Three nights of tribute

to Alexander Martin Remollino

(1977 - 2010)

Poet, writer, activist

 

UCCP  Cubao

 

Sept. 5, 6, 7,  2010

 

■  More tributes and video here

 

 

   
Ms. Rebecca Lawson, fiancee of Alex Family, realtives, comrades and friends sing Alex' favorite anthem

 

You can play in the background this solo guitar of Joey Ayala's "Walang Hanggang Paalam" while viewing the photos in this page

 

   
/p

/p
 
           
   Rebecca lights candles for Alex  
     

 

 

Kung Gabi ang Dilim
P
ara kay Alex Remollino at Medardo “Ka Roda” Roda
ni Rolando B. Tolentino

Kung gabi ang dilim, ano ang aantayin? Walang mga kulisap na paroon at parito sa pinagmumulang ilaw sa poste. Walang alitaptap dahil walang aninong tangkay na mapapagdapuan. Walang masisipat dahil ang kalawakan ay isang buong itim na sumang kinumot.

Kung gabi ang dilim, paano ang pamamaalam? Walang maaninag, walang makukumusta, walang mabibilinan, walang mapapasalamatan, walang masasabihan na hanggang sa muli. Walang tao, walang anino. Ang paligid ng karimlan ay isang uniberso ng anino.

Kung gabi ang dilim, ang mga talinhaga ang tanging pumapalaot, naghahanap ng dalampasigan ng pakikibakang mapapadparan. Ng mga kasamang namamaalam sa kawalan, ng mga naiwang akda at tulang natapos at hindi kailanman matutuldukan. Ng mga pag-ibig na bumabalot, tulad ng init sa magdamag.

Kung gabi ang dilim, ang mga mitsa sa engkwentro ng platoon, sulo sa libo-libong nagmamartsa, gaas na lampara ng unyonista sa piket, magsasakang nag-aamba sa pagbubukang-liwayway, manunulat na mag-isang tumitipak sa karimlan. Ito ay mga ilaw sa karimlang bumabalot sa lahat.

Kung gabi ang dilim, siyang namamaalam ay siyang naiiwan. At ang habilin ay higit pang kumilos sa balot ng kadiliman, habang ang dilim ay kinakalinga ng kanyang mabubuting anak.

Kung gabi ang dilim at tila kawalan-katiyakan, ang tagumpay ay siya ring nasa durungawan.

     
           
           
 Mother and brother of Alex: Zen and Aris  Condolence from UP Prof. Roselle Pineda and friends........
     

 

(Note: Ipinadala ng pambansang tanggapan ng National Union of Journalists of the Philippines [NUJP] sa mga miyembro nito at sa publiko ang liham na ito ng International Federation of Journalists, na pandaigdigang affiliate ng NUJP. – Ed.)
International Federation of Journalists extends condolences to the family of Alexander Martin Remollino
By Liham sa Patnugot ⋅ September 9, 2010

Dear NUJP Colleagues,

The International Federation of Journalists Asia Pacific Office would like to express our deepest sympathy for the unfortunate passing of Alexander Martin Remollino.

The IFJ Asia Pacific would like to extend our support towards Alex’s family, friends and colleagues in the media. We understand his work as a journalist, poet and activist touched the lives of many.

The International Federation of Journalists is certain that Alex’s dedication to democracy and freedom of expression will be carried on in the work of his colleagues at the NUJP and by the broader activist community in the Philippines.

Please pass on our sympathy to Alex’s family in this moment of their terrible loss.

Yours sincerely and in solidarity,

(signed) Jacqueline Park
IFJ Asia Pacific Director 4

 

 

 Last message of Alex written hours before he passed away on Sept. 3, 2010

(from the Faceook of Abby Valenzuela)

     
     
 BAYAN Secretary General Renato Reyes  National Artist Bien Lumbera, Renato Reyes and Prof. Joi Barrios
           

 

TAYO AY ISANG HANAY
(Para kay Ka Alex, Ka Roda, at iba pang bayani ng rebolusyon)
- NONILON V. QUEANO
10 Setyembre 2010

Sapagkat tayo’y nagmahal nang wagas sa sinintang bayan,
Nagsilbi sa masa, nag-asam ng laya,
Doon’y nagkikita: may nanay at tatay, may lolo at lola,
(Tulad ni Ka Roda),
At, mga kabataang
(Tulad ni Ka Alex)
Na suong ang buhay sa pakikibaka.
Walang nakabukod.
Kung hindi man armas,
Ang sukbit ay tula at awit,
Pinagbuklod tayo ng mga panata,
Tulad ng kay Rizal, Bonifacio, Gabriela
Lorena, Eman, Lerry, at maraming iba pa
(Sinlapad ang lista ng langit at lupa),
At ngayo’y, tulad ni Ka Alex,
Tulad ni Ka Roda
Tayo’y nabubuong isang hanay,
Walang nagtatanong kung saang uri nagbuhat
(Bagaman marami ay sa uring salat)
Di na mahalaga kung saan bang siglo o anong dekada
Nang magdalang-liwanag
At, tulad sa gabi ng mga pangarap,
Aawitin natin ang katotohanan at ipamumudmod
At pagsasaluhan,
At payayabungin na isang halaman
Hanggang mamutiktik ng bunga’t bulaklak.

Kung masa’y inapi, ginahasa, pinagnakawan, pinaslang
(Sa isang asyenda, bukirin, o saanmang pook trabahuhan )
Tayo’y libong sulong kagyat nagliliyab
Upang suhayan ang lakad ng bayan,
May mamumuno sa mga aklasan,
(Tulad ni Ka Roda),
Mayroong susulat,
(Katulad ni Alex,
Na ibibida ang bakbakan, ang mga nalagas, pinosasan
Paglago ng hanay, inaning tagumpay)
May aawit at tutula nang buong timyas sa pulang umaga
(Tulad ng Lorena o ng isang Eman)
Para ipaalam
Sa lahat ng lugal, sa lahat ng bayan.


 

 

Ngunit hindi bulag ang ating pagsuyo
(Alam natin ‘yan)
Tulad sa butil ng palay na tatahip-tahipin
Sa kumpas ng hangin,
Ipapalaala na lahat ng ito na pinagbuwisan--
Kawalang-hustisya, gutom, hirap,
Baluktot na isip, pagkagahaman, mga pagtataksil,
Kawalang-pag-asa, at pagkalugmok ng pinakadakila sa atin
Ay lagim na niluto sa kawa ng imperyalismong
Kumamkam sa lupa, langit, dagat
At bampira nganing, sisibain tayo hanggang kamatayan.
 

Subalit, may awit sa mga puso nating di maparam-param;
Di mapugto ang ngiti tuwing may tagumpay,
Tula’y walang ubos kahit na sa bukas
Muli tayong umang sa pakikilaban
A, sa rebolusyon, walang kahulilip ang kaligayahan.

