![]()
Learning lessons outside the classrooms:
Students join walkout against budget cut on education,
fight for greater state subsidy
September 24, 2010
|
Photo credit is reflected in the filenames: Arkibongbayan, kpl (kabataan partylist), judyt (judy taguiwalo), rsarmiento (robert Sarmiento), ublib (UPLB), and UP Tacloban |
|||||
|
x State Universities & Colleges Budget Briefer 20116 September 2010 2,620 views View Comments ANG PROPOSED 2011 BUDGET NG ADMINISTRASYONG AQUINOPara sa taong 2011, ang panukalang budget ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay umaabot sa halagang mahigit P1.6 trilyon. Ayon sa kanya, ang panukalang budget para sa 2011 ay nakatuon sa “reform” at sa kanyang pangakong “matuwid na daan.” Aniya, ang budget ng kanyang administrasyon ay may pagkiling para sa mga mahihirap.
Ngunit, kung susuriin nang mabuti, ipinagpapatuloy lamang ng 2011 Budget ang pangkabuuang polisiya ng nakaraang mga administrasyon, ang polisiya ng sistematikong pagbabawas-gastos sa mga serbisyong panlipunan sa ngalan ng pagtitipid upang siguraduhin ang tuluy-tuloy na pagbabayad ng utang sa mga lokal at dayuhang kreditor. Sa katunayan, ang panukalang bayad-utang ng gobyerno para sa 2011 ang pinakamataas nito sa kasaysayan. Aabot ito, kapag pinagsama ang prinsipal at interes, sa mahigit-kumulang P823.27 bilyon (P357.09 bilyon sa interes at P466.18 bilyon sa prinsipal na hindi isinasama sa kabuuang buget proposal ng pamahalaan).
Isa sa mga pangunahing tinatamaan ng ganitong neoliberal na polisiya sa paggastos ng pamahalaan, na dikta mismo ng mga lokal at dayuhang nagpapautang, ay ang mga State Universities & Colleges (SUC’s).
Tulad ng mga polisiya ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa mga SUC’s na nakasaad sa kanyang Medium Term Development Plan for Higher Education, itinutulak rin ni Pangulong Aquino ang pagbabawas ng subsidiya sa SUC’s upang pilitin ang mga ito na lumikom ng sarili nitong pondo sa pamamagitan ng pagtataas ng matrikula, pagbebenta o pagpapa-upa sa mga lupain at pasilidad, bukod sa iba pang mga paraan. Ani Aquino sa kanyang 2011 Budget Message, balak ng kanyang gobyerno ang “gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income.”
Sa kabila ng “austerity measure” ng administrasyong Aquino upang pagkasyahin ang “meager resources” ng pamahalaan para sa lahat ng serbisyong panlipunan, nakakamangha na nagagawa pa nitong dagdagan nang limpak-limpak ang budget ng militar na paglalaanan nito ng P104.7 bilyon. Higit sa doble rin ang naging pagtaas ng budget para sa takaw-kurapsyon na “pork barrel” mula P10.9 bilyon patungong P24.8 bilyon. Naglaan din ang pamahalaan ng mahigit P15 bilyon para akitin ang mga pribadong mamumuhunan na makipagsosyo sa gobyerno upang magtayo at magpatakbo ng mga serbisyo at imprastraktura sa pamamagitan ng “public-private partnerships,” taliwas sa sinabi ni Aquino noong kanyang unang SONA na walang gagastusin ang pamahalaan para sa mga hakbanging ito. KABUUANG STATE SUBSIDY NG MGA STATE UNIVERSITIES & COLLEGES
Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing ng Department of Budget and Management *Kasama na ang mga
hiwalay na pondo para sa Personnel at Retirement Pension Benefits ng mga
empleyado ng SUC’s, na nakabukod sa SUC appropriation sa aktwal na
General Appropriations Act
Para sa taong 2011, ang ilalaan na kabuuang subsidiya ng administrasyong Aquino para sa mga SUC’s ay mahigit-kumulang P23.41 bilyon (kabilang na ang pondo para sa Personnel at Retirement Pension benefits na sa aktwal na General Appropriations Act ay hiwalay sa budget ng SUC’s). Mas mababa ito nang mahigit P437 milyon mula sa budget ng SUC’s ngayong 2010, at mas mababa ito nang halos P2 bilyon mula sa budget ng SUC’s noong 2009. Ang pinakamalalang tatamaan ng mga budget cut para sa 2011 ayon sa indibidwal na proposed budget ng mga SUC’s (hindi pa kasama ang dagdag na halaga mula sa hiwalay na Personnel at Retirement Pension benefits) ay ang mga sumusunod:
SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA PORSYENTO)
SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA AKTWAL NA SUBSIDIYA)
Makikita rin sa “real value” ng state subsidy ng SUC’s na bagamat may paglaki sa nominal na subsidiya na binibigay ng pamahalaan para sa mga SUC’s sa loob ng nakaraang dekada, ang aktwal na halaga nito ay unti-unting bumaba taun-taon. Lumiliit din ang halaga nito kung isasama ang katotohanang dumadami ang mga programa ng mga SUC’s at lumalaki ang bilang ng kanilang mga mag-aaral.
