Pagpupugay kay Gregorio "Ka Roger" Rosal

(Tribute to Ka Roger - Part VI)

 

■   Taas-kamaong pagpupugay kay Ka Roger!

 

■   Underground activists stage tribute to Ka Roger!

 

University Theater

 

UP Diliman Campus

 

October 21, 2011

 

■   Part I      ■   Part II     ■   Part III     ■   Part IV    ■   Part V     ■   Part VI

 

 

/p

 

 

     


 
   

 
 
 
/p

/p
Photos by Arkibong Bayan, Bagong Alyansang Makabayan, Sarah Raymundo,
Marco Valbuena and Raymund Villanueva as indicated by the filenames
           
 
           
      Lining up to the 2,400-seating capacity UP University Theater
which was packed full of more than 2,500 people

x

 

 

Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA)

 

Nagpupugay ang mga gurong Pilipino sa kadakilaan ni Gregorio “Ka Roger” Rosal

 

Pambansang Kalihiman

Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA-NDFP)

Oktubre 21, 2011

 

Ang mga guro ng bayan, sa loob at labas ng kanilang silid-aralan sa buong kapuluan ay taas-kamaong sumasaludo at nagpupugay sa kadakilaan ni kasamang Gregorio “Ka Roger” Rosal.

 

Inialay ni Ka Roger ang apat na dekada ng kanyang buhay hanggang sa huling tibok ng kanyang puso sa paglilingkod sa bayan, sa Partido Komunista ng Pilipinas at sa rebolusyong Pilipino. Buhay na inialay nang sa gayo’y matamasa ng henerasyon ng sabayanang Pilipino sa hinaharap ang tunay na malaya, demokratiko, maunlad at mapayapang Pilipinas.

 

Nakalarawan na ang mukha ni Ka Roger sa paningin ng mamamayan bilang mukha ng rebolusyonaryong kilusan ng sambayanang Pilipinong patuloy na nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya ng ating bansa.

 

Nakarekord na ang boses ni Ka Roger sa pandinig ng mamamayan bilang tinig ng rebolusyon para sa tunay na pagbabago laban sa bulok na malakolonyal at malapyudal na sistema ng lipunan.

 

Nakamarka na si Ka Roger bilang simbolo ng pakikibaka ng mga karaniwang taong malaon nang naghihimagsik upang ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo na siyang puno’t dulo ng kahirapan at kaapihan ng mamamayang Pilipino.

 

Bukod sa pagiging epektibong propagandista, mahusay na organisador, magiting na mandirigma, matatag na kadre, at matalinong pinuno – isa ring dakilang guro si Ka Roger ng rebolusyong Pilipino.

 

Ang mayaman niyang karanasan at gagap sa praktika ng lipunan at kongkretong pakikibaka ng mamamayan na may mahigpit na gabay at paglalapat ng linya ng demokratikong rebolusyong bayan at ng mayamang teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang mismong naghubog kay Ka Roger upang maging paham sa pagtuturo, pagpapaliwanag at pagpapaunawa ng mga prinsipyo, pananaw, paninindigan at pamamaraan ng rebolusyong Pilipino.

 

Tanging straight UNO ang gradong ibinibigay ng mga guro ng bayan sa ipinamalas at ipinamanang mong galing, husay at kabutihan sa bayan, Ka Roger, na permanente na ngang nakatala sa record ng rebolusyonaryong kasaysayan ng sambayanang Pilipino.

 

Ka Roger, isa kang dakilang rebolusyonaryong Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa! Laman ka na ng Lesson Plan ng mga guro ng bayan na patuloy na magtuturo at magsasapraktika ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba, di lamang sa apat na sulok ng silid-aralan, kundi pati rin sa bawat sulok ng lipunan, hangang makamit ng sambayanan ang tunay na pambansa at panlipunang kalayaan! #

 

 

     
 

NDFP Negotiating Panel Chair Luis Jalandoni
           

 

Parangal na may dangal
By Rolando B. Tolentino
 

Rebyu ng Parangal kay Gregorio “Ka Roger” Rosal (21 Oktubre 2011)

Hindi ordinaryong buhay ang kay Gregorio Rosal, kahit pa ordinaryo ang kanyang pinanggalingang kwento. Mahirap, galing sa pamilya ng magsasaka, malaking mag-anak, nagbenta ng kulambo, nagpilit makapagtapos sa kolehiyo. Ang kaibahan sa kanyang kwento ay ang pagpiling mamulat, manindigan, at kumilos para sa kanyang paninindigan.