Mayroon ding araw
(Katulad ng ngayon)
Na kalat ang dilim, tila ba uulan
May unos ba kaya?
Puso’y nagluluksa,
At ang dalamhati’y malamig na hanging humihihip-hihip,
Mayroon ding araw
Na buhos ng luha’y ating pipigilin,
Kapag may kasamang nalagas na akala natin’y laging naririyan,
Kapag may makatang, katulad ni Alex,
O may manggagawang minahal ng labis, tulad ni Ka Roda
Na habang panahong kaaga-agapay ay bibiglang lilisan
Mayroon ding araw na puspos ng lungkot,
Ngunit lilipas din.
Tulad din sa lahat ng bayang pinaslang,
Pamuling aawit, pamuling tutula, pamuling susulong sa pakikibaka
Tayong isang hanay.

           

 

Ang matalinghagang pakikipagsapalaran ni Alex Remollino

Si Ka Alex? Masipag na peryodista. Matapang na aktibista. Mahusay na makata. Maraming naantig sa mga sinulat niya. Laging siyang sumasama sa mga rally. Hindi nahuhuli magpasa ng articles. Mabait sa mga kaibigan. At higit sa lahat, palangiti. Kaya naman maraming bilib sa kaniya. Isa na ko dun. Ngunit ang totoo niyan, hindi ko kilala si Alex.

Hindi kami nagkita. Hindi kami naipakilala sa isa’t isa. Pero sigurado akong nagtagpo na ang landas namin sa isa sa mga rally na pinuntahan namin. Hindi ko siya nakausap tungkol sa mga sinulat niya. Pero mukhang magkakasundo kami sa maraming bagay. Hindi ko siya harapang napuri sa kahit aling tulang sinulat niya. Pero bilib ako sa estilo niya.

Gayunpaman, dahil sa mga sinulat ng mga kasama tungkol sa kaniya, para na rin kaming naging matalik na magkaibigan. Kung anong lalim ng nadarama ng mga nakakilala sa kaniya ay siya na ring lalim ng butas na tinutusok saking kalamnan tuwing makikita ko ang mga litrato niyang nakangiti. Sa bawat artikulo niyang basahin ko ay lalo ring tumitindi ang pakikiramay ko sa kaniyang pagkawala. At sa bawat tula niyang basahin ko ay lalo kong naihahambing ay buhay niya dito. Ang buhay ni Ka Alex ay isang napakahusay na tula.

Matalinghaga ito. Nagsimula sa iilang salitang tila walang ibig sabihin. May ilang salitang hindi matagumpay kaya’t pinalitan. At hindi ito iisang talata. Maraming talata na bawat isa ay may makabuluhang tungkulin sa kabuuan ng tula. At higit sa lahat, dahil sa husay ng tulang ito ay hindi natatapos ang karanasan mo sa pagbasa ng tula. Bagkus, kahit pag alis ng makata, maiiwan kang humahanga. Sa husay nito, pati ikaw ay mapupukaw at matutulak na sumulat ng sarili mong tula.

Wala na nga si Ka Alex, pero ang buhay niya ay patuloy na magiging inspirasiyon. Isa ako sa mga napukaw ng buhay niya. At sa maikling panahon at mababaw na pagkakilala ko sa kaniya, ito lang ang maia-alay ko sa kaniya:

---

Ang Tunay na Peryodista

Bukang-liwayway ay nagbabanta na
Wala pa ring naipapasa
Ilang tasa ng kape nga ba
Ang sunod sunod na naubos na

Minsan walang dumadaloy na salita
Minsan ang papel nama’y binabaha
Kalbaryo nga naman talaga
Kung sangkatutak ang nais na paksa

Alin nga naman sa kanila
Ang unang gagawan ng istorya?
Hindi ito simple’t bara bara
Kahit gano kagaling ka pa

Dahil ang tunay na periodista
Ay yaong nagpapalaya
Sa mga mambabasa
Na ang utak ay nakakulong pa

Hindi basta gumagamit ng salita
Hindi basta naglalahad ng istorya
Ang isipan mo’y hahasain niya
At pananaw mo’y hahamunin niya

Sa paliwanag magaling siya
Pati na rin sa pag-organisa
Ang tunay na peryodista
Hindi naiiba sa aktibista

Mahihigop ka naman talaga
Sa istorya mong binabasa
Pero hindi lang linalaman ang sadiya
Mahuhumaling ka rin sa mga salita

Hahanga ka sa mga tugma
At tunog ng mga letrang gamit niya
Ang tunay na peryodista
May bahid din ng makata

Bukang-liwayway ay nagbabanta na
Wala pa ring naipapasa
Ngunit ilang buhay naman na ang nabago niya
At ilang isip na ang pinalaya niya?

Bukang-liwayway ay narito na
Wala na siyang ipapasa
Dahil ang dilim ay tinalikdan na
Upang yakapin ang liwanag ng umaga

rondevera | 09SEP2010

---

*Ang unang bahagi ng blog na ito ay may salin sa Ingles:

http://bit.ly/alexremollino-dj


Ngunit nahirapan akong isalin ang tula. Kung nais mong subukan, ipaalam lang sakin para mapagtulungan natin. Salamat!
Sep 9, 2010 5:40:30 AM
 

KMU Chair Bong Labog, COURAGE chair Ferdie Gaite
 Bulatlat's Benjie Oliveros and Carlos Conde
 Prof. Joli Barrios and Rebecca Lawson
 Rebecca shakes hands with Mariles Ilagan, while writer-director Boni Ilagan looks on
           

 

For We All Have Hearts (Translation)
by Aris Remollino

on Wednesday, September 15, 2010 at 7:28pm

(Original Filipino version, "Sapagkat Tayo'y May Mga Puso", by Alexander Martin Carteciano Remollino)

Translated and Adapted by Aris Remollino

 

 

 

Our pens are like unto daggers.
We are wielding these daggers
Because of our sincere love
For the rusty hands that turn
The mechanisms--the gears--in our factories:
Those who run and oversee the machineries of our living days;
Those who sow life
On the fields and to every town
But whose very lives
Are constantly plagued by drought.
We all love them
For we all have hearts:
And so all our pens are like unto daggers.

 

           
     
     
     

 

SAN FRANCISCO COMMITTEE FOR
HUMAN RIGHTS IN THE PHILIPPINES (SFCHRP)
SALUTES THE LIFE OF ALEX REMOLLINO

Reference: San Francisco Committee for Human Rights in the Philippines
Email: sfchrp@yahoo.com


SFCHRP mourns the death of a very dear comrade, cultural worker, and friend, Alex Remollino. Alex passed away on September 3, 2010, after battling health complications due to pneumonia and diabetes. After being in hospitalized for a week at Philippine General Hospital, his death comes as a shock after showing signs of recovery.