Ayon sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) at sa Consumer Price Index (CPI) data ng National Statistical Coordination Board (NSCB) LUMILIIT NA STATE SUBSIDY PARA SA MAINTENANCE & OTHER OPERATING EXPENSES
Patuloy at mas malala ang pagbagsak ng subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa mga SUC para sa “Maintenance & Other Operating Expenses” (MOOE) ng mga ito. Ang MOOE ang pondo ng ginagamit ng mga SUC’s para aktwal na patakbuhin ang mga iba’t ibang mga serbisyo at pasilidad ng mga kolehiyo. Halimbawa, dito kinukuha ang pambayad sa kuryente, sa mga kontraktwal na empleyado, mga scholarships, sa pag-maintain ng mga pasilidad, at iba pa. Dahil sa natural na taunang pagtaas ng budget para sa “Personnel Services” (PS) ng mga SUC’s upang tugunan ang “Salary Standardization Law,” hindi buong nahahalata ang malubhang pagbabawas ng subsidya para sa MOOE sa maraming SUC’s.
Mahigit P1.1 billion ang kaltas sa MOOE para sa taong 2011 mula sa antas nito noong 2010. Ito ang pinakamalaking kaltas sa MOOE sa kasaysayan. Posibleng ito rin ang pinakamababang MOOE sa loob ng mahigit isang dekada kung iko-compute ang maaaring halaga lang nito sa “real value” gamit ang halaga ng pera noong 2000 bilang constant.
Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget and Management (DBM)
7 SUC’s NA MABABAWASAN NG HIGIT 50% ANG M.O.O.E. SA 2011
Ang kakulangan sa pondo para sa pagpapatakbo sa mga SUC’s ang pangunahing dahilan ng mga ito upang itaas ang matrikula at iba’t ibang mga bayarin mula sa mga mag-aaral. Kaya’t sa lubhang pagbaba ng MOOE ng mga SUC’s sa 2011, tiyak at walang duda na mapipilitang gumawa ng paraan ang mga namamahala sa mga SUC’s na huthutin mula sa mga mag-aaral ang kakulangan sa pondo sa pamamagitan ng tuition and other fee increases. WALANG CAPITAL OUTLAY
Walang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa “Capital Outlay” ng mga SUC’s. Ang “Capital Outlay” ang bahagi ng budget ng isang ahensya ng pamahalaan na ginagamit para sa pagbili ng mga bagong pasilidad at pagtatayo ng mga bagong gusali at imprastraktura.
Kung matutuloy ang panukalang zero capital outlay ni Pangulong Aquino, ito ang magiging unang pagkakataon na walang magiging pondo ang mga SUC’s para sa kailangang-kailangang pambili ng mga pasilidad at pagtatayo ng mga silid-aralan at iba pang imprastraktura para sa mga mag-aaral. (Noong nakaraang taon, halos zero capital outlay rin ang panukala ng administrasyong Arroyo para sa 2010, ngunit ito ay napigilan sa pamamagitan ng pagreallocate ng pondo ng ibang ahensya patungo sa SUC’s).
