|
x
On Day 3 of Peasant week,
Militant peasant group condemns 20 year-old Project CALABARZON
“Bago pa man magkaroon ng Occupy Wall Street movement sa Estados Unidos,
mayroon na sa bansa na mga kampuhan ng magsasakang isinasagawa sa mga
tanggapan ng pamahalaan bilang pagkundena sa malawakang pangangamkam ng
lupa (Even before Occupy Wall Street movement took place in the United
States, peasant camps outside concerned government agencies have been
practiced to condemn massive land-grabbing here in the country),”
Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK)
Spokesperson Nestor Villanueva said.
This is in response to Edwin Lacierda’s claim that protests like that of
Occupy Wall Street’s will not happen in the Philippines because the
government has been working on ‘inclusive growth.’
According to KASAMA-TK, peasant camps have been assembled in Mendiola and
outside the Department of Agrarian Reform (DAR) during Benigno Aquino
III’s first 100 days. One year later, farmers’ sentiments have not
changed.
“Nariyan pa rin ang malawakang pangangamkam ng lupa at kawalan ng tunay na
reporma sa lupa. At pinalala pa ito ng mga iskema ng LUC (land use
conversion) tulad ng Project CALABARZON kung saan walang solusyon si
Aquino (There still remains massive land-grabbing and absence of genuine
land reform. And these made worse by LUC schemes like Project CALABARZON
where Aquino has no solution for),” Villanueva added.
Project CALABARZON was implemented in 1990 as an economic program for
Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon. Since then, farmers and
fisherfolks have campaigned against massive LUC that turned farm lands
into commercial and industrial use.
“Ang dating mahirap na kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda ay lalo
pang humirap dahil sa Project CALABARZON. Pilit na kinamkam ng iilang mga
pamilya ang mga lupain na tanging pinagkukunan ng kabuhayan naming mga
mahihirap (The situation of farmers and fisherfolks have become worse
because of Project CALABARZON. Lands where we get livelihood are forcibly
taken from us by elite families ),” PAMALAKAYA Presiden Pedro Gonzales
said.
On Day three of their peasant week, the group will move to Batangas City
Provincial Capitol where the Laguna contingent will merge with the
Batangas contingent. Protesters will then march to the Batangas Port to
hold the symbolic padlocking of one of its gates. Today’s program will end
in Crossing, Calamba City later this afternoon where a solidarity night
will take place.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin sila Kel (09497765311)
and Jonelle (09157379179) |
 |
|
Cavite Peasant's Picket Dialogue (October 19, 2011)
▲
Katipunan ng mga Magsasaka sa Lupang Ramos (KASAMA-LR), Samahan ng mga
Magsasaka sa Silang Kabite (SAMASKA), Katipunan ng mga Magsasaka sa Kabite
(KAMAGSASAKA-KA), Solidarity of Cavite Workers (SCW) at Bagong Alyansang
Makabayan-Cavite (BAYAN-Cavite) ▼
|
 |
x
PRESS RELEASE
Under PNOY, the “good guys” force thousands
of Batangueño tillers to camp out and fight for their basic rights!
Billboards decorated with one of the hottest bombshells in tinsel town
proudly describe the brilliant mind behind SM Development Corporation as
“the good guys” while thousands of peasants in Hacienda Looc, Nasugbu,
Batangas, are forced out of their agricultural lands, lose their
livelihood and suffer from hunger. The 8,650-hectare agricultural land is
being converted into high-end condominiums with a luxurious resort and
similar leisure facilities. This development program, further induced by
President Noynoy Aquino’s “public-private partnership program,” is
spearheaded by the Sys, one of the wealthiest and most influential clan in
the Philippines.
Hacienda Looc is a huge agricultural land that covers 4 barangays—Calayo,
Bulihan, Papaya, and Looc. If land-use conversion continues, over 10,000
tillers and fisher folks will be gravely affected. Hunger and suffering
due to landlessness will prolong.
Peasants of Batangas unite with those of Cavite and Laguna and the rest of
Southern Tagalog in this year’s broadest protest action. Protest camps
will be simultaneously erected in various key locations—one in Crossing,
Calamba City in Laguna, one in Brgy. Bypass, Silang, Cavite, and one near
the Provincial Capitol of Batangas in Batangas City. The setting up of
protest camps is part of the 2011 Peasant Week commemorative protest
action.
