On the International Day of the Disappeared
Families of Desaparecidos Slam continued inaction

of PNoy Government on cases of disappearances

 

Commonwealth Avenue, QC

 

August 30, 2011

/p

 

 

     
After one year of the Aquino administration:
5  - victims of enforced disappearances
48 - victims of extra judicial killings
   
/p

/p
 
           
     

x

August 30, 2011

Reference:
Mary Guy Portajada,
Secretary General, Desaparecidos
09175415133/ 434 2837

On the International Day of the Disappeared
Families of Desaparecidos Slam continued inaction of
PNoy Government on cases of disappearances

"What have you done for our missing loved ones?” Mary Guy Portajada, Secretary General of the Families of the Disappeared for Justice (Desaparecidos) asked President Benigno Simeon “Nonoy” C. Aquino, III during the human rights group’s commemoration of the International Day of the Disappeared in front of Ever Gotesco Mall along Commonwealth Avenue, Quezon City.

“Enforced disappearances continue to this day, even after 206 victims of enforced disappearances have been documented during Gloria Arroyo’s term,” Portajada said, “There are now eight victims of enforced disappearance under PNoy. Where is justice?”

Families of Desaparecidos together with friends and supporters held a protest action in front of Ever Gotesco, where the abduction of missing activist Jonas Burgos took place. The group mounted a sign that says, "Mag-ingat sa Mandurukot: Dito dinukot ng mga militar si Jonas Burgos." (Beware of abductors: Jonas Burgos was abducted here by the military.)

Jonas was abducted four years ago, April 28, 2007 inside the said mall while having his lunch. Jonas is an activist teaching organic farming among peasants in Bulacan. He was never found. A Major Harry Baliaga of the Armed Forces of the Philippines is currently implicated in Jonas’ the abduction.

"This sign is a reminder to the public, that disappearances continue to happen, and that one can never be to sure of their own safety even under the PNoy administration,” warned Portajada. “And if President Noynoy remains inactive in pursuing justice for the missing, we have no choice but to rely on each other’s support.” She continued.

The human rights group expressed their alarm over the continuing incidence of enforced disappearances over the past year. “The persistence of this practice and the continuing reports of disappearances under the present regime, have diminished our faith of achieving justice for our loved ones under PNoy’s leadership.” Portajada said.

She further explains that the occurrence of abductions and enforced disappearances is only a result of the government’s anti-insurgency program Oplan Bayanihan. “No amount of repackaging can change the fact that anti-insurgency programs such as Oplan Bayanihan are designed to pacify and neutralize those who pose a threat to so-called government development programs. The state through its Armed Forces of the Philippines will continue to use whatever means it can to silence its critics.” Portajada said.

Desaparecidos vowed to continue its lobby work in Congress for the enactment into law of the bill criminalizing enforced disappearances as well as for Philippine government to ratify the UN Convention for the Protection of Persons against Enforced and Involuntary Disappearances.

“Many among us have been searching for our loved ones for more than two decades now and we will not wait for a President who has only empty words to offer us. We, the families of the disappeared will not stop looking for and in achieving justice for them.” Portajada concluded ###

 

     
           
     
     
     

x

PRESS STATEMENT
August 30, 2011

Reference: Cristina Palabay, Convenor, End Impunity Alliance (0917-5003879)
Angge Santos, Media Liaison, End Impunity Alliance (0915-2117610)

STATEMENT ON THE INTERNATIONAL DAY OF THE DISAPPEARED

Midnight, our sons and daughters
Were cut down and taken from us
Hear their heartbeat
We hear their heartbeat…

-U2, Mothers of the Disappeared

In the Philippines, as we commemorate the International Day of the Disappeared today, August 30, we remember the sons, daughters, mothers, and fathers who were forcibly taken away from their loved ones and their communities by state security forces. We remember them – their lives, their aspirations for social justice and freedoms, their pains, their triumphs.

