![]()
Relatives, friends and supporters of Morong 43
in a thanksgiving gathering at UP PGH
December 21, 2010
|
Press Statement |
Some of the Morong 43 |
||||
|
|
|||||
|
|
|
|
|||
![]() |
x Bulatlat reports on Morong 43
Video: Women of Morong 43 Recall Indignities They Suffered in Hands of Philippine Military
In this webcast interview, three members of the recently freed “Morong 43″ talk about their life in detention, the indignities they suffered in the hands of the military, and how their ordeal affected their lives and their loved ones.
For 2 ‘Morong 43’ Moms, a New Beginning
By JANESS ANN J. ELLAO
• Video: In Midnight
Presser, ‘Morong 43? Talk About Their Plight and What Lies Ahead
For more stories and other content on the "Morong 43," click here. Slideshow: 33 of the ‘Morong 43′ Walk Free
|
||||
![]() |
|||||
|
|
|
|
|||
| PILC counsel Atty. Edre Olalia | UP Manila Chancellor | ||||
| = | |||||
| == | |||||
|
5 of ‘Morong 43’ Remain in Jail, Face
‘Ridiculous, Spurious’ Charges |
Gabriela Rep. Emmi de Jesus |
||||
|
Bayan Muna President Satur Ocampo |
|||||
|
M43 Dr. Merry Clamor |
|||||
|
M43 Nurse Gary Liberal |
|||||
|
|
|
|
|||
| M43 Jane Balleta | M43 midwife | KMU's Ka Roger | |||
| VIDEO CLIPS | |||||
|
x From: Piknoy Weekly
Morong 43 taas-kamaong lumaya
Matapos ang sampung buwan at pitong araw na pagkakabilanggo, pinalaya ang 33 sa 43 mga manggagawang pangkalusugan na tinaguriang Morong 43.
Isa-isang lumabas ang mga kababaihang bilanggong pulitikal, pasado alas-11 ng gabi noong Sabado. Unang lumabas si Delia Ocasla sa Metro Manila District Jail (MMDJ) na nasa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig. Sinalubong siya ng masigabong palakpakan mula sa mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43.
“Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal,” taas kamaong sigaw ng isang babae sa Morong 43 habang isa-isang lumalabas sa gate ng MMDJ. Puno ng emosyon ang pagsalubong sa 23 kababaihang bilanggong pulitikal ng kanilang mga kaanak, mahigpit na yakap at iyak ng kagalakan ang sumalubong sa mga ito.
Ganito din ang eksena nang lumabas pasado alas-dos ng umaga ng Disyembre 18 ang 10 sa mga lalaking bilanggo mula sa hiwalay na kulungan.
Naiwan sa MMDJ ang lima pa dahil diumano sa mga lumang kasong nahukay ng Department of Justice.
“Five males remained (over the objection of defense attorneys) in Bicutan because of spurious old cases and incredulous charges like bouncing checks charges and because of namesakes,” paglilinaw ni Atty. Edre Olalia, abogado ng Morong 43.
Sinabi din ni Olalia na kagyat nilang aasikasuhin ang mga kaso ng naiwang mga bilanggo upang makalaya agad ang mga ito.
Sampung buwang paghihintay sa kalayaan
Ipinag-utos ni Judge Gina Cenit-Escoto ng Morong Regional Trial Court Branch 78, na palayain ang tinaguriang Morong 43 matapos iatras ng DOJ ang kaso laban sa mga ito.
Nakasaad sa desisyon na kagyat na palayain ng BJMP at ibasura ang mga ebidensiyang nakuha diumano sa reyd noong Pebrero 6 at kasuhan ng Armed Forces of the Philippines ang mga ito ng illegal possession of explosives/firearms. Bukod sa kaso na isinampa sa RTC, tatlo sa Morong 43 ang kinasuhan sa Municipal Trial Court ng paglabag sa election gun ban ngunit pareho itong ibinasura.
