Sept. 23 at North Triangle QC:

The day men with crowbars came to make way for an Ayala project

 

September 24, 2010

 

 

Poems on the struggle of urban poor families for decent livelihood and living quarters:   

 

■  Meet Kaunlaran    ■  Sa Ganitong Paturing     ■   Report: Bato sa EDSA      ■   Doon Po Sa Amin

 

■   Ama sa Anak: Sa Sityo San Roque   ■   Narinig ko ang Iyong Panambitan    ■   Sa Utak ang Tama

 

 

  Video 1 by KODAO Productionas

 

Yesterday men with crowbars started the demolition of the homes of some 6,000 families in the North Triangle area, near Trinoma Mall , to make way to another Ayala Land project that is part of the QC Central Business District.

QC said they had prepared relocations sites in Montalban but the residents to be relocated complain that there is no power, water, and the area is prone to flooding.

Former UP Student Regent, now Anakbayan spokesperson, Charisse Banez details the complaints in the appended statement to media.

Some were hurt in yesterday demolition, and then a QC court issued an order to stop the demolition.

The residents now have a problem: some have their homes already demolished, they have families to take care of, and they have to earn a living today.

 

 
  Video by STExposure

 

 

Video 2 by KODAO Productionas

 

CLICK HERE FOR A VIDEO OF THE DEMOLITION

PRODUCED BY MAY DAY MULTIMEDIA

 

Laban ng Maralita sa North Triangle [HQ]

8:14

Sa utos ng National Housing Authority, nagsanib-puwersa ang PNP at MMDA para gibain ang mga kabahayan ng humigit sa 6,000 pamilya sa Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City. Sa kabila ng marahas na demolisyon, nagpasya ang mga residente na magbarikada sa EDSA upang matigil ang paggiba sa kanilang mga tahanan.

 

/p

/p

Photos courtesy of Raymund Villanueva of KODAO Productions

           

Quick Facts About the North Triangle Project

(stills from the Kodao video)

           
     

 

Meet Kaunlaran
by Ayie Montalban

on Friday, September 24, 2010 at 9:10am

"Nagpapagamit kayo sa mga kapitalista!," galit na sinagot ng isang residente ang isang pulis na nagsabing dapat na silang umalis. Ni Wala kayong court order, aniya. Ang Ayala Corp. ang pangunahing debeloper ng Quezon City Central Business District na itatayo sa 250 ektarya sa lungsod, kabilang ang halos 30-ekt. sityo. (Ilang-Ilang D. Quijano)
 


Kaunlaran is the capitalist's fiancee,
a picky lady they woo for a large fee,
and like all engagements are for this class,
theirs is also but a business contract
that would generate cash, cash and cash.

Their marriage would bequeth us
a dowry, we citizens, will enjoy till it lasts:
Roads to deliver us to our destinations
faster and smoother
Roads that would join our worlds
and share our produce over the lords.
Establishments to assist our lives
Perks to pamper our existence
Before there was no boob tubes,
now there's more than the boob tube,
with endless channels to choose from
from countless cable subscription choices,
and more--

All this, land, building, technology,
way of life, improvements,
these are all Kaunlarans.

But Kaunlaran, like most people in-love,
couldn't care less about her fiancee's other garb,
the greed that spawns all the lies in the capitalist's love
Kaunlaran thought she brought peace like a dove
to a food poor nation, that would thank her for her good job
in generating more work, more consumption,
more economic activity, more cash generation--
siphoned all into the capitalist's sickeningly big fat purse.

Little did she know:
that for an establishment or two to be erected,
thousands of families had in their homes been evicted;
that to create a hundred contractual jobs,
she had to destroy ten hundreds of livelihoods;
that thousands of families are displaced,
their children's education disrupted and set in dazed...

Ah! Little did she know,
that to build an economy
in digits and statistical glory
is reciprocal to the annihilation
of people's dignity and distinction.

And yet,
the capitalist's love for Kaunlaran
will always be justified,
because love, specially
love for money
is still love,
selfish, self-serving it may seem.

It is for the People, to insist
Kaunlaran is not only for the capitalist!
Kaunlaran is for the People,
Kaunlaran is for everyone.

 

     
     
     
     
           
     
     
     

 

Naririnig Ko Ang Iyong Panambitan
September 25, 2010 by plumaatpapel
(Tula)
 

 

naririnig ko ang iyong panambitan
la tierra pobreza
lupain ng dalita’t dusa
lupaing tinigmak ng dugo
ng mandirigma ng masa
na dinusta ng inhustisya
na inalipin ng pagsasamantala
inihahatid ng naglalakbay na amihan
sa saliw ng huni ng langay-langayan
ang iyong tagulaylay
tumatarak, lumalaslas
sa kamalayan kong laging naglalamay
 

naririnig ko ang iyong panambitan
kung mga gabing nagdarasal
ang malungkot na buwan
kung mga umagang luhang pumapatak
mga butil ng hamog sa damuhan
kung mga katanghaliang humihiyaw
ang aspaltadong lansangan ng kalunsuran
kung mga dapithapong dumaramba
mga alon sa ulilang dalampasigan.
 

 

oo, naririnig ko ang iyong panaghoy
la tierra pobreza
sa dagundong ng kulog sa kalawakan
sa sagitsit ng kidlat sa karimlan
sa lagaslas ng tubig sa kabundukan
 

oo, naririnig ko ang iyong hinagpis
la tierra pobreza
sa bulong ng mga babaing asawa’y
nalibing sa kung saang talahiban
naririnig ko sa taginting ng mga dalangin
sa nobena’t decenario ng mga sisa
si crispin ay di na makita
ibinaon kung saan ng kampon ng kadiliman
o binulok sa mga tagong bilangguan
o naagnas sa pusod ng karagatan
wala ni anino ng kalansay.
 

oo, naririnig ko ang iyong panambitan
la tierra pobreza
sa tagaktak ng pawis
ng manggagawa’t magsasaka
sa lagunlong ng sikmurang walang laman
sa kalantog ng mga lata sa basurahan
sa pagtutol ng tinuklap na mga yero
sa langitngit ng tinungkab na mga tabla
sa lagabog ng ginibang barungbarong
sa gilid ng namamahong estero
mulang tripa de gallina
hanggang canal de la reina
 

 

naririnig ko ang hinaing mo
la tierra pobreza
sa binuldoser na mga bahay
sa mga lote diumano ng gobyerno
na lalong dapat mapunta sa masa
di sa mga ayala at mga kauri nila
na walang sinasamba kundi kuwarta
patayin man sa hilahil at dusa
gawin mang naglipanang aso’t pusa
milyun-milyong maralita!
 

oo, umuukilkil sa pandinig ko
ng panambitan mo
la tierra pobreza
saanmang sulok ng planeta
ipinadpad ng daluyong ng dalita
mga anak mong nagdurusa
ikinalat silang parang layak
sa banyagang mga bansa
dahil kalansay na ang pag-asa
at ginutay na ang ligaya
sa lupain mong binaog
ng uring mapagsamantala
 

oo, la tierra pobreza
“di lahat ay natutulog sa dilim ng gabi”
at naririnig nila
ang iyong panambitan at panawagan
nagliliyab ang mga mata
ng mga anak mong magigiting
bartolina mo’y wawasakin!
 