We remember the 206 individuals who were victims of enforced disappearances under the Gloria Macapagal Arroyo government. They were farmers, workers, indigenous peoples, youth and students, women, church workers, human rights defenders, freedom fighters. They were among those who dare led and were part of legitimate voices of opposition to the anti-people, corrupt, and repressive policies of the previous government. For this reason, they were vilified and maligned as enemies of the state, and then abducted by elements of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police, never to be seen again up to this day. They are Jonas Burgos, Sherlyn Cadapan, Karen Empeńo, Leo Velasco, Gloria Soco, Prudencio Calubid, and many others who have devoted their lives to just causes. It is in their memory and in remembrance of the hundreds who were disappeared in the Philippines and around that world that we started the Facebook campaign for users to take down their profile pictures on this day, to symbolize their solidarity with the victims and their families.

Next to the Marcos dictatorship, the Gloria Macapagal-Arroyo administration is notorious not only for corruption and abuse of power but also for the gross, systematic and brazen violation of human rights. No one has been put behind bars for these numerous cases of enforced disappearances, extrajudicial killings, torture, illegal arrests and detention, among others. Such brazenness of state forces in committing these crimes emanate from the glaring fact that no one has been made accountable for these acts.

Such climate of impunity exists to this day, as there are already eight cases of enforced disappearances under the term of Pres. Noynoy Aquino. They are, among others, Agustito Ladero and Renato Deliguer, farmers in Surigao del Sur; Alfredo Bucal, a tricycle driver, and his passenger Tomas Sayto, in Batangas; Michael Celeste, Gerald Abale, and Jully Devero who are members of a peasant organization in EB Magalona, Negros Occidental.


We call on the Aquino government to immediately pass the Anti-Enforced Disappearance Bill that will criminalize such brutal acts. We also call on the current administration to immediately ratify the UN International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance, which outlines the responsibilities of state parties in protecting its citizens from such crime. We express our support for the efforts of Editha Burgos, Connie Empeńo, and Linda Cadapan -- mothers of the disappeared – in the charges that they have filed in court against the perpetrators of such crimes against their children. We are one with the families and friends of the disappeared in calling on the president to put a stop to enforced disappearances and all human rights violations and pursue justice for the victims and their families. As we remember them, we hear their heartbeat for justice and for the end of impunity in our land.


---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publicinfo@karapatan.org
---------------------------------------------------------------------

Alliance for the Advancement of People's Rights
2nd Flr. Erythrina Bldg., #1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101
Telefax: (+63 2) 4354146
Web: http://www.karapatan.org

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties. It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign.
 

     
     
           
     
     
     

x

May Nawawala, May Nawalan, May Kawalan
by Aris Remollino
 

"It has been more than four years since my son Jonas has been missing. While the Supreme Court resolved that the military produce my [son] based on the investigation of the Commission on Human Rights which identified one of the abductors, until now we have no clue of his whereabouts or his condition along with the other victims of enforced disappearance." --Edita T. Burgos
http://freejonasburgosmovement.blogspot.com/


*Para kay Edith Burgos

Biglang nawala ang kanyang anak
sa isang hindi inaasahang paraan.
Nag-alala ang ina, nagtaka.
Hinanap, hinagilap,
nagtanong, at nagmakaawa.

Ngunit tila may nawawalan ng sagot,
at tila may nawawalan ng pandinig.
Tila nawawalan na rin sila ng pakirandam
kasabay ng kawalan ng kanilang katuwiran.

Tila nasa kawalan ang katarungang inaasam.

Mahirap ang mawalan ng isang anak.
Parang may gustong magwala sa kanilang sarili,
parang may nawawala sa kanilang pagkasarili,
at parang may nawawalang bahagi ng sarili.

Naghihintay pa rin ang ina. Naghihintay.
Naghihintay sa inaasam na pagbabalik--
Ang pagbabalik ng kanyang minamahal na anak...

...At pagbabalik ng katuwiran at katarungan.
 

