaw ng mga sundalo.
Itanong natin sa mga Expedito at Manuela Albarillo,
sa mga Choy Napoles, Eden Marcellana, Eddie Gumanoy,
Felidito Dacut, Edison Lapuz, at Orlando Rivera --
mga walang sandata, pawang pinagbabaril hanggang mamatay.
Sila ang makapagsasabi
kung kagitingan nga bang maituturing
ang manakit ng mga di-makalaban,
ang pumatay ng mga di-makapagtanggol ng sariling buhay
laban sa mga baril.
MAGPAKATAPANG,
MAGPAKALALAKI
Alexander Martin Remollino
Ito pala ang katuturan
Ng katapangan at pagiging isang tunay na lalaki:
Ang kitlin ang "rebelyon"
Sa pamamagitan ng pagpapakitil sa mga buhay
Ng mga walang sandata --
Mga may-kagulangan nang lalaki
Mga babae
Mga baguntao
Mga paslit
(Kaya pala sinabitan ng Medalya ng Kagitingan
At naproklamang isang "tunay na lalaki"
Si Maj. Gen. Jovito Palparan, Jr.)
Mga kalalakihan:
Magpakatapang! Magpakalalaki!
Tularan si Maj. Gen. Jovito Palparan, Jr.
DARKNESS BEFORE NIGHT
Alexander Martin Remollino
They did not rage against the dying of the light:
The darkness seized them before the birth of the night.
LAKAD NA WALANG USAD
Alexander Martin Remollino
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Di makararating sa paroroonan.
-- Salawikaing Tagalog
Ako'y hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan
Kaya walang mararating, walang paroroonan...
--Dong Abay, "Aba Aba"
Doon po sa aming bayang sinilangan,
Di uso'ng paglingon sa pinanggalingan.
Lagi naming haka'y ang paroroonan
Ay mararating na sa ilang hakbang lang.
Sa haba ng lakad, katapus-tapusan --
Kami'y di umalis sa pinagsimulan.
ISANG BUKAS NA LIHAM KAY CRISPIN BELTRAN
Sa bayang ito ay hindi maaari
ang maging marangal nang di nabibilanggo.
Ganito ang winika
ng isa sa mga tauhan ng Noli Me Tangere.
Ka Bel,
patunay nito ang pagkakakulong mo ngayon.
Mambabatas kang ang mga inihahaing panukalang-batas
ay may layong papurulin ang mga ngipin
ng mga batas na ang nagsigawa't nagpapatupad
ay mga tulisan at kawatan.
Sa bansang ito kung saan ang mga taliba ng dangal
ay ang mga walang dangal,
isang kawalang-dangal ang kumalinga
sa mga dinarahas ng mga hari-hariang tulisan,
sa mga pinagnanakawan ng mga hari-hariang kawatan.
Kaya ka nakapiit ngayon.
Kaya ka rin napiit noon.
At bago pa man iyon ay marami na ang nauna:
Amado Hernandez,
Crisanto Evangelista,
Aurelio Tolentino,
Isabelo de los Reyes,
Apolinario Mabini,
Jose Rizal.
Talastas kong talagang sa bansang ito, Ka Bel,
ay hindi maaari
ang maging marangal nang di nabibilanggo.
At alam kong lalagi't lalaging ganito
hanggang sa hindi nababaligtad
ang mga pamantayan ng dangal sa bansang ito.
IN FLEEING DEATH THEY PERISHED
Like rats they scampered,
scampered for a few months' lease on life --
and scores were stopped by death on the tracks.
In the rush for a few months' worth of human life,
scores were trampled like mice.
They met the death they sought to defy.
And this is how things have become
in this country of our afflictions:
to simply last the day through has become
a death-bringing ordeal,
and in the quest to flee this death
and taste the life of men
there are not a few who would face even
the danger of dying like mice.
In memory of those who, in the hopes of
getting tickets to qualify as contestants in the "Pera o Bayong" contest of the
ABS-CBN game show Wowowee, perished in
a Feb. 3, 2006 stampede at the ULTRA
HINDI KA IBINABASURA NG AMING ALAALA
Itinapon ka ng kanilang gunita,
ngunit hindi ng aming gunita.
Paano ka ibabasura ng aming alaala?
Sa isang kamay mo'y naghuhumiyaw
ang katibayan ng iyong kabayanihan
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
habang sa kabilang kamay ay nakaluklok
ang isang latang tagasambot ng mga baryang inihuhulog
ng mga mahabaging kamay.
