Tribute to Jocelyn A. Bisuña
(1957 -2011)

Feminist writer, educator, human rights advocate

 

Baao, Camarines Sur

 

November 17, 2011

/p

 

 

   
Dr. Elmer Jose "Ejam" A. Meceda

Bonifacio Ilagan
Concerned Artists of the Philippines
   
/p

/p
Photos courtesy of ACT Teachers Partylist and Karapatan - Bikol
           
     
Jocelyn Bisuña at the national convention of ACT Teachers Partylist
     

x

 

PAGPUPUGAY KAY PROP. JOCELYN BISUÑA!

MABUHAY ANG NAKIKIBAKANG GURO NG BAYAN!

Mensahe ng Pagpaparangal kay Prop. Jocelyn “Jo” Bisuña

Nobyembre 11, 2011

Isang mataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng kilusang guro sa pagpanaw ng ating mahal na kasamang Prop. Jocelyn Bisuna, o “Jo” sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mga kasama sa pakikibaka. Hindi matatawaran ang mga naiambag ni Jocelyn para sa kagalingan at interes hindi lamang ng sektor na kanyang kinabibilangan—ang sektor ng kaguruan—kundi ng buong sambayanan. 

Sa mahabang panahon ng pagiging isang militanteng Guro ng Bayan, naging isa sa mga susing tagapagtatag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Bicol Concerned Teachers Alliance si Ma’am Jo.

Iniluwal ng kanyang magiting na pagsusulong ng mga karapatan ng mga guro ang La Consolacion College Employees Union noong dekada ’90. Mahigpit rin ang pagtalima niya sa maka-masang edukasyon. Katuwang ang iba pang propesyunal sa Bikol, itinatag niya ang Dunong Bikol Center, isang alternative learning school sa rehiyon.

Mahalaga ang kanyang naging papel sa matagumpay na pagpapatalsik ng mga repormistang lider sa ACT at muling pagpapatibay nito sa oryentasyong militante, progresibo at makabayan sa ika-9 na Kongreso noong 1995.

Isa ring kinikilalang manunulat at manggagawang pangkultura (performance artist) si Ma’am Jo. Dahil sa kanyang kahusayan sa larangan ng kultura, regular siyang naiimbitahan bilang panelist sa samu’t saring worksyap sa malikhaing pagsulat. Isa rin siya sa mga tagapagtatag ng Kaboronyogan Bicol Cultural Network, isang progresibong alyansa ng mga artista sa kanyang rehiyon na nagsusulong ng makabayan at maka-mamamayang kultura.

Taong 2008 nang matuklasan na siya ay mayroong breast cancer, subalit hindi naging dahilan ito upang siya’y panghinaan ng kanyang diwang makabayan. Nang sumunod na taon, makasaysayan ang naging paglahok ni Ma’am Jo bilang tagapagsalita ng malaking pagkilos ng mga mamamayan sa Kabikulan na tinawag na “BAN Balikatan” (Bicol Alliance for Nationalism against Balikatan)—ang tinaguriang ‘pakikidigmang Kano sa Bikol’—laban sa balikatan exercises sa rehiyon. Naging tagapagsalita si Jocelyn ng halos 20,000 Bikolanong nagprotesta laban sa Balikatan. Matapang niyang ibinulgar ang tunay na pakay ng mga sundalong Kano sa ating bansa—at yaon ang pagtitiyak ng estratehikong interes pampulitika at pangmilitar ng Estados Unidos sa kapuluan.

Mainit ang suporta ng buong rehiyon sa samu’t saring adbokasiya ni Ma’am Jo, kaya naman noong magpasyang lumahok sa parlyamento ang kilusang guro ay hinirang siya bilang 3rd nominee ng ACT Teachers Party-List, bitbit ang maka-mamamayang slogan na, “Tunay na Tinig ng Teachers,” sa kauna-unahang paglahok nito sa halalang 2010. 

Taas-kamaong nagpupugay ang ACT at ACT Teachers Party-List para kay Ma’am Jo—makabayang guro, aktibista at artista ng bayan. Hindi-malilimutang ehemplo si Ma’am Jo ng isang rebolusyonaryong hindi hinayaang magupo ng pisikal na karamdaman ang kanyang diwang makabayan. Isang hamon para sa ating lahat na ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka.

Tuloy ang Laban!#

 

     
     
           
     
     
     

x

 

“Iginupo man ng karamdaman, ang pagmamahal at paglilingkod sa bayan ay tangan hanggang sa agawin ng kamatayan.”

Pagpupugay at pinakamataas na pagkilala ang pinapaabot ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) kay Kasamang Jocelyn Bisuna bilang isang tunay na guro ng bayan at sa hindi matatawarang ambag para sa pagkakamit ng pambansang kalayaan at demokrasya.