     
           
     
     
     

x

 

Kung Wala Na Ako
by Mark Joseph Rafal


sa anumang paraan,
halimbawa,
kumakain sa isang karinderya
at dalawang lalaki ang sa akin
ay gumapos at pilit
akong ipinasok sa van
halimbawa,
naghahanap ako ng libro
sa booksale
at umakbay ang isang matangkad,
matipunong lalaking
may banta ng deliryo
kung ako'y maghuhulagpos
halimbawa,
nasa kampo ako ng dilim
tinatanggal ang aking mga kuko
pinaiinom ng di maubos-ubos na tubig
kahit punung-puno na ang aking
sikmura
kinukuryente ang aking ari
o kaya'y kinakalkal ang aking sarili
halimbawa,
isinilid ako sa dram
isinemento, itinapon sa ilog
o basura akong iniwan
sa malayong lugar
inilibing nang walang pangalan
walang pagkakakilanlan
halimbawa,
baliw na akong rumuronda
sa banyagang lungsod
na di ko kilala
halimbawa

kung wala na ako
huwag ka nang maghihintay:
babalik ako

may mga taong masigasig
na maghahanap sa akin
libong taon man ang bilangin

nasa alaala mo ako
at nasa ngiti
ng matandang pulubi
sa gilid ng bangketa

magpatuloy ka,magpatuloy
kasama ang aking
alaala at adhika.

 

     
     
           
     
   
     
     

 

"Desaparecido"
by Jonna Baldres

 

Naisulat na yata ang lahat ng mga dapat isulat tungkol kila Karen* at sa lahat ng mga nawawala. Pero nangako ako, na hangga't hindi nahahanap si Karen, patuloy rin ang paghahanap ng hustisya. Kaya naman patuloy rin ang pagsusulat. Paulit-ulit man ang punto.

Limang taon, dalawang buwan at apat na araw. Pandaigdigang Araw na naman ng mga Nawawala. Kahit sulat-kamay at ti-nayp sa Facebook na ang gamit ay cellphone lang dahil sira ang kompyuter, minarapat kong magsulat ng tungkol sa isang kaibigan at kasamang "desaparecido".

"Desaparecido". Mahirap bigkasin sa umpisa. Mabubulol ka pa nga kung hindi ka sanay sabihin ang salita. Pero marahil para sa mga nawalan, nakatatak na sa utak at nakakabit na ang salitang ito sa mga dila nila sa tuwing magsasalita sila sa harap ng madla para ipaalam na nawalan sila ng kapatid, ama, ina o anak.

Ang saklap lang 'di ba? Na nawala ang mga "desaparecido" hindi dahil sa marami silang pera para kidnapin na lang basta-basta. Hindi lamang ito kaso ng 'kidnap for ransom'. Nawala sila nang dahil sa mga paninindigan nila. Nang dahil sa prinsipyo at pulitikang tinatanganan nila.

Mabuti pa nga yata ang namatayan. At least, alam na namatay ang kaanak nila. Naiburol, napaglamayan, naiyakan lulan ng kabaong at nailibing sa kahit kakapiranggot na butas o espasyo sa sementeryo. Pero ang mawalan ng mahal sa buhay at hindi malaman kung saan napunta o kung saan hahanapin at ni wala man lang "closure" ay napakabigat yatang isipin, lalu't maramdaman at maranasan sa aktwal.



 

 

Hindi ako nagsusulat ngayon para magmayabang na may kaibigan at kasama akong "desaparecido". Hindi ito bagay na marapat na ipagyabang. Dahil ang ibig sabihin lamang nito, para magkaroon ng "desaparecido", may isang gobyernong manhid at hindi tunay na naglilingkod sa bayan at nananatiling bingi sa mga panawagang protektahan ang karapatang pantao ng sambayanang kanyang dapat na pinagsisilbihan. Isang gobyerno na dahas ang ipinantatapat sa mamamayang nagsisiwalat at nagsasabi ng katotohanan. Isang gobyerno na imbis na paganahin at paunlarin ang tunay na diwa ng tinatawag nating "demokrasya" ay pinatatahimik at dinadakip na lamang ang sinumang sumalungat sa kanya. Hindi yata iyon ang gobyernong dapat na ipinagmamalaki at kinikilalang taga-pamuno ng isang bansa. Kailanman ay hindi iyon ang pinangarap kong gobyerno na susundin.