“Wherefore the motion to withdraw filed by the state through the prosecutor of the Department of Justice with the concurrence of the accused through counsel is hereby granted and dismiss the cases filed against the accused,” bahagi ng order ng korte.
Ibinasura din ang oposisyon ni Jun Alcover ng maka-militar na party-list na ANAD laban sa pagpapalabas ng release order ng korte.
Bago ipalabas ang kautusan ng korte, ilang araw din na nagbantay ang mga kaanak ng Morong 43 sa harapan ng RTC Morong. At sa paglabas ng pinal na kautusan kahapon, walang pagsidlan ng tuwa ang mga ito.
“Masayang regalo sa amin para sa pasko ito, kahit abutin kami ng gabi maghihintay kami dito, mahawakan lang namin ang order na iyan,” naluluhang nabigkas ni Evelyn Montes. Matapos nito mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa kanyang asawang si Dr. Alexis Montes, kinagabihan matapos itong lumabas sa gate ng MMDJ.
Bago mailabas ang pinal na desisyon ng dalawang korte (RTC at MTC), nagkaroon ng ilang kalituhan at pangamba, matapos mapag-alaman at makakuha ng kopya ng motion to arraign ang mga kaanak ng Morong 43 na diumano’y isinampa ng abogado ng mga militar na humihiling sa korte nang pagdinig sa kaso ng limang bilanggong nasa kustodiya ng militar sa Camp Capinpin.
Tuloy ang paglilingkod para sa kalusugan ng sambayanan
Sa press conference na ginanap matapos silang salubungin ng mga tagasuporta at iba pang kaanak sa Quezon City, kalakhan ng mga dating bilanggong pulitikal na tinaguriang Morong 43 ang nagsabing itutuloy pa rin nila ang kanilang paglilingkod sa mga mamamayan para sa maayos na kalusugan. “Kung hindi sa ingay na nilikha ng kilusang masa, maaring hindi pumabor si PNoy sa aming kalagayan,” ani Jane Balleta, isa sa dating bilanggong pulitikal na diumano’y dumanas ng tortyur sa kamay ng military, sa kabila nang pagkakaroon niya ng sakit na epilepsy.
Sinabi din ni Dr. Merry Mia Clamor, isa din sa mga dating bilanggong pulitikal, na ang kaso umano ng Morong 43 ay isa lamang sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa buong bansa. “Ang kabiguan ng gobyerno na magbigay ng sapat na kalusugan sa mamamayan ay isa ding porma ng paglabag,” aniya.
Simula ng makulong ang Morong 43 noong Pebrero, hindi tumigil sa paghingi ng katarungan si Adoring Paulino, ina ni Valentino Paulino isa sa limang dating bilanggong pulitikal na kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng militar sa Camp Capinpin sa Tanay at diumano’y umaming isang kasapi ng NPA.
Kasama siyang naghintay sa paglabas ng mga kasamahan ng kanyang anak sa Camp Bagong Diwa. Sa kabuuan tatlumpu’t tatlo sa Morong 43 ang aktuwal na lumaya, 23 ang babae at sampung lalaki mula sa MMDJ, lima ang naiwan dito at lima ang nasa Camp Capinpin.
Tingnan ang mga larawan ng pagpapalaya sa 23 babae at 10 lalaki ng Morong 43. Tingnan din ang ilang larawan ng paghihintay ng mga kaanak sa harap ng Morong RTC.
|
|||||
|
Atty. Edre Olalia summarizes Morong 43 legal campaign (under construjction)
|
|||||
| BONUS TRACKS | |||||
|
|
|
|
|||
|
Morong 43 Dr. Merry and child Igoy at Christmas time and out of prison. The military deprived Merry and lefty child of precious 10 months of bonding times that are lost forever. In the next row is Morong 43 62-year old Dr. Alexis Montes and his wife who worked hard with various groups for the release of her husband and companions. |
|||||
|
|
◄ Free Morong 43 posters on Taft Avenue, fronting UP PGH
A big tarpaulin at the entrance of UP PGH ► |
|
|||
| ** | |||||