Pagpapalimos ng habag ang huli mong hantungan.
Ikaw, na nakipagbuno kay Kamatayan
upang huwag maging kahabag-habag ang bansa,
ay nauwi sa pagpapalimos ng habag.
Sapagkat itinapon ka ng kanilang gunita.
Itinapon ka ng mga gunita
nilang iilang hari-harian ng ating lupain,
sapagkat ang ginugunita nila
ay ang Kalbong Agilang lumipad palayo
nang maghasik ng nakatutunaw na init
ang Sumisikat na Araw ng Silangang Asya
at bumalik na lamang upang tayo'y sagipin
matapos na mabitay ang mga Tojo't Yamashita.
Itong Kalbong Agilang makalawang dumagit sa ating bayan
matapos nating makalag ang gapos ng ibang dayo --
ito ang pinili nilang gunitain.
Kaya't itinapon ka ng kanilang gunita.
Ngunit hindi ka ibinabasura ng aming alaala --
hinding-hindi, at ang aming pag-alaala sa iyo
ay isang hakbang din tungo sa aming pagsasadlak sa kanila
sa nararapat nilang kauwian --
ang basurahan ng kasaysayan.
KUNG TAYO'Y IISA
Silang iilang mang-aagaw ng ating hininga:
alam nila ang hiwagang mangyayari
kapag ang marami'y naging iisa.
Kaya't ibig nilang tayo'y maging iisang paris
ng nakatiklop na mga tuhod,
maging iisang paris ng nakalaylay na mga bisig
habang nilalatigo ang ating mga likod
at ibinabangga sa dingding ang ating mga ulo.
Sa ganito'y mabuti pang hindi lahat tayo
ay mga nakatiklop na tuhod
at mga nakalaylay na bisig,
at may ilang nakaunat na binti't hita
at bisig na bumibigwas sa kanila.
Higit na mabuti
kung tayo'y maging iisang gubat
ng nakaunat na mga binti't hita,
maging iisang alon ng mga bisig
na hahampas sa kanila
at magbubuwal sa kanila --
at maglilibing sa kanila.
31 AGOSTO 2005, KAMARA DE REPRESENTANTE
Sapagkat batid na nilang sa lansangan
ay di malayong sila'y masagasaan ng madla,
dinala nila ang paligsahan
sa kanilang bulwagan,
kung saan kanila ang mga patakaran,
kanila ang mga patakarang
sila rin ang may kakayahang bumaliko.
At sila'y nagtanghal
ng isang moro-moro.
Mga tanga,
akala'y maaaring takasan
ang sarili nilang mga anino.
ANG MGA SAGOT AY NASA MGA BULSANG UMAAPAW SA ITIM NA GINTO
Noong Agosto 6, 2005, si Cindy Sheehan ay nagpasimuno ng isang vigil
sa labas lamang ng rantso ng George W. Bush, Pangulo ng Estados Unidos, sa
Crawford, Texas upang hinging ito'y makipagkita sa kanya at ipaliwanag kung
bakit ang digmaang pumatay sa kanyang anak sa Iraq ay sinimulan at
nagpapatuloy pa rin.
Walang tunay na tugong ihahatid
ang may-ari ng rantso.
Kung magsasalita man siya,
ang kanyang mga sagot ay walang ipag-iiba
sa pag-unga ng kanyang mga baka.
Malamang ay muli niyang sasabihin
na ginagawa ng mga itlog na bakal
ng kanyang mga ibong mandaragit
sa lupa ni Abraham
ang ginawa ng mga kampon ni Herodes sa Israel
tatlong araw pagkasilang ni Kristo
sapagkat kailangang itaboy mula roon
ang mga demonyo.
Ngunit makikita mo ang kasagutan
sa nagtatabaang bulsa ng mga tagapagtambol
ng digmaang ito.
Dumanak ang dugo ng iyong anak sa Iraq,
Cindy Sheehan,
sa ngalan ng isang digmaang nagbubuhos
ng itim na ginto
sa kanilang mga lukbutan.
SAPAGKAT TAYO'Y MAY MGA PUSO
Parang mga punyal ang ating mga panulat.
Tayo'y humahawak ng mga punyal
sapagkat minamahal natin
ang kinakalawang na mga bisig na nagpapaikot
sa mga gulong ng mga makina sa mga pabrika
at nagpapaandar sa makinarya ng ating kabuhayan;
ang mga nagtatanim ng buhay
sa mga parang at sa buong sambayanan
na ang sariling mga buhay
ay lagi't laging saklot ng tagtuyot.