Ang kanyang buhay ay maningning na kasaysayan ng isang inang nagmahal at kumalinga hindi lamang sa asawa’t mga anak kundi lalo’t higit sa inaaping mamamayan.
Sa napakahabang panahon ng pagtuturo , siya ay nagsilbing matatag na bisig at pundasyon ng mga mag-aaral , kabataan at ng sambayanan pa sa makabayan, syentipiko at makamasang edukasyon. Mula 1981-1988 ay nag silbing guro sa mga sekundaryong paaralan at nagturo sa kolehiyo mula 1988-2009.
 

Mulat sa katotohanan na ang edukasyon ay mailap sa mahihirap lalo’t higit sa mga katutubo sa malalayong lugar ditto sa Kabikolan , Itinayo nya ang Dunong Bikol na ang pangunahing adhikain ay mailapit at gawing libre ang edukasyon sa mga katutubo.
Nagsilbi siyang lakas ng mga kasamang guro at sektor ng buong edukasyon. Bilang Presidente ng La Consolacion College Employees Union sa Iriga City mula 1997 hanggang 2009, buong giting niyang ipinagtanggol ang kagalingan at karapatan ng inbang guro para sa tamang pasahod at benepisyo.
 

Ang kanyang pagmamahal at pagtatanggol sa hanay ng mga guro ay lumaganap sa buong Kabikolan. Isa siya sa mga pangunahing nagtayo at nag-organisa ng Bicol Concerned Teachers Alliance (BCTA), at nagsilbing kalihim ng Bicol Education Forum. Bilang kilalang tagapagtanggol ng mga guro, naihalal siyang 3rd Nominee ng Alliance of Concerned Teachers Party List sa nagdaang pambansang halalan 2010.
 

Kasabay ng pakikibaka sa karamdaman ya ang masigasig na paglahok sa mas malawak na laban ng mamamayan. Kalsada ang kanyang nagging malawak na paaralan,magsasaka,mangagawa,kababaihan at iba pang masang inaapi ang naging mag-aaral.
 

Kasamang Jo, ang aming pakikiramay ay hindi pagtangis bagkus pangakong magpatuloy sa pakikibaka at pagtatanggol sa mamamayang iyong minahal. Sa pamilayng naiwan , sumasaludo kami sa walng pag-iimbot ng pagbabahagi ng iyong ina sa sambayanan.

 

     
           
     
     
     

x

 

Maalab na Pagpupugay kay Jo Bisuña,

Makabayang Guro, Artista, Manunulat at Aktibista

 

Ipinapaabot ng NDF-Bicol at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon ang taos pusong pakikiramay sa kanyang mga kapamilya at kaibigan na nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw nitong Nobyembre 5. Sa mahusay ninyong pag-aaruga at pagsuporta sa kanya sa huling mga taon ng kanyang pagkakasakit, tunay na kahanga-hanga ang naging pagharap at magiting na paglaban sa kanyang karamdaman.

 

Lumaban siya sa sakit na kanser. At ipinagpatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa bayan sa gitna ng kanyang pagkakasakit. Mula nang ma-diagnosed ang kanyang sakit noong huling bahagi ng taong 2008 hanggang sa kanyang huling mga sandali, nag-aalab ang kanyang pagmamahal sa bayan at sa masang kanyang  pinaglingkuran.

 

Hindi ito naging hadlang para sa kanya upang aktibong lumahok sa laban ng mga Makabayang Bikolano sa US-RP Balikatan military exercises noong 2009. Kanyang pinangunahan ang laban ng mamamayang Bikolano bilang convenor ng BAN-Balikatan, isang panrehiyong alyansa na tumututol sa panghihimasok sa bansa ng mga US troops at nagtatanggol sa ating soberanya.

 

Sa pagitan ng mga chemotherapy sessions, ang makabayan at anti-imperyalistang si Jo Bisuña ay nakikitang nagsasalita at naninindigan sa mga fora, symposia at iba pang mga pagtitipon sa mga cafe, restaurant, simbahan at mga eskwelahan upang himukin ang mamamayang Bikolano na lumahok sa mga kilos-protesta na bumuhos sa mga lansangan sa iba't ibang panig ng Bikol.

 

Ang kagyat na tagumpay na nakamit sa paglaban sa US-RP Balikatan exercises sa Bikol, na pansamanta-lang napaatras noong Abril 2009 dahil sa dambuhalang mga protesta ng mga Bikolano, ay nag-dulot din sa kanya ng mataas na morale upang ituloy ang pakikibaka sa mga lansangan at maging ang paglaban sa kanyang karamdaman. Labis ang kanyang pagnanais na madugtungan pa ang kanyang buhay upang mai-

pagpatuloy ang pakikibaka laban sa papatinding kahirapan at kawalang-hustisya sa ating lipunan.