     

 

PRESS RELEASE

Sept. 23, 2010
Reference: Charisse Bañez, Anakbayan spokesperson, 09263707842
Anton Dulce, Anakbayan media officer, 09086123260

Anakbayan to Bistek, NHA: Why don’t you try living in the San Roque relocation sites?

“Before Bistek and (Nat’l Housing Authority head) Chito Cruz portray the residents of San Roque, why don’t they try to live in the ‘relocation sites’ they are boasting about and see if they can stand it”.

This was the message of Anakbayan spokesperson Charisse Bañez to Quezon City mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista and NHA head Cruz over the ongoing violent demolition of homes in Sitio San Roque, Quezon City near the Trinoma Mall.

Dozens of residents of the said community were injured after being attacked with rocks and crowbars by demolition teams under the NHA, after the residents resisted an order to leave their homes. The agency, hand-in-hand with the Ayala Corporation, is eyeing San Roque as part of a so-called ‘Q.C Central Business District’ which is modeled after the Makati Business District.

According to the urban poor group Kadamay, more than 6000 families will be displaced by the said project, as well as a host of government agencies whose national offices are in the vicinity.

“The relocation site is not even fit for pigs to live in. Even the original residents want to move out” said Bañez. She said that the site does not have any electricity, access to potable water, plumbing, and is prone to flooding as shown during the Ondoy and Pepeng storms last year. It is located in Montalban, Rizal.

“Ang kapal lang talaga ng mukha nila. They portray the San Roque residents as ‘unreasonable’, yet I bet they won’t last two days in the relocation site” said the youth leader.

The Anakbayan spokesperson added “What the people of San Roque want is simple and definitely reasonable: living quarters that are fit for human beings. Unless the NHA can provide it, the people have every right to resist the demolition”. ###

--
Anakbayan Public Information Committee
Contact us at: anakbayan.media@gmail.com / +639086123260 begin_of_the_skype_highlighting +639086123260 end_of_the_skype_highlighting
Visit the Online Campaign center @ anakbayanph.wordpres.com
"Only through militant struggle can the best in the youth emerge"

 

     
           

 

Ama Sa Anak: Sa Sityo San Roque
by Mark Joseph Rafal

September 26, 2010

Anak, maghanda ka!
Sapagka't nariyan na sila.
Ayusin mong mabuti ang iyong tirador,
higpitan ang pagkakatali ng goma
nang 'di pumitik sa iyong pagbatak.
Siguraduhing may mga imbak
ka ng graba sa iyong bulsa
at umasinta kang tulad ng agila.
Sipatin nang mahusay ang ulo ng mga kaaway
o kaya'y ang mga bayag nila't kamay.
Ihanda mo na rin ang mga bote
at ilang batong malalaki.
Ihanda rin palanggana at batsa
na siyang pananggalang natin
sa mga halimaw at diyablong
aangkin sa ating pinakamamahal
na barungbarong.
Ikaw nang bahala sa Inay mo't mga kapatid.

 

 

 

 

Hayaan mo akong makibaka sa harapan, anak.
Maghahamon ako ng suntukan, ipagtatanggol
ang ating karapatan bilang maralita.
Tandaan mo, atin itong San Roque.
Sapagka't kung ang marapat na pinagsisilbihan
ng pamahalaan ay ang mahihirap na tulad natin
at ang San Roque'y pag-aari ng gobyerno,
kanino nga ba dapat ang lupaing ito?

Maging matapang ka, anak.
Dugo man ang dumanak,
tayo'y mananatiling marangal.

 

 

   
     
     
     

 

Streetwise
by Carol Pagaduan-Araullo

No titles

Last week’s violent demolition of shanties in a sprawling urban poor community in Quezon City highlighted once more the intractable problems of homelessness and urban blight and government’s generally myopic, piecemeal and anti-poor approach to solving these. It reminded us as well how the urban poor – their travails and struggles -- have contributed immeasurably to the political awakening and continuing education of the urban youth, notably the students, about what ails this society and what it will take for far-reaching, radical reforms to take place.

It is thus disconcerting that the news reportage on the demolition, the consequent resistance mounted by the residents and the aftermath was generally quite superficial and unsympathetic. The preeminent line was this: Since the residents of Baranggay San Roque do not have titles to the land, they have no legal right to be there. Ergo they - being “squatters” on government property - have neither just nor reasonable grounds whatsoever to fight for their homes against the demolition teams.

The fact is the phenomenon of poor people in cities and towns building their make-shift homes in empty private lots or in unused government land and the consequent growth of huge slum settlements is a long-standing social problem. It is not just the result of the lack of urban planning and law enforcement.

Studies of migration trends in the country over the past decades show that the movement of people from rural to urban areas has been unremitting. Metro Manila's annual population growth rate from the seventies to the eighties was 3.6 per cent, far higher than the national average of 2.5 per cent. Within Metro Manila, Quezon City and Caloocan were booming at 4 per cent and 3.5 per cent, respectively.

While government figures for 2005-2010 show that the national population growth rate slowed to 1.9%, the rate of urban population growth still remained at a hefty 3%.

The underlying causes of this ever increasing rural to urban exodus are deeply rooted in landlessness (farmers dispossessed, evicted from land they till by land grabbers, land conversion, etc.); entrenched rural poverty and agricultural backwardness (aggravated by neoliberal policies of import liberalization and deregulation, e.g. the removal of agricultural subsidies); landlord and state suppression of peasant struggles against feudal oppression and exploitation; and the continuously deteriorating and overall stultifying living conditions in the countryside.

Peasants streaming into urban areas seeking jobs and a better life merely add up to the mounting urban unemployed and underemployed with local industries going bankrupt and no government programs to build, strengthen and protect the industrial sector, especially manufacturing.

That is why the approach of government to the teeming numbers of urban poor – of resettling them back to the provinces or relocating them to far-flung areas outside Metro Manila and far from jobs, opportunities for making a living, schools and other social amenities and services – cannot, by any stretch of the imagination, be considered solutions, not even short-term ones.
 

 


It is obvious that violent demolitions and literally throwing out the displaced families into the streets to survive willy-nilly without any kind of government assistance is condemnable and breeds even more problems.