Alex was a writer, poet, and journalist, and he used his gift for writing to uncover the truth of what is happening in the Philippines. As a former writer for Bulatlat, a progressive and pro-people news website, he wrote many news reports on the plight of the Filipina/o people, which include poverty, landlessness, and human rights violations from the Philippine government and military manipulated by U.S. Imperialism. Alex has delivered Filipina/os abroad the concrete facts to fight against the social issues that plague the Philippines, giving them a sharp analyses on their root causes. Alex, like his fellow progressive journalists, wrote these news stories from the side of those deeply affected by exploitation and oppression, a side mainstream news media rarely dares to tell. Alex would often report these stories from the grounds where and when they were actually happening, and his finished products truly had the feel of fresh, still steaming delivery.


In addition to being a pro-people journalist, Alex was also a close comrade and fellow organizer to activists fighting for justice against U.S. Imperialism and its Philippine presidential puppets, as a staff member of BAYAN-Philippines. He would often be found at rallies and mobilizations, marching amongst the people. In mass actions, he would be on his laptop reporting the events in real-time, through online social networks or live streams. This was indeed a testament to his commitment to the masses and having their true stories be told. Aside from journalism, Alex also used his gift of writing as a cultural worker, in the form of poetry. He wrote many poems that dealt with justice, resistance, and national democracy . He wrote his poems based on his experiences with the oppressed and those fighting for liberation. He made these poems easily accessible to the masses through his blog as well as progressive news websites.


Through it all, Alex was also a very dear friend. Despite the hard work of mass organizing and progressive news writing, Alex always found time to laugh, break bread, and share his talents with those around him. Ryan Leano, of SFCHRP shares, “I first met Alex in 2009, when he was visiting the the organizations under BAYAN-USA. He shared with us the hard but rewarding life of being a progressive journalist in the Philippines, where human rights violations are seemingly indiscriminant. He also shared the basics of writing press statements and releases, of which I based a press writing workshop for our organization. I met him again in 2010 in the Philippines, where I spent 3 months doing mass organizing work with BAYAN-Philippines. I was with him almost daily, working together on the rallies and mobilizations, as well as sharing many laughs in the office. He has become a very close friend, and I am deeply affected by his passing. I miss him terribly, but I am forever grateful for all he taught me and the happy moments we shared as fellow cultural workers.”

Alex will always be remembered as a freedom fighter for the oppressed, a staunch anti-imperialist, a cultural worker with the purpose of serving the people, and a dear friend who loved to share laughter. His legacy will live on as long as cultural workers keep using their respective artforms with the purpose of serving the oppressed, the disenfranchised, and silenced.

###

MABUHAY, ALEX REMOLLINO! ITULOY ANG KANYANG LABANAN!!

 

     
           
     
  Fr. Dionito Cabillas viewing articles, poems by/for Alex  
     

x

Alex: ang nakakahawang makata

http://tinesabillo.wordpress.com/2010/09/09/alex-ang-nakakahawang-makata/

 

Sabi ko hindi ako magtatagal. Siguro 10pm dapat nasa bahay na ako. Dadaan pa nga sana kami sa burol ni Ka Roda. Pagdating sa UCCP Cubao, mga pamilyar na mukha kagad ang bumati sa akin. Hindi na kasya ang mga tao at nakatayo na lang sa kalye ang iba habang patuloy ang programa. Nagdalawang isip pa ako kung papasok ba at uupo. Alam kong mahihirapan na akong awatin ang sarili pag nasimulan ko na ang programa…

 

Magandang oportunidad ang mga Parangal upang makilala ang isang tao. Iyung mga akala mong kilala mo na ay may iba palang parte ng buhay nila na ibinahagi naman sa ibang tao. Madalas hindi nakakaiyak kundi nakakatuwa ang makinig sa mga kwento (pero syempre may mga parte na nakakaiyak talaga). Madalas ko ngang naiisip, sana marinig ko yung mga kwento sa Parangal ko (Kung paparangalan ako. Haha.).

***
May ilan nang nakagawa nyan (ang mapangaralan habang buhay pa). Ang isa ay si Ka Dan Vizmanos, ang tinaguriang rebel soldier – Navy captain na nag-retire noong Martial Law upang maging aktibista. May sakit na kasi sya noon. Kasabay ng kanyang parangal ay ang paglabas ng Kodao Productions ng palabas na Apostasy : paglalayag ni Ka Dan Vizmanos. Apostasy – ang pag-abandona sa relihiyon o politikal na paniniwala/organisasyon. Naging emosyonal si Ka Dan. Lalo na nung magtanghal ang kanyang mga apo. Makaraan ang mahigit isang buwan ay nabalitaan ko na lang ang kanyang pagpanaw.
***

Tulad ng ibang parangal, nag-alay ng kwento, awit at tula ang mga mahal sa buhay at kakilala ni Alex Remollino. Lalong nakita ang kakaibang ugali nya – minsan ay intense, agitated na angry young man ngunit kasabay nito ay tahimik, prinsipyado at masiyahing tao.

Isa sa mga paborito kong nagsalita ay ang kanyang kasintahan na si Becca. Kinanta nya ang isang awiting ginawa lang din nya noong umagang iyon. Bilib na bilib ako sa pagiging positibo nya. Masayang-masaya syang nagkwento ng mga bagay na gusto nya tungkol kay Alex (parang wala naman syang hindi gusto). Sabi ni Becca, tinuruan sya ni Alex na wag sayangin ang panahon sa mga hindi naman importanteng bagay. Kaya naman pala sa 33 taon ni Alex ay napakarami na nyang nagawa. Parang nakaka-pressure maging pamantayan si Alex. Panawagan sa kabataan: obligasyon nyo na magluwal ng kapalit at magtutuloy sa mga trabahong ginampanan ni Alex at ni Ka Roda.

 

Sweet nga si Becca. (Mas nalungkot ako nang malamang nakatakda na pala silang ikasal sa Pebrero). Sabi nga ng ilang kasama, noong nasa ospital si Alex, si Becca lang daw ang nakakapagpakalma sa kanya.

 

Isa pang paborito ko ay si Ka Rita ng BAYAN. Hindi kami magkakilala ng personal pero may reputasyon sya na mataray ba? O strong ang personality. Nagulat (at natawa dahil patawa din naman ang pagkwento) na lang ang lahat nang kwinento nya kung paano sya naapektuhan ng pagkamatay ni Alex. Si Alex lang pala ang magpapalambot kay Ka Rita – sa puntong sinabi nya na noong nasa ospital sila, hindi naman daw sya sweet pero ginusto nyang maging sweet tulad ni Becca at alagaan si Alex (na nagbunsod ng malakas na halakhak – lalo na sa mga nakakakilala sa kanya).