Minamahal natin sila
sapagkat tayo'y may mga puso.
Kaya't parang mga punyal ang ating mga panulat.
SILANG IILANG MANG-AAGAW NG TAGUMPAY
Isinisilang at yumayao ang mga panahon,
ngunit di lumilipas
ang ating kahapon.
Sa mga panahon ng palitang-putok,
tayo sa larangan ang nagdadala ng bandila
at ang ating mga dibdib at ulo
ang nakalaang lurayin ng mga punlo ng kaaway.
Ngunit sa panahon ng lubos na paglalaho ng usok,
ang nagwawagayway ng bandila
ay silang iilang hindi halos umapak sa larangan.
Minsan nila itong ginawa sa Kawit,
makalawang ito ay ginawa nila sa EDSA.
At ngayon,
narito na naman sila --
parang mga manananggal
na naghihintay sa pagsilang ng bilog na buwan
upang makalipad ang kalahating katawan
at makapanagpang.
Magtatagumpay ba silang muli sa pang-aagaw ng tagumpay?
Kahit na ilang bukas ang dumating,
tuluy-tuloy lamang ang ating kahapon
hangga’t tayo’y may ugaling matulog kaagad
pagkatapos ng kahuli-hulihang putok ng baril.
TUPARIN NATIN ANG BANTA NG ATING PANAHON
Matapos na babuyin ang mga balota
at baliin ang susing magbubukas sana
sa mga kahong nagkakanlong sa tunay na pasya ng bayan,
ang panipis na nang panipis na bituka ng mga mamamayan
ay binutas,
binutas ng rehimen.
At ang kalikasang noon pa'y nilalamas-lamas
ng mga dayuhan
ay tuluyang sa kanila'y ipinagahasa.
Dumalas ang pagbaha ng mga paa sa lansangan,
ang pagpinta ng mga bandila
at pagtuldok ng mga kamao
sa himpapawid.
At bakit hindi?
Ang mga mamamaya'y mga tao,
di tulad ng mga namumuno sa bansa.
Ngunit sapagkat iginigiit nila ang pagiging mga tao,
ang sagot sa kanila
ay ang dahasin,
pataying parang mga hayop.
Ito raw ay upang maipagsanggalang ang demokrasya.
Ang demokrasya'y ipinagtatanggol
ng rehimeng nahalal nang di nahahalal,
rehimeng gumahasa sa demokrasya.
Kaya't halina,
isigaw natin nang buong lakas
ang hatol ng ating panahon:
Nararapat na gumulong
ang ulong may suot na koronang ninakaw.
Isigaw natin ito hanggang sa mabuwag
ng ating mga tinig
ang mga alambreng pader ng Mendiola.
Tiyakin nating matutupad
ang banta ng ating panahon:
Mene thecel phares,
huwad na Pangulo.
SA PUTANG KINANTAHAN NG ISANG MAKATANG HIGIT
PALANG PUTA
Naawit niya ang lahat ng tunog
sa pagitan ng iyong mga hita
sa bawat gabing ipinauupa mo ang iyong katawan.
Ngunit wala isa mang titik mula sa kanya
hinggil sa kung bakit
nalubog ka sa pusali:
wala isa mang titik niyang nagsasabi
na ika'y nariyan
pagkat ibig mong alpasan
ang larawan sa kuwadrong bintana
ng inyong barung-barong --
larawan ng kulay-uling na tubig sa estero,
at di mo ito maalpasan
nang di naglalangoy sa isa pang putikan,
pagkat siyang katalagahan
ng iilang diyus-diyosan sa bayang ito.
Inawitan ka
ng isang makatang ayaw gawing putik
na ikukulapol sa mukha ng mga huwad na bathala
ang tinta ng kanyang panulat.
Bakit?
Sa dakong huli,
siya pala'y magiging upahang tagahimod ng bulbol
ng mga naglublob sa iyo sa pusali ng pagpuputa.
DI PUMUPUSYAW ANG HIMIG NG MGA KISSA
Ang kahapon ay ang ngayon din, Sulu.
Hindi nagmumulto ang pamamaslang sa Bud Dajo
sapagkat di yumao ang mga namaslang.
Ang kahapon at ang ngayon
ay walang ipinagkaiba kundi ang mga taon:
ang mga may karapatan sa yaman ng lupain
ay dinarahas ng mga kawatan,
mag dayo't mga tagaritong dugong-bughaw.
Ang ngayon ay ang kahapon din, Sulu:
ang mga salarin ay sila at sila rin.