What is not so obvious is that drawing up grand development plans to beautify, commercialize and make profitable what was once considered an eyesore while not making any provisions for the urban poor -- the working class and underclass -- in this development plan is inhumane, unjust, unsustainable and bound to meet with resistance from those who would be most adversely affected.

 

The Quezon City-Central Business District (QC-CBD) project is the over-arching plan in which the joint project of the National Housing Authority and the Ayala Corporation (currently already established in one corner of the disputed North Triangle with their Trinoma Mall) is included. Essentially, government undertakes to develop 340 hectares of government land currently occupied by government agencies, hospitals and schools, public parks and urban poor settlements will be consolidated for “mixed-use”.

In other words, like other so-called CBDs, we will see the establishment of more shopping malls, upscale office and residential buildings, recreational facilities, manicured gardens and parking buildings with connections to mass transit systems that will ferry shoppers and other consumers in droves.

All this in the name of “modernization” and “urban development” but development for whom?

The more than a hundred thousand residents of the five major informal settlements to be demolished to give way to the QC-CBD have reason to ask: will this project bring jobs and a better life not only for them but for others like them? Or will they be sacrificed so that foreign investors and their local partners have more business opportunities and hefty profits while government bureaucrats can collect more taxes and earnings from lease arrangements/joint ventures that they can then plunder and dissipate in more anti-people projects?

It is the easiest thing to condemn the residents’ violent resistance especially when viewed from the purely legalistic standpoint that these people are "squatters" and have no legal claim to these lands, that their "relocation" (read: eviction) is necessary to give way to "development" (read: business opportunities).

However, the grim reality of the urban poor cannot be swept under the rug by throwing them far away in uninhabitable places to die the slow death of poverty and neglect. This approach not only fails to solve the problem, it aggravates it and fuels even more social unrest and more resistance that the government and the ruling elite have never and can never put a lid on. #

Published in Business World
30 September - 1 October 2010

   


News Release
24 September 2010
Reference: Gert Libang, deputy secretary general, 09209836266
Public Information Department (thru Jen) 374-4423; 09174661522; 09396136271

GABRIELA condemns demolition; demands for decent housing

GABRIELA strongly condemns the ongoing demolition of settlers in Sitio San Roque, Quezon City, which forms part of the 340-hectare Quezon City Central Business District (QC-CBD) that will see the displacement of urban poor communities in the affected areas.

“We condemn this onerous act by the National Housing Authority and the North Triangle Development Committee uprooting the settlers from their homes to pave the way for more malls and high-rise condominiums of big businesses. While the prime lands are held off for commercial interests, displaced settlers are thrown to resettlement areas where living conditions are difficult. They are cut off from their means of living. Even basic essentials as electricity and water are often absent.” lamented Gert Libang, deputy secretary general of GABRIELA.

The National Housing Authority and the body tasked to oversee the development of QC-CBD chaired by the mayor of Quezon City dubbed North Triangle Development Committee are directly behind the violent demolition in Sitio San Roque.

The militant women’s group notes that the violent manner of the demolition aggravated the condition of the urban poor residents whose right to a basic social service of housing is already violated.

Further, the women’s group expressed indignation at the glum prospect of the 6,000 families in Sitio San Roque adding up to the rising number of displaced urban poor including the victims of super typhoon Ondoy who are still mired in quandary.

On Saturday, September 25, a year after the country was devastated by typhoon Ondoy, GABRIELA members from urban poor communities from Bgy. Bagong Silangan in Quezon City, Marikina and Muntinlupa will take to Mendiola to air their demands for accessible and decent housing for the poor.

Public Information Department
GABRIELA National Office
(+632) 3712302

 
 
   
   

 

Sa Utak ang Tama

by Raymund B Villanueva September 27, 2010

 

Malala ang sakit ng mga burgis.

Hindi

Hindi ito galing sa kagat ng lamok

O dulot ng kakulangan ng sustansya.

Que horror!

Bawal sa mayaman ang kulang ang makain

O maruming kapaligiran.

Pero maraming sakit ang nakukuha sa rangya

Kadalasan ay sa utak ang tama.

Halimbawa

Nakakabaliw ang tumae sa porselana

At magpunas ng puwit gamit ang malambot na tisyu--

Tisyung galing sa halaga ng sobrang paggawa

Ng manggagawang iskwater

O mula sa hinoldap na buwis

Ng magsasakang alipin.

Bawat hagod para tanggalin ang mabango nilang tae

Mula sa makinis na butas ng kanilang pwet

Isip nila’y iba sila sa hampas lupa

At angat sa magbubukid na walang lupa.

Tubig o dyaryo lamang ang kanila.

Kung kaya naman,

Que se joda

Imasaker ang magsasaka

O idemolis ang maralita

Hindi naman sila taong tulad nila.

 

 

                                                -8:41 n.g

                                                26 Setyembre 2010

                                                Lungsod Quezon

 

 
 
 
           

 

Thursday, September 23, 2010

Demolisyon at pansariling interes

Jaime

 

 

Kumakain ako kasama ang aking kasamahan matapos ang aming coverage sa naging marahas na demolisyon sa North Triangle sa Quezon City kahapon. Pagod at talagang depress sa mga natunghayan. Nakakagalit ang kaarogantehan ng mga tao sa demolition team pati ang mga pulis.  Habang kami ay kumakain ay may pumasok na lalaki at nagsabing grabe naman daw yung mga tao, binayaran na daw lahat at binigyan na raw ng ilang pagkakataon ay nakikipagmatigasan pa. Kawawa naman daw yung mga pulis na nasaktan. Pero hindi ako nagreact, gusto ko sanang sumabat kaso baka awayin ko lang ang mga tao. Gutom pa naman ako. Ito na lang ang masasabi ko, alamin nyo muna kasi ang pinaglalaban nila.