Kaya nang ianunsyo ng Oktubre 2011 ang kanyang pagyao, maningning na ang kanyang nakamit para sa kilusan: apat na dekadang pagiging kasapi ng New People’s Army, tatlong dekada ng pagiging tagapagsalita ng National Democratic Front, at isang dekada ng pagiging bahagi ng propaganda commission ng Communist Party of the Philippines.

Ang kaningningan ng kanyang pakikilahok ang kabiyak na pisngi na itinampok sa parangal sa University Theater. Ang katambal na kabiyak ay ang pagiging tao ni Ka Roger. Sa kilusang andergrawnd na nagpapahalaga sa lihim at patagong pagkilos, ang pagkilala sa pagkatao at personahe ni Ka Roger ay hakbang tungo sa pagbibigay ng mukha ng kilusan, at kilusan ding nagbibigay-mukha sa kanyang kasapi.

Maraming sikreto ang muling naihayag, marami rin ang nahayag. Naging tao ang rebolusyonaryo. Naging makatao ang rebolusyonaryong kilusan. Ang kamatayan ni Ka Roger ay naging rebolusyonaryong tapang—na ang rebolusyonaryong paninindigan at ang paninindigang maging rebolusyonaryo ay muling nareafirma sa parangal.

Kakatwa ang idea ng parangal, di ba? Ipinagkakaloob lamang sa natatanging mga tao, at matapos ng kanilang kamatayan. Ang natatangi ay nililikhang tao, at ang tao ay ginagawang natatangi, pero matapos nga ng kanilang pagpanaw.

 

Sa artikulong “Picturing the dead”, nagiging kakatwa ang fasinasyon para sa imahen ng mga sikat na taong pinatay. Nang mamatay si Ernesto “Che” Guevara, ang kanyang nakadilat na mukha na nakapatong sa konkretong patungan sa isang labahan sa Bolivia ang ipinakalat ng diktadurya at ng Central Intelligence Agency para sabihing namatay na ang rebolusyonaryo. Pinatay na, at nagtagumpay ang estado’t kapitalismo.

 

Nang patayin na parang hayop si Muammar Qadaffi, kumalat ang blow-by-blow video at imahen nito sa Internet at pahayagan. Di pa nakuntento ang mamamayan, dinispley pa ang katawan sa isang tindahan ng karne. Itong brutal na imahen ng kamatayan ng isang pambansang lider ang magmumulto sa susunod na hinaharap ng Libya.

Kailangang may buhay sa kamatayan, may nalalabing kwento. Nang iburol si Ninoy Aquino, di tinakpan ang kanyang duguang katawan. Ipinakita ito sa milyon-milyong dumalaw, at kumalat itong larawan sa mga pahayagan. Nang mamatay si Ferdinand Marcos, ipinaembalsamo ito, nilagay sa aircon na kwarto, at idinispley. Creepy ang imahen ng necrophilia na paghalik ni Imelda sa salamin ng eskaparate.

Nang mamatay si Cory Aquino, walang imahen ng kanyang paghina at kamatayan ang lumaganap. Sinilyedo sa kanyang kabaong ang imahen at kwento. Kaya ang namayani ay ang kanyang pagiging santa, ang Joan of Arc ng bansa na namuno sa pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos.

Ang kamatayan ng isang rebolusyonaryo ay natatangi dahil nabubuhay ang kontribusyon at alaala sa pag-unlad ng mismong rebolusyonaryong kilusan. Pinaparangalan ang rebolusyonaryo hindi dahil pinili nito ang landas na mas madalang tahakin kundi pinili nito ang landas tungo sa sangandaan ng panlipunan at historikal na pagbabago. Sa kanyang pinagdaanan, nakabig ng buhay at kamatayan ng rebolusyonaryo ang puso ng mamamayan at kapwa rebolusyonaryo.