Kaya't di pumupusyaw ang himig ng mga kissa.
KALATAS SA LUISITA MALL
sa likod ng maaliwalas mong mukha
ganap kang kalbaryo O Luisita
sapagkat dinilig ng dugo at luha
ang sagana at mayaman mong dibdib
-- Santiago Villafania, "Sonito 207:
Hacienda Luisita"
I
Minsa'y may nagsabi sa akin
na tila sadya kang itinulos sa aspalto
upang takpan ang nagnanaknak na kahirapan
sa sinapupunan ng Hacienda Luisita.
Hindi ko ito sasalungatin.
Paano ko pabubulaanan
ang katotohanang kasinliwanag ng sanlibong araw?
Sa likod ng iyong ipinagyayabang na karangyaan,
nakalulula ang mga larawan
ng manggagawang-bukid na ang lingguhang sahod ay di maipambibili
ng kahit galunggong;
ng sakadang walang maiulam kundi hangin,
ng naghihikahos na manggagawang ayaw bigyan ng dagdag sa sahod.
II
Ikaw ang ngiti ni Kris Aquino,
panapal sa luhang bumabaha sa Hacienda Luisita.
Ikaw ang rosaryo ni Cory Aquino,
pangkubli sa kaimpaktuhang kamakaila'y dumakma
sa kayraming busabos na nangarap mabuhay.
Ikaw ang mga paliwanag ni Peping Cojuangco,
pampalabo sa mga totoong kaganapan.
MAY HANGGAN ANG LIPAD NG KAPALALUAN
(Kay Kris Aquino, matapos niyang ipagmalaking ang kanyang mga alahas ay "katas
ng Hacienda Luisita")
Gaano maaaring kumapal ang mukha ng tao?
Higit pa sa kapal ng etera
ng buong kalawakan.
Kaya naman nasisikmurang magyabang ng tao
kung kanyang naipambibili ng pinakamahal na mga alahas
ang dugong piniga mula sa nag-uusliang ugat
ng mga manggagawa't sakada sa tubuhan.
Ngunit hanggang saan makalilipad ang kapalaluan?
Hindi sapat ang kislap ng mga alahas
upang pawiin ang pagdidilim ng karangalan.
Kristina,
ngayon pa lamang ay nalulusaw na ang inyong pangalan
sa naglalagablab na panduduro ng kasaysayan
na magsasalaysay ng inyong kaimpaktuhan.
HACIENDA LUISITA
Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha't pawis ng sakada't manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.
Hacienda Luisita,
saanman ibaling ang mga mata
ay mukha mong nakangisi ang natatanaw:
nakikita ko sa iyong mga pinaslang na welgista
ang mga ibinuwal na sakada ng Escalante
at mga itinumbang magsasaka sa Mendiola.
Magpista ka, Hacienda Luisita,
sa tamis ng dugo ng mga binaklasan ng buhay
nang dahil sa paggigiit ng karapatang mabuhay.
Ngunit mangilabot ka,
pagkat wala pang nakapagbubuwal
at walang makapagbubuwal
sa Bundok Arayat!
KALATAS SA ISANG MANG-AAWIT
Di ko kailangang magpaguwapo
Upang hangaan, pansinin ng tao
Ang kailangan ko'y ang maging totoo
Awitin ang dapat sa panahong ito
-- Heber Bartolome, "Ako'y Mang-aawit ng Aking Panahon"
(Kalamansi sa Sugat, 1985)
Sana’y di ka pa tumitigil
sa pananahi ng mga bagong awitin ng bayan.
Panahon mo’y panahon ko rin:
nasa iisang pahina tayo ng kasaysayan,
nakalugal nga lamang
sa magkaibang talata.
Noon at ngayon ma’y maraming nagugutom,
nagugutom sa gitna
ng pagkaing sapat upang magpatubo
ng impatso sa lahat:
ginugutom
ni Tiyo Samuel
at ng dugong-bughaw na kanyang mga alila.
Di nalulusaw
ang pangangailangang maghiwa ng palad
at magpiga ng kalamansi sa mga sugat:
laganap ang musikang hinabi
sa gayuma ng Ibong Adarna,
ginagawang bato ang mga utak
at pinapawi sa paningin
ang mga sakit ng ating bansa.
Maaaring nauna ka sa akin,
ngunit iisa ang ating panahon:
ito’y panahong kayraming katotohanan
ang itinatago.
Sana’y di ka pa tumitigil
sa pagtatahi ng mga bagong awitin ng bayan:
awitin natin
ang dapat awitin sa panahong ito.