LUMALAKING KITA AT BAHAGI NG KITA MULA SA TUITION AND OTHER FEES
Patuloy ang pagtaas ng kinikita ng mga SUC’s mula sa tuition at iba’t ibang mga bayarin na kanilang sinisingil mula sa mga mag-aaral nang dahil na rin sa pinapatupad na tuition and other fee increases.
Mula sa kabuuang P1.5 billion isang dekada ang nakararaan, aabot ito sa mahigit-kumulang P7.7 billion sa 2011, ayon sa projection ng gobyerno. Ito ay bubuo sa mahigit 22.1% ng kabuuang budget ng mga SUC’s mula sa 8.3% lamang noong 2001.
Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget and Management (DBM), in thousand pesos LUMILIIT NA BAHAGI NG STATE SUBSIDY
Bukod sa kita mula sa mga sinisingil na mga bayarin ng mga SUC administration mula sa mga mag-aaral, kumikita rin ang mga SUC’s sa pamamagitan ng pagpapa-upa at pagbebenta ng mga lupain at pagsasapribado ng mga imprastraktura at facilities nito. Ang kabuuang kita ng mga SUC’s mula sa mga bayarin mula sa estudyante at iba’t iba pang iskema ng paglikom ng sarili nitong pondo ay bumubuo sa kanilang “internally-generated income” na hiwalay sa subsidiya na binibigay ng gobyerno para patakbuhin ang mga naturang unibersidad at kolehiyo.
Mula 2001, kung saan ang state subsidy ay bumubuo sa 84.14% ng kabuuang budget ng mga SUC’s, patuloy itong lumiit hanggang sa ito ay katumbas na lamang ng 66.3% ng kabuuang budget ng mga SUC’s sa 2011.
Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget & Management (DBM) PINAKAMABABANG SUBSIDY PARA SA BAWAT ISKOLAR NG BAYAN SA UNANG TAON NI AQUINO
Datos mula sa Commission on Higher Education * Estimation base sa average growth rate ng laki ng enrollment sa public at private universities & colleges Sa kabila ng unti-unting paga-abandona ng gobyerno sa mga SUC’s sa pamamagitan ng mga budget cuts, patuloy naman ang paglaki ng bilang ng mga kabataan na pumapasok at gustong pumasok sa mga SUC’s nang dahil na rin sa walang-habas na pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan.
Sa ganitong lagay, ang anumang kakarampot na budget na ibinibigay ng gobyerno sa mga SUC’s ay nawawalan pa ng halaga dahil sa ito ay pinaghahatian ng mas dumadaming kabataang mag-aaral. Sa aktwal, lumiliit nang lumiliit ang ginagastos ng gobyerno sa bawat isang iskolar ng bayan. Maaaring ang SUC subsidy para sa 2011 ang pinakamababang per-student spending ng pamahalaan sa loob ng mahigit isang dekada.
Table showing the actual and real value of subsidy the state is providing each state university student the past decade
Decreasing state subsidy-per-student over the years
Lumalabas na para tumbasan ang halaga ng state subsidy per student noong taong 2000, kailangan maglaan ng gobyerno ng karagdagang P11,244.66 para sa bawat iskolar ng bayan para makaabot ito sa P34,960.94 bawat isa. Ang halagang ito ay hindi pa nga sasapat para makapag-enroll ang isang kabataang Pilipino sa maraming pribadong kolehiyo sa Maynila, maging sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan aabot sa mahigit P40,000 ang lahat ng bayarin kada taon.
Para lang tumbasan ang halaga ng state subsidy noong 2000, ang dapat na state subsidy para sa mga SUC’s ngayong taon ay P34.5 bilyon, mas mataas ng mahigit P11.09 bilyon mula sa panukala ni Pangulong Aquino. Hindi nakapagtataka na sa kabilang banda, ang projected na kikitain ng mga SUC’s mula sa tuition at iba pang bayarin mula sa mga iskolar ng bayan ay P11.89 bilyon, halos eksakto at sapat para punan ang kakulangan ng pamahalaan.