Ilang sandali raw bago paslangin si Che Guevara, tinanong ito ng isang sundalo kung iniisip na na niya ang kanyang imortalidad. Ang sagot ni Che, “Hindi, ang iniisip ko ay ang imortalidad ng rebolusyon.” Pinarangalan ang dangal ng buhay at kamatayan ni Ka Roger, na sa una’t huling usapin ay ang dangal ng buhay at kamatayan sa kilusang rebolusyonaryo.

 

Mula sa:
http://pinoyweekly.org/new/2011/10/parangal-na-may-dangal/

 

           
Dr. Carol Araullo of BAYAN
Former GPH Negotiating Panel Chair Atty. Silvestre Bello
           
     

x

 

‘Ka Roger leaves perpetual flame to hearts and minds of urban revolutionaries!’--- CPP-MMRPC

CPP - Metro Manila Regional Party Committee
October 18, 2011

The Communist Party of the Philippines-Metro Manila Regional Party Committee (CPP-MMRPC) joins the entire revolutionary movement in mourning to the death of CPP and New People’s Army (NPA) spokesperson, Gregorio ‘Ka Roger’ Rosal. The entire ranks of revolutionaries, activists and mass members of various formations in Metro Manila send our highest salute to Ka Roger’s unwavering service to the oppressed and to the revolutionary movement in the past four decades.

During our close encounter with the late revolutionary leader during a regional Party conference inside an NPA camp at the Southern Tagalog region in time of the fulfilment of our organization’s rectification movement on 1998, we had the chance to see the soft side of the great strong warrior. We witness how Ka Roger is strongly attached to peasants and comrades in the area in just a short span of time when he warmly hosted the said meeting.

As an icon of modesty, Ka Roger remains to be jolly, sensitive to the feelings of his colleagues and approachable to all despite being a high-ranking official of the revolutionary movement. Ka Roger never fails to accomplish his duty to be on the side of the oppressed to air their sentiments and to be the mortal enemy of imperialism and local oppressors to frustrate their anti-people policies.

His selfless and undying commitment to the revolution leaves perpetual flame to hearts and minds of urban revolutionaries. This flame that weakened the oppressors and had shed light to the path of the working class for genuine social transformation will remain and will burn even brighter as the days of landlords and bourgeoisie compradors are being numbered.

Manifestation of the gained trust and sympathy of Ka Roger not just to elements of the revolutionary movement but also to broadest number of middle class includes his mass appeal to members of the media and to students which make his death a trending topic on Twitter and other social networking sites. This only recognizes the cause of Ka Roger and influence of the Party’s 43 years of uninterrupted revolution.

In response to his death, we call on all our members to further intensify the people’s struggle against the present US-puppet regime of Benigno Simeon Aquino III. Ka Roger will serve as inspiration to us in Metro Manila to join and accelerate the people’s war in the countryside that will bring the national democratic revolution in to a new and higher phase onwards socialism.

We will strive harder to do our share in accomplishingthe two major responsibilities of the urban mass movement in the people’s democratic struggle:

First, we will exhaust all possible means to strengthen the urban mass movement in forms of bigger street protests against the war being waged by the US-Aquino regime to the oppressed sectors on urban areas and centres including massive demolition scheme on urban poor; labor flexibilization and contractualization schemes on the working sector; slash on education and health subsidy for Filipino students and people; among others. In order for us to attain this task of mobilizing the critical mass on the street parliament, we must live through the teaching and practices of Ka Roger to arouse and organize the people decisively.

Secondly, the CPP-MMRPC calls on its members to actively support the armed revolution in the countryside in forms of massive deployment of educated youth and workers to become red fighters and join the NPA.Having thousands of urban revolutionaries enlisting to be part of the revolutionary armed forces of the people for the protracted people’s war will result to forging further unity of the peasantry and the working class.Other forms of support to the armed struggle on rural areas will also be welcomed.

Finally, the entire national democratic movement offers the looming victory of the revolution in the couple of years from now to Ka Roger and to all other martyrs of the Filipino people who selflessly devoted their lives for the interests of the peasant and the working class.
 

Satur Ocampo, 1987 NDFP Negotiating Panel Chair

Rey Claro Casambre
Executive Director, Philippine Peace Center
           
     

 

Fire It Up: Honoring Gregorio "Ka Roger" Rosal

“It honestly was beautifully done like trying to hide the daylight from the sun … It honestly was beautifully bold like trying to save an ice cube from the cold.”