SA AKING PANULAT
Huwag sanang tulutan ng tadhana
na ako'y lisanin mo sa gitna ng digma.
Ikaw ay masong magagamit
sa pagpapanday ng isang bayan
kung saan walang taong parang asong nakagapos
habang hinihimod ang paa ng kung sino,
kung saan ang mga tao
ay mga mulawing lahat at di mga kawayan.
Ngunit kung wala kang iuukit sa papel
kundi isang pumpon ng mga pinabanguhang kahangalan,
mabuti pang ang mga kamay ko
ay magkadurug-durog sa riles,
dili kaya'y tamaan ng isang libong lintik
upang ikaw
ay di ko na mahawakan pa.
DI NAMIN TUTUNTUNGAN ANG HIGANTENG ALON
Pagpapatiwakal na kung sasakyan namin ang ihip ng hangin.
Pagpapatiwakal na kung kami'y paaanod sa ragasa ng ilog.
Kami'y mga artista
ng bayang nakasalagmak sa tambak ng basura.
Di namin tutuntungan ang higanteng alon
ng di-pagsaling sa putik ng katotohanan,
pagkat aming tangan ang tungkod ni Moises--
tungkod na hihiwa sa palalong dagat.
TUGON NG GOBYERNO NG PILIPINAS SA KRISIS PISKAL NA ITO RIN ANG MAY
KAGAGAWAN
Walang matipid,
pinapagtitipid pa
ng mga waldas.
MALILINIS AT MALILINIS ANG BANGA
Wala kang damit, Kamahal-mahalang Emperatris.
Nagtatago ka sa ilalim ng damit
na habi sa hanging sinulid:
di pa rin maikakaila ang iyong kahubaran.
Ang iyong paglapastangan sa hatol ng bayan
ay parang bulok na karne ng baboy
na isinilid sa banga:
isinisigaw ng alingasaw na nasa tabi-tabi lamang
ang kubling kabulukan.
Malilinis at malilinis ang banga,
Mahal na Emperatris.
Mene thecel phares.
DALIT SA BAGONG TAON NG ELEKSIYON
Trapo'y 'wag nating ihalal
sa bagong taong daratal;
manapa'y doon ilagay
sa sahig kung sa'n s'ya bagay.
SONA 2003
Kumakalat ang abo sa kalangitan.
Di ito maikubli ng araw.
Isinisigaw ng kabundukan
ang mga taludtod ni Andres Bonifacio.
Sa mga lansangan ng lunsod naman,
dumarami ang bumibigkas
sa mga kataga ni Amado Hernandez.
At sa mga destakamento ng militar,
nakaharap ang mga bunganga ng mga baril
sa Malacanang at Aguinaldo:
umaawit ng kantang pandigma.
At ang mga tunog na ito
ay di matabing-tabingan
ng matamis na talumpati
sa Batasang Pambansa.
Wala Raw Karapatang Daluyan ng Dugo
Wala raw karapatang daluyan ng dugo
ang mga ugat
sa galanggalangang
hindi Rolex ang relo.
Maniniwala na sana ako.
Ngunit may nakilala akong
mga may-ari
ng apat na galanggalangang
hindi Rolex ang relo.
Ang mga pangalan nila
ay Apolinario Mabini
at Macario Sakay.
Makapili
Di makaharap sa mundo ang mukha,
kaya't nagtatago sa bayong.
Ngunit ang daliri
ay kaytapang, kaytapang ituro
sa dayong panginoon
ang mga kapatid.
Sa bawat kapatid na ituro
ng daliri
upang ialmusal,
itanghalian o ihapunan
ng panginoong banyaga
ay may salaping lalaklakin
ang palad.
Daming katulad mo ngayon,
Makapili.
Subalit sila'y kaiba--
pagkat lalong matapang,
lalong matapang!
Itinapon na nila ang mga bayong,
at ang mga bibig
ay humahalakhak, humahalakhak
habang ang kapatid
ay ibinubugaw ng daliri
sa naglalaway na dayuhan!
Matapang ka pa kay Hudas,
Makapili--
pagkat kaiba sa kanya,
hindi ka nagbigti--
at nag-anak pa nang marami.
At ang mga anak mo
ay di sumusulyap man lamang
sa lubid.
Kaya't gagawin namin
ang nararapat:
ang sila'y bigtihin!
Nasa Misericordia ang Aking Bayan
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Inilalako siya
sa mga de-amerikana't
unipormadong lalaking bughaw
ang mga mata.