A kickoff program at the regional protest camp in Crossing, Calamba City
will mark the first day of the Peasant Week, 17 October 2011. In Batangas,
peasants will march on the 20th of October 2011, from the Provincial
Capitol protest camp to the Batangas Pier where a solidarity messages will
be delivered by key peasant leaders. This will be followed by a symbolic
padlocking of the gates of Batangas Pier. This “padlocking” will be a
signification of the peasants’ abhorrence towards nonstop privatization
schemes under the semi-feudal rule of Asyenderong PNOY.
Collective and organized protest actions in many provinces in the Southern
Tagalog region only prove that the current social order aggravated by the
US-Aquino regime remains insufficient and ineffective in addressing the
most basic needs of the Filipino people!
They may be in different sites but peasants are united with one
significant call: “ITAKWIL AT LABANAN ANG ASYENDERONG US-AQUINO!”
|
|
x
BUWAGIN ANG MGA HASYENDA SA BANSA! WAKASAN ANG
MONOPOLYO SA LUPA!
by Kasama Tk on Tuesday, October 11, 2011 at 12:51am
ITAKWIL AT LABANAN ANG HASYENDERONG REHIMENG US-AQUINO II!
LUPA PARA SA NAGBUBUNGKAL!
Simbolo ng kasaysayan ng pang-aapi
at pagsasamantala sa masang anakpawis ang mahigit 200-taon na pag-iral ng
monopolyo sa lupa ng iilang landlord sa anyo ng sistemang hasyenda habang
ang masang magsasaka'y lugmok sa kaapihan at patuloy na biktima ng kawalan
o kakulangan ng lupang-masasaka. Larawan ito ng pananatili at lalo pang
pagtindi ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Katulad ng mga
nagdaang gobyerno, pinakikinabangan at marahas na ipinagtatanggol ng
kasalukuyang Rehimeng US-Aquino ang kaayusang ito sa kapinsalaan ng
milyun-milyong maralita sa kanayunan at buong sambayanan.
Ang isa sa pinakakilalang hasyenda sa bansa, ang Hacienda Luisita, na
kinamkam ng angkan ni Noynoy Aquino ay buhay-na-patunay ng
kawalang-katarungan sa loob ng hasyenda at sa lipunang nagpapahintulot sa
patuloy na pag-iral nito. Sa halip na lutasin ang usaping agraryo sa
kanyang sariling bakuran, naging kapuri-puri pa kay Aquino ang naging
desisyon ng Korte Suprema na tumitiyak sa pananatili ng Hacienda Luisita
sa kanilang kontrol. Itinakda na ng desisyong ito ng korte ang
kahihinatnan ng iba pang kasong agraryo sa bansa.
Kabilang sa mga kasong ito ang mahigit sa 160-usaping agraryo sa rehiyong
Timog Katagalugan kung saan tampok ang pangangamkam ng SM Land sa Hacienda
Looc sa Nasugbu, Batangas; ng Ayala Land at Highland Properties sa
Hacienda Yulo sa Calamba City; ng Eton Properties sa Sta. Rosa City; banta
ng pagpapalayas sa mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos sa
Dasmariñas City; ng Lupang Arienda sa Rizal; ng Hacienda Reyes at Murray
sa Bondoc Peninsula; at ng Guevent Industrial Development Corporation sa
Pujalte Estate sa Palawan
Sa tala ng Kasama-TK, may 394,884 ektaryang lupang sakahan ang nasasangkot
sa iba’t-ibang kaso ng pagpapalit-gamit at pangangamkam ng lupa sa rehiyon.
Sa 50-kasong agraryo pa lamang, naitalang 67-panginoong maylupa at 45-real
estate developer lamang ang nakikinabang at naghahati-hati sa
limpak-limpak na kikitain mula sa mga lupaing ito kumpara sa 156,092
mamamayan na posibleng mapalayas sa kanilang mga sakahan at
lupang-panirahan.
Sangkot sa mga kasong nabanggit ang pinakamalalaking panginoong maylupa,
burgesya kumprador at dambuhalang land developer gaya ng mga Ayala,
Cojuangco, Sy, Tan, Zobel, Roxas, Puyat, Lopez, Yulo, Reyes at Murray –
sila ang mga pinakamaiimpluwensyang pamilya sa politika at ekonomya ng
bansa.