And in her head, there is just no other way to describe the National Democratic Movement’s send-off to one of the greatest contemporary figures of the Philippine Revolution, Gregorio “Ka Roger Rosal” of the New People’s Army, except to offer those neat lines from the song Fire It Up by Modern Mouse. You don’t save the daylight from the sun, you don’t save an ice cube from the cold. That beautiful and brave tribute to Ka Roger seemed so effortless on the part of those who performed and participated. They delivered their laudatory speeches, twisted and turned their flexible dancing bodies, sang of the revolution, including two of Ka Roger’s original compositions and sat on their seats expecting for the next surprise as though they were doing the inevitable and the commonplace, as though they have spent their whole lives rehearsing for this moment.

She was with them as a matter of course.

T. grew up with and related to the name “Ka Roger” with distant fondness. Hearing his voice over the radio while being taught in school about the necessity of kicking out the U.S. bases or while waiting for his clever reply to an accusation thrown against his group at a time when the local news was featuring the capture of alleged communists in the airport have had made T.’s teenage life a little bit more relevant to the shape of the world as she sees it now with adult eyes. T. had always thought that there is hardly anything that would make her familiar to the child that she was if they were to meet on facebook. But Ka Roger’s death has brought back memories of her own parents who were sane enough to know that there was no way they could hide Martial Law from a little girl.

Back then it was as simple as being told that the NPAs are good people. That without them, the Marcos dictatorship will go on robbing everybody down to their last piece of plastic pale (because where she grew up, pales were so big as water was scarce). Except for this one time that she really got excited over a huge boycott sign on their gate, she never really asked anyone of the adults in their household what they were up to. After all, they were all about her and her oratorical pieces (“I may be able to speak the languages of man or even of angels but if I have no love by St. Paul) and favorite songs (Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, matayog ang pangarap ng matandang bingi and You fill up senses like a night in the forest…). They never really explained what boycott meant. All she remembers is that on the day of the snap elections, her parents left home and promised to be back soon from the voting precinct.

There was one adult though who trusted her enough with her preferences—Ate Jobel. She was to be known by the neighbours as her baby brother’s new yaya. Live to Tell by Madonna was her favorite song. T. felt like they were friends so buying a lyrics magazine/songhits was in order. T. went through the lyrics and concluded that pregnancy was Jobel’s secret. The latter laughed at this and hugged her as if she were about leave. So T. urgently asked for Jobel’s surname for posterity. “ Balbacua.” She did not believe her. Worse, she felt betrayed by a situation where an adult is lying through her teeth about her surname, and to a child! So the next question which she asked with full entitlement and cleverness was communist ka ba? All she remembers by now is how Jobel said it meant “the commons, to be common.” And so then she bargained for another deal. If you tell me about your secret, I shall keep it. And as she wished, she was told: If you become a communist when you grow up, we shall triumph.

Now that T. is all grown up, even older than Jobel who stayed forever young in her head, she couldn’t help but try to see Ka Roger’s life the way the man had probably seen it. She concludes with the insight of a Filipino worker and union organizer. However good or bad Ka Roger is in people’s eyes, what is important is what he was in his own:

Long before he died, he saw himself standing by the historical greatness of labor and struggle, he saw himself refusing to suck up to the guardians of this system, he saw himself unwilling to accumulate material things for this meant obsessing with money, which only those who rebel like him will not need to make for themselves, not for the banks, not even for their children. He was faithful to how he saw himself. Very few people die with this vision.

To the astounding and humbling legacy of Ka Roger, T. can only offer what back then was a secret and a promise that she was supposed to keep.

