|
Untitled
ni Joward Rosales
Ang gandang
pakinggan ang matuwid na daan
Subalit hanggang
saan ang ating patutunguhan
Kung ang pangunahing
bilihin ay parang kidlat kung mag taasan
At ang makabuluhang
dagdag sahod ay hindi mapag bigyan
Anong kinabukasan
ang nag hihinta'y sa ating bayan?
Kung ang mga
namumuno ay ang tanging alam,
ay gibain at wasakin
ang munting tahanan na ating tanging yaman
Talaga bang ganito?
mga tao sa Gobyerno
Walang ibang
ina-asikaso kundi pansariling benipesyo
Bakit hindi unahin
mga pangako
na hanggang ngayon
ay naka pako..
Bio: Si Joward ay OFW mula sa
Pingtunghsien, T'Ai-Wan, Taiwan.
--------------------------------------------------------------------
Krisis
M.J. Rafal
Kung ‘kahirapan’ ang hantungan ng ‘serbisyong panlipunan’
Resbak ang isasabak nitong pagod mang katawan
Ito’y signos ng pagbangon, martsa ng panahon
Simula ng pagtutuwid-kasaysayan, sabihin mang cliché itong tugon:
Itindig ang hanay! Bandila’y iwagayway!
Sa Mendiola tayo mamamahay! Hanggang bukas ay magpantay!
Si M.J. Rafal ay mahilig tumula.
Paborito niya ang linyang “Poetry, like bread, is for everyone.” ni Roque
Dalton. Ilan sa mga idolo niya sa pagtula ay sina Stum Casia, Kislap
Alitaptap, Pia Montalban at si Alexander Martin Remollino. Mahilig din
siyang magbasa at maglakad.
|