Ang kislap
sa mga matang bughaw na ito
ay kinang ng limampu't dalawang bituin,
at tangan ng mga kamay nila
ang malaking patpat
ni Theodore Roosevelt.
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Ang bugaw niya
ay isang reynang siya
ang nagputong ng korona.
Ang Dekano
Sa alaala ni
Armando
J. Malay, peryodista, propesor, at aktibistang naging Dekano ng
Ugnayang Pangmag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas
Bawat pahina
sa aklat ng buhay mo
ay tinig.
Ang tanang paghakbang
ng panulat mo sa papel,
ang lahat
na pag-apak ng paa mo
sa lansangan
ay Sigaw ng Pugadlawin,
kapasyahan
ng Piringang Babaeng
may tangan sa Timbangan.
Nalimbag na ang huling pahina
sa aklat ng buhay mo.
Ngunit ang tinig
ay di napaparam.
Pilit na Hinahanap ng Mindanao
Pilit na hinahanap ng Mindanao
ang awit ng puting kalapati.
Ngunit walang marinig doon
kundi ang bangayan ng mga baril
at ang mga yabag ng mga granada.
Pagkat paraiso ang Mindanao--
paraiso
ng mga tanikala.
Tanikala ang pinakamalagong damo roon,
at ang kapitan ng mga ugat nito
ay ang mga bisig
ng lumad,
ng Moro at magsasaka.
Di ibig ng puting kalapati
ang isang paraisong sementeryo.
Wala Nang mga Dinding
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
Limot ang Lumpong Manghihimagsik
at ang Pluma ng Plebeyo.
At ang buhay na itatala
ng pinilakang tabing
sa kuwaderno ng kasaysayan
ay buhay ng butangero
at manunugal.
Bayani pala
ang butangero't manunugal
na nagsuplong
sa kapwa butangero't manunugal.
Pinaslang ang katarungan
sa Mindoro Oriental.
At ang bida sa balita
ay ang nakadamit-bagong-silang
na nagtatampisaw
sa buhanginan ng Boracay.
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
May Muling Pagkabuhay
Isang bangkay
na nakalagak sa kuwebang
binubusalan ng bato
ang katarungan sa Mindoro--
ipinako sa krus
ng mga senturyon
niyaong kayumangging Poncio Pilato
nang kanilang paslangin
sina Eddie Gumanoy at Eden Marcellana.
Ngunit huwag kayong kasisiguro--
may muling pagkabuhay,
at maging ang Roma
ay naigupo!
Magsaya Ka
Masdan mo ang pulang lawa
sa mukha
niyaong mga bata.
Lasapin mo ang halimuyak
ng nasusunog nilang balat.
Palanguyin mo ang iyong tainga
sa masuyong musika
ng dumaragundong na garalgal
ng kanilang tinig.
Magsaya ka.
Tinutugis ni Samuel
ang suwastika
sa lupain ni Moises.
May Dugo ang Kamay na Nagtatakip
Tinatangkang ilihim
ng iyong mga kamay
sa aming paningin
ang dugong dumaranak
ng mga apo ni Urduja.
Ngunit di maitago
ang dugo,
pagkat naliligo rito
ang mga kamay mo!
Sa Islang Umampon kay Mudum
Bilang pagtalima
sa ninanasa
ng bandilang may limampung bituin,
inihahasik
ang kapayapaan
sa islang umampon kay Mudum
sa pamamagitan ng pagpapaatungal
sa mga baril at bomba.
Ang bandidong tinutugis
ng mga kayumangging kawal ni Samuel
ay nakalalaya,
at ang kapayapaan
ay itinatanim
sa mga hukay
sa mga dibdib at utak
na naghahangad ng laya.
Kaya huwag pagtakhan
ang pagwawala ni Marso
sa islang umampon kay Mudum.
Binigkas sa Bukambibig, isang pangkulturang pagtatanghal ng UP
Ugnayan ng Manunulat, UP Writers Club, at UP Quill sa pakikipagtulungan
ng National Commission for Culture and the Arts na ginanap sa Likha-Diwa
noong Pebrero 28, 2003.
Saka Mo Udyukang Magwala si Marso
Naghahamon ng away
ang mga bakal na dragon ni Samuel
sa bayan ni Abraham,
nagbabantang muling magtatak
ng mga bangkay
sa mga dinding.
At ikaw,
ikaw na di pa nakakikita
ng mga lansangan at bukirin ng dugo
ay nag-uudyok
kay Marsong magwala roon.