 

Ang huling mga taon ng kanyang buhay ang naging rurok ng kanyang tatlong dekadang aktibong pakiki-

sangkot sa mga usaping-pambayan at sa masikhay na paglilingkod sa sambayanan. Mas higit ang kanyang naging determinasyon sa pakikibaka.

 

MAKABAYANG GURO AT LIDER-UNYON

 

Kanyang iminulat ang isipan ng kanyang mga mag-aaral sa pagpapahalaga sa kapwa at sa bayan; at  kanyang pinagsikapang mapalahok ang kapwa niya mga guro at kawani upang ipaglaban ang  kanilang mga karapatan sa pagpapataas ng sweldo at pagkakamit ng iba pang mga benepisyo.

 

Noong  taong 1983, nagsimula ang kanyang aktibong paglahok sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpa-pakilos sa mga kapwa niya guro, hindi lamang sa mga eskwelahan na kanyang pinagtatrabahuhan, kundi sa labas pa nito. Kasabay niya ang daan-daan pang mga  guro sa pagtatayo ng iba pang mga unyon sa  mga eskwelahan  at sa paglalatag ng mga chapter ng Bicol Concerned Teachers sa iba't ibang prubinsya. 

 

Sa elektoral na pakikibaka, aktibo siyang nakalahok sa pagsusulong ng karapatan ng mga guro para sa representasyon sa Kongreso. At nitong huling eleksyon, isa siya sa magigiting na nominees ng ACT partylist. Bago pa nito, buong dedikasyon niyang inialay ang kanyang panahon at lakas upang mai-taguyod ang pagiging makabayan at maisulong ang  pulitika ng pagbabago.

 

ARTISTA AT MANUNULAT PARA SA SAMBAYANAN

Simula pa noong dekada'80, ang gawaing pangkultura ay tunay na malapit sa kanyang puso. Pagkat likas sa kanya ang talento sa pagsusulat, pagkanta at pagtanghal sa entablado, mahusay niya itong ginamit na instrumento upang abutin ang masa.

 

Hindi siya nagpakasapat sa "art for art’s sake", sinikap niyang itransporma ang kanyang sining para makapaglingkod sa sambayanan.  Isang intelektwal na tumungo sa masa upang mailarawan sa kanyang sining at pagsusulat ang hikahos nilang kalagayan, at sa paraang ito marami siyang namulat at napakilos para sa hangaring baguhin ang kalagayan ng masang api at pinagsasamantalahan sa lipunan.

 

Sa kanyang masining na paraan sinikap niyang mag-ambag para sa pagpawi  ng kaapihan, kamangma-ngan at kawalang-hustisya sa lipunan. Katulad ng marami sa atin, inasam niya ang pagkakamit ng masagana at malayang bukas para sa susunod na henerasyon.

 

Taong 1987, isa siya sa mga nagpursigi upang mabuo at makoordina ang isang panrehiyong network ng mga makabayang  artista, manunulat, musikero, komposer, visual  artists at iba pang art enthusiasts. Mula noon, umusbong at namulaklak ang makabayang sining at panitikan hindi na lamang sa mga eskwelahan, kundi sa maraming mga komunidad ng mga magsasaka, mangingisda at maralita-sa-lunsod. At kanilang naging tanghalan o entablado ang mga kalsada, palengke, at mga terminal sa iba't ibang panig ng Bikol.

 

Bandang 2004, nang siya ay naimbitahan sa isang pambansang kumperensya ng Artista at Manunulat para sa Sambayanan (ARMAS), labis ang kanyang kagalakan na makipagtalakayan kaugnay sa kanyang mga karanasan sa gawaing pangkultura, sa kakanyahan ng kulturang Bikolnon  at sa taglay na diwang mapanlaban ng mga Bikolano. Kasabay ng iba pang mga makabayang artista, puspusan niyang itina-guyod ang pagpapalaganap ng pangmasa, syentipiko at pambansang kultura.

 

Mula pa noong huling bahagi ng dekada'80, tuwing Semana Santa naging tradisyon na ng mga grupong pangkulturang kanyang nabuo o na-inspira, na gawing socially-relevant ang Via-Cruxis (Kalbaryo) na itinanghal sa mga lansangan ng Bikol. Napalahok dito ang paparaming artistang naghangad na maimulat ang mamamayang Bikolano sa kanilang kalagayang naghihirap, inaapi at inaabuso ng mga makapangya-rihan sa lipunan.

