SONA ng Mamamayan 2011: Southern Tagalog

Lucena City    San Pedro, Laguna

 

Manila Part 1   Manila Part 2   Manila Part 3   Manila Part 4   Manila Part 5

 

Southern Tagalog     Visayas     Cagayan de Oro    Davao     Zamboanga   

 

Canada     USA

 

 

July 25, 2011

/p

 

 

     
   
   
/p

/p
Photos courtesy of BAYAN-ST or as indicated
           
     

x

KALAWANG SONA NI AQUINO: WALANG PAGBABAGO
Posted by stexposure on July 28, 2011 · Leave a Comment
 

”Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino!”
 

ITO ANG NAMAYAGPAG NA SIGAW SA INILUNSAD NA PROTESTA NG MAMAMAYAN SA IBA’T IBANG PANIG NG REHIYONG TIMOG KATAGALUGAN KASABAY NG IKALAWANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) NI PANGULONG BENIGNO AQUINO III NOONG HULYO 25.

Tinawag na “SONA ng mamamayan”, pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan (Bayan-TK) ang pagkilos na kinatampukan ng koordinadong aksyong protesta sa mga probinsya ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at sa mga isla ng Mindoro, Palawan at Romblon. Koordinado rin ang naturang pagkilos sa mobilisasyon sa kamaynilaan at sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.


Ayon sa pangkalahatang kalihim ng Bayan-TK na si Leo Fuentes, protesta ang kanilang isinalubong sa SONA ni Aquino dahil sa patuloy na kahirapan, kagutuman at paglabag sa karapatang pantao na dinaranas ng mga mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan.
 

“Layunin ng paglulunsad ng ‘SONA ng mamamayan’ na maipaabot sa malawak na mamamayan ang tunay na kalagayan (ng bansa), taliwas doon sa SONA ni Aquino na pawang laman ay retorika’t kasinungalingan. Puro mapalamuting salita at mga paimbabaw-panandalian lamang na lunas at programa ang ginawa ni Aquino, at bilang resulta nito hindi nabibigyan ng solusyon ang kronikong krisis pampulitika at pang-ekonomiya (ng bansa),” ani Fuentes.

Isang Linggong Protesta
 

Ayon kay Fuentes, ang pagkilos noong mismong araw ng SONA ay kulminasyon ng isang linggong koordinadong protesta sa iba’t ibang panig ng Timog Katagalugan na nagsimula noong Hulyo 18. Aniya, kabilang dito ang pagtatayo ng mga kampuhang bayan at ang matagumpay na tigil pasada sa rehiyon noong Hulyo 20.
 

Simula noong Hulyo 22 sunod-sunod naman ang mga martsa-rali na isinagawa ng mga kaanib na organisasyon ng Bayan-TK.

Sa Cavite, pinangunahan ng Kabataan Partylist – Southern Tagalog ang tinawag nilang State of the Youth Address (SOYA) noong Hulyo 22. Sinundan ito ng isa pang SOYA sa probinsya naman ng Laguna noong Hulyo 24 kung saan naging panauhing pandangal sina BAYAN MUNA rep. Teddy Casiño at KABATAAN Rep. Raymond Palatino.
 

Sa Laguna at Batangas, sinimulan naman ng mga pamprobinsyang balangay ng Bayan ang mga “martsang bayan” noong Hulyo 23 na nagpatuloy hanggang sa mismong araw ng SONA. Sa Laguna, tumungo ang martsa ng mga delegado sa San Pedro City kung saan inilunsad ang isang vigil noong sa bisperas ng SONA.
 

Hulyo 24 din nang ilunsad ng Pagkakaisa ng mga Mangggawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (Pamantik-KMU) sa Sta. Rosa City ang kanilang sariling bersyon ng SONA na tinawag nilang State of the Workers Address. Samantala, sa parehong araw ay nagtayo ng kampuhang bayan sa harap ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Lucena City ang iba’t ibang sektoral na grupo mula sa mga bayan sa saklaw ng probinsya ng Quezon.

Ayon kay Fuentes, ang isang linggong protesta ay naglayon na ipahayag ang tunay na sinapit ng mga mamamayan ng Timog Katagalugan sa loob ng mahigit isang taon na panunungkulan ni Aquino.
 