Binanggit din nya na magaling sa irony si Alex. Sabi nya, iyon ang ayaw at kinaasaran ng kaaway – ang pagtawanan sila. Doon magaling si Alex.

 

Ayon naman kay Ferdinand Gaite ng COURAGE kakaiba si Alex sa ibang mamamahayag dahil marunong syang mag-empathize sa kilusang masa. Kabilang sya sa pakikibaka, sabi nga ni Ka Roger ng KMU.

 

Hindi na kagulat-gulat na tumula ang mga taga- Kilometer 64, ang grupo ng mga progresibong makatang tinulungang sumibol ni Alex. Pero nakaka-aliw lang nang tumula ang ang dalawang kakilala nyang, umamin na hindi naman talaga makata. Sarili nilang akda para lang kay Alex. Gaya ng nabanggit ni Axel Pinpin, na nag emcee ng gabing iyon, marahil ilang tula pa ang malilikha sa mga susunod na araw. Isang bagong cultural revolution. Marahil masayang-masaya si Alex ngayon.

May kakaibang ahitasyon ang dala ng pagninilay sa buhay ni Alex. Para bang tinutulak ka nyang isigaw ang iyong saloobin sa pamamagitan ng tula. Ang pagtula (ng may kabuluhan) ay nagiging isang obligasyon sa bayan – at hindi na lamang pansariling kagustuhan.

***

 

Yung una kong sinulat tungkol kay Alex ay ipinaskil sa ArkibongBayan. Nang makita kong inilagay ito ng buong-buo, pinadalhan ko si Mon Ram ng mensahe. Hiniling kong alisin na lamang nya ang huling parte kung saan sinabi ko na pinaalala ni Alex ang aking pag-ibig sa pagtula at ang lakip kong akda. Sa totoo lang, medyo nahiya kasi akong mapasama sa ibang sulatin. Nahiya kasi akong mabasa ng mga tao ang tula ko gayong wala naman iyong kinalaman kay Alex. Ang sabi ni Mon Ram:

Bago ko pinost yon, pinagisipan ko kung isasama yung jipney tula dahil nagdalawang isip ako. Pero sinama ko dahil may intro na:
“Alex’s death reminded me of how literature can be effectively used to convey nationalist ideals – of how I myself was moved by numerous poems and stories written by both famous and unnamed compatriots. Maybe I should start writing again…” So there it is, and it will remind you to “start writing again.”

 

Ayoko sana talaga pero naisip kong tama din. Ang pagkamatay ni Alex ay para bang nagkalat ng poetry bug sa sangkatibakan at nagtulak sa amin na ipabasa at bigkasin ang aming mga akda sa maraming tao. Naisip ko, dapat nga namang pangibabawan ang mga pansariling usapin upang tuluyang makapagsilbi sa masa. Kung tutuusin, parang pagmamass lead lang iyan o pagkanta para sa mga taong hindi ito normal na ginagawa. Hindi ka naman dapat matakot husgahan kung alam mong prinsipyado ang iyong intensyon. Ang pagtula ay hindi lamang para sa mga makata o sa mga akademiko. Ito ay para sa nakararami at obligasyon nating ibahagi ang ganitong progresibong kultura.

***

Sabi nga, ang gerilya ay tulad ng makata. Kung gayon, ang makabayang makata ay tulad rin ng gerilya – pasulong na umaatake at kumikitil sa mga nakalalasong ideya ng kaaway ng sambayanan. Rest in peace Ka Alex. Ipagpapatuloy namin ang iyong nasimulan.

 

 

 

 
A Tribute to Alex from a poetry group
     
click here to view plaque
   
           
Appreciation of the contribution of Alex to the human rights group KARAPATAN and SELDA      
           
=          
==          
     
National Artist Bien Lumbera KMU Chair Elmer Labog Bishop Elmer Bolocon
           

x

A coconut story:
In memory of poet-journalist-revolutionary
Alexander Martin Remollino

A bunch of coconuts crashes
To the earth below
With each deft tug
Of a picker’s arm
On his bamboo pole.
A shout away,
A cart of coconuts
Tumble out,
Without disturbing the
Focused gaze
Of a brown-skinned farmer
Clutching a nut
Over a blade
Glistening in the shade,
Its white meat
Falling like clock-work
From the husk.
In the oil mill,
Beads of sweat
Grace a worker’s head,
His hands warming
A machine’s lever
With a steady grip,
Each breath taking in
The sweet scent
Of crude coco oil,
The fruit of successive toil,
Mind and muscle,
Creating its rich value,
Measured in the
Precious, customary
Hours and days,
Of labor, from seed to oil.
From a distant harbor,
A ship steals away
Its familiar cargo of crude coco oil,
Destined for giant ports
On the other side of the globe,
The rich side,
Rotterdam, sometimes, New York,
And after, factories of soap,
Glycerin, bullets and bombs,
Fashioned from coco oil,
Paid for by letters of credit
Bought at mere fortieth of value
From this archipelago
Of golden nuts
And brown hands
Exploited into poverty,
Fried in its own coco oil,
Charred into feudal darkness.

2006-2010Ricky A.M. Santos

 

Writer, director, producer Bibeth Orteza
Writer-director B\oni and Mrriles Ilagan

BAYAN Secretary General Renato Reyes

           
     
Prof. Nonilon Queano Prof. Roselle Pineda KM64's Stum Casia
     

 

Para sa Inyo, Mga Kasamang Kampyon ng Bayan
(Alay kina Alex at Ka Roda)

Ni Dreamworker

Kung papaano kayo umanib
Sa sanlaksang kandilang nagsaboy-liwanag,
Kung papaano kayo nakiguhit
Ng pagbabago na pluma ng taumbayan ang gamit,
Kung papaano kayo naghinagpis nang tahimik
Habang kung di nakangiti't umaawit
ay mithiin ng mamamayan ang buong-tapang na inuusal...
Sa kabila ng pighati sa inyong pagpanaw,
kami'y nagpapasalamat
sa halimbawa, lakas at buhay na inyong ibinahagi
na sana'y aming madugtungan ng katumbas na sigasig.

--
 

Para kina Ka Alex at Ka Roda
(Isang hilaw na tula)

ni Rey Casambre

Tiyak habang kayo'y payapang nakahimlay
Mga kasama't kaibigang nakatipo'y nakikiramay
Nalulungkot, nanghihinaya't nalulumbay
Namimighati sa inyong pagkawalay.

Tiyak na nagiging usap-usapan
kung ano ang dahilan ng inyong kamatayan,
ano ang dumapong imbing karamdaman
Ano ba't di ito linunasan, nalabanan.