Subukin mong makitulog
sa mga bata't matandang pinatulog
nang habang panahon
sa mga yungib na likha
ng bomba.
Subukin mong ipayakap
sa iyong mga mata
ang naghubad na mga bituka't buto
at kalamnang nagsauling.
Subukin mong makiinom
sa mga walang mainom
kundi kamandag.
At saka mo udyukang magwala si Marso
sa bayan ni Abraham.
NAG-UUSAP SINA BUSH AT GLORIA
Ang Paanyaya ni Bush kay Gloria
Ni Dr. Bienvenido Lumbera
Halina sa Iraq,
Tayo ay magpasiklab
Ng gerang uutas
Sa mga teroristang de-balbas
Na, aba’y, nangahas mangahas
Lumaban sa banal na dahas
Ng Amerikang may dakilang misyong iligtas
Ang mundo sa tiyak na pagkapahamak.
Halina, ikaw ay itatakas
Sa mga problema mong di malutas-lutas –
Ekonomiyang butas-butas,
Politikang waldas-waldas,
Lumulobong utang panlabas,
Lipunang winasak-wasak
Ng kriminal, kurakot at kulimbat,
Bayan mong walang hinaharap.
Halina, masdan ang iyong bukas –
Dagdag na pautang, pinaglumaang armas
Ipamamanang lahat-lahat,
Tiyak na ang pagkautas
Ng NPA, MILF, Abu Sayyaf.
Bayan mong di makausad-usad
Hihilahin tungo sa pag-unlad,
IMF-World Bank ang hahawak
Sa yaman ng mina mo’t gubat,
Sa biyaya ng bukid mo’t dagat.
Halina sa Baghdad,
Kay ganda, ang siyudad, nagliliyab!
Sa lahat ng dako ng estadong malawak
Dumadagsa ang aking hukbo ng sindak
Sinusuyod ang bundok at gubat,
Kapatagan at dagat.
Mga pangil ng apoy nginangatngat
Ang langit na lumiliyab!
Hayun, ang lupai’y nagbibitak-bitak
Mga gusali’y nadudurog, bumabagsak,
At sa lahat ng dako bangkay ay nagkalat,
Bata matanda babae lalaki bading lesbyana
Terorista silang lahat!
At sa disyerto ng Iraq,
Ang sarap!
Langis na dumaranak,
Itim na gintong naglalandas,
Tubo na sa Wall Street tumatambak.
Halina sa Iraq!
(Bulatlat.com, Pebrero
16-22, 2003)
Sagot ni Gloria sa Paanyaya ni Bush
Ni Alexander Martin Remollino
Ay, oo, Panginoong Dubya,
sa iyo, ako ay sasama.
Sa Iraq, tayo ay pupunta.
Sasamahan kita
saanmang impiyerno ka
magnasang pumunta.
Maanong sila’y magparatang
na ika’y isang bulaan?
Basta’t iyong tinuran
ay dapat paniwalaan,
pagkat salita mo lamang
ang siyang katotohanan.
Sabihin na nilang wala kang katibayan
na si Saddam
ay may mga sandatang
dulot ay lubhang kapinsalaan.
Pag ang may sabi’y ikaw,
katibaya’y aking masisilayan.
Nasaan?
Dili iba’t salita mo lamang.
Kaya’t o, Panginoong Dubya,
sa Baghdad, tayo’y magpunta.
Hukbo kong di makaporma
sa bandidong mas kaunti pa
sa bala
ng kaunti ring baril nila—
na pinaglumaan mo na—
ay aking isasama
at makikidigma sila
sa taga-Iraq na terorista!
Nakangiti Ka
Sinalubong mo sa paliparan
ang mga bagong bayani
ng bansa.
Kinamayan mo sila,
inabutan mo
ng ilang regalo.
Umuwi kang nakangiti,
pagkat nagawa mo na
ang dapat mong gawin
sa kanila.
Nakangiti ka
habang ang maraming bansa
ay nagiging mga Hapon
ng mga Maricris Sioson
at mga Singapore
ng mga Flor Contemplacion,
pagkat nagawa mo na
ang dapat mong gawin
sa kanila.
Sa Ganitong Panahon
Bangkay lang
ang mananahimik
sa ganitong panahon.
Sinusulsulan ni Samuel
si Marso,
pinapagpupukol
ng lintik
sa mga nakatalikod
sa kanya.
Bangkay lang
ang magpapahintulot
na ang kapwa tao
ay kataying tila
mga baboy.