Bitbit ang iba’t ibang mga isyu – mula sa repormang agraryo, sahod at katiyakan sa trabaho, edukasyon at serbisyong panlipunan – kalahok sa isang linggong protesta hanggang sa mismong araw ng SONA ng mamamayan sa rehiyon ang mga organisasyong kumakatawan sa iba’t ibang mga sektor panlipunan.
 

Patuloy na kawalan ng lupa
 

Ayon sa tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) na si Nestor Villanueva, itatakwil na ng mga magsasaka si Aquino sa mga susunod na taon pa ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.

“Mas pinagbibigyan pa ni Noynoy ang hiling ng mga dayuhan kaysa daing ng mga naghihirap at nagugutom na mga magsasaka. ” ani Villanueva.
 

Sa pahayag na inilabas ng kanilang grupo, mariin nilang iginiit na walang tunay na pagbabagong natamo ang mga magsasaka. Ayon dito, hanggang sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang 394,884 ektaryang lupain sa rehiyon ang patuloy na inaangkin o kinakamkam ng may 67 panginoong maylupa at 49 na korporasyong real estate.
 

Ayon pa dito, bukod sa pangangamkam ng lupa o land grabbing, kabilang pa sa nakabinbin na mga usapin sa lupa ang malawakang pagpapalit-gamit, kanselasyon ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA), Certificate of Land Title (CLT) at Emancipation Patent (EP).

“Kawalan ng lupa ang daantaon nang suliranin ng mga magsasaka at hindi ito nagbago sa ilalim ni Aquino, bagkus ay tumitindi pa. ‘Ni hindi niya nabanggit sa kanyang talumpati (sa SONA) ang usapin ng reporma sa lupa. Para sa amin na matagal nang nakikibaka, hindi ito nakakapagtaka dahil si Aquino mismo ay nagmula sa pamilya ng mga haciendero. Kung tunay ang kanyang pangakong pagbabago ay dapat pagkaupong-pagkaupo niya ay nagpatupad na siya ng tunay na reporma sa lupa at dapat ay inumpiasahan na niya ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng Hacienda Luisita”, pahayag ni Villanueva.
 

Ayon naman sa pahayag ng Bayan-TK, patuloy na ipinatutupad ni Aquino ang mga kontra-magsasakang proyektong eko-turismo sa rehiyon kung saan kabilang ang pagtatayo ng dambuhalang golf course sa 8,650 ektaryang Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas ; at ang mga proyekto ng Ayala Land Inc., sa Hacienda Zobel sa Calatagan, Batangas at Hacienda Yulo sa Calamba City.
 

Bukod pa dito, nanganganib din umano ang daan libong ektaryang kagubatan at sakahan sa todong pagdambong ng mga dayuhang korporasyon mina.
 

Busabos na kalagayan ng mga manggagawa
 

“Ibayong pagpapahirap, pambubusabos at karahasan,” ganito naman isinalarawan ni Noel Alemania, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU, ang dinanas umano ng mga manggagawa sa rehiyon sa unang isang taon ni Aquino.
 

Sa panayam ng ST eXposure kay Alemania, tinuran niya ang kontraktwalisasyon bilang isa sa mga sanhi ng paghihirap ng mga manggagawa at siya rin umanong nagpapatuloy sa ilalim ng administrasyon Aquino.

“Sa bawat anim na manggagawa, 5 ang kontraktwal at 1 lamang ang regular, sa ganyan makikita natin ang kalagayan ng mga manggagawa sa usapin ng kanyang batayang karapatan at nakabubuhay na sahod”, ani Alemania. Dahil din umano sa kontraktwalisasyon patuloy na nayuyurakan ang karapatan ng mga manggagawa para sa pagtatayo ng unyon at patuloy na nakapako sa napakababa ang halaga ng sahod.
 

Sa hiwalay na pahayag, sinabi din ni Alemania na insulto sa manggagawa at mamamayan ang ibinigay ni Aquino kamakailan na P17 na umento sa mga minimum wage earners. Dagdag pa niya, “nagtaas na ng 20 beses ang presyo ng petrolyo bilang (at) epekto nito ang bilihin nagtaas na din. Halimbawa ang galunggong ay nagtaas ng P20/kilo, aanhin mo ang P17 pesos na umento?”
 