 

Dahil sa kanyang napakahalagang kontribusyon sa gawaing pangkultura, nananatiling buhay at maka-buluhan ang gawaing pangkultura sa hanay ng mga kabataan, intelektwal, at maging ng mga propes-yunal na manunulat at artista sa Bikol. Ang alaala ni Kasamang Jo Bisuña ay magsisilbing inspirasyon para sa bagong henerasyon, upang determinadong ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan.

 

Sa muli, ipinapaabot ng NDF-Bicol at ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa Bikol ang taas-kamaong pagpupugay sa alaala ni Kasamang Jo Bisuña.  Mahusay na guro at manggagawang pangkultura na nag-alay ng kanyang talino at lakas para sa sambayanan!

 

 

Ka Greg Bañares

NDF-Bicol Spokesperson

 

     
     
     
     
     
     
           
     
     
     

x

 

 

LADAWAN
ni Vince Fajardo Casilihan

 

matinabang tabang sa nangangaipuhan
madaling hanapon kung gustong makaulay
kasurog pag binalgar ang derechos humanos
yaon ang pagmamakulog sa namamanwaan

talento asin pokus sa trabaho
dedikasyon sa gabos na guibo
maboot asin mapinadaba sa pag-iriba
hararom ang paninindugan sa kultura

ladawan ka ning sarong lider aktibista
parasurat,parakanta asin an kaisipang militansya
ladawan ka ning sarong ina nagpadaba sa aki asin pag-iriba
gabos na klase ning tawo, madaling ranihan asin kaulay ulay.

ladawan ka ning katatagan
sa hamon kang problemang kinakaatubang
dae ka nagsuko hasta hurihan
hawak lang ang buminigay
dae ang kaisipang palaban.

ika an ladawan na pwedeng pagirokan
nin mga bagong kaisipan para sa kagabsan
saro kang ladawan, sa panahon kaining krisis
na urualdaw samong kinakaatubang.

 

 

 


Bonifacio Ilagan
Concerned Artists of the Philippines
 

Jo Ortega
Co teacher and union leader  ffom La Consolacion College-Iriga City
 

Babes Jimenez Ampuan
President, Mariners Polytechnic Colleges Foundation
 


Vince Casilihan
Spokesperson, KARAPATAN - Bikol
           
     
Jing Dolot
Bayan-Sorsogon
Gervi
Kabataan
 Frank Penones
Kabulig Writers
     
           

 

NANAY JO ( Jocelyn A. Bisuna)

Paalam. . . .. ..
ni Vince Casilihan

 

Nanay kung ikaw ay tawagin
sa iba naman ay Maam ang taguri
ano man ang tawag sa iyo
di lilipas ang mga tulong mo.

sa aming mga kanta
tula na isinaletra
kilos at galaw sa entablado
ikaw ay laging nagtuturo.

ikaw na lider ng kababaihan
guro at masasandigan
di ka nagaatubiling tulungan
mga taong nangangailangan,

ikaw ay isang ehemplo
sa kapwa babae mo
sa bahay bilang ina
sa labas naman bilang kasama.

kay raming nalungkot sa paglisan
pero hindi ang tatak na naiwan
iyong kagandahan at kababaang loob
palagiang naririyan.

nominado ka sa ACT teachers partylist
lider ng Ban Balikatan, maging
ilang taong kumakatawan
sa kaboronyogan.

isa kang mangaawit, manunula
ina at ama sa mga anak nya,
kasama at kaibigan
kahuntahan na laging naririyan.

palaban ka sa lahat ng antas
di sumusuko sa ano man laban
ilang beses mang niraid ang tahanan
di man lang pinanghinaan.

lumalaban para sa karapatan
tuloy tuloy mula kolehiyo
hanggang ikaw ay magturo
sa mamamayang bikolano.

ginupo ka man ng cancer sa suso
ito'y di nagpahina sa paglaban mo
sa mga isyu at simposia
palagi ka paring nangunguna.

hindi pinahinto ng sakit mo
ang paghihina ng iyong katawan
maging sa mga caravan
ikaw ay laging naririyan.

nagmamasid at nagpupuna
sa mga napapansing di tugma
kung kayat mas napapanday
ang ating mga aktibidad.

di ka man nakilala ng ilan
ang iyong tinig naman ay naririyan
awit at tulang naisalarawan
buhay ng sambayanan.

marami ang lumuha
sa iyong pagkawala
subalit ang mga ala ala
di ito mawawala.

kaming iyong anak anakan
minsan ay pakainin sa iyong tahanan
tayoy nagsasayahan sa mga palihan
at atin itong itatanghal kahit tayo lamang.

alam namin ang iyong pagkawala
malaki ang iyong naipunla
dahil sa iyong dalisay na paglahok
para pambansang pagbabago.

kami man ay iyong iniwan
lahat kami ay nagpupugay
pinakamataas na parangal
sa iyong magiting na buhay.