Nakakalungkot na sa ganitong kalagayan ay may iilan pa rin ang nagagawang kumampi sa mga salarin--sa mga ahente ng salarin. Paano nga ba naisip ng lalaking iyon na kawawa ang pulis na nasaktan habang hindi niya naiisip ang magiging kalagayan ng mga  pamilyang palalayasin doon. Mas kawawa pa ba ang pulis na nasaktan kaysa sa mga batang ilalayo nila sa mga kanya-kanya nilang paaralan? Mas kawawa pa ba ang pulis na ito kaysa sa mga tatay na aalisan nila ng tabaho at sa mga pamilyang mawawalan ng kabuhayan? Hindi ba at mas nakakaawa ang mga taong aalisan ng tirahan para lamang sa kapakanan ng iilan?  Sino nga ba ang mas agrabyado sa ganitong kalagayan? Ang mga mahihirap o mayayaman? Nakita ng lalaking iyon na kawawa ang kapulisang nasaktan habang hindi naaabot ng isip niya na mas kawawa yung mga residenteng nasaktan din dahil sa karahasan. Nakalimutan niya na yata na may gamit proteksyon ang kapulisan habang ang mga residente ay wala. Ano ba naman yan! Bagamat nag-umpisa ang pambabato sa mga residente, hindi ito nangangahulugang walang kabuluhan ang kanilang paglaban. Ang karahasang ibinunga ng kahapong pangyayari ay isang manipestasyon na ang sinumang aalisan ng kabuhayan ay handang lumaban para igiit ito. Hindi sila mga basta basag-ulo. At kumpara sa mga ipinuputok ng butsi ng iba, mas makatwiran pa ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito. Kahit ang "putang ina" na isinisigaw nila habang may hawak na bato ay mas makabuluhan pa kaysa sa mga walang kwentang reaksyon ng mga taong nanood lang naman at hindi nakialam o hindi inalam kung ano nga ba ang totoo. Mga simpleng tsismosa o kontrabida sa mga ganitong eksena.

Sabi ko nga sa sarili ko, baka 'pag sila na ang inalis sa kani-kanilang mga tirahan dahil may mall na itatayo, dahil may LRT na gagawin, dahil binili na ito ng dayuhan o dahil trip lang ng pamahalaan ay saka pa nila maramdaman ang naramdamang galit ng residente ng North Triangle.

Ang Quezon City Central Business District (QCBD) ay ang 256-ektaryang proyekto  na layuning gawin ang lungsod bilang isa sa mga sentruhan ng kalakalan at negosyo na manggagaling sa iba't -ibang bansa. Ang proyektong ito ay nasa bisa ng pinirmahang  Executive Order no. 670 noong Ika-apat ng Mayo taong 2007 ni dating pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo. Ang nasabing EO 670 o  ang Rationalizing and Speeding Up the Development of the East and North Triangles, and the Veterans Memorial Area of Quezon City, as a “well-planned, Integrated and environmentally balanced mixed-use development model” ang nagbigay daan  para itayo ang QC-CBD.

Ang pamilya Ayala sa pamamagitan ng Ayala Land Inc., isa sa mga pinakamalalaking real estate developer sa bansa, ang namumuno sa proyektong ito. Sila ay pumirma ng isang kasunduan kasama ang National Housing Authority para i-develop ang 29.1 ektaryang ng kabuuan ng QC-CBD sa North Triangle. Ito ay nagkakahalaga ng 22 bilyon at magpapalikas sa tinatayang siyam na libong pamilyang naninirahan dito.

Hulyo 27 ng unang makatanggap ng notice of demolition ang mga residente ng nasabing lugar ngunit lumipas ang ilang linggo ay walang demolisyong naganap. Nakahanda at nakabarikada na ang mga resdente dito. Setyembre 15 naman ng mapadalhan muli sila ng "15-day notice of demolition". At kahapon nga (Setyembre 23) ay dumating na ang mga magdedemolish dito. At ito ay muling pinigilan ng mga residente sa pammagitan ng pagbabarikada dito. Alas-tres kahapon ay inaprubahan ni Judge Maria Luisa Padilla ang mosyon para sa  Temporary Restraining Order at ipinag-utos sa mga otoridad na ihinto ang demolisyon sa Central Terminal at North Triangle.

 

 

Bago ang demolisyon, ang bawat residente ay inalok ng reloskayon sa may Montalban, Rizal na nakakahalaga ng Php 250 000 at karamihan ng mga residente dito ay tinanggap na ito  Nunit makalipas ang ilang araw ay nagsipagbalikan din ang mga ito matapos malamang mahirap pala ang kalalagyan nila roon. Walang kuryente, walang tubig, mahal ang transportasyon, malayo sa paaralan at higit sa lahat hindi pala ito libre. Napag-alam din na ang relocation site na ito ay nasa gitna ng isang fault line na ayon sa mga pag-aaral ay maaring lumikha n lindol na may lakas na  7.2 magnitude. Ibigsabihin ay hindi mainam na tirahan ng mga tao. Wala rin daw maipangtutostos ang bawat pamilya dito na kumkita lamang ng halos mababa pa sa minimum wage. 
 

Panawagan ng mga residente: Kabuhayan, hindi demolisyon!

Ayon sa isang residente, hindi naman daw nila ipinaglalaban na mapasakanila ang lupang iyon. Maaari ngang hindi sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay. Ngunit ang hiling nila sa pamahalaan ay makataong pagtrato para sa kanila.

Hinihiling nila na ibigay kung ano ang nararapat at patas para sa mga katulad nila. Nais nila na sila ay mailipat kung hindi man sa tabi ng itatayong proyekto ay sa lugar sa loob rin ng Quezon City ng sa ganon ay hindi sila malayo sa kanilang kabuhayan, mga trabaho at paaralan.

Naiisip ko ngayon, ito na ba ang sinasabing tuwid na daan ni P-Noy? Ito ba ang sinasabi niyang iaangat niya sa kahirapan ang mga taga-maralitang lungsod? Sila kaya ang alisan ng bahay at ilipat malayo sa kanilang kabuhayan? Ganito na nga ba talaga kagarapal ang pamahalaan sa pambubusabos sa sarili nitong mamamayan? Halimbawa ay paano nga ba naatim na ibenta ng NHA, isang institusyon ng gobyerno ang lupang ito para sa dayuhan o sa mga negosyante nang hindi iniisip ang magiging kalagayan ng mga pamilyang naninirahan doon.

Kahapon ay wala akong ibang narinig sa mga residente kundi galit. Lalo na sa mga residenteng nasira na ang bahay. Hindi naman kasi natuloy ang demolisyon pero nawalan na sila ng tirahan. Wika pa nga ng isang residente sa mga kapulisan, "Maawa naman kayo, may patay kami ngayon".

Pero ang galit na ito ay magiging paninidigan kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo na mga mapagsamantala, kay Noynoy, sa mga Ayala at sa mga putang inang gahaman na iyan  na handang pumatay ang mga taong ito lalo na at hindi lang naman bahay ang inaalis nyo sa kanila--buhay! Buhay o kabuhayan nila ang ipnagkakait nyo sa kanila kaya handa rin nilang ialay ang kanilang buhay para igiit ang karapatan nila para dito. At matakot kayo sa pagkakataong wala nang sini-sino ang mga taong ito kundi ang kanilang paninidigan para igiit ang karapatan nila para sa mas maayos at desenteng pamumuhay.