Kaming Nagsusuot ng Butas na Maong
Kaming nagsusuot ng butas na maong
ay lagi't laging pinauulanan ng mga halakhak,
dili kaya'y ginagamit na patabang pampausbong
ng bulong sa lupa ng mga labi.
Ngunit ang mga halakhak at bulong na iyan
ay parang mga basketbol na tumatalbog
sa tuwing tatama sa aspalto
ng aming mga pandinig at paningin,
pagkat butas mang maong ang aming pantalon
ay hinabi naman ang mga ito
sa sinulid ng sarili naming pawis,
di tulad ng ibang mamahaling pantalong yari
sa binarat na sahod ng kung sinong manggagawa,
dili kaya'y sa bukid na kinamkam
mula sa kung sinong magsasaka,
o kaya nama'y sa gintong inumit
mula sa baul ng bayan.
Sa Aming Lupain
Sa aming lupain, sa dakong silangan,
nangagiging santo ang mga tulisan,
habang ang may dangal, h'warang mamamayan,
kung siya'y ituring ay parang kawatan;
mahabaging langit, inyong kaawaan,
tulungan mo kaming nasa kahibangan!
Bida
Nang mag-people power sa lansangang EDSA,
militar ang siyang nahuling magpunta;
"Sundalo ang bida sa ating paglaban,"
anang Presidenteng 'niluklok ng bayan.
Cuyapo
Saksi ka sa kataksilan
ng nagdaang dantaon.
Cuyapo,
ikaw ang naging tanghalan
ng Senakulo ng kasaysayan,
kung saan ipinagkanulo
ng mga kayumangging Hudas
si Mabini
sa mga senturyong
may bitbit na bandilang mabituin.
Cuyapo
ng nagdaang dantaon,
ikaw ngayon ay nasa Maynila,
entablado ng korong kayumangging
umaawit ng mga salmo
kay Samuel.
Agosto 2, 2002
San Pedro, Laguna
Kami Rin ang Salarin
Alay kina Liliosa Hilao, Puri Pedro, Lisa Balando, Enrique Voltaire
Garcia II, Dr. Bobby de la Paz, P. Tulio Favali, Macli-ing Dulag,
Atty. Rolando Olalia, Lean Alejandro, Ramon Ternida, Gypsy Zabala,
Beng Hernandez, Expedito at Manuela Albarillo, at iba pang mga
aktibistang biktima ng pagpatay na labag sa karapatang pantao
Kami rin ay biktima;
dugo natin ang ibinuhos sa lupa
nang lagutin ang inyong paghinga.
Ngunit patawad, pagkat
kami rin ang salarin;
ang aming kawalang-bahala
ang sandatang ginamit
ng mga berdugo.
Ayaw Ko sa Lahat
Ayaw ko sa lahat ang ako'y tanungin
kung bakit ang lansanga'y langit sa akin
kapag kasama ko sa paglakad
ang mga kartelon at bandila.
Pagkat pag ako'y tinanong ng gayon,
para akong tinatanong
kung bakit kailangang lumaban
kapag sinisiil,
kung bakit kailangang tumae
kapag natatae.
Datapwat ibig ko rin ang ako'y tanungin
kung bakit ang lansanga'y langit sa akin
kapag kasama ko sa paglakad
ang mga kartelon at bandila,
pagkat ibig kong ipaunawa
sa mga hindi makaunawa
ang kanilang kawalang-pang-unawa.
Kung Hindi Na Nagkukuyom
Kung hindi na nagkukuyom
ang mga kamay ko
sa tuwing may mga ugat
na nakarugtong
sa puso ng bayan
na pinipigtal
ng mga alagang uod
ng banyagang buwitre,
buong pusong iaalok ko
sa mga ahas at buwaya
ang mga kamay na ito,
at akin pang ikaliligaya
ang sila'y handugan
ng pagkaing nararapat sa kanila.
Sa Ikaisang Daan at Apat na Araw ng Kalayaan
Hindi pa ito ang panahon
ng pagdiriwang,
Inang Bayan.
Ang batas ng agilang kutyog
ay mariing tumatapak
sa sariling batas mo.
At ang tumatapak na sapatos
ay pinakikintab pa ng dila
ng mga Hudas na dugong-bughaw.
Lisanin ang piging,
Inang Bayan!
May huwad na bathala pang dapat
na gapiin,
may gintong tanikala pang dapat
na tunawin.
Hunyo 12, 2002
San Pedro, Laguna
BACK TO ALEX PAGE