 

x

LAMAY
ni Vince Casilihan

 

kung kailan may namamatay
doon naman nagkakaugnay

mga sinaunang aktibista
at bagong sibol nagkikita.

ito ba ang panahon
upang isat isay magtipon tipon.

mula malalayong lugar
noon ay kaagapay

sa lamay ng nahimlay
ito'y pagsasamasama

mga karanasan noon
kwentuhan na lang ngayon

pero ang pagiging palaban
di mawawala at palagiang naririyan.

ito ang napapansin ko
sa bawat pagkikita ng sinauna at bago

lamay ng nahimlay
ito ang recuerdo.

-------------------------

 

KABILUGAN NG BUWAN
ni Vince Fajardo Casilihan

 

NANAY JO
huling araw ng iyong lamay
ng iyong hiram na buhay

kabilugan ng buwan
ang sa amin ay sumilay

ala ala na lamang
ng matingkad mong buhay

pakikilaban sa karapatan
ng kababaihan iyong laging sambit
ng mga guro na iyong minahal
mga kabataan na iyong naturuan
mga katutubong pinagsilbihan
tinayo mo ang isang paaralan
dunong bikol para sa mga aeta
sa malalayong kabundukan

modelo ka ng kapwa mo guro
dahil sa prinsipyong bitbit mo
ayaw ng may naaapi
at niyuyurakan ang karapatan.

pinatunayan na ang pagkakaisa
at pagbubuo ng unyon
maraming nakinabang lalong lalo
sa kapwa mga kaguruan,
lumakop ang ingay
sa ibat ibang bayan
kailangang mag organisa
paramihin ang bawat isa
at doon nag simula ang BCTA.
susing tagapagtatag ng ACT teachers
at naging 3rd nominnee nito
na nagtatangol sa kagalingan
at dedikasyon sa paggampan
buong puso ay naririyan.

ika'y makata at mandirigma
mangagawang pangkultura,
ina at nanay ang taguri ng karamihan
aktibista,organisador at militanteng guro
ikaw na tumindig upang ipakilala
ang papel ng kababaihan sa sosyodad
na di maging ngimi sa kanino man.

di ka sumuko sa pakikilaban
lalong lalo na sa gobyernong gahaman
kahit may kanser, patuloy na gumampan
sa gawaing ayaw mong iwan
sapagkat ang sabi mo'y hindi
kailanman pwedeng talikuran
ang pagsisilbi sa sambayan
kahit karamdaman ang hahadlang.

sa pakikipagbuno sa laban ng kanser
di ka nakitaan ng panghihina ng isipan
ginupo man ang iyong katawan
ng kanser ngunit ang isip mong
palaban di kayang alisin sa iyong isipan.

malaking kawalan at pambihira
ang iyong iniwan sa amin
upang magpursigi at lalong magparami
upang magapi ang kalaban sa uri.

 

           
Teatro Budyong Jariz Vida
Bayan Muna-Camarines Sur
Nikka Bisuna
Youngest daughter of Jo
==          
     
Dr. Ira Bisuña
Eldest daughter of Jo
   
           

 

 

UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES NORTH BICOL CONFERENCE (UCCP-NBC)

Ang United Church of Christ in the Philippines-North Bicol Conference, sa pamamagitan ng Opisina ng Deputy Conference Ministry ay nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Kas. Jo Bisuna sa kanyang pagbabalik sa kaharian ng kanyang Manlilikha . Naniniwala kami na sa kabila ng kanyang matinding paghihirap mula sa kanyang sakit, maalala natin siya bilang isang matapang, makatuwiran, masigasig at masipag na guro ng pakikibaka para sa pagbabago.