At mas nakakagalit pa ay iwas-pusoy pa rin si Noynoy sa isyung ito--sa mga isyung inalako niya noong panahon ng kampanya na di-umano ay tutugunan niya. Mga isyung kinakikitaan ng interes ng  kauri at angkan niya. Nasan na ang yabang ni P-Noy? Nasan na ang makamasang pamumuno kung sa loob pa lang ng ilang linggo ay puros pahirap na ang nararanasan ng bayan? Malawakang demolisyon sa mga komunidad, pagtaas ng mga pangunahing bilihin at pasilidad, kahihiyan sa hostage-taking, pagtaas ng singil sa MRT, LRT, kuryente, tubig,  mga anomalya at marami pa.

Sabi nga ng Kilusang Mayo Uno ay hingi ng hingi ng honeymoon period si P-Noy para sa kanyang pamunuan pero wala namang honeymoon para sa mga isyung nagpapahirap sa bayan!

Putang ina!

P.S.
Kakatapos ko lang mapanood ang bidyo na inilabas ng Mayday Productions at lalo akong nasuklam at nainis sa mga nangyari. Naalala ko ang reaksyon ng lalaki kahapon na kawawa naman daw ang mga pulis. Parang gusto kong isigaw, "sige, basahin mo ito, panoorin mo ang mga bidyo at ngayon mo sa akin sabihing sino ang higit na mas kawawa sa kalagayang ito!"
 

=          
           
   
==          
     
     
           

 

PRESS RELEASE
September 24, 2010
For reference: Antonio Flores, KMP Spokesperson and Co-Convenor of Tanggol Magsasaka

Violent demolition at North triangle, felt like Hacienda Luisita massacre

The militant Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP, Peasant Movement of the Philippines) and Tanggol Magsasaka (Peasant Network for Land, Justice and Human Rights) condemned to the highest degree the violent demolition of shanties urban poor at North Triangle Sitio San Roque, Barangay Pag-asa in Quezon City and vowed support to the urban poor residents who are members of Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) and Anakpawis Partylist.

The groups said that the footages on the news looked exactly like the violent dispersal of police and military forces of the picketline of farmworkers which led to the Hacienda Luisita massacre on November 16, 2004.

“This is very disturbing as the Aquino government who promised change during elections have abandoned poor Filipinos, demolished their small houses and leave them homeless,” said Antonio Flores, KMP Spokesperson and Tanggol Magsasaka Co-Convenor.

“The demolition looked like Hacienda Luisita massacre where state forces used fascist measure to disperse the striking farmworkers, thus, they were compelled to defend their lines. At the incident, all sectors including women and children joined the barricades against the demolition team. They are desperate, they have nowhere to go,” said Flores.

However, the groups commended KADAMAY and Anakpawis for effectively leading the people in defending their homes. The groups were able to delay the demolition and succeeded in acquiring a temporary restraining order from a local court ordering the National Housing Authority to stop the demolition.

“The clashes between residents and the demolition team showed the real character of the legal system, which is anti-poor, anti-people, pro-rich and pro-foreign. The Aquino government prioritized the rich like the Ayalas and the interested foreign investors. Aquino totally abandoned the urban poor of Sitio San Roque,” Flores said.

The groups said that the residents were with them at their protest at Cojuangco-Aquinos’ residence at Times Street on June 8 and they called for Aquino to intervene and stop the demolition of their homes to give way to the Quezon City Commercial Business District (QC – CBD) project.

“Aquino ignored them, and now their homes are being demolished,” said Flores.

KMP and Tanggol Magsasaka said that most of urban poor in Metro Manila were peasants at the provinces who were displaced from their farms as landlords and foreign investors systematically grabs and convert lands.

“Filipino peasants across the country are being displaced from their farms such as those who cultivate Hacienda Looc in Nasugbu, Batangas, Hacienda Yulo in Calamba, Laguna, Tungkong Mangga in Bulacan, Parawagan in Montalban, Rizal, Bgy. Prado Siongco in Lubao, Pampanga, Sta. Barbara in Pangasinan, from the lands of Central Mindanao University (CMU), in Southern Mindanao region and many more areas. Now that they have migrated to Manila to gamble for jobs, they are being booted out, they have nowhere else to go, thus, they are pushed to fight for their rights,” Flores said.

KMP also suggested the urban poor residents to continue their organized and united struggle against the demolition and if they are capable, they set-up people’s camp-outs at agencies responsible.

“We from the peasant sector, we launch camp-outs such as in front of Dept. of Agrarian Reform (DAR) to drum up our issues. They could do same in front of the National Housing Authority (NHA), we would be then neighbors along the Elliptical Road,” suggested Flores. #

 

     
     
           
     
   

 

Doon po sa amin

by Ayie Montalban

September 26, 2010

 

Doon po sa amin

sa Sitio San Roque,

May buwayang gutom

Papet na may gahom.

 

Pinalo-pinaluka,

payapa ang daga,

Itakwil ang tama,

Utos ni Bathala.

 

Doon po sa amin

sa Sitio San Roque,

May mga burukratang

kapital ay sinamba.

 

Binenta ang masa,

Kapalit ang pera,

Nagtanggol ang masa,

Napigil ang amba.

 

Doon po sa amin

sa Sitio San Roque,

May mga negosyanteng

kaaway sa uri.

 

Gahaman sa tubo

Uutang ng dugo

Huwag lang mabigo

Ayala na tuso.

 

Doon po sa amin

sa Sitio San Roque,

May 'syam na libong

pamilyang pulubi

 

Kapag pinayagan

ang Demolisyon

Maghari ang Poong

bubunot ng Muhon

 

Doon po sa amin

sa Sitio San Roque,

Tatlumpo't limang libo

ang magtatagumpay

 

Kapag sama-sama

lupa'y mapapakanila

Maghahari'ng Masa

Hakbang sa paglaya!

 

 
 
   
   
   
     
 
     
     

 

Ang Mabuting Balita mula sa San Roque

By Teo S. Marasigan September 24, 2010

Pinoy Weekly Online

http://pinoyweekly.org/new/2010/09/ang-mabuting-balita-mula-sa-san-roque/

 

“Perwisyo” ang salitang pinawalan ng isang tagabasa ng balita sa estasyong Kapuso kaugnay ng matinding trapik sa Edsa at mga karatig-kalsada na idinulot ng demolisyon at ng paglaban dito sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City kaninang tanghali. Nakakakulo ng dugo.

Isang paglilinaw: Matagal nang nilalabanan ng mga maralitang lungsod sa nasabing lugar ang banta ng demolisyon. Sa pamumuno ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, kung anu-anong diyalogo ang pinilit nilang gawin sa mga opisyal ng gobyerno para huwag dumulo sa demolisyon ang isyu. Ang totoo, dumulog din sila sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino bago ito manumpang pangulo para ihapag ang kanilang problema at mga kahilingan.

