|
February 15, 2010
Press Release
KAWAGIB, nanawagang suportahan ang Usapang Pangkapayapaan
Cotabato City- Naglunsad ng Kilos Protesta ang mga militanteng grupo sa
lungsod
upang suportahan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng
Pilipinas
at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsimula noong ika-9 ng
Pebrero sa
Kuala Lumpur, Malaysia at maging ang gaganaping pag-uusap din ng gobyerno
ng
Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na
magsisimula
ngayong araw sa Oslo, Norway.
Ngunit nanawagan din ang grupo na upang magtuluy-tuloy ang usapang
pangkapayapaan ay dapat na matigil ang panghihimasok ng gobyerno ng US at
ang
pakikialam nito sa usaping militar ng ating bansa.
Ayon sa KAWAGIB, banta sa usapang pangkapayapaan ang US dahil ito ang
nagdidikta
sa gobyerno na ituring na mga teroristang grupo ang mga rebolusyonaryong
grupo
tulad ng MILF at CPP-NDFP-NPA. Ayon kay Bai Ali Indayla, tagapagsalita ng
grupo
“natigil ang usapang pangkapayapaan noong 2004 dahil sa panunulsol ng US
sa
gobyernong Arroyo na ituring na teroristang grupo ang mga rebolusyonaryo”.
Ani Indayla, “tinatanggal ng US ang lehitimong pakikibaka ng mga
rebolusyonaryo
maging ng mga mamamayan na nagsusulong ng reporma at pangmatagalang
kapayapaang
nakabatay sa panlipunang hustisya”.
Ilang kasunduan na rin ang napirmahan mula ng
magkaroon ng usapang
pangkapayapaan, ilan na rito ang tigil putukan sa pagitan ng gobyerno ng
Pilipinas at MILF, Kasunduan naman sa Pagrespeto sa Karapatang Pantao at
Internasyunal na Makataong Batas ang sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas
at
NDFP.
Nakatakdang pag-usapan ang Memorandum of
Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD)
at Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na ayon
kay
Indayla ay pinaka-importanteng agenda dahil ito ang sasagot sa ugat ng
kahirapan
at kaguluhan sa Mindanao at sa buong bansa.
“Umaasa kami na magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng
usapang
pangkapayapaan na ang makikinabang ay ang mahihirap na Bangsamoro at
sambayanang Pilipino” ayon kay Indayla.###
Bai Ali Indayla, 0905.924.8424 |