Naging kaisa siya ng aming simbahan sa maraming labanang anti-diktadura noong panahon ng Batas Militar ng Diktadurang US-Marcos. Isa siyang masigasig na organisador , taga-pagturo at propagandista sa hanay ng panggitnang pwersa. Isa ako san a-impluwensyahan niya at nagging inspirasyon siya ng maraming Taong-Simbahan . Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa pagbagsak ng Dikatadurang US-Marcos. Hindi sa pagbagsak ng rehimeng US-Marcos nagwakas ang kanyang pakikilahok sa pakikibakang masa, sa katunayan, sapagdaan ng ilan pang panguluhan siya’y aming nakasama. Maituturing nating isa siyang haligi ng pambansa-demokratikong pakikibaka na di natinag kahit sa panahon ng kaguluhan at pagkakamali ng mga organisasyon. Natatandaan ko pa nga ng minsan ko siyang makasama sa protestang rehiyunal laban sa BALIKATAN na pinangunahan ng Bicol Alliance for Nacionalism Against Balikatan o BAN-Balikatan. Naawa ako sa kanyang kalagayan sapagkat siya noon ay nagsisimula ng mag-chemotheraphy at halata mo ang mahinangpangagatawan ngunit siya ay nananatiling bahagi nito para ilantad at palayasin sa Bicol ang mga imperialistang pwersang armado ng Kano. Kahit sa pagitang ng mga aktibidad siya’y tumitigil dahil sa pagsusuka, nagawa parin niyang ipagpatuloy ang kanyang pakikilahok sa protesta. Sa aking pagkakatanda, siya ang naitalang Secretary-General ng BAN-BALIKATAN.


Kahanga-hanga ang kanyang paninindigan kaya kahit sa kanyang paglisan mananatili siya sa aming mga puso at isipan. Ang mga aral niya ay magsisilbing lakas ng aming paglaban sa pwersa ng kaaway. Kung paano ka nagging halimbawa hanggang sa huling yugto ng buhay, ang pagiging tapat sa masang mamamayan, ito ang landas na aming tatahakin tungo sa tagumpay n gating Uri
 

Ito ang aming samo’t dalangin sa Ama ng kasaysayan, sa Anak na nakikibaka sa lahat ng anyo ng kasamaan sa sandaigdaigan at sa Ispiritu ni Kristong Mapagpalaya,sumaatin nawa ang isang kumunidad na tunay na Malaya, demokratiko, mapayapa at masagana para sa lahat. Amen.

Rev. Dan San Andres
Deputy Conference Minister



 

     
Deo Voce Singers

Dr. Elmer Jose "Ejam" A. Meceda
           
     
     
     

x

JO BISUNA: MANGGAGAWANG PANGKULTURA, GURO, INA

Iskrip ng Parangal kay Jocelyn Alarcon Bisuna (1957-2011)

Sa Panulat at Direksyon ni Buboy Aguay

 

Ang entablado  kaliwang gilid ay ang mukha ni Jo at sa kabila naman ay isang bakanteng tela na pipintahan ng mga naimbitang mga mangagawang sining-biswal. May LCD projector sa kaliwang ibabang bahagi ng entablado para sa mga multimidyang pagtatanghal.

 

UNANG BAHAGI: SI JO BILANG GURO

 

Musikang malumanay na likha ni Ira, sasabayan ng malikhaing sayaw ni Mar at tula ni Buboy.

 

TAGSIBOL

( Tula ni Buboy, Malikhaing Galaw ni Mar)

 

Buboy

Ina ang nagpapasiya ng binhing inilalagak sa sinapupunan.

Anak ang nagtatakda ng kanyang pagluwal sa mundong ito.

 

Tulad ni Jo

Iniluwal siyang walang hudyat

Walang paghihintay

Walang paghihirap

Dahil iniluwal siyang bigla

Sa isang malakas na hilab

Habang ang kanyang ina

Ay naglalakad sa sala

ng kanilang bahay

Sa isang iglap

Napaupo ang kanyang ina

At tila isang himalang lumabas

Ang sanggol na babae sa sahig

Ng kanilang bahay.

 

Iniluwal siya sa gitna nating lahat

Bilang isang guro

Tagapanday ng isipan

Huwaran ng lipunan

Iniluwal siyang nagturo

Sa kanyang mga ka-guro

At mga estudyante

Ng isang leksyon ng buhay

Na lumaya ang sarili

Magpalaya ng iba

Nang lumaya ang buong bayan.

 

Mensahe mula kay Bonifacio “Boni” Ilagan

 

Voiced Over: Vince: Sino ang Teatro Budyong kay Jo?

 

Pangkulturang Bilang ng Teatro Budyong

 

Mensahe ng Kasamahang Guro sa LACO

 

Mensahe ng Estudyante sa LACO

 

Mensahe mula sa ACT Teachers Partylist

 

 

WALANG KAHALILI ANG MAAAMONG SALITA

( Tula ni Buboy, Malikhaing Galaw ni Mar)

 