 

At ito ang dapat maalala at mamalayan ng midya: Katakut-takot na pagsisikap ang ginawa ng mga maralita para matawag ang pansin nito sa kanilang isyu at kahilingan. Kung anu-anong gimik ang kanilang pinag-isipan at ginawa para mapitikan man lang ng larawan ng mga potograpo, makuhanan man lang ng footage ng mga cameraman, at mapag-aksayahan man lang ng ilang salita at laway ng mga mamamahayag. Pero hindi sila tumampok sa alinmang midya.

 

Sinasabi pa naman ng ilang mamamahayag na mahalaga ang midya sa pagpapatampok sa mga isyu ng mga maralita at mamamayan, para mapwersa ang gobyernong umaksyon. At may katotohanan ito.

Pero sa kaso ng Sitio San Roque, at napakarami pang kaso ng demolisyon, at napakarami pang kaso ng isyu ng mga maralita at mamamayan, hindi “tumulong” ang midya. Hindi nito ibinalita ang isyu para “makatulong” sa pagtawag ng pansin at pag-udyok ng aksyon ng gobyerno. Ngayong lumalaban ang mga maralita gamit ang sariling katawan, mga bato at mga kahoy, “perwisyo” ang dating ng paglaban ng mga maralita sa pagbabalita ng midya.

 

Sinisisi ngayon ang midya sa madugong pagwawakas ng hostage crisis noong Agosto 23; may kasalanan daw ito sa naganap. Pero mas dapat sisihin ang midya sa naganap na karahasan at trapik ngayong Setyembre 23; may kasalanan ito sa naganap. Sa hindi nito pagbabalita, sa mahabang panahon, sa paglaban sa demolisyon ng mga maralita ng Sitio San Roque, kinunsinti nito ang kawalang-aksyon ng gobyerno at ang kawalang-alam ng publiko. Nag-ambag ito sa pagkakasukol ng mga maralita, sa pagdahas sa kanila at sa paggamit din nila ng dahas.

 

Sinusuri raw ng midya ngayon ang sarili kaugnay ng hostage crisis ng Agosto 23. Pero higit pa sa pagharap sa mga usapin ng peace and order, na ang kadalasan ding tunguhin ay kontra-maralita, mas dapat suriin ng midya ang pagharap, o hindi pagharap, nito sa usapin ng mga maralita. O bawal itong suriin? Ito ang bawal suriin? Dahil negosyo sila ng mga pinakamayamang kapitalista?

 

Sa kasalukuyang sistemang panlipunan, laging may kulang, laging limitado, laging kapos, ang tagumpay na nakakamit ng mga maralita. Napigilan ng mga maralita ng San Roque, nang isang araw pa lang ngayon, ang pag-demolish sa kanilang kabahayan, kabuhayan at komunidad. At ito ang mabuting balita mula sa San Roque: kapag nagkakaisa ang mga maralita, kapag handa silang sumuong sa militanteng paglaban, kaya nilang magkamit ng tagumpay.

 

Habang nanonood ng telebisyon, hindi ko ikakahiyang sabihin sa inyo: naiyak ako sa tuwa, sa galak, sa giting ng napakaraming maralita. Pakiramdam ko, muli na namang isinisilang ang ating bansa.

23 Setyembre 2010

 

 
 
           

 

▼  PHOTOS BY PINOY WEEKLY  ▼

 

           
     
   

 

Itigil ang Demolisyon sa Sitio San Roque! Suportahan ang mga maralitang lungsod!
Date:  23 September 2010
Reference Person:  Roger Soluta, KMU secretary-general
Contact information  0928-721-5313

Mariing kinokondena ng Kilusang Mayo Uno ang nagaganap na demolisyon
ng mga bahay ng maralitang lungsod sa Sitio San Roque, Barangay Bagong
Pag-asa, Quezon City. Itinuturo namin ang gobyernong Aquino, ang
kapitalistang pamilyang Ayala, ang mga opisyal ng National Housing
Authority, Metro Manila Development Authority at lokal na pamahalaan ng
Quezon City bilang mga kriminal sa likod ng demolisyong ito.

Makatarungan ang paglaban ng mga residente ng Sitio San Roque.
Hindi lamang ito usapin ng kanilang mga tirahan na matagal na nilang
inookupa. Usapin din ito ng kanilang kabuhayan na mawawala kung sila ay
palalayasin. Karapatan nila, katulad ng lahat ng maralita, ang
paninirahan at kabuhayan. Dahil hindi ibinigay ng pamahalaan ang
kanilang mga karapatan, gumawa sila ng paraan. Ngayon, ito ang inaalis
sa kanila.

Gusto silang dalhin sa relocation site sa Montalban, Rizal na isinusuka
maging ng mga residente doon. Mawawalan na nga sila ng kabuhayan sa
pag-demolish sa kanilang tahanan, dadalhin pa sila sa lugar na walang
tubig, walang kuryente at binabaha kapag umuulan. Makatarungan na
labanan nila ang ganitong klase ng relokasyon, na walang iba kundi
pagtatapon sa mga maralita sa lugar ng lalong kahirapan at pagkabusabos.

Matagal nang naghahanap ang mga residente ng Sitio San Roque ng
mapayapang pakikipag-usap sa mga opisyal ng gobyerno tungo sa mapayapang
pagresolba ng usapin sa lupa sa kanilang lugar. Bago pa man maupo si
Presidente Noynoy, dumulog sila sa bahay nito para ihapag ang kanilang
mga panawagan. Matapos ang maraming pagtuturuan ng mga sangkot na
opisyal, sa dulo’y hindi pa rin sila pinakinggan.

Kaya ngayon, napupwersa silang lumaban. Binarikadahan nila ang papasukan
ng demolition team patungo sa kanilang kabahayan. Nang marahas na
binuwag ang barikada at marahas na tinungo ang mga bahay nila ng
demolition team para wasakin, hindi napigilan ang pambabato sa
demolition team. Kasalanan ito ng mga kriminal sa likod ng demolisyon.
Hindi nila pinakinggan ang mga panawagan ng mga maralita.

Maingay ang gobyernong Aquino sa paghingi ng honeymoon period sa
midya at mga mamamayan. Pero walang honeymoon period na ibinigay ang
gobyernong ito sa mga maralitang lungsod. Tuluy-tuloy ang demolisyon ng
mga kabahayan nila. Bago ang demolisyon sa Sitio San Roque, naganap ang
marahas na demolisyon sa New Manila kamakailan lang. Tinapatan din ito
ng militanteng paglaban ng mga residente doon.