Sa inilabas naman na pahayag ng IBON Foundation, pinabulaanan nito ang nilaman ng talumpati sa SONA ni Aquino na nagsasabing umunlad ang kalagayan sa empleyo. Sa talumpati ni Aquino, sinabi nito na 1.4 milyong trabaho ang nalikha habang bumaba naman umano ng unemployment rate mula sa dating 8 percent noong Abril ng nakaraang taon tungong 7.2 nitong Abril ng kasalukuyang taon. Ayon sa IBON, hindi nakasapat ang tinurang bilang na nalikhang trabaho sa 1.2 milyong dagdag lakas paggawa at sa 829,000 paglaki ng underemployed. Dagdag pa ng IBON, ang tunay na bilang ng unemployed at underemployed ay lumaki pa nga ng 600,000 sa unang taon ni Aquino o aabot sa kabuuang 11.6 milyon sa kasalukuyan.

Dagdag naman ni Alemania, nagpapatuloy din ang pandarahas ng estado laban sa mga manggagawa. Inihalimbawa niya na sa panahon ni Aquino, pinaslang ang mga lider manggagawa na sina Caloy Rodriguez sa Calamba City noong November 12, 2010, at Cielito Baccay sa Dasmariñas, Cavite noong Marso 8, taong kasalukuyan. Si Rodriguez ay pangulo ng Nagkakaisang Lakas ng mga Manggagawa sa Calamba Water District habang si Baccay naman ay lider manggagawa sa pabrikang Maeno Giken sa Cavite.
 

Patunay din umano ng tuloy-tuloy na karahasan at panunupil sa mga manggagawa ang naganap na aniya’y harrasment kay Hermie Marasigan, executive director ng OLALIA –KMU. Ayon kay Alemania, noong Hunyo 24 ay pinuntahan ng 3 sundalo ng 202nd Brigade ng Philippine Army ang bahay ni Marasigan.
 

“Patunay lamang na ang mga ginagawa laban sa mga manggagawa noong panahon ni Gloria Arroyo ay nagpapatuloy pa din ngayon sa panahon ni Aquino, pareho silang naglilinkod lamang sa interes ng malalaking negosyo at mga dayuhang kapitalista.” pahayag ni Alemania.

Pag-abandona sa edukasyon
 

“Pag-abandona sa tungkuling bigyan ng edukasyon ang sambayanan,” ito naman ang tinuran ng grupong Anakbayan – UP Los Baños (UPLB) bilang “achievement” ni Pangulong Aquino.
Sa isa sa mga pahayag ng naturang grupo sa kanilang blogsite, pinuna nito ang maliit na alokasyon ng pambansang budget para sa edukasyon, taliwas sa ipinangako umano ni Aquino na pagbibigay prayoridad sa edukasyon.
 

Ayon sa pahayag, 12 % lamang ang alokasyon para sa batayang edukasyon (elementarya at high school) habang 2.2 % para sa pampublikong mga unibesidad at kolehiyo. Lubha umanong napakababa nito kung ikukumpara sa budget para sa pambayad utang na 58 %. Ayon pa dito, lubhang napakababa din ang kabuuang budget ng pamahalaan para sa batayang serbisyong panlipunan – edukasyon, pabahay, kalusugan – na papatak lamang sa 19.2 % kung pagsasama-samahin.
 

Dagdag din ng grupo, dahil sa kakulangan sa budget kaya patuloy na nagtataas ng bayarin at matrikula ang Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ayon sa kanila, mula sa dati nang mataas na Php 1,000 kada yunit na matrikula sa UP, nitong semstre ay tumaas pa ito hanggang Php 1,500 sa pamamagitan ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program. Nagtaasan din umano ang iba pang bayarin kagaya ng dormintory fee. Kaya anila, sa isang semstre ay papatak na Php 60,000 ang bayarin ng mga estudyante sa UP kada taon.
 