Maaaring mapansin ang pagkakaiba
ng dagliang pagbagsak ng katawan na batang-bata pa
sa naratay na beteranong panday sa pakikibaka
Kapwa marami sanang maipaglilingkod pa

O kaya'y mapansi't maihambing ang pagkakatulad
Ng kamay na mapanlikhang gumamit ng panulat
At yaong sa manibela't mikropono'y humawak
Sa hangad na mapalaya ang bayang hinahamak.

Masdan niyo, Ka Alex, Ka Roda, kaming narito ngayon
Upang sa inyo'y magpugay at mga aral makalikom
Damhin niyo ang lungkot na sa ami'y nakalambong
Sa panlulumo't dalamhati pilit na bumabangon.

Di nga ba't sa inyong pagpanaw tiyak uusbong
Mga kasamang prinsipyo at gawai ninyo'y isusulong
Buhay ninyo'y halimbawa, modelo't inspirasyon
Sa pagpupunyaging maabot ang dakilang layon.

Balang araw walang magtatanong sa dahilan ng kamatayan
Diareya, diabetes, diaboliko't anupaman,
Tanging mahalaga at siyang matatandaan
Paglilingkod na walang imbot, hithit nang kadakilaan.

Walang dahilan kung bakit di kayang gawin
Kalungkuta't dalamhati ay aming ibabaling
Sa rebolusyonaryong alab, sipag at giting
Hanggang araw ng tagumpay, tiyak na mararating!
 

------------------------------------------------

Pagpupugay at pagkilala sa isang makabayang manunulat na si Kasamang Alex Remollino
by Kawagib Phils on Tuesday, September 7, 2010 at 8:48am

September 6, 2010

Pagpupugay at pagkilala sa isang makabayang manunulat na si Kasamang Alex Remollino

Kami ay nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay, kaibigan, at kasama ng pumanaw na manunulat ng bayan na si Kasamang Alex Remollino.

Bilang manunulat ng bayan, pinagsilbihan rin ni Alex ang mamamayang Moro. Nagsulat ng mga artikulo na nagsisiwalat ng mga paglabag sa karapatang pantao at pakikibaka para sa pagkilala sa sariling pagpapasya ng mamamayang Moro.

Si Alex ay kasama sa National Interfaith Humanitarian Mission (NIHM) noong Oktubre 21, 2008 sa North Cotabato at Maguindanao. Kasama siya sa Documentation team na nag-interview sa mga Moro na biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa Datu Piang, Maguindanao. Bilang manunulat, si Alex rin ang naatasan ng mission na sumulat ng Initial Findings ng NIHM.

Pasasalamat sa iyong mga akda, pakikisalamuha at ambag sa pakikibaka ng Bangsamoro. Mananatiling buhay sa aming lahat ang mga alaala mo.
 

Zen Remollino, mother of Alex
National Artist Bien Lumbera
           
     
Emcees: Len Olea and Stum Casia Prof. Nonilon Queano CENPEG's Bobby Tuason
     

x


LIMANG ARAW AT GABI

(sa kamatayan ni Lenin)
September 8, 2010

by plumaatpapel
 


(Malayang salin ng inyong lingkod sa tula ng makatang Rusong si Vera Ibner na ipinadala ni Ka Dan Borjal bilang alay-parangal kina Ka Alexander Martin Remollino at Ka Medardo Roda na kapwa namayapa kamakailan lamang)

Bago siya tuluyang ibinilanggo
sa kanyang mausoleo
at ulilahin ng sikat ng araw
limang araw at gabing singkad
siyang nakaburol
sa Bulwagan ng mga Columna.

Humugos ang mga tao, pumila
parang treng walang katapusan
hawak ang nakababa
namamahingang mga bandila
upang muling masilayan
ang naninilaw niyang mukha
at medalyang pula
sa ibabaw ng dibdib.

At sa kalupaan
nananalasa’t sumisikdo
ang nagyeyelong kapaligiran
waring tuluyan niyang tinangay
ang isang bahagi ng init
ng aming mga katawan.

Limang gabing walang natulog
sa Moscow
dahil sa pagtulog siya lumisan
buong kabanalang nagbabantay
ang maputlang buwan.

 

 

Bulatlat/s Benjie Oliveros
\Bulatlat's Carlos Conder
Bulatlat;s  Len Olea
           
     
Poet Gelacio Guillermo KM64's Axel Pinpin BAYAN's Rita Baua
     

x

Huling sulyap kay Alex Remollino

http://chrocarlos.wordpress.com/2010/09/05/huling-sulyap-kay-alex-remollino/

 

September 5, 2010 Memoy Leave a comment Go to comments

Agosto 24. Isang araw matapos ang hostage-taking sa Qurino Grandstand. Ikalawang session ng Korte Suprema para dinggin ang argumento ng magkabilang panig sa isyu ng Hacienda Luisita. Marami ang nakatipon sa kanto ng Taft at Padre Faura. Nakita ko ang mga magsasakang nakalupagi sa aspalto habang nakikinig sa programa. Nakita ko rin ang mga maralitang taga-lungsod, manggagawa at estudyanteng sumusuporta sa laban sa mga magsasaka ng Luisita.

 

Nakita ko rin si Alex Remollino sa isang umpok ng magkakaibigan. Nakangiti – ngiting ngiti – at nakikipagbatian sa mga kasamang dumadaan. Maaliwalas ang kanyang mukha. Walang senyales na siya’y may karamdaman.

 

Hindi kami personal na magkakilala ni Alex. Pero madalas ko basahin ang kanyang mga artikulo sa Bulatlat (at nitong huli sa Philippine Online Chronicles). Hinahangaan ko rin ang kanyang mga tula. Sa tuwinang maiisip ko ang pakikibaka ng mga manggagawa ng Nestle at ang “Boycott Nestle campaign,” laging sumasagi sa isip ko ang kanyang tula na “Dugo sa isang tasang kape.”

Kaya naman nang inanunsyo ng mga tagapagpadaloy ng programa sa Padre Faura na mag-aalay ng tula si Alex, inabangan ko talaga siya sa harapan. Iyon sana ang unang pagkakataon na maririnig ko siyang tumula.

 

Nagulat ako dahil iba ang nagtanghal. Luminya sa harapan ang tatlong bata na kasamang lumuwas ng mga magsasaka. Lumapit ang mga kasama sa harapan nang marinig ang pag-awit nila ng “Martsa ng Pagkakaisa”. Nagtaas-kamao pa nga habang papalapit ang huling nota. Nakakamangha silang panoorin. Sa murang edad, gagap nila ang landas tungo sa paglaya.

Maya-maya pa’y sinabi ng tagapagpadaloy na tapos na ang unang bahagi ng programa at eere na ang Radyo Anakpawis. Saktong bumuhos nang malakas ang ulan. Nagtakbuhan ang mga kasama para sumilong, habang nagsiksikan kami sa tora-tora.