Buboy

Sa lipunang pinagsamantalahan

Ang paarala’y may pagsasamantala rin

May udyok ng kompetisyon

May hamon ng dibisyon

May makauring pananaw

Ngunit hindi ang silid- aralang

Hinabi niya ng maaamong salita

Mga matang may tanong sa kawalan

Ng laman ng tiyan

Ng tatay na manggagawa

Ng magulang na magsasaka

Ng bayang pahinante

Ng sariling bansa

Ng bansang inaagaw ng ibang bansa

Ang lahat ng pagmumulat

Ay maamo ring pag-uulat

Ng tunay na kalagayan ng lipunan

Kung ano ang uri at kung sino ang api

Kung bakit may mahirap

At paanong may patuloy na api

Dahil aniya’y ang lipunan ay may-aral

Ang totoong paaralan ay ang karanasan

Ang matuwid na aklat ay ang kasaysayan ng bayan

At walang tama’t maling sagot na minamarkahan

Dahil ang totoong pagkatuto ay nasa pagsusuri

Ang walang pagsusuri ay walang karapatang magsalita

At iya’y mga binhing kanyang naitanim

Sa maaamong mga salita.

Dahil walang kahalili ang maamong salita.

 

Mensahe ng Probinsiya (iba pang tagapagsalita mula sa probinsya)

 

Voiced Over: Vince: Paglalagom ng pagiging guro ni Jo.

 

IKALAWANG BAHAGI: SI JO BILANG ISANG MANGGAGAWANG PANGKULTURA

 

Mensahe ng ARTIST, Inc. via SKYPE (video na ito mula kala Rica)

 

Mensahe ng Kabulig at mga alay na tula

 

Mensahe ng Bugkos at pangkulturang bilang ng Bugkos

 

Mensahe ng Kaboronyogan at

mga alay na bilang ng Kaboronyogan (Huling kanta: Martsa ng Manggagawang Pangkultura)

  

Voiced Over: Vince: Paglalagom ng buhay ni Jo bilang manggagawang pangkultura

  

IKATLONG BAHAGI: SI JO BILANG ISANG INA, ANAK AT KAPATID

  

Mensahe ni Lola Adela

 

Mensahe  ng kapatid ni Jimbo

 

UNEP Choir: Bahay at Anak (3 Awit)

 

Mensahe ni Nika

 

Mensahe ni Ira

 

 

Awit: Gisi An Bado ko (Sonny Bance)

Isang bilang na alay sa pamilya ni Jo

 

Habang nangyayari ito ay inilalagay isa-isa ang mga simbolo ng pakikibaka ni Jo sa Kanser

 

KAY NANAY SA GITNA NG UNOS

( Tula ni Buboy, Malikhaing Galaw ni Mar)

 

Tutulaang muli kita ngayon

Gaya nang kung paano kahapon

At noong nakaraang tagsibol

Noong matalim ang mga dahat

 habang binabagtas natin

Ang mga sukal ng lungsod at mga gubat.

Kahit na naging heringilya ang mga talahib.

 

Tutulaang muli kita ngayon

Gaya nang kung paano kahapon

At noong may paso ang tag araw

Noong ginintuan ang mga butil ng palay

Gaano man kaunti ang natitirang butil

Sa hapag ng mga magbubukid

Kahit na naging mga tableta’t kapsula

Ang mga butil na nagdurugtong ng hininga.

 

Tutulaang muli kita ngayon

Gaya ng kahapon

At noong nakaraang taglagas

Noong napipigtal ang mga dahon ng gubat

Sinasamantala ng panahon ang karupukan

Ng mga tangkay o ang paghinog ng anak

Kahit na napakahaba ng mga napipigtal na pahina

Sa kalendaryo ng nalalagas na balat sa dibdib

Sa kalendaryo ng nilalanggas na balat sa dibdib.

 

Tutulaang muli kita ngayon

Gaya ng kung paano kahapon

At noong nakaraang taglamig

Noong may lambing ang umaga ng Disyembre

At ang haplos ng tubig-batis ay nagpapakilig

Sa kalamnang matikas at matatag na bisig

Kahit na ang panginginig, daing, sakit ay

Ay tila kakambal ng hininga at nanggagaling sa sarili.

 

Tutulaang muli kita ngayon

Higit kailanpaman

Dahil naniniwala akong may hele ng duyan

Ang tula ng isang kaibigan

May tapik sa balikat at may mariing tangan

Ang mga bantas at taludturan

Higit sa lahat unawa ko ang tigib mong pagsakit

Na hindi nila kailanman makikita sa mga pelikula

Ng xray kung paano ka umiral at nagwagi

Sa mga araw at gabing walay ang anak

Kinukumusta ang masa sa mga tanaw

Hinahaplos ang unan  sa mga nalagas na kasama

At kung paano ka nakibaka kahapon

Kaya naririnig mong tinutulaan pa kita ngayon.

 

Tutulaang muli kita ngayon

Bukas at sa mga daratal pang araw

Dahil hindi nauubos ang pamumulaklak ng salita

Sa isang kaibigan, kasama at sa isang Nanay na katulad mo.