Kakulangan sa budget sa edukasyon ang siya ring pinuna ni John Paulo Bautista, Southern Tagalog coordinator ng Kabataan Partylist. Sa panayam sa ST eXposure, sinabi ni Bautista na kinaltasan pa ng 400 milyong piso ang alokasyon sa edukasyon sa ipinasang 2011 budget ng gubyerno. “Malabo ang kinabukasan ng kabataan sa ilalim ng administrasyong Aquino,” ani Bautista.

Inihalimbawa ni Bautista ang pagbagsak ng enrollment sa probinsya ng Cavite bilang patunay ng pagpapabaya ni Aquino sa edukasyon. Tinukoy niya ang pagbaba ng bilang ng nakapagenroll sa Cavite State University kung saan nagkaroon ng 100 % na Tuition and Other Fee Increase (TOFI) sa campus nito sa Naic nitong pasukan; at sa Philppine Christian University kung saan 300 lamang ang nakapag-enroll ngayong semestre.
 

Pinuna naman ng tagapagsalita ng Anakbayan-Timog Kagatgalugan na si Neil John Macauha ang programang K-12 ng pamahalaang Aquino na ayon sa kanya ay nagtutulak lamang sa mga kabataan para masapatan na lamang sa mga vocational at technical skills education sa halip na makatapos ng kolehiyo. “Itinutulak lamang nito (K-12) na mapadali ang pagpapaalipin ng mga kabataan sa mga dayuhang kapitalistang interes sa halip na makapaglinkod sa tunay na pambansang pag-unlad,” ani Macuha.
 

Patuloy na kawalang katarungan
 

Ayon naman kay Glendhyll Malabanan, pangkalahatang kalihim ng Alyansa sa Pagsusulong ng Karapatan ng Mamamayan – Timog Katagalugan (Karapatan – TK), hindi pa rin tinutupad ni Aquino ang pangako nitong pag-uusig at pagpaparusa sa mga nagkasala sa nagdaang rehimen.
“Habang ipinagmamalaki naman ni Aquino sa kanyang talumpati ang paglaban sa korupsyon, wala pa ring hustisyang nakakamit ang mamamamayan sa mga naging kasalanan ng nagdaang rehimen. Tila wala rin intensyon si Aquino na usigin si Arroyo at mga opisyal nito sa mga kaso ng extrajudicial killing at malawakang paglabag sa karapatang pantao. Bagkus, ipinagpapatuloy niya lamang ang militaristang patakaran ng nagdaang rehimen sa pamamagitan ng kanyang sariling counter-insurgency program na Oplan Bayanihan,” ani Malabanan.

Ayon sa datos ng Karapatan-TK, mula nang manungkulan si Aquino hanggang nitong June 2011, mayroon nang 12 biktima ng extrajudicial killing (EJK), 2 biktima ng sapilitang pagkawala, habang nananatiling mayroong 57 na bilanggong pulitikal sa rehiyon. Sa pinakahuling tala naman ng pambansang tanggapan ng KARAPATAN, sa buong bansa ay mayroon nang 48 biktima ng EJK, 5 biktima ng sapilitang pagkawala at 354 kabuuang bilang ng mga bilanggong pulitikal kung saan 45 ay inaresto sa panahon ng panunungkulan ni Aquino.
 

Ayon kay Malabanan, ang Oplan Bayanihan, na ibinalankas ng bagong administrasyon sang-ayon sa US Counter-insurgency guide of 2009, ay mas mapanlinlang at di malayong mas mabangis pa sa Oplan Bantay Laya ni Arroyo.
 

“Ipinagmalaki pa ni Aquino sa kanyang talumpati ang ibayong pag-aarmas nito sa kasundaluhang sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao, samantalang wala itong nabanggit ni kahit na ano tungkol sa usapang pangkapayapaan. Ito sana ang magbubukas ng daan para sa tunay na pagresolba ng mga pundamental na suliranin ng mamamayan na siyang sanhi ng tinawatag ng gubyerno na insurhensiya,” dagdag ni Malabanan.
 

Walang pagbabago
 

Ayon sa pahayag ng Bayan-TK, walang tunay na programa si Aquino upang lutasin ang kahirapan. Ipinagpatuloy lamang umano nito ang mga dating programa ni Arroyo na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Conditional Cash Transfer na sa esensya ay isang mapanlinlang na limos na walang layuning tunay na iahon ang mga maralita sa kahirapan.