 

--- From the Facebook wall of Sarah Raymundo

link to Modest Mouse's Fire It Up: http://www.youtube.com/watch?v=N6DjyXQl7L8

lyrics to Madonna's Live To Tell: http://www.lyricsfreak.com/m/madonna/live+to+tell_20086969.html

 

Lana Linaban of Gabriela
Read the tribute of Lana posted in her Facebook Notes

Sister of Ka Roger
 
Photo
KUMASA, cultural group from Southern Tagalog

Jess Santiago sings Ang Kaingero, a composition by Ka Roger
     
     

DZRH Broadcaster Deo Macalma

Chikoy Pura of The Jerks sings Imagine, a favorfite of Ka Roger
     

x



 

Tata Pido, KMP-Southern Tagalog

The First Quarter Storm Chorale
           
     

x

 



 

KUMASA, cultural group from Southern Tagalog

Renato Reyes and Judy Taguiwalo - Emcees
           
=          
==          


 
           

x

 

Harmonika at Pakikibaka
by Emmanuel Halabaso

(para kay KR)

Binabagtas ng melodiya
kapanglawan ng kabundukan
namumundok ang notang
naghahanap ng hustisya
sumisingit sa kaloob-looban
sa lungga ng pagal na puso
at matayog na paninindigan;

Iyan, ang simpatiya
tuwing pagsapit ng gabi
habang ang lahat ay abala sa paghilik.

Gising
kasama ng paboritong musika
mula sa mumunting harmonika.

Doon niyayakap, imno ng katarungan
Doon nakikiniig sa pangamba ng samahan
Doon nakikipagtagpo, takot sa katawan
Doon, oo, doon nagiging karaniwan,

sa harmoniya ng harmonika
nagiging piyesa ang pakikibaka.

May tempo pagtaas ng kamao
may kumpas sa mga paniniwalang makatao
may indayog na kumakapit sa pakikipagbuno.

Sumasalinsabay ang simponiyang
nagmumula sa harmonika-

ito ang kanyang puso,
ito ang kanyang kaluluwa-

sa bawat ihip,
nagsasanib
musika
at pakikibaka.

 

NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison

Vic Ladlad, former political detainee
           
     

x

Rosal
Jeric Jimenez
 

Kasama,
nais ko sanang alayan ka
ng pinakamatataas na mga salita
ng lampas-lampasan kong mga tugma
ng pinakamararagtas kong mga talinghaga.
Nais ko sanang sagutin
ang marabaw na tingin sa iyo
ng mga unang kumitil ng iyong buhay.
Nais ko sanang iguhit ang iyong pakikibaka
ilarawan
sa pitong tanaga
gusto ko sanang gawin ang mga iyon
ngunit amoy na amoy
ang matimyas mong halimuyak –
ikaw yung bulaklak Ka Roger Rosal
na hindi naman bulaklak
halimuyak mo’y higit pa Ka Roger Rosal.
Tulad ka ng sampaguitang isinasawsaw
sa malinis na tubig
inaagay-agay
ng uhuging
di pa nadadalaw ng kanin.
Tulad ka ng makahiyang
natutuhan nang tumiklop kapag
nagmamahal
nagpapakita ng tinik kapag may
kaaway.
Ang paninindigan mo’y tulad ng ilang-ilang
hindi naluluma
hindi nauubusan ng bango.
Ikaw,
Ka Roger Rosal
ang hulagway ng lampas-lampasang
paninindigan
ikaw, ang muhon ng lahat ng bulaklak.
Batid mong hindi ka maitatala
sa pahina ng sinungaling na kasaysayan
alam mong hindi ka magagawaran
ng mga pakilala’t tropeyo
ngunit sa pagsaboy mo ng iyong halimuyak
pinatunayan mo Ka Roger Rosal
di ka tulad
ng mga bumalikwas
at tuluyang umiwas
di ka tulad
ng mga umaastang may alab.
Tulad ka ng Cadena De Amor
Ka Roger Rosal
Ang dahon mo’y hugis puso
tulad rin ng Cadena De Amor
hindi naging madali
ang paggapang mo sa masukal na gubat
hindi naging madali
ang panananggol mo sa mga pangako ng
digmaan.
Tulad ka ng lahat ng bulaklak
Gregorio “Ka Roger” Rosal
tulad ka ng Rosas De Alas Dyis
sa umaga’y bumubuka
doo’y nagpapamalas ng ganda
sa gabi’y tumitiklop
dala-dala ang pag-asang
kinabukasan
ika’y haharap sa maringal na pakikibaka
ika’y tutunghay
sa nagliliparang bandila.
Tulad mo ang bulaklak na araw
Ka Roger Rosal
nakatindig
hindi nauubusan ng liwanag.
Tulad ka ng lahat ng bulaklak
Gregorio “Ka Roger” Rosal
hindi nauubos ang bango
hindi naluluma.
Oo’t namamatay
ngunit lumalaganap ang mga punla
dumidikit ang bango
nananatili ang mga ugat
muling nabubuhay.
Tulad ka ng lahat ng bulaklak
Gregorio “Ka Roger” Rosal.