From: http://kabataanpartylist.com/blog/state-universities-colleges-budget-briefer-2011/
|
![]() |
||||
| ▲ Burning Aquino III ▼ | |||||
![]() |
|||||
| Aquino’s Effigy Burned for the First Time; Youth Angry over Education Budget Cut | |||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
| ▼ Speeches at Plaza Miranda and Mendiola ▼ | |||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
| Gabriela Rep. Luz Ilagan | |||||
![]() |
|||||
| Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino | |||||
![]() |
|||||
| ▼ Mendiola: removing the barbed wire police barricades▼ | |||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||
![]() |
National Union of Students of the Philippines
[NUSP] |
||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
| ▼ March to Mendiola ▼ | |||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||
|
League of Filipino Students
|
![]() |
||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||
![]() |
FOR IMMEDIATE RELEASE |
||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
|||||
![]() |
![]() |
![]() |
|||
| = | |||||
| == | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
x Labanan ang 1.39 budget cut sa UP! Igiit ang mas mataas na budget para sa UP at sa iba pang SUCs! Pahayag sa Anyong Praymer ng UP Kilos Na: Labanan ang Budget Cut! Setyembre 14, 2010
Sa panukalang P 1.645 trilyong budget para sa 2011 ni Pangulong Noynoy Aquino, anu-ano ang naragdagan at anu-ano ang binawasan?
Ang panukalang budget para sa 2011, ang kauna-unahan sa termino ni Aquino, ay P1.645 trilyon na halos pitong porsyento ang itinaas sa P1.54 trilyong budget noong 2010. Tinawag ni Aquino na “reform budget” ang inihapag na panukalang budget at aniya’y may pagkiling ito sa mahihirap.
Ang mga sumusunod ang ilan sa nagkaroon ng pagtaas:
Naglaan ng P823.27 bilyon ((P357.09 bilyon sa interes at P466.18 bilyon sa prinsipal na hindi isinama sa kabuuang buget proposal ng pamahalaan) sa bayad-utang. Tumaas ng P80.9 bilyon ang alokasyon sa bayad sa interes pa lamang. Samantala, dinagdagan ng P10 bilyon ang budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at lumaki rin ang pondo ng Philippine National Police (PNP) ng P6.6 bilyon.
Higit sa doble rin ang naging pagtaas ng budget para sa takaw-korapsyon na “pork barrel,” mula P10.9 bilyon tungong P24.8 bilyon. Naglaan din ang pamahalaan ng mahigit P15 bilyon para akitin ang mga pribadong mamumuhunan na makipagsosyo sa gobyerno upang magtayo at magpatakbo ng mga serbisyo at imprastraktura sa pamamagitan ng “public-private partnerships.” Taliwas ito sa sinabi ni Aquino noong kanyang unang SONA na walang gagastusin ang pamahalaan para sa mga hakbanging ito.
Ang GOCCs na sa anunsyo ng Kalihim sa DBM Florencio Abad ay mababawasan ng P16 bilyon (mula P39.3 bilyon tungong P23.3 bilyon) ay tataasan ng P1.1 bilyon batay sa pag-aaral ni Senador Franklin Drilon.
Tumaas ng P32.2 bilyon ang alokasyon para sa basic education para tugunan ang dagdag na silid aralan, dagdag na mga items para sa mga guro at pagtaas ng sweldo ng mga empleyado sa sector. Ang alokasyon para sa pabahay ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng P273 milyon tungo sa kabuuang P5.7 bilyon
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga nabawasan:
Nabawasan nang halos 10 porsyento ang alokasyon para sa serbisyong pangekonomiya: mula P398.9 bilyon noong 2010 tungo sa P361.1 bilyon para sa 2011. Tinamaan nang husto ang agrikultura at repormang agraryo, komunikasyon, kalsada, at iba pang imprastrukturang pangtransportasyon, power at enerhiya, pagpapaunlad ng water resources, at flood control. Nagbabadya ang ganitong pagbabawas ng lalo pang pribatisasyon ng mahahalagang imprastrukturang pampubliko at ang kakambal nitong pagtataas ng singilin sa mga ito.
Ang 2010 alokasyon sa kalusugan na P40 bilyon ay nabawasan pa, ginawang P38.6 bilyon na lamang para sa 2011.
Gaano kalaki ang planong pagbabawas sa budget ng UP para sa 2011!
Sa taong 2011, sa unang budget na inihapag ng kauupong administrasyong Aquino, bumulaga sa atin ang planong muling babaaan ang ating budget. Mababa ng halos P1.4 bilyon ang 2011 proposed UP budget kung ikumpara sa naaprubahang budget noong 2010.