Naisulat ko na ang "Ismayl"** at "Pulang Rosas"*** para kay Karen. Pero hindi pa ang "Desaparecido". Marahil dahil 'in denial' pa siguro ako noon at ayokong ituring si Karen na nawawala. Pero iyon ang totoo. Iyon ang kongkreto. Na kahit nagpalit na ng pangulo ay hindi pa rin nahahanap si Karen. "Desaparecido" na nga siguro ang pinaka-akmang pamagat dahil sa totoo ay isa s'ya sa libo-libong "desaparecidos", "disappeared", o "nawawala" nang dahil lamang sa simpleng rason na mas pinili n'yang pagsilbihan ang mga magsasakang nananawagan ng tunay na reporma sa lupa imbis na pumanig sa gobyernong ganid at dahas ang nagsisilbing panindak.

Desaparecido. Desaparecido. Desaparecido. Parang tongue twister lang. Pero tunay silang nawawala. At dahil may "desaparecido" at HANGGA'T may "desaparecido", tuloy ang pagbigkas sa nakabubulol na salita. Hangga't maging matatas ang pagbigkas dito. Hangga't lubusang maunawaan kung ano ito at sino sila at kung bakit sila nawawala.
------------
* Si Karen Empeńo ay kapwa estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas na dinakip ng mga pinaghihinalaang militar sa Hagonoy, Bulacan noong 26 June 2006 kasama ang isa pang estudyanteng si Sherlyn Cadapan at magsasakang si G. Manuel Merino. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakikita.
** "Ismayl"
https://www.facebook.com/note.php?note_id=97955067866

*** "Pulang Rosas" https://www.facebook.com/note.php?note_id=97987752866

 

=          
==          
     
     
           

x

 

BIKTIMA AT KAMAG-ANAKAN LABAN SA INHUSTISYA AT MILITARISASYON) –
BATANGAS
biktima_batangas@hushmail.com

PRESS RELEASE
AUGUST 30, 2011

ARAW NG PAGLULUKSA PARA SA HUSTISYA,
Pamilya ni Alfredo Bucal, Naglunsad ng Protesta

sa Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos!

Nasugbu, Batangas. Bilang bahagi ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos o biktima ng sapilitang pagkawala, naglunsad ng kilos protesta at martsa-prusisyon kaninang umaga, Agosto 30, ang mga ka-pamilya at kaibigan ni Alfredo Bucal, 62-anyos tricycle driver at mahigit 9 na buwan nang nawawala mula sa bayan ng Nasugbu.

Umaga ng Nobyembre 10, 2010 nang huling makita nang kanyang asawa at mga anak si Bucal, o mas kilala bilang “Tatay Fred” upang mamasada. Ayon sa mga nakasaksi, si Tatay Fred ay hinuli at dinala ng mga militar matapos mapadaan sa isang checkpoint ng mga militar na pinangunahan ng 730th Combat Group Philippine Air Force (CG PAF) sa ilalim ng dati nitong Commanding Officer na si Lt. Vincent Incognito sa Brgy.Luntal, Tuy, Batangas humigit-kumulang ika-9 ng umaga nang araw ding iyon.

Sa kabila ng maraming makapagpatunay na si Bucal ay dinala nga sa kampo-militar sa Palico, Nasugbu; hindi ito iniharap ng mga militar sa pamilya nang magpunta ang huli sa nasabing kampo, kinabukasan lamang ng pagkawala ni Tatay Fred. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na itinatanggi ng mga militar ang ginawa nilang paghuli at patuloy na pagtatago kay Tatay Fred. Sa katunayan, maging ang nakatakda sanang tumestigo na aktwal na nakakitang isinakay ng mga militar si
Tatay Fred sa kanilang sasakyan, ay tinakot at pinagbantaan ng mga kagawad ng 730th CGPAF upang anila ay “Huwag siraan ang kanilang hukbuan; at kung magpatuloy sa pag-testigo ay may masamang mangyayari sa kanyang pamilya...”