 

     

 
     
     

National Artist Bien Lumbera and former GPH Negotiating Panel Chair Bello
           
     

x

 

Sa iyong paglisan Ka Roger
Saan nga ba dapat tumungo?
ni Maria Baleriz Liwanag


pabalik sa nakaraan
at magkulong sa kalungkutan?
o sa kasalukuyan
at buong tatag sa patuloy
na paglaban?

malungkot ang bawat pagkawala

subalit

ibayong dalita
ang pagkalulong sa lumbay
iyong tila ikinulong mo ang sarili
at iginapos kahit maaari pang
mabuhay at lumaban

akma lamang ang pagbaha ng luha
maging ang mga mensaheng
maglalayag at lilipad
mula sa puso patungo sa mga awit
na makikidalamhati
sa sambayanang nilisan ng isang
mandirigma
sa isang daigdig na pinanawan ng isa
na namang
bayani

subalit
sa lungkot
huwag tayong mahirati ng labis

ang nais
ni
ka roger
ay magsilbi pa siyang titis
na kayang magpaliyab ng kadawagan
at maging ng buong kabundukan
kung ang apoy sa iyong kaibuturan
pinanawan na ng alab
upang lumaban

huwag nating sayangin
ang kanyang ginampanan

lalo't higit
ang mga tinuran niyang mga kwento
na tiyak akong
kinapulutan mo ng aral
na hindi maibibigay ng mga leksyon
sa mga akademya
o sa mga opisina o pabrika
na sa matagal na panahon
naging kuartel ng sambayanan
magpahanggang ngayon

magkita kita tayo
sa lansangan
at saan mang sulok ng kabundukan

upang patuloy na pagliyabin
ang paglaban ng sambayanan!


 

     

 
     

Satur Ocampo, DZRH boardcaster Deo Macalma and Retired Gen. Jarque
           
Taas-kamaong pagpupugay kay Ka Roger!
   
   
   
           
Another type of tribute:
RCTU - ST Lightning rally tribute to Ka Roger ▼
     

x

Noon pa man dakila na siya
Piping Walang Kamay

 

hindi na

hindi na dapat bilangin ang luha
kahit ang mga pumpon ng mga bulaklak
na ilang araw makikipaglamay
upang patunayan ang pagkadakila
ng isang pagpanaw

sa kanlungan
nitong lipunang hinuhubog ng mga mapagsamantala
para sa kanilang sariling ganansya
kung saan nakilahok sa paglaban
ang isang
mapagmahal
at magiting na mandirigma ng masa
sa katauhan ng isang

ka roger

hanggang sa huling kataga
na sinambit at hininga
inalay niya sa masa

walang bantayog na kinakailangang itindig
upang siya ay dakilain
sapagkat matagal na
noon pa man

noon pa man dakila na siya
noon pa mang humihinga siya
at masikhay na nakikibaka
para sa pambansang demokrasya at paglaya

para sa iniibig niya
at sa iniibig natin

ang masa.

[tula] 2011_10_24

*tula ng pagpupugay para sa dakilang 'ka roger' ng sambayanan!

 

     
     
           
     

 

Unang karanasan
ni Ka Mon

October 23, 2011

Tahimik kaming lima matapos bigyan ng briefing para sa isasagawang isang lihim na aktibidad.
Binulungan ako ni Sandra, “Masakit ang tiyan ko”. Tulad ko, bago din siyang sasabak sa ganito. Lalong nagdagdag ito ng malakas na kabog sa aking dibdib. Dinadaga na yata ako. Umatras na kaya ako habang maaga pa?


“Kaya natin ’yan,” pampalakas-loob ni Sim. Sinegundahan naman ito ni Carla. Pangalawang beses na nilang sasama sa ganitong aktibidad.
 

Inalala ko na parang de-numerong kalkulasyon ng makina sa pabrika ang mga aktwal na gagawin at tagubilin ng pag-iingat.
 

Ah, kaya ko naman ito!
 