* **http://www.dbm.gov.ph/NEP2011/SUCS/NCR/SUCS-NCR.pdf May pagtaas sa personal services (PS) bunga ng implementasyon ng ikalawang tranche ng SSL3 pero binawasan ng P654 milyon ang ating MOOE at zero ang capital outlay.
Ano ang naging pahayag ng Administrasyong Roman kaugnay ng napipintong pagbawas sa budget ng UP?
Ayon kay President Roman sa interbyu sa kanya ng Philippine Collegian, ang pagbaba ng MOOE ng mahigit pitong milyong peso ay bunga ng “‘non-recurring items’ in the budget, which are sums given to the university for specific research and construction projects in a certain year.” (“DBM slashes P1.3B from proposed P11B UP budget,” Set. 3, 2010, p. 3). Totoo man ang ganitong paliwanag, lumalabas na si Roman ay nagbibigay pa ng katwiran sa pagliit ng ating budget. Alam naman niya kung gaano naiipit ang iba’t ibang kolehiyo at yunit, pati na ang PGH, sa kakapusan ng panustos para sa maintenance ng mga gusali at pasilidad, at sa pambayad sa tubig at kuryente na taon-taon na lamang ay tumataas kahit pa sa harap ng pagtitipid ng mga administrador at empleyado.
Mas maiintindihan ang pagtanggap na lamang ng administrasyong Roman sa mas mababang budget sa UP sa sumusunod na paliwanag niya sa Philippine Collegian:
The President’s (Aquino) message about reducing subsidy to higher education is not different from the previous administration’s position…This is why UP has been trying to generate resources from other sources and its land grants. (ibid)
Nakaligtaan na yata ni Presidente Roman ang probisyon sa 2008 UP Charter, Section 22 (f) na “…….That funds generated from such programs, projects or mechanism (patungkol sa kikitain ng unibersidad sa mga land grants at iba pang pag-aari) shall not be meant to replace, in part or in whole, the annual appropriations provided by the national government to the national university”
Ano ang magiging epekto sa komunidad ng UP sa patuloy na pagliit ng budget ng UP?
Kapag binabaan pa lalo ang budget ng UP, mas may dahilan ang administrasyon ng UP na magpataw ng dagdag na bayarin at singilin sa mga estudyante, at mapabilis pang lalo ang komersyalisasyon ng mga lupain at mga serbisyo ng UP.
Apektado rin ang mga faculty na walang items, mga kawani na contractual at ang mga doctor sa UPM PGH na “without compensation” ang katayuan. Sa isinumite ng Administrasyong Roman na P18 b 2011 budget ng UP sa DBM naroon ang mga alokasyon para sa mga dagdag na items para sa mga kaguruan, paggawang permanent ng mga casuals, alokasyon para mabayaran ang mga doctor ng PGH na ngayon ay “without compensation” at humingi pa nga ng dagdag na MOOE.
Lalong igigiit ng administrasyon ang pagsasara sa UFS para makatipid at para magkaroon nang dagdag na kita sa mga concessionares. Ganoon din, tataasan na naman ang mga singilin sa mga vendors at mga drayber ng mga pampublikong jeep sa UP.
Ano ang maaari nating gawin para labanan ang budget cut sa UP?
Alalahanin natin ang tagumpay na nakamit natin sa sama-samang pagkilos noong 2009 para ipaglaban ang mas mataas na budget para sa UP. Nag-lobby tayo sa Kongreso, nagrali tayo para igiit na dapat dagdagan ang budget sa edukasyon. May tagumpay tayong natamo sa ating sama-samang pagkilos. Napigilan ang pagbawas sa ating MOOE at nadagdagan ito ng halos P400 milyon. At sa halip na zero capital outlay ay nakakuha tayo ng P1.28 bilyon para sa iba’t ibang proyektong imprastruktura sa unibersidad.