Binatikos ng grupo ang sinabi ni Aquino sa kanyang talumpati na mahigit sa isandaang libo na umano ang naiaahon mula sa kahirapan kada buwan dahil sa mga naturang programa. Ayon kay Leo Fuentes ng Bayan-TK, pawang pagyayabang lamang ang sinasabi ni Aquino dahil ang pagtanggap ng benepisyo mula sa 4Ps at CCT ay hindi nangangahulugan na nakaahon na sa kahirapan ang mga maralita.
 

“Hindi tinutugnan ng mga ipinagmamalaking programang ito ni Aquino ang mga usapin ng kawalan ng lupa, mababang sahod at kawalang katiyakan sa trabaho, pabahay, edukasyon at iba pa, na siyang pangunahing dinaranas ng mamamayan,” ani Fuentes.
 

Ayon din sa pahayag ng Bayan-TK, maging ang ipinagmalaki ni Aquino noong unang SONA nito na programang Public-Private Partnership (PPP) ay patakaran na rin ng mga nagdaang rehimen. Ito umano ang siyang nagtutulak para sa patuloy na pag-asa ng bansa sa dayuhang puhunan at ayuda kapalit ng patuloy na pagbaba ng sahod at kabuhayan ng mamamamayan; pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo at pag-aari ng gubyerno na siya namang sanhi ng pagtaas ng singil sa kuryente, tubig, pasahe (toll fee, LRT at MRT), kabilang na ang pagmahal ng edukasyon, pangkalusugan at iba pang serbisyong soyal.

“Pinatutunayan lamang ng programang PPP na ang boss ni Aquino ay ang malalaking negosyo, mga dambuhalang panginoong maylupa, at dayuhang mangangapital. Kung susuriin pa ngang mabuti, isa sa mga unang-unang ipinagmalaki ni Aquino sa kanyang talumpati ay ang pagkaengganyo ng mga mamumuhanan sa larangan ng enerhiya kabilang na ang langis at natural gas, na mangangahulugan lamang ng ibayong pagdambong ng dayuhan at pribadong interes sa ating yaman,” dagdag naman ni Fuentes.
 

Sa pagtatapos ng ikalawang SONA ni Aquino, mariing naninindigan ang Bayan-TK sampu ng mga kaanib na organisasyon nito na walang tunay na pagbabagong naganap sa loob ng isang taong panunungkulan ni Aquino.
 

“Ipinakita lamang ni Aquino na ang kanyang ipinagmamayabang na tuwid na daan ay siya rin dati nang daan patungo sa ibayong kahirapan. At ang kanyang islogan na ang mamamayan ang kanyang boss ay kasingkahulagan ng patuloy na pambubusabos sa maralita nating mga kababayan. Hindi ang pagsugpo sa wang-wang at katiwalian ang puno’t dulo ng kahirapan gaya ng pilit na ipinapahiwatig ni Aquino sa kanyang talumpati. Ang paghihirap ng sambayanan ay malalim na nakaugat sa sosyo-ekonomikong krisis ng bansa – sa pangingibabaw ng ganid na interes at kontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga dayuhang imperyalista at ng kanilang mga kasosyong mga malalaking panginoong maylupa at mga dambulahang negosyo,” pagtatapos ni Fuentes. (Karagdagang ulat mula kay Jonelle Marin at CEGP Quezon)

 

     
     
     
     
     
     
     
     
           
     
     
     
=          
==          
     
     
           
     

x

Aquino's SONA deceptions reinforce people's loss of hope in ruling system

Benigno Aquino III attempted to paint a picture of hope by churning out half-truths while completely ignoring the fundamental and most pressing issues of the people in his state of the nation address (SONA) last Monday. He succeeded only in further discrediting his increasingly isolated regime and reinforcing the Filipino people's lack of trust and loss of hope in the ruling reactionary ststem.

Aquino employed old and worn-out tactics of political deception to create the illusion of progress and change. However, such claims failed to strike a chord among the people who daily are confronted with spiralling prices of oil products, food and other basic commodities, widespread unemployment, low wages, deteriorating health and education services, worsening housing conditions, disease, environmental destruction and other social and economic problems.