Napakaliit ng gagawin namin kumpara sa kung bakit namin kailangang gawin ang lihim na pagkilos na ito. Maliit na bagay marahil ito kung ikukumpara sa mga nagawa ni Ka Roger.
Dati ko nang naririnig ang boses ni Ka Roger tuwing umaga habang nakatutok ang tainga ng tatay ko sa radyo bago maggamas sa maliit naming sakahan. Nakikita ko rin si Ka Roger paminsan-minsang may pagkakataong makapanood ng balita sa TV sa tinutuluyang boarding house kapag awas ko sa trabahong 6 to 6.
 

Kanina ko lang siya nakilala. Bago ang briefing, binasa ng team leader ang pahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas hinggil kay Ka Roger at kung sino nga ba siya para sa rebolusyonaryong kilusan.
 

Halos kasing-edad ko siya ngayon nang pumasok siya sa kilusan noon.
 

Kinamangha ko ang kanilang ginawang pagtakas noon sa pagkabilanggo. Samantalang heto ako, hindi na yata makawala sa trabahong pihong wala namang kinabukasan. Pakiramdam ko nakakulong na lang kami lagi sa gusto ng mataas sa pabrika, gaya ng nauna kong napasukan, at posibleng maaari pa sa mga papasukang trabaho matapos ma-endo.
 

Ngayon ko din naunawaan bakit siya tinig ng rebolusyon. Hindi lang pala simpleng dahil siya ang spokesperson ng NDF-Southern Tagalog at ng Partido Komunista ng Pilipinas. Siya ang boses ng mamamayan, ng tulad naming hindi makapagsalita para sa aming karapatan.
 

Nag-organisa din pala si Ka Roger sa mga manggagawa noon. Ngayon ko naaalala ang sinabi ng instruktor namin sa isang pag-aaral na dinaluhan ko noon lamang nakaraang linggo, “Kailangang mulatin, organisahin, at pakilusin ang uring mamumuno sa rebolusyon”.
 

Marahil marami sa mga inorganisa ni Ka Roger ang sumunod sa kanyang mga yapak at namumuno na ngayon sa rebolusyon. Susunod din kaya ako sa yapak niya? Paano ako mamumuno?
 

Nasa ganito akong pagkilala kay Ka Roger at pagtatanong sa sarili nang marinig ko, “Tara na”.
Nagsalita na ang aming team leader.
 

“Tandaan muli, alalahanin ang oryentasyon at makikinig sa command,” paalala niyang muli.
“Pwede po bang mag-CR muna. Natatae ako,” pakiusap ni Bert.
 

“Sige, bilisan mo na lang at kailangang makakilos tayo on time,” natatawang sabi ng aming team leader. Hindi ko siya kinakikitaan ng anumang kaba kahit siya’y babae. Siguro matagal-tagal na din siya sa ganitong mga aktibidad. Siguro bihasa na din siya sa mga pasikut-sikot ng rebolusyon.
Matapos ang halos 15 minuto, lumabas na si Bert. “Ready na!” aniya sabay hinga ng malalim.
Natawa na lang kami habang mabilis na lumalakad palabas ng bahay. Papunta na kami sa pagdadausan ng lihim na pagkilos.

 

Sa jeep, walang imikan. Kami lang anim ang pasahero. Inaalala kong muli na ang pagkamatay ni Ka Roger ay simbigat ng Sierra Madre. Habang papalapit nang papalapit kami sa paglulunsaran, lalong bumibigat ang kaba sa aking dibdib. Simbigat din ng Sierra Madre.
 

Halos isang oras ang biyahe bago namin marating ang lugar. Malapit sa palengke. Matao ang lugar kahit katanghaling tapat.
 

Ilang minuto pa ang pinaghintay namin. Nang maghudyat na, dali-dali na kaming pumwesto sa hanay. Lahat kami ay nakapulang t-shirt. Nagsipagtakip ng mukha. Nagsuot ng Mao cap, iyung tulad ng sinusuot din ni Ka Roger.
 

 

 

Nakita kong sabay-sabay na lumadlad, itinaas, at winagayway ang bandila ng karet at maso, ng Bagong Hukbong Bayan, NDF, at RCTU. Marami pala kami dito. Marami pala kaming rebolusyonaryo!
 

