On World Teachers' Day, 1st Annual Assembly: My Teacher:

My Hero: ACT NOW FOR GREATER EDUCATION BUDGET!

 

Tagbilaran City

 

October 5, 2011

/p

 

 

     
   
   
/p

/p
Photos courtesy of Alliance of Concerned Teachers - Bohol Chapter
           
     

x

 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS
2/F Teachers’ Center, Mines St. cor. Dipolog St., Bgy. VASRA, Quezon City, Philippines
Telefax 453-9116 Mobile 09178502124;09198198903 Email act_philippines@yahoo.com
Website www.actphils.com
Member, Education International

PRESS RELEASE

Spokespersons:
Benjie Valbuena
Vice-Chairperson, ACT
Cellphone No.: 09182399222

France Castro
Sec-Gen, ACT
Cellphone No.: 09178502124

Media Liaison: Zenie Lao, Cellphone No.: 09174998608; 09198198903

Malaking Hamon para sa mga Guro ngayong World Teachers’ Day:
ACT Now for Greater Education Budget!

Sa P1.8 trilyon panukalang pambansang badyet para sa taong 2012, na ipinasa ng Kongreso nitong Setyembre, P238 bilyon lamang ang badyet sa edukasyon kumpara sa P700 bilyon badyet sa utang panlabas.

Sa biglang tingin tumaas ng P31 bilyon ang badyet sa edukasyon kumpara sa P207 bilyon noong 2011, ngunit hindi nangangahulugan ito na malulutas na ang “shortages”ng mga guro, aklat, upuan atbp.

Kahit chalk allowance na kahilingan nating gawing P2,000/year man nga lamang ay hindi pa maibigay at tinatawaran pa itongP1,000/year. Sagrado ang chalk para sa ating mga guro sa pagkat ito ay sagisag ng ating pagtuturo kung ito man lamang ay hindi maibigay ng gobyerno, sumasalamin lamang ito kung anong klaseng edukasyon mayroon ang ating bansa.

Kung binabarat ang ating chalk allowance, budget cut naman ang parusa sa mga SUCs o State Universicities & Colleges tulad ng PNU o Philippine Normal University. Kaya hindi lamang walang budget para sa promotion at hiring ng mga bagong professor, kundi wala ring budget para ipatupad ang SSL3 o Salary Standardization Law 3 sa kanila

Samantala, mahigit 30,000 kinder teachers ang hanggang ngayon ay apat na buwan nang hindi pa sumusweldo mula nitong pasukan. Marami pa rin sa kanila ang volunteers at contractual na pinasasahod lamang ng P3,000.

Walang katapusang pagtaas ng tuition fee ang namanang kalbaryo ng mga estudyante, sapagkat deregulated din ang matrikula katulad ng pagtaas ng langis kung saan inutil ang gobyerno. May bagong patakaran pa sa gobyernong Aquino na “No permit No Exam” sa unibersidad at kolehiyo.
Sa panahon ni GMA, P6,000 lamang in four years ang salary increase ng imbes na P9,000 in three years. Pero naka dalawang SONA na rin si P-NOY ngunit ni pisong duling wala pa rin tayong increase. Kaya isinusulong at ipinaglalaban natin ngayon ang ang teachers’ salary upgrading from SG 11 to SG 15.

Ano pa kaya ang pinag-iba ni Gloria kay P-Noy kung kapwa sila walang pagpapahalaga sa edukasyon at serbisyong panlipunan. Public Education dapat ang prayoridad sa pambansang budget ayon sa ating Konstitusyon, hindi Private Public Partnership, hindi rin Conditional Cash Transfer, lalu namang hindi Military at Counter Insurgency, subalit ito angmahalaga sa kanila kung kaya walang pagbabago sa gobyerno ni Aquino.

Sa ika- 5 ng Oktubre, Miyerkules, magdiriwang ang mga guro sabuong daigdig sa ibat –ibang anyo at paraan. Sa Pilipinas, ang mga guro sa buong bansa, sa pangunguna ng ACT o Alliance of Concerned Teachers ay magdaraos ng iba’t ibang tipo at porma ng pagdiriwang at protesta.

Sa NCR o National Capital Region, pangungunahan ng ACT ang asembliya at martsa ng mga guro mula sa Moryata St, sa Maynila patungo sa Mendiola upang makipag dialogo kay P-Noy. Tatawagin natin itong: Chalk Walk to Malacanang! Chalk Talk with P-Noy! ACT Now for Greater Education Budget!

Sama-sama nating hihilingin at ipaglalaban ang 10-puntong kahilingan para sa Greater Education Budget:


1. Regularization / nationalization of all contractual and volunteer teachers.
2. Create 100,000 new permanent teacher items.
3. Upgrading of teachers ‘ salaries – SG 15 for Teacher 1 and SG 16 for Instructor 1
4. Increase chalk allowance from to P2,000
5. Increase base Productivity Pay to P5, 000.
6. Increase in clothing allowance to P6,000
7. Allotment of P91.5B shortages for classrooms shortage and other school facilities.
8. Allotment of adequate budget for Universal Kindergarten
9. Greater subsidy to PNU and all SCU’s
10. 100% increase in MOOE in basic and tertiary education.#####

 

     
     
           
     
     
     
=          
==          
     
 
     
           
**          

 

/p

  
 

Google