Sabi ng gobyernong Aquino, pinag-aaralan pa nito ang tunay na kalagayan
ng bansa. Pero hindi pag-aaral ang nakikita ng mga maralita, kundi
pandarahas at pambubuwag ng mga tahanan. Sa nagaganap na demolisyon sa
Sitio San Roque, lalo lang ipinapakita ng gobyernong Aquino na isa
talaga itong gobyerno ng mayayaman, ng mga malalaking kapitalista,
panginoong maylupa, at dayuhang kapangyarihan sa bansa.

Ito ang ipinapaabot namin sa mga maralita ng Sitio San Roque:
Hindi kayo nag-iisa. Kaisa ninyo ang mga manggagawa at mamamayan na
biktima rin ng maka-kapitalistang modernisasyon at kontra-maralitang
pambubusabos na isinusulong ng gobyernong ito at ng malalaking
kapitalistang tulad ng mga Ayala. Ang inyong makatarungang laban ay
laban ng lahat nating manggagawa at mamamayan.

Tinatawagan namin ang lahat ng manggagawa at mamamayan: Ipakita natin sa
mga maralita ng Sitio San Roque ang ating mainit na pakikiisa. Tumungo
tayo doon. Patatagin natin ang kanilang barikada. Magdala tayo ng
suporta. Gamutin natin ang mga sugat nila. Makiisa tayo sa paglaban para
sa paninirahan at kabuhayan. Ipaunawa natin sa lahat ang makatarungang
paglaban ng mga maralita ng Sitio San Roque. #

 

 
 
 
   
     
     
   

 

Sa Ganitong Pagturing*
by Kislap Alitaptap
24 Setyembre 2010/0143H

Mga tahanang gaya ng
Nitsong naghihintay
Ng bangkay at kalansay
Na dito’y isusubo’t iluluwa.
Komunidad na kahalintulad
Ng sementeryong
Tinutubua’t nilalatagan
Ng amorseko.
Komunidad ng mga walang pag-asa!
Komunidad ng mga walang kaluluwa!
Komunidad ng mga walang dangal!
Komunidad ng mga bangkay!

Ganito nila kung ituring
Ang ating pamumuhay,
Habang sila’y lumulutang
Sa kalawakan ng kaunlaran.
Ganito nila kung ituring
Ang ating pag-iral,
Habang sila’y humaharurot
Na lulan ng sasakyang bulletproof.
Ganito nila kung ituring
Ang ating pagsisikap,
Habang sila’y malayang nakalalasap
Ng katiwasayan sa magdamag.

Sa ganitong pagturing
Nila napagpasyahang,
Sagasaan ang ating mga tahana’t
Tayo’y ilibing sa sementeryo
Ng Montalban.

Sa ganitong pagturing,
Sila nabulag.
Sa ganitong pagturing,
Sila natuyuan ng utak.
Hindi nila napagtantong
Tayo’y may buhay.
Mga buhay tayong mamamatay
Na hindi nakaluhod,
O kaya’y bukas ang mga palad.
Mga buhay tayong mamamatay
Na nakabarikada ang mga paa!
Mga buhay tayong mamamatay
Na may dangal at pag-asa.! #

*para sa mga mamamayang maralita sa North Triangle, Quezon City.

 

 
 
   
   
   
   

 

More Than 6,000 Urban Poor Families Defy Order to Resettle in ‘Mental-ban’
Published on September 22, 2010
http://www.bulatlat.com/main/2010/09/22/more-than-6000-urban-poor-families-defy-order-to-resettle-in-mental-ban/


The relocation site is right in the middle of the Marikina fault line. There are no livelihood opportunities available and the houses are made of light materials.

By JANESS ANN J. ELLAO
Bulatlat.com

MANILA — With a loan from the company her husband is working for as a driver, Emelyn Vidas, 31, and her husband were able to build their home in Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa in Quezon City. They religiously paid the monthly amortization for more than a year. But just before they were fully paid, the Vidas family, along with other families in the community, received a notice of demolition from the National Housing Authority (NHA).

“I feel bad at the thought that I would have to leave this home,” Vidas told Bulatlat in Filipino, “It is very simple but my husband and I worked hard for it.”

The Quezon City Central Business District (QCBD) is a 256-hectare project that would supposedly put Quezon City, if not the entire country, “at the forefront of global investment and business interest.” Former president Gloria Macapagal-Arroyo signed on May 4, 2007 Executive Order No. 670 or the Rationalizing and Speeding Up the Development of the East and North Triangles, and the Veterans Memorial Area of Quezon City, as a “well-planned, Integrated and environmentally balanced mixed-use development model” to give way to the creation of the QC-CBD.

Residents along Agham Road call on the government to put a stop to the QC-CBD project. (Photo by Jennifer Chan / bulatlat.com)

The Ayala Land Inc., a big real estate company, has signed an agreement with the NHA to develop 29.1 hectares of the QC-CBD in North Triangle at an estimated cost of P22 billion ($500 million at an exchange rate of $44=P1). The project, however, would displace thousands of urban poor dwellers who include government employees.

The notice of demolition dated July 27, 2010 is by far the most traumatic experience that Vidas could think of. “I could not eat,” she said, adding that she is being tortured by the thought that in three days, they would not have a place to call home. She joined other families who barricaded the community but no demolition team came.

At the people’s camp where residents are preparing for the arrival of demolition teams. (Photo by Jennifer Chan / bulatlat.com)

On September 15, the residents of Sitio San Roque received another 15-day notice of demolition. Residents are expecting that the demolition team would arrive either on September 23 or 24 since the notice should only include working days.

“We learned how to fight because our rights are being violated and we are being abused because we are poor,” Agham-Terminal Anakpawis Chapter president Romel Gupo said.

‘Mental-ban’

The NHA offered the residents of Sitio San Roque P1,000 ($23), five kilos of rice, two packs of instant noodles and two canned sardines if they would agree to be relocated to Montalban, Rizal. They are also being offered a 20-square meter house at the relocation site, which is supposedly worth P250,000 ($5681).

Gupo told Bulatlat that the houses are made of light materials. “(The houses) would collapse the moment you hit it.” He added in a sarcastic tone saying that it was definitely “a government project.”

There are about 3,000 of the total 9,000 families who have accepted the government’s offer. But Gupo said there are some who have returned from the relocation site because there are no livelihood opportunities available in Montalban.

“What would you do with a fancy house if you cannot earn a living?” Gupo said, “Are they telling us to eat the wall instead?”

Gupo said transferring to Montalban would create difficulties for children studying in public schools nearby and for those who are employed in offices within Quezon City and in neighboring cities. Most of the residents are minimum wage earners and at times, earn less. They are working either as security guards, construction workers, drivers or salesladies. Gupo said if they transfer and live in Montalban, they would spend P120 ($3) more for their fare.