Mabuhay ka, Ka Roger!
Mabuhay ang lahat ng martir ng rebolusyon!
Mabuhay ang sambayanan!
Tunay na hukbo ng sambayanan, NPA! NPA!
 

Nakisabay na ako sa mga pagsigaw na ito. Unti-unting nawawala ang takot na kanina ko pa inipon.
 

Sa mabilisan naming pagtitipon, nagulat ang mga mamamayan sa amin. Hindi naman sila natakot. May mga nasa loob ng mga tindahan at iba pang establisimyento ang nagsipaglabasan.

 

Nanonood sila sa amin.
 

“Tayo na Mon. Ipamahagi na natin itong mga polyeto,” paalala sa akin ni Sandra.
Sa pamamahagi namin ng mga polyeto, nagsalita ang isang di-katandaang lalaking may bitbit na pinamalengke, “Rally pala ito para kay Ka Roger”. Nagpapalitan ang kanyang tingin sa pagbasa sa polyeto at sa aming isinasagawang pagkilos.
 

Naulinigan ko din ang isang ginang na nagsabing, “Nasa paligid lang pala ang mga NPA at naka-uniform pa.”
 

May mga mamamayang nakikita kong tumitingin sa aming mga bandila. May ilang nagsasabing, “Tama yan!” Gaya ko, sumasang-ayon din marahil sila na ang Partido Komunista ng Pilipinas ang mamumuno sa rebolusyon at ang NPA ang kanilang tunay na hukbo.
 

Inabutan din namin ng polyeto ang isang traffic enforcer. Narinig ko sa kabilang linya ng kanyang 2-way radio, “Bakit trapik?” Sumagot siya, “May rally ang mga NPA.”
 

Napansin ko din ang dalawang pulis na papalayo nang makita ang aming hanay. ‘Di yata’t sila ang nauunang humarang, manghingi ng permit, at mandahas kapag may mga rali ang mga aktibista. Iba sila ngayon. Lumalayo at hindi makalapit. Siguro dahil alam nilang wala silang magagawa at hindi kailangan ng permit ng rebolusyon.
 

Nang marating namin ang palengke, naroon na ang mga maliliit na manininda, mga kargador, manggagawang namimili, mga ungising musmos at iba pang simpleng tao. Parang kumapal ang aming tinig. May mga mamamayan nang nakikisabay sa aming mga chants. Dumadami ang kalahok sa pagkilos. Hindi na lang sila nanonood. Dumadami ang nagpupugay kay Ka Roger. Hindi na lang kami ang mga rebolusyonaryo. Nagpapahayag at lumalahok ang mamamayan para sa rebolusyon!
 

Nang maghudyat na ng dispersal, organisado kaming naglansag ng hanay at pumuslit. Tapos na ang ilang minutong lightning rally.
 

Salamat Ka Roger. Huli man ako sa iyong panahon, lagi kong maririnig ang iyong tinig at ipagpapatuloy ang iyong mga simulain at inspirasyon. Mula ngayon bilang kasapi ng rebolusyonaryong kilusang lihim hanggang sa pagtatagumpay ng rebolusyon.#

 

     
     


Parangal kay Ka Roger
mula sa rehiyon ng Bikol

Gregorio Bañares 
Spokesperson
NDF-Bicol

November 21, 2011

 

Ang mga sumusunod ay audio recording ng interbyu ng iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon sa Bikol kay Greg Banares tungkol sa isinagawang parangal kay Gregorio “Ka Roger” Rosal. Dalawa dito ay may video recording din.

 
     
     
     
     
     
     
     
     


Stand up and give the Red Salute to Ka Roger!

Today, the Filipino people usher Gregorio "Ka Roger" Rosal into their Hall of Heroes and Martyrs. Today they engrave Ka Roger's name onto the granite wall next to those of such great working class..
-------------------------

Antonio Zumel Center for Press Freedom:
GREGORIO "Ka Roger" ROSAL:
A True Voice of the People Posted on Oct-15-2011

 

---------------------

 

All set for NPA Day of Salute for revolutionary hero Ka Roger

The Communist Party of the Philippines (CPP) announced today that "all is set for Red fighters of the New People's Army (NPA) to fall in formation in their respective units at high noon of October 15

 

*    

 

/p

  
 

Google