 

Hindi ko na narinig tumula si Alex. Hindi ko alam kung tumula pa siya nung pangalawang bahagi ng programa matapos tumila. Iyon na pala ang huling araw na makikita ko ang hinahangaan kong manunulat at makata.

***

Magsisilbing hamon ang buhay at pakikibaka ni Alex sa bawat manunulat, peryodista at makata – hamon na paglingkurin ang bawat tula at talata tungo sa pagpapalaya ng diwa.

Paalam at pagpupugay sa’yo, Alex Remollino!

 

NUJP's Ilang-ilang Quijano

Jola Diones-Mamangun, KODAO Productions

           
     
    Aris, Brother of Alex
     

 

FIVE DAYS AND NIGHTS
by Dan Borjal on Tuesday, September 7, 2010 at 10:08pm

Bilang tribute kay Ka Alex at kay Ka Roda ipinopost ko itong tula ng isang makatang Ruso, Vera Ibner, para sa isang dakilang Lider rebolusyonaryo...

FIVE DAYS AND NIGHTS
(On the death of Lenin)


Before they closed him in the tomb
lost to the light of day,
five days and nights stretched in the Hall
of Columns still he lay.

The people filed in an endless train
with flags borne low at rest
to see his sallowing profile again
and the medal red on his chest.

And over the earth that he'd foresaken
so fierce a frost held sway
it seemed that he had surely taken
part of our warmth away.

Five nights in Moscow no one slept
because to sleep he had gone.
Close watch the sentinel moon kept,
solemn and wan.

 

     
           
     
Jeffrey Pagaduan People's Chorale  
     

x

Si Alex sa aking alaala

by Abby Valenzuela on Monday, September 6, 2010 at 11:01pm

 

5 Setyembre 2010

 

Nabasa ko si Alex bago ko pa siya nakilala nang personal. Ang kanyang mga akda sa Bulatlat ang naging gabay ko noong ako’y isang estudyanteng aktibista pa lamang, at tungkol sa isang desaparecido ang unang artikulong nabasa ko sa kanyang byline. Para sa isang mag-aaral ng pamamahayag at ngayon ay isang manunulat, hanga ako kay Alex sa atensyon niya sa detalye, ingat sa pamimili ng mga salita, at pagpili sa mga salitang simple subalit diretso at sapul ang nais sabihin.

 

Taong 2008, buwan nang Oktubre, sa isang fact finding mission sa South Cotabato ko unang nakilala nang personal si Alex. Sa kabila kaimposiblihan na hindi siya mapansin sa isang pagtitipon dahil sa kanyang taas, nakakamangha na nais lamang ni Alex na manatili sa likod ng mga kaganapan. Ang pananatili sa likod ay hindi kasingkahulugan ng simpleng pagmamasasid, sapagkat handa si Alex na makipagdiskusyon, makipag-argumento, magpaabot ng tulong at umako ng responsibilidad  sa oras na siya ay kailanganin. Panulat ang sandata ni Alex, at lahat ay handa niyang ibigay sa pamamagitan ng kanyang galing sa paglalapat ng mga salita sa papel. 

 

Aminado si Alex na siya ay madalas na tatahi-tahimik, subalit sa oras na makapalagayan mo siya ng loob at mahuli ang kanyang kiliti, ay hindi na siya mangingiming ipahayag ang kanyang mga saloobin sayo. Nasa Bayan na ako nangmagkakwentuhan kami ng personal, at nagulat ako sa dami ng nais niyang sabihin na mga obserbasyon at mga opinyon.

 

Isa si Alex sa mga tinitingnan kong gabay sa pagsusulat. Ang respeto at sensitibidad ni Alex sa paraan ng pagsusulat ng iba ang isa sa hinahangaan kong katangian niya. Pero hindi ibig sabihin nito ay handa siyang tanggapin ang lahat ng iyong ilalagay sa papel. Magalang niyang pupunahin kung kinakailangan. Si Alex, sa aking isipan, ay si Editor Alex.

 

Inis si Alex sa mga manunulat na hindi nagpo-proof read ng akda. Sabi niya, ang iyong sinulat ang repleksyon ng iyong pagkatao. Hindi lamang substansya ang mahalaga, gayundin ang porma. Hindi lamang daw dapat naiintindihan ng tao ang sinulat dapat ay naa-appreciate din nila ito.

 

Sa galing ni Alex magsulat ay nagulat akong Legal Management pala ang kanyang kinuha sa kolehiyo. Subalit napagtanto ko, ang dedikasyon at tunay na pagmamahal sa bayan ay lilikha ng pinakamagagaling at pinakamagigiting na manunulat sa kahit na anumang sitwasyon, henerasyon at panahon, at mula sa iba't ibang larangan. Isa na rito si Alexander Martin Remollino: manunulat, makata at magiting na mandirigma. Maraming salamat kasama, sa maikling panahon na ika’y aming nakasama, labis-labis na ngiti at inspirasyon ang iyong ipinagkaloob sa amin (at lakas ng loob lalo na sa akin) sa pagpapatuloy sa gawain.

 

Sabi mo minsan sa ating diskusyon, “bawat tuldok ay mahalaga. Ito ang nagtatalaga ng katapusan ng isa at simula ng isa pa." Ika-3 ng Setyembre natuldukan ang iyong buhay. Subalit, Alex, habang buhay nang nasa isip namin ang iyong mga alaala, at ang iyong pangalan ay nakaukit na sa ating kasaysayan. ###

 

     
     

Danny Fabella

           
     
Renato Reyes on the piano    
     
           

x

R de Castro Para kay Ka Alex:

Sa bawat patak ng tinta
Nabubuo ang mga talata
Binabasa mong patula
...Nakikinig ang mga tainga
Dumidilat ang mga mata.

Sintalas ng gulok
Naghahari'y di malunok
Nailantad mong tumbok
Umalingasaw sa bawat sulok
Ang kalagayang nabubulok.

Sa bawat tulang iyong nilikha
Nakinig ang tainga
Dumilat ang mga mata
Sintalas ng gulok
Pamatay sa kalagayang bulok.

Paalam. Pagpupugay Ka Alex.

 

R de Castro Paalam Alex. KJ ka naman. Nagtitipon kami kagabi para sa iyo, then, bigla ka mawawala. Ang hirap pa, ako ang nagsabi sa iyong kapatid. Ganun talaga. Paaalam sa isang mabuting kasama.

 

On journalist Alexander Martin Remollino


The Coalition to Stop Child Detention through Restorative Justice expresses  shock and grief over the passing of journalist Alexander Martin Remollino. The Coalition condoles with his family, friends, and colleagues. We also express our profound appreciation and gratitude for Alex’s contribution to the advancement of the rights and welfare of children accused of violating the law.
Through his investigative works, Alex exposed the various forms of human rights  violations committed against children prisoners. Alex’s pen helped influence and shape public policy and discourse on their plight and issues.
 