Worse, Gupo told Bulatlat, the relocation site is right in the middle of the Marikina fault Line. He said the fault line extends from the Sierra Madre mountain range to Bulacan, eastern Metro Manila Rizal and Tagaytay City. The Philippine Institute of Volcano and Seismology, which has been monitoring the movement of the earth along the fault line, said it could generate an earthquake with an intensity of 7.2 magnitude.

“It is not recommended for housing facilities because in five to ten years time, it might open up,” Gupo said. With this, they now dub their relocation area in Montalban as “Mental-ban’ because, he said, it would be mental to resettle there in the first place, and secondly, those who have accepted the government’s offer would lose their sanity with the miserable life that awaits all of them.

‘On-site’ or ‘In-city’ Schemes

Gupo said they are not fighting to own the land but to get what is due and fair to them. He said urban dwellers in Sitio San Roque should get an “on-site” or “in-city” relocation. The on-site relocation they are pushing for is the construction of a semi-high rise building or bliss type housing facility that would be placed within the QCCBD compound. The in-city, on the other hand,would be a relocation area within Quezon City.

The residents have already held a dialogue with the NHA four times since they first received the 30-day notice of demolition on May 2010. They were hoping that the government agency would consider their suggestions. However, Gupo said, NHA officials are insisting that they would have to transfer and resettle in Montalban.

The houses in the relocation area, on the other hand, which are supposedly worth P250,000 ($5,681)each, would not be given for free. On the second year, those who would be relocated would have to pay P200 ($4.54) monthly amortization and P600 ($13.63) from their fifth year onwards.

With the threats of demolition only two or three days as of press time, Gupo said, the residents are ready to defend their homes and their rights.

“I will only put my family in much more danger if we decide to go to Montalban. We would rather stay and fight instead,” Vidas said. (Bulatlat.com)

 

 
 
 
 
 
 
   
     
     
     
     


Report
BATO SA EDSA
by Raymund B Villanueva

September 25, 2010 at 1:40am

Magandang gabi, Pilipinas
Dumaan ang araw na walang demolisyon
Ngunit nagsunog na naman
Ng mga barong-barong
Sa gilid ng Trinoma
Kanina.
Samantala
Walang katigil-tigil ang paninisi
Ng mga burgis sa mahihirap.
Kawawang mga yagit, walang pang-Facebook
Para maipagtanggol ang sarili.
Di ko mawari bakit
Kung paanong nauwi sa murang cellphone
Ang isyu ng demolisyon.
“Basta iskwater, tiyak isnatser.”
Nakalimutan na si politiko
At holdapan sa gubyerno.
A, basta!
May silbi pa rin naman
‘Yang mga tibag na semento
sa tabi ng kalsada.
Pag dumating uli sila
Pagsikat ng umaga
Muling lilipad
Ang mga bato sa EDSA.
 

     
     
Click here for the original posting of the above photos with captions at Pinoy Weekly Online
     
   
   
Videos by Pinoy Weekly
           

 

CPP denounces QC demolition as payment for Aquino debt to Ayala oligarchs

September 24, 2010
http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/statements/releases.pl?date=100924;refer=cpp;lang=eng

 


The Communist Party of the Philippines (CPP) denounced the harsh demolition of urban poor homes yesterday by the National Housing Authority (NHA) and the Philippine National Police (PNP) in Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City, calling it "bloody payment for Aquino's political debts to the big business oligarchs of Makati."

Scores were hurt when police-escorted NHA demolition teams started wrecking housing structures and applying force as long-time residents of the area fought to defend their homes. "The demolition operations were carried out by the NHA and the PNP in complete disregard of the legal and human rights of the residents and despite their pleadings for renegotiations first," said the CPP.

"The demolition of urban poor homes yesterday in Sitio San Roque was ferociously and pitilessly carried out by the NHA and PNP, showing the Aquino government's determination to pay its political debts to the Ayalas of Makati at all cost," said the CPP. The Ayalas were among the biggest contributors to Aquino's election campaign fund.

The CPP said the demolition of urban poor communities and the takeover by private businesses of land and other assets in the area are being carried out by the US-Aquino regime in accordance with its Private-Public Partnership central thrust that is being promoted by the imperialist International Monetary Fund and World Bank (IMF-WB).

The CPP pointed out that the Ayalas are the principal private investor in the P22-billion Quezon City Central Business District (QCCBD) project to build a new prime commercial and business center on the 30-hectare Sitio San Roque. Under the QCCBD, Ayala Land Inc. (ALI) plans to set up new giant commercial and business establishments in the area. The NHA expects to earn P12 billion from the sale of the property.

 

 


"The utter disregard for the rights and interests of the residents of Sitio San Roque in yesterday's demolition gives the lie to Aquino's 'Kayo ang Boss Ko!' bombast," said the CPP.
 

There are up to 25,000 families living in the area, many of whom have been residents for at least 20 years, and are totally dependent on some jobs and other sources of livelihood in the area. They will all be without any source of income in Montalban, Rizal where the NHA wants to relocate them. Daily fare back and forth to the area, where the residents have jobs and other livelihood, amounts to more than P100 a day. "The residents have all the legal and moral right to defend their homes and lives. They are fully justified to resist the demolition through collective action," said the CPP.

Residents were granted a temporary reprieve when a Quezon City court issued yesterday afternoon a 24-hour restraining order to stop the demolition. However, the NHA insists on pushing through with the demolition in the coming days.

"We can expect more of these forcible evictions of entire communities to be carried out by the US-Aquino regime in the next six years as it seeks to pave the way for the operations of big foreign and comprador businesses in total disregard of the aggrieved people's interests."

"Urban poor and peasant communities must brace for bigger struggles in the coming months and years to defend their land, homes, lives and interests," said the CPP.
Reference:
Marco Valbuena
Media Officer
Cellphone Numbers: 09156596802 :: 09282242061
E-mail:cppmedia@gmail.com

           
BONUS TRACKS
           

Makibaka


Hinding hindi magagapi pakikibaka nating nag-aalab
Parang bulkang sumasabog natin tatapusin pagpapahirap
Hinding hindi tayo bibitaw sa ating paninindigan
Tayo ang magpapalaya sa ginahasang lipunan
Handa na ba kayo?
Halina at sumama!
Handa na ba kayo?
Halina at sumama,
Manindigan, makibaka!
Hinding hindi aatras ang bayan nating lumalaban
Lalo at dumadami ang hanay nating naninindigan
Hinding hindi tayo susuko sa ating pakikibaka
Ang tunay na pag-unlad ay makakamit lang kung ang bayan ay mapalaya!

**          

 

 
 

Google