“Sadyang nakakapaghinagpis ang halos 9 na buwan na rin naming paghahanap sa aming ama... napakasakit sa kalooban ang halos gabi- gabing hindi kami makatulog at mapanatag sa kakaisip kung ano ang nangyari sa kanya; kung siya ba ay buhay pa o patay na?, sadyang napakabigat...” saad ni Pearly Bucal, anak ni Tatay Fred.

Maging ang asawa ni Tatay Fred na si Gng. Paulina Bucal ay halos magkasakit na sa labis na pag-aalala at pag-iisip sa sinapit ng kanyang asawa.

Nito lamang nakaraang ika-17 ng Agosto, isang bangkay ang natagpuan sa bundok ng Calayo, Nasugbu at kaagad itong pinuntahan ng pamilya Bucal upang siyasatin. Kumpara sa mga nagdaang bangkay na siniyasat at tinangkang kilalanin ng pamilya sa pagbabakasaling ito si Tatay Fred, labis na panghihilakbot at panlulumo ang naramdaman ngayon ng pamilya Bucal matapos makita ang nasabing bangkay.

“Halos magkaparehas ang tangkad ng bangkay na iyon, at ng aking ama. Isa lamang din ang ngipin nito na katulad ng sa aking Tatay, at noon lamang kami nakaramdam ng ganoong klase ng lukso ng dugo at panlulumo. Ayon mismo sa PNP-Nasugbu, matatayang may 8 hanggang 9 na buwan nang naroon ang bangkay kung pagbabatayan ang hitsura ng dekomposisyon nito...” dagdag pa ni Pearly.

“Lalo lamang tumitibay ang aming kutob, at ang paniniwala na sadyang mga militar ang may kagagawan nito sa aming ama; sapagkat nakita ang nasabing bangkay sa mismong daanan ng mga sundalo; na hindi dinadaanan ng karaniwang magsasaka, at ayon sa mga taga-roon ay sadyang mga sundalo lamang ang dumadaan doon lalo na kapag maglulunsad sila ng kanilang mga operasyong-militar, sapagkat napakalapit ng pinagkitaan ng nasabing bangkay sa kanila mismong kampo...” pagpapatuloy ni Pearly.

“Walang paggalang sa karapatang pantao, at sagad-sagaring berdugo ang mga militar sa lalawigan ng Batangas; matapos dakpin ang pagbintangan pang NPA ang isang 62-anyos na matandang maysakit na sa puso, napakatagal nang panahon na itinago nila si Tatay Fred at ngayon nga ay kinakaharap ng pamilya ang posibilidad na ito ay maaaring pinatay na ng mga walang-pusong militar upang tuloy-tuloy na pagtakpan ang kanilang krimen at paglabag sa karapatang pantao!” saad naman ni Lino Baez, Pangkalahatang Kalihim ng BIKTIMA- BATANGAS.

“Sa ating paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos, nakakalungkot na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang mga dati nang biktima; at sa kabila ng pagpapalit natin ng bagong pangulo at pag-asam na kaiba ito kaysa mga nagdaan, ay nagpapatuloy pang lalo ang ganitong kalalang mga paglabag sa karapatang pantao... hindi makatarungang sapitin ni Tatay Fred ang karahasang ginawa sa kanya ng mga militar sa ating lalawigan,” pagpapatuloy naman ni Arnold Evangelista, Executive Director ng Batangas Integrated Human Rights Advocates (BIHRA).