* http://www.dbm.gov.ph/NEP2011/SUCS/NCR/SUCS-NCR.pdf **DBM, 2010 GENERAL SUMMARY STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES http://www.dbm.gov.ph/GAA2010/SUCSGEN.pdf
Sa kasalukuyang budget deliberations sa Kongreso, magkaisa tayo para igiit ang mga sumusunod na mga partikular na kahilingan sa karagdagang budget ng UP batay sa mahahalagang pangangailangan ng ating unibersidad:
Additional Faculty Items P238.331 milyon Regularization of Existing Casual 57.592 milyon Lump sum for honoraria/ allowance/ for UP Manila faculty (WOC) 26 milyon Additional MOOE 693.356 milyon
Ang mga nasa itaas ay kinuha sa P18.53B 2011 UP Budget na isinumite ng UP sa DBM . Bukod sa mga ito, humihingi tayo ng alokasyon na P200 milyon para maipatayo ang bagong gusali ng UPIS sa loob ng academic oval na matagal nang hinihingi ng mga faculty, magulang at mag-aaral nito. Humihingi rin tayo ng dagdag na alokasyon para makapagpatayo ng housing sa loob ng kampus para sa mga faculty at mga kawani ng UP. Walang naitayong bagong housing sa campus sa termino ng tatlong nakaraang Pangulo ng UP: Javier, Nemezo at Roman o sa nakaraang halos maglalabing walong taon.
Nasa 2008 UP Charter na bukod sa regular na alokasyon at dagdag sa taunang GAA, may taunang centennial fund na P100 milyon ng limang taon na dapat kasama sa budget ng UP. (Section 28, 2008 UP Charter “…….In addition to the regular appropriations and increases for the university under the annual GAA, a centennial fund shall be appropriated in the amount of One Hundred Million Pesos (P100,000,000.00) per year for a period of five years, which shall likewise be included in the annual GAA.”)
Bakit sinasabi na inaabandona ng Administrasyong Aquino ang obligasyon ng estado sa tersaryong edukasyon?
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Kabataan Partylist[2], matindi ang pagbawas sa budget hindi lamang ng UP kundi ng halos lahat sa state universities and colleges:
Para sa taong 2011, ang ilalaan na kabuuang subsidiya ng administrasyong Aquino para sa mga SUC’s ay mahigit-kumulang P23.41 bilyon (kabilang na ang pondo para sa Personnel at Retirement Pension benefits na sa aktwal na General Appropriations Act ay hiwalay sa budget ng SUC’s). Mas mababa ito nang mahigit P437 milyon mula sa budget ng SUC’s ngayong 2010, at mas mababa ito nang halos P2 bilyon mula sa budget ng SUC’s noong 2009
Ang pinakamalalang tatamaan ng mga budget cut para sa 2011 ayon sa indibidwal na proposed budget ng mga SUC’s (hindi pa kasama ang dagdag na halaga mula sa hiwalay na Personnel at Retirement Pension benefits) ay ang mga sumusunod: SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA PORSYENTO) 1. Philippine Normal University (-23.59%) 2. Aurora State College of Technology (-22.21%) 3. Cerilles State College (-21.95%) 4. University of the Philippines (-20.11%) 5. University of Southeastern Philippines (-20.03%)
SUC’s NA MAY PINAKAMALALANG BUDGET CUT SA 2011 (AYON SA AKTWAL NA SUBSIDIYA) 1. University of the Philippines (-P1.39 bilyon) 2. Philippine Normal University (-P91.35 milyon) 3. Bicol University (-P88.81 milyon) 4. University of Southeastern Philippines (-P44.39 milyon) 5. Central Bicol State University of Agriculture (-P31.65 milyon)
Lumaki na ang bahagi ng mga bayarin estudyante ng mga SUCs mula halos pitong na porsyento (6.6%) noong 2000, tungo 20.2% ngayong 2010 at magiging 22.1% sa 2011. Kung isusuma ang kabuuang kinikita ng mga SUCs sa mga self-generated income, pagtuloy ang pagliit ng subsidyo ng estado sa pampublikong paaralan sa tersaryong lebel: mula 87.74% noong 2000 tungo sa 66.31% sa panukalang 2011 budget. [3]
Lantarang inamin ni Presidente Aquino sa kanyang budget message ang kanyang pagpapatuloy sa programa ng Administrasyong Arroyo sa kanyang budget message: “We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward becoming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects."