  

Mensahe ng Rehiyon

 

 Voiced Over: Vince: Paglalagom ng buhay ni Jo bilang isang ina.

 

IKAAPAT NA BAHAGI: ANG IDEOLOHIYA NI JO AT PAKIKIBAKA SA KANSER

 

(Eerie Music: Alleluia)

 

Ipapakita ang isang video clip na kumakanta si Jo at si Mar naman may malikhaing galaw ng pagkanta, pagtuturo, pakikibaka at pagsusulat. May apat na militar na nakapalibot sa kanya at may kani-kanyang adlib tungkol sa panggigipit at pananakot.

  

Mensahe ni Dr. Ira Bisuna.

 

Pagpapalabas ng mga video clips  at mga litrato ng buhay ni Jo hanggang sa kanyang pagkakasakit.

 

Awit: Ira “Paalam”

 

Isasayaw ni Mar ang pag-aalis ng talukbong sa hospital bed na nasa entablado at mula roon ay hihilahin niya ang pulang tela samantalang ang buong pamilya at malapit na kaibigan ni Jo ay umaakyat ng entablado at hahawak sa telang ibibigay ni Mar. Magpapatuloy si Mar sa pagsayaw pababa sa entablado at patuloy na umiikot sa mga manonood upang iaabot ang pulang tela. Nangyayari ito habang patuloy ang tula ni Buboy.

 

ANG KABAONG KO’Y PALAMUTI LAMANG

( Tula ni Buboy, Malikhaing Galaw ni Mar)

 

Buboy

Kung sa pagmamahal magmumula

Kaya’t bangkay koy ihulid ninyo

Sa malambot na himlayan

Salamat mga anak

Sa pag-aalalang naromroman ninyo

Ang Nanay lalo na sa gabing

Kubli ang buwan at aandap andap ang mga tala

Pasensya na’t nabulabog ang inyong himbing.

 

Kung sikapin ninyong may salamin itong kaban

At silip nyo ang mukha kong nahihimlay

Baka masinop ring maaninag

Ang ngiti kong tila huwad

Pasensiya na’t nanigas na ang kalamnan

Itono na lamang ang isipan sa nakaraan

Kung kailan sariwa ang yakap at ngiti

Usapan at salosalo, pagpuna’t

Pag-aaral,pakikibaka’t pakikipamuhay

Ako’y umaasang didiligin ninyo

Ang mga binhing aking itinanim.

 

Kung sikapin ninyo mga kaibigan at kasama

Katuwang sa pagpanday yaong pangarap

Nating lipunang malaya

Sa pagbuhat ng aking kabaong

Ay bumigat sa inyong braso’t

Tila ako’y may hirap pang inaalay

Pasensiya na’t ang bigat ko’y

Bumagsak na’t di ko na maitukod itong lakas

Ito’y hindi pahimakas manapa’y paalala

Buong lakas, buong tatag, buong buhay

Ako’y laging nakibaka.

 

Kung sa hantungan ko’y masikap nyo

Na ilagak  sa marmol man o sa bato

Walang tutol kong tatanggapin

Itong parangal na habilin

Ngunit higit kong tagubilin

Binhi ng paglayang aking itinanim

Dahil sa lipunang ito’y hindi lahat pinapalad

Na mahimlay ng tahimik at maalayan ng bulaklak

Higit na mainam mahanap nyo ang libingan

Ng marami sa ating walang habas na pinaslang

Sa kanilang mga puntod o kinatay na laman

May binhi rin at may aral ng pagkilos sa lipunan

 

Diligin nyo’t magpatuloy sa pagsilbi

Sa masang tanging bayani

May bukang liwayway na sa bundok ay ngingiti

Pulang pulang bulaklak ang titingkad sa binhi

Pitasin nyo ang isang tangkay at ialay sa sarili

Huwag sa aking pumanaw na’t iniwan na ang sarili

Pagka’t itong kabaong ko’y isa lamang palamuti.

 

Walang talo sa masang pinagsisilbihang walang humpay

Maging itong bangkay ay bantayog ng tagumpay.

  

 Awit: Tumindig Ka  old kabo

Sa pangunguna ng Kaboronyogan ay kakantahin ang Sumulong ka o Kabataan at Ang Masa na nasa militanteng stance ang lahat.

 

WAKAS

 

Tanikala
▲ Buboy Aguay and Mar ▼
     
     
     
     
     
     
     
     
     
     
           
           
Kabulig Writers presentation Jo  with Kaboronyogan Cultural Netwok Mother of Jo Bisuña
**          

 

/p

  
 

Google