Alex’s writings gave voice to the struggle for dignity and humanity of children prisoners.

Coalition to Stop Child Detention through Restorative Justice
9 September 2010

 

Statement posted by boyetcaparas@yahoo.com  at plaridel egroups.

 

           
     
     
     

 

Ikaw Na Nagturo Sa Aming Manalamin Sa Harap Ng Hangin (Alexander Martin Remollino)
By Kislap Alitaptap ⋅ September 4, 2010 ⋅ Print This Post Print This Post ⋅ Post a comment

Habang ipinapakilala ka sa amin
Ng mapanudyong ulan,
Binabantayan mong ‘wag makubkob
Ng hanging nakalubog sa dilim
Ang silid na kumupkop
Sa’yo ng walang pagka-inip.
Habang ipinapakilala ka sa amin
Ng mga salitang itinanim mo
Sa halamanan ng pangamba,
Sinasalag mo ang mga mababangis
Na atake ng panulaang tumutugis
Sa saligan ng ‘yong mga ngiti.
Habang ipinapakilala ka sa amin
Ng mga nakasulat na talaarawan
Ng iyong pagpupugay sa tinik ng rosas,
Binubura mo ang mga nakasaad
Na kasinungalingan sa aklat
Ng lipunan.
At habang ipinapakilala ka sa amin
Ng mga tumitiling gitara, at
Nangangalabit na tinig ng silindro,
Sinusuyo mo ang hanay ng mga langgam
Upang kami’y awitan ng pag-asang
Ayaw mong aming makalimutan.
Paano ka nga ba namin malilimot?
Kung sa mga saglit na nilulunod
Ng baha ang ‘yong paghinga,
Masigasig mong itinuro sa amin
Kung paano manalamin
Sa harap ng hangin.
TAuMBAYAN, Kamuning, Lungsod Quezon

 

     
           
     
Wreaths from the NDFP Negotiating Panel and from Jose Maria Sison and Juliet de Lima
     

 

Elegy for Alexander Martin Remollino
By Melissa Roxas
 

news of your death arrives
like so many unmarked packages
no to, or from,
just the anticipation
of wanting to know
why, when;
this box carries
news I never want to hear,
another death of a friend,
of a comrade, irreconcilable loss;
there are unfinished conversations,
messages to you still to be sent…
it seems more of these packages
arrive every day…
death can be so unpredictable,
we can only be assured of the moment
never anything before or after–
the before is a memory, the after uncertain
in your short 33 years of life
you have given to the world
what you could give
your talent as a writer
your words
that gave so many truths
that people in power wanted to bury
I remembered when you came here and interviewed me
you asked what I thought of being surfaced alive;
what do I still know about living?–except
there are many more things that need to be done
and now with your death
it reminds me more people need to take up the pen to write
the stories that the world needs to hear
the ghosts that won’t rest until their stories are told,
to remember our thoughts are free,
The last time I saw you, you helped me
translate one of my poems to tagalog;
just yesterday I prepared a mini anthology of poems for you
to read while at the hospital, some favorites of yours like Neruda,
introduce you to the poems of Komunyakaa…
but they arrived too late,
like this poem
it arrives at the end of the marked page,
becomes an after-poem,
it reminds me that the moment
is all we have, and we choose
what to do with it,
that we should choose what will make the difference,
yes, during the best years of your life
you have given to a cause you believed was larger than yourself
you wrote those verses that mattered, gave a voice to people
who needed their stories told,
and wrote from your heart.
You faced death with a knowledge that only comes
to people who have dedicated their lives for the cause–
an assurance that even after your death
the revolution will live on with the people,
and for you that was enough;
you will be remembered my friend,
you will be remembered.

September 3, 2010

     
     
     
           
     
     
     


Huling mensahe kay Alex Remollino (1977-2010)

N.B. – This was published in the September 3-9, 2010 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2010/09/danilo-arao-huling-mensahe-kay-alexander-martin-remollino-1977-2010/.


“Hoy! Nangangayayat ka na. ” Hindi ko akalaing ito ang huli kong mensahe kay Alexander Martin Remollino (Agosto 6, 1977-Setyembre 3, 2010). Iyon na rin pala ang huling pagkikita namin.

May porum na inorganisa noong Agosto 23 ang Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) sa Bulwagang Rizal ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Nakaupo si Alex sa bandang likuran, samantalang ako’y nasa bandang harapan.

Halata nang bagsak ang kanyang katawan pero hindi ko ito pinansin noon. Una, wala naman akong alam na seryosong karamdaman ni Alex. Ikalawa, masasabing medyo naiinggit ako sa malaking nabawas sa kanyang timbang dahil alam niyang personal kong “pakikibaka” ang pagbabawas nito.

Napadaan ako sa kanya at napangiti siya sa aking “sumbat.” Gusto ko pa sana siyang kausapin nang mas matagal para kumustahin, gayundin ang iba pa naming kaibigan sa publikasyong Bulatlat. Medyo matagal na kasi akong hindi nagpapakita sa aming alternatibong publikasyong online na may nakakatawa pero iginagalang na pangalan. Nakikita ko na lang ang iba pang mga kaibigan kapag napapadpad sila sa UP o kung dumadalo sa mga aktibidad na kung saan imbitado kaming magsalita.

Oo, sana’y kinausap ko pa siya, pero hindi ko nagawa. Kaya nga utang ko ngayon sa kanya ang personal na alaala.

Dahil itinatag ang Bulatlat noong Pebrero 2001, masasabing kasama si Alex sa pag-unlad nito. Pumasok si Alex sa Bulatlat noong 2002 pero bago pa man siya naging bahagi nito, nagkakilala na kami sa virtual na paraan. Nagpadala siya ng maikling email sa akin para magpakilalang manunulat ng IBON Foundation (na kung saan nagtrabaho siya sa maikling panahon, at alam niyang naging bahagi ako nito mula 1994 hanggang 2001). May binitiwan siyang kaunting papuri, pero iba ang layunin ng kanyang mensahe.

May itinanong siyang personal sa bagay tungkol sa isang premyadong makatang kakilala niya. Tinanong niya kung pinsan ko ang makatang ito. Sinagot ko siyang hindi ako malapit sa aking mga kamag-anak kaya hindi ako sigurado kung totoo ito. Akala niya siguro’y nagalit ako kaya humingi siya ng paumanhin sa akin, sa pamamagitan ng isa pang email. Ito po ang kakaibang virtual na engkwentro namin!

Participants in the Bulatlat.com National Consultation at Maryknoll School, Baguio City (30 March 2003).