Tulad nang nagyayari sa UP, ang pagliit ng alokasyon para sa state universities and colleges ay nangangahulugan ng pagtaas na singilin sa mga mag-aaral, at ang higit pang komersyalisasyon ng mga pampublikong unibersidad. Kailangang labanan natin ang pagpapatuloy ng bagong administrasyong Aquino sa mga patakaran ng administrasyong Arroyo, at ang pagsunod sa dikta ng World Bank sa pag-abandona ng estado sa obligasyon nito sa edukasyon. Kung hindi, mawawal ang katangian ng UP bilang pampublikong unibersidad na nagbibigay ng de-kalidad pero abot-kayang pag-aaral sa mga kwalipikadong estudyante, anuman ang katayuang pang-ekonomiya.
Labanan ang P1.39 bilyong budget cut sa UP! Labanan ang budget cuts sa state universities and colleges Igiit ang mas mataas na budget para sa tersaryong edukasyong pampubliko! Irechannel and debt-servicing at budget ng militar sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan! Labanan ang tumitinding komersyalisasyon at pribatisasyon ng UP at ng lahat ng SUCs! Tutulan ang pag-abandona ng estado sa edukasyon!
Ang hamon sa susunod na UP President: Manindigan para sa pamantasan ng bayan, ipaglaban ang mas mataas na budget para sa UP!
Ilantad at tutulan ang mga anti-estudyante, anti-mamamayang patakaran ni Roman at ng Malacanang! Itaguyod ang UP bilang tunay na pamantasang bayan!
[1] “Palace jacks up GOCC subsidy by P1B”, Philippine Daily Inquirer, September 4, 2010, http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100904-290537/Palace-jacks-up-GOCC-subsidy-by-P1B [2] Kabataan Partylist. “Ang Proposed 2011 Budget ng Administrasyong Aquino: State Universities and Colleges’ Budget Briefer 2001”, September 6, 2010. http://kabataanpartylist.com/blog/state-universities-colleges-budget-briefer-2011/ [3] Datos mula sa Budget Expenditures and Sources of Financing (BESF) ng Department of Budget and Management (DBM), in thousand pesos
|
![]() |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ▼ UP Tacloban - Sept. 24 ▼ | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ▼ UP Los Baños September 24 ▼ | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
Youth solon scores P-Noy’s budget cut to
higher ed
2 September 2010 710 views View Comments
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Aquino slashed budget for college
scholarships as well – solon
|
![]() |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
On 12-year basic education: Additional
years, more problems
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ▼ UP Diliman September 22 ▼ | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Three Chapters of Love (Or How It Is To Love Truly)
(In memory of Kasamang Aileen) |
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
NO TO BUDGET CUTS! NO TO THE COMMERCIALIZATION OF OUR EDUCATION! EDUCATION IS A RIGHT! MONEY FOR JOBS AND EDUCATION! LONG LIVE INTERNATIONAL SOLIDARITY! ###
-- -- |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
When Ideology is All We Have*
October 3, 2010 at 12:35am
Mads,
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Aquino’s Effigy Burned for the First Time;
Youth Angry over Education Budget Cut
|
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
BONUS TRACKS Cuts and dogs |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
Cuts and Dogs
The phrase “running dogs of imperialism” was popular during the 60s. Much earlier, Mao used this: “the running dogs of imperialism - the landlord class and bureaucratbourgeoisie, as well as the representatives of those classes...”
In the 60s this was translated to “tuta ng mga imperyalista”. Thus, Marcos was called, “tuta ng Kano”.
Now, we have these: cuts and dogs.
In the 2011 budget, Aquino II regime proposes to increase:
1) the payments of interest of foreign debts by a whooping + P80.9 billion, which should make the IMF and World Bank and foreign lenders very happy
2) the budget of AFP by plus P10 billion and the PNP by plus + P 6.6 billion the better to put more teeth (or guns) to the implementation of the Counter Insurgency Manual issued by the US.
On the other hand, we have these cuts in the budget for:
1) Social services by minus P37.8 billion 2) Health services by minus P1.4 billion 3) State Universities and Colleges by minus P437 million
Of cuts and dogs, in the time of Aquino II regime. -------------------------
Here is a video of the critique of the budget cuts:
http://www.youtube.com/watch?v=MJaX775Yo04&feature=player_embedded
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ** | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||