Habang si Aquino, na ni hindi man lamang nagkunwaring may malasakit sa mga
magsasaka, ay nagpakabihasa pa sa pagbubugaw sa mga lupain at likas-yaman
ng bansa sa mga dayuhan. Naging masunuring tuta ng mga dayuhang ahensyang
pinansyal si Aquino nang ipagwagwagan nitong isasalba ng Public-Private
Partnership ang nangaluluging korporasyon ng gobyerno.
Sa ika-21 taon ng pagpapatupad ng Project CALABARZON, lalo pang mag-iibayo
ang pagpapalayas sa mga magsasaka sa mga lupang-sakahan lalo na kung
maipupuslit sa Kongresong pugad ng mga hasyendero ang pag-amyenda sa mga
probisyong ekonomiko ng Saligang Batas. Ang 100% pagmamay-ari ng dayuhan
sa mga lupain sa bansa ay katumbas ng pagmasaker sa mga magbubukid nang
daang libong ulit na mas marami sa mga pinapaslang ng pamilyang
Aquino-Cojuangco sa Hacienda Luisita noong 2004 at sa Mendiola noong 1987.
Huwag nang banggitin pa ang mga magsasakang pinaslang sa ilalim ng mga
pasistang kontra-insurhensyang kampanya. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy
ng Rehimeng US-Aquino ang sistematikong karahasang ito sa balangkas ng
Oplan Bayanihan.
Hangga’t nakatayo ang mga hasyenda at iba pang anyo ng monopolyong
pagmamay-ari at kontrol sa lupa, lokal man o dayuhan, hindi malulutas ang
krisis sa ekonomya sa bansa. Pinananatili ng kaayusang ito ang
pagkaatrasado ng agrikultura at pagkabansot ng pambansang ekonomya (at sa
gayon ay ang pananatili ng dayuhang dominasyon) – dahilan upang masadlak
sa higit pang papalalang hirap ang buong sambayanan.
Nag-iimbita ng mas matatalas pang komprontasyon at tunggalian ang
pagsasawalang-kibo ng rehimeng ito sa mga lehitimong hinaing ng masang
anakpawis.
Para sa malawak na maralita sa kanayunan, na kailanman ay hindi nag-ilusyon
sa pagbabagong pangako ng Hasyenderong Pangulo – mananagot ang rehimen sa
krimen nito sa uring magsasaka at buong sambayanan. Nahihibang ang rehimen
kung inaakala nitong laging ang masang magbubukid ang duhagi sa mga
bitayan ng Mendiola at Luisita. Nakahanda ang militanteng kilusang
magbubukid na isulong at ipagtagumpay ang mas masaklaw at malaganap na
pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo at demokrasyang bayan.
Makiisa at Lumahok sa mga Pagkilos sa Linggo ng Magbubukid ngayong Oktubre:
Oktubre 17-19, 2001 – Kampuhang Magsasaka | Crossing Calamba City | Bacoor,
Cavite | Cainta, Rizal
Oktubre 19 – Protesta ng Mamamayan Laban sa Mapangwasak na Project
CALABARZON | Batangas City
Oktubre 20 – Martsa ng Bayan mula Calamba City patungong Sta. Rosa City
Oktubre 21 – Protesta ng Bayan | San Pedro City | Bacoor, Cavite | Cainta,
Rizal
LABANAN ANG PAGPAPALIT-GAMIT AT PANGANGAMKAM NG LUPA!
IBASURA ANG CARP Extension with Reforms (CARPER)!
IPAGLABAN ANG PAGSASABATAS NG GENUINE AGRARIAN REFORM BILL (HB 374)!
BIGUIN ANG MAPANUPIL NA OPLAN BAYANIHAN!
IPAGLABAN ANG TUNAY NA REPORMA SA LUPA AT PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON!
MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG KALAYAAN AT DEMOKRASYA!
Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan
Anakpawis Partylist | Samahan at Ugnayan ng Makabayang Magsasakang
Kababaihan | Liga at Unyon ng Manggagawang Bukid sa Timog Katagalugan |
Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas – Timog Katagalugan | Bigkis
at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan
(Oktubre 6, 2011) |
 |