Sa kasalukuyan, bukod sa inilunsad na pagkilos ngayong araw, tuloy- tuloy ang pagharap ng pamilya sa pagdinig sa isinampa nilang petisyon para sa Writ of Habeas Corpus laban sa 730th CGPAF sa
Nasugbu Regional Trial Court. Kaagad ding nag-rehistro ng ‘claim’ ang pamilya Bucal sa bangkay at umaasam na sa lalong madaling panahon ay maisara ng PNP at SOCO ang ginagawa ng mga itong
beripikasyon sa pagkakakilanlan nito.

May mga hakbangin ding ilulunsad ang pamilya Bucal, sa tulong ng BIHRA, BIKTIMA at iba’t ibang mga human rights organizations, at mga kinakailangang eksperto upang ganap nang maisara ang katauhan ng natagpuang bangkay sa Nasugbu; subalit anuman ang maging resulta nito, matigas pa ring naninindigan ang pamilya Bucal.

“Anuman ang maging kahinatnan ng lahat ng ito, tuloy-tuloy ang panawagan ng aming pamilya para sa hustisya at upang managot ang mga walang-awang militar ng ating gubyerno na siyang gumawa nito sa kanya; buhay pa man o patay na ang aming ama, hindi kami titigil hangga’t hindi namin nakakamit ang nararapat na hustisya para sa kanya, at hangga’t hindi napaparusahan ang mga kagawad ng Philippine Air Force na tuloy-tuloy na nagpapanggap na maka- demokrasya at gumagalang diumano sa karapatang pantao sa kabila ng kanilang mga kabangisan at patung-patung nang kaso ng pagyurak sa karapatang pantao ng mga inosenteng sibilyan katulad ng aming mahal
na amang si Tatay Fred!” matatag na pahayag ni Pearly.

SI ALFREDO BUCAL AY IKA-7 NANG BIKTIMA NANG SAPILITANG PAGKAWALA SA BATANGAS. Kabilang din sa napakarami na ring biktima mula pa sa panahon ni GMA sina Domingo delas Alas (Coordinator, BAYAN MUNA Ibaan), Erning Castillano at Noel Desacula (Calaca), Valentin Katigbak (Balayan) at Noli Serrano (Calatagan).

Ayon pa sa BIKTIMA, bagaman ipinapangalandakan ni PNOY ang diumano ay paggalang nito sa karapatang pantao, matindi pa rin ang karahasang militar sa lalawigan ng Batangas at patunay nga ang patuloy na pagtatago ng mga militar kay Alfredo Bucal; dagdag pa ang mga kaso ng extra-judicial killings, harassment sa mga progresibong lider at patuloy na pagbabansag na diumano ay “NPA” sa mga sibilyan at maging sa lehitimong mga organisasyon at mga indibidwal na lider at kasapi ng mga ito.

“Walang ipinag-iba si Aquino kay Arroyo... parehong may sungay at pangil ang Oplan Bantay Laya noon ni GMA na kumitil sa napakaraming buhay at lantarang yumurak sa karapatang pantao na siya ring ginagawa ngayon ng Oplan Bayanihan ni PNOY! Walang ibang patutungahan ang mamamayan kundi ang dalhin ang kanilang mga panawagan sa lansangan, hangga’t hindi natutulig si PNOY sa
napakalakas nang hinagpis at pagtangis ng mga biktima ng sapilitang pagkawala at iba pang paglabag sa karapatang pantao!” pagwawakas ni Baez.#

REFERENCE PERSON:

Lino Baez
Pangkalahatang Kalihim, BIKTIMA-Batangas
0999-591-0909

 

     
     
     
     
     
           
     
     
     
 

x

     
 
           
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
   
BONUS TRACKS:
Mrs. B, A Monologue
staged at the UP Aldaba Hall
August 20, 2011  International Day of the Disappeared
   
 
   
◄  Mrs. B, A Monologue lead artists Malou De Guzman (for the 3 PM show )
and Bibeth Orteza (for the 7PM show) at the UP Aldaba Hall
   
   
 

Mother to Philippine military: “Where is my son?”
By James Cordova Apr 29, 2011 6:47AM UTC

 

Article on Mrs. B, a Monologue
**          

 

/p

  
 

Google