By reprising his anti-corruption rhetoric against the past regime, Aquino sought to win the people's trust and make them cling to hopes of change under his regime. Even after a year in power, however, he has failed to charge, prosecute and punish Gloria Arroyo or any of her big-time cohorts for numerous cases of plunder and corruption. Worse, his regime is increasingly being dominated by the "Kamag-anak, Kaklase, Kabarkada, Kabarilan Inc.," underscoring the perpetuation of cronyism and political patronage under the ruling system.

Aquino tried to paint a rosy economic picture by citing positive reviews by foreign credit rating agencies and the US government. But he was conspicuously silent about the wretched socio-economic conditions of the vast majority of workers, peasants, ordinary employees, government workers and the unemployed. Aquino beats his chest at how credit rating agencies grade his regime but plugs his ears when confronted with the grievances of his own people.

Aquino claimed that more than a million jobs were generated last year but failed to mention how and where these jobs were generated. He glossed over the fact that more than a million peoeple joined the labor force last year and nearly a million became underemployed. The reality is that people are being kicked out of their jobs on a daily basis after the expiration of their three-month employment contracts and that the only option for the majority is to sign up for other short-term work. Aquino continues to fail to lay out an economic blueprint to generate mass employment. Furthermore, Aquino failed to mention the growing disparity between workers' wages and the spiralling cost of living.

Aquino's IMF-trained economic managers refuse to heed demands to develop local industry and manufacturing to address the needs of the people and reduce reliance on imported commodities. Instead, they insist on the economic policies set more than twenty years ago promoting liberalization of trade and investments, the privatization of state assets and the deregulation of the operations of private investors to allow them to satiate their hunger for profits. In the past two decades, all measures in the 1987 constitution that sought to protect the national patrimony have all but been torn down, with charter amendments as the only other step needed to complete the process of economic colonization and enshrine the regime's imperialist-dictated framework for economic ruin.

Aquino boasted of increased palay production although this has in fact been caused only by a recovery of hectarage from previous droughts and not by any increase in productivity which has remained unchanged for the past years. He bragged about reducing rice importation but failed to direct the NFA to raise its local palay procurement to break down the rice trading monopoly of big comprador businesses who are in cahoots with big bureaucrats. On the other hand, he continues to ignore the demand for land reform in the Cojuangco-owned Hacienda Luisita and in other vast estates.

The closest thing Aquino has to a poverty alleviation program is the World Bank-designed doleout scheme called the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). By doling out a few thousand pesos a month to families belonging to the "poorest of the poor," Aquino deceives the people into believing that he could lift them from their poverty even without resolving their basic problems of landlessness, mass unemployment and the other roots of their impoverishment.

Aquino likewise failed to address the most fundamental and pressing issues being put forth by the people. They demand jobs, higher wages, land reform and respect for human rights. They demand a stop to oil price hikes and the nationalization of the oil industry. They want a stop to the demolition of urban poor communities. They demand an end to US military intervention in the Philippines and US interference in the multi-nation conflict over the Spratly Islands.

Aquino's seriousness in achieving a peaceful settlement through negotiations with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) has been put into question after failing to cite it as one of his government priorities. The commitment to expedite the release of all NDF peace consultants remains unfulfilled as 13 of them remain incarcerated in various prisons. While the Aquino regime drags its feet in the peace negotiations, its fascist troops continue to stomp their boots and trample on human rights in so-called "peace and development" operations in the countryside.

Aquino's state of the nation address is a reactionary, pro-imperialist and anti-people speech characterized by endless lies and deception. It is a desperate entreaty to the Filipino people to continue trusting the rotten and crisis-ridden semi-colonial and semifeudal system. However, Aquino and his American spinmasters are completely wrong to assume that they could lead the people away from the path of national and democratic mass resistance through their empty declarations and political gimmickry.

In the face of the worsening conditions of poverty and oppression, the Filipino people are becoming acutely aware of the need to wage revolutionary struggle as the only straight path to social and national liberation. This is evidenced by the continuing growth of the New People's Army under the Aquino regime and the intensifying mass struggles of the past few months.

 

by:

Communist Party of the Philippines (CPP)
July 28, 2011
 

     
     
     
           
     
     
           
     
**          

 

/p

  
 

Google