Hindi na naungkat ang maliit na bagay na ito sa kanyang pagtatrabaho sa Bulatlat. Hindi ko na tuloy nasabing wala siyang dahilan para humingi ng dispensa. Dahil maraming gawai’t maraming dapat isulat, mabilis siyang sumabak sa pag-uulat simula 2002. Kahit na anong paksa ang ibigay sa kanya, buong sigasig niyang pinagtiyagaang pag-aralan para magbigay ng matalas na pagsusuri dito.

Bilang isang patnugot, naging gawain ko ang magbigay ng komento sa mga sinulat niya. Tulad ng iba pang masigasig na manunulat ng Bulatlat, handa siyang makinig at tumanggap ng puna, pero handa rin siyang magbigay ng katwiran kung kinakailangan.

Kung noo’y umasa lang siya sa mga dokumento’t iba pang materyal na makukuha sa Internet bilang batayan ng kanyang mga naunang artikulo, kapansin-pansin ang lalim ng mga sumunod pa niyang akda dahil sa panayam sa iba’t ibang tao. Kung noo’y nakontento na siyang tanggapin bilang katotohanan ang mga datos na nabasa niya (na minsa’y sa Wikipedia lang nakuha), kapansin-pansin sa paglipas ng taon ang kanyang sigasig na beripikahin ang mga ito.

Ang pagiging mahusay na peryodista ni Alex ay hindi nasusukat sa mga parangal na nakuha kundi sa tiyagang ibinuhos niya para mapaganda ang kanyang mga akda. Malaking salik din ang regular niyang pagsusulat. Noong lingguhan pa ang deadline sa Bulatlat, may mga pagkakataong hindi lang isa kundi apat ang kanyang sinusulat. Sadyang ang kalidad (quality) at kantidad (quantity) ng mga akda ay lubhang kinakailangan sa panahon ng krisis. At pinangatawanan ni Alex ang pagiging makabayang peryodista – tinambakan niya ng babasahin ang mga nais mamulat sa paraang hindi sila malulunod kundi maliliwanagan.

Kung tila nagmamadali si Alex sa kanyang pagsusulat, ito ay dahil sa nais niyang makatulong sa pagbibigay-linaw, sa lalong madaling panahon, sa mga pangunahing isyu ng bansa. Kung tila hindi siya mapakali kapag hindi nakapagsusulat, ito ay dahil sa nararamdaman niya ang pangangailangang “Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon” na isa sa mga pinakasikat niyang tulang ginawa pa ngang kanta.

Ah, siya nga pala’y isa ring makata! Kahit na alam kong kokontrahin ako ng ilang nakakakilala kay Alex, gusto kong isiping ang kanyang pagiging mahusay na makata’y dahil sa kanyang pagiging masigasig na peryodista. Ang mga elemento ng peryodismo’y kitang-kita sa marami niyang tula – napapanahon, makatotohanan, naninindigan. Siya ang nagpapatunay na ang isang tula’y hindi kailangang nakatago ang mensahe. Kung tutuusin, mas kailangang maging direkta para maintindihan hindi lang ng mga mulat na kasama kundi ng mga walang-muwang na kaaway.

Pero hindi naman lahat ay puro seryosong trabaho para kay Alex. Masasabing maganda ang kinahihinatnan ng nakakapagod na press work sa Bulatlat kung naroon siya. Marami siyang kuwento sa likod ng kanyang mga artikulo, at lalong mas marami siyang tsismis tungkol sa iba’t iba niyang nakahalubilo. Marami siyang patawa, at lahat kami’y napapasabay sa kanyang nakakahawang halakhak.

Kailangan nang kumain ng mga tao? Asahan mong siya ang lalabas ng opisina para bumili ng pagkain sa malapit na tindahan. Pero asahan mong siya rin ang unang uubos ng isang litrong soft drink kapag hindi mo agad na nilagyan ang baso mo. Siguro’y palihim siyang natutuwa tuwing bumibili ako ng isa pang litro ng paborito naming inumin sa pagkakataong may pera ako. Halos kaming dalawa lang ang nakakaubos nito!

Pareho man kaming malakas kumain, hindi naman siya maselan katulad ko. Kung bibigyan siya ng gulay o isda, sa pagkakaalala ko’y magana pa rin siyang sumubo. Siguro’y palihim din siyang natutuwa tuwing ayaw kong kainin ang ilang meryendang binili ng mga kaibigan, dahil madalas ko siyang sinasabihang kainin na lang ang para sa akin. Sa mga pagkakataong ito, tango at ngiti lang ang sagot niya (tulad ng huli naming pagkikita sa UP noong Agosto 23).

Dahil bihira na kaming magkita mula nang dumami ang aking gawain bilang guro at peryodista (bukod pa sa aking pansamantalang pagtuturo sa Korea noong 2009), wala na akong naging balita tungkol sa kanya. Nababasa ko man ang mga artikulo niya sa iba’t ibang publikasyon, hindi ko na alam ang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Para sa mga personal na nakakakilala kay Alex, sadyang nakalulungkot ang sitwasyong nawalan tayo ng isang mabait na kaibigan. Para sa mga nagbabasa sa mga akda niya, sadyang nakalulungkot ang sitwasyong nawalan ang Pilipinas ng isang makabayang peryodista’t makata.

Para sa mga hindi nakakakilala sa kanya at hindi pamilyar sa kanyang mga sinulat, siguro’y panahon na para mabuhay si Alex sa alaala ng natutulog na kamalayan, sa pamamagitan ng kanyang mga salita.

Para sa iyo, Alex, magpahinga ka na. May sariling buhay ang iyong mga akda. Hayaan nating umalingawngaw ang iyong salita kasama ng dumaraming bilang ng mga namumulat.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

 

     
     
           
They came to pay their highest respects for Alex
           
           
           
           
     
           

 

MILF: Men Like Alex Do Not Really Disappear Forever
CONDOLENCE

It pains me so much to know the passing away of Alexander Martin Remollino, whom I know personally to be a principled young man up to his last breath.

Men like Alex do not really disappear forever. They are still in the hearts and minds of those whom they have left and associated with. Through the might of his pen and the fiery words that flowed from it, he devoted his entire life serving the Filipino people. And without an iota of malice in his heart, he also fought for the right of self-determination of the indigenous people and the Bangsamoro people.

Alex was a journalist, poet and activist, all packed into one. Gifted as such, he also wrote in flawless English with ease that made him clearly towering over others of his age and time.

Our utmost sympathy to his loved ones, relatives, friends, and comrades during this hour of trial. You are not alone — we are with you during this very difficult moment.

MOHAGHER IQBAL
Chairman, Peace Panel
Moro Islamic Liberation Front

 

 
           
           
           
           
           
           
           
Classmates from high school and UST, fellow activists at LFS and friends talk about Alex and extoll his work
           
           
           
           
           
           
   
           
           
           
 

Walang Hanggang Paalam

 
           
**          

 

 
 

Google