To mark the 43rd year of the NPA:
Mural of Ka Roger Rosal at Mendiola

 

Manila

 

March 26,  2012

/p

 

 

     

Mural ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, sa raling iglap
para gunitain ang ika-43 na anibersaryo ng New People's Army
(Photo/caption by Ilang-Ilang Quijano/Pinoy Weekly)


 
   


 
/p

/p
 
           
     

x

Bidyo: Mural ni Ka Roger iniladlad sa Mendiola, sa paggunita ng ika-43 anibersaryo ng NPA
by Ilang-Ilang D. Quijano

http://pinoyweekly.org/new/2012/03/bidyo-mural-ni-ka-roger-iniladlad-sa-mendiola-sa-paggunita-ng-ika-43-anibersaryo-ng-npa/

March 26, 2012


Isang raling iglap sa Mendiola ang isinagawa ng mga kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK) kaninang umaga bilang paggunita sa ika-43 na anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Iniladlad ng mga demonstrador ang isang higanteng mural ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines.

Tumagal ng mahigit-kumulang 15 minuto ang raling iglap ng tinatayang 15 kasapi ng PKM-TK, isang samahan ng mga magsasaka sa ilalim ng National Democratic Front of the Philippines. Bukod sa mural ni Ka Roger, nagladlad sila ng mga istrimer na may mga katagang “Cherish the New People’s Army!”, “Serve the People!”, at “Join the Revolution!”

“Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay ng mamamayan sa hukbong tunay na naglilingkod sa bayan. Kaiba sa reaksiyunaryong AFP (Armed Forces of the Philippines) na nagtatanggol sa interes ng mga mapagsamantala sa lipunan, ang NPA ay matapang nagtatanggol sa mahihirap at inaapi sukdulang buhay man ay ialay,” ani Eduardo Labrador, tagapagsalita ng PKM-ST, sa isang pahayag na ipinamahagi sa midya.

Itinatag noong Marso 29, 1969, ipagdiriwang ng NPA ang ika-43 na anibersaryo nito ngayong taon. Tinatagurian itong pinakamatagal na Maoistang insurhensiya sa Asya.

May sukat na 15 x 36 ft. ang mural ni Ka Roger na iniladlad ng mga demonstrador at may mga katagang ‘Bayani ng Uring Api.’ Namatay sa sakit sa puso ang kilalang lider-rebelde noong nakaraang taon.

“Tulad ni Ka Roger Rosal, Ka Armando Teng at iba pang rebolusyonaryong martir, ang mga NPA ay mga simpleng tao na piniling ialay ang buhay para mag-ambag sa pagbabago sa lipunan. Sa araw-araw, integrado ang hukbong bayan sa karanasan at buhay ng naghihirap na mamamayan,” ani Labrador.

Nanawagan ang PKM-TK ng patuloy na pagsusulong ng “demokratikong rebolusyong bayan” sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa. Ayon sa grupo, sa gitna ng kawalan ng sariling lupa ng mga magsasaka sa kanayunan, malaganap na ipinatutupad ng NPA ang “minimum na programa sa rebolusyong agraryo at ang piling pagkumpiska at pamamahagi ng lupa.”

Mula Mendiola, nagmartsa ang mga demonstrador ng ilang metro hanggang sa Bustillos St., bago tuluyang nag-disperse.


Nagsagawa ng maikling martsa
ang mga demonstrador patungong Bustillos St.
(Photo/caption by Ilang-Ilang Quijano/Pinoy Weekly)

 
 
 
           


Gahiganteng myural ni Ka Roger, iniladlad sa Mendiola
bilang pagpupugay sa NPA

Eduardo Labrador
Pambansang katipunan ng mga Magbubukid - Southern Tagalog
March 26, 2012
 


Pagpugayan at pakamahalin ang New People’s Army! – ito ang mensahe ng mamamayang naglunsad ng isang raling iglap bilang pagdiriwang ng ika-43 anibersaryo ng NPA sa Marso 29 sa mismong tarangkahan ng Malakanyang.

Matapang na pinangunahan ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan (PKM-TK), kasaping samahan ng National Democratic Front ang iba’t ibang sektor na lumahok sa pagkilos at nanawagan sa malawakang pagsuporta ng mamamayan sa armadong pakikibaka.

“Pinakamaataas na pagpupugay ang ibinibigay ng mamamayan sa hukbong tunay na naglilingkod sa bayan. Kaiba sa reaksyunaryong AFP na nagtatanggol sa interes ng mga mapagsamantala sa lipunan, ang NPA ay matapang na nagtatanggol sa mahihirap at inaapi sukdulang buhay man ay ialay,” ayon kay Eduardo Labrador, tagapagsalita ng PKM-TK.

Hawak ang mga plakard at istrimer na naglalaman ng mga panawagang “Cherish the New People’s Army! Serve the People! Join the Revolution!”, layunin ng grupo na hikayatin ang mamamayan na ipadama sa iba’t ibang anyo at porma ang pasasalamat at pagpupugay sa hukbong nag-armas upang palayain ang bayan.



 

“Tulad ni Ka Roger Rosal, Ka Armando Teng at iba pang rebolusyunaryong martir, ang mga NPA ay mga simpleng tao na piniling ialay ang kaisa-isang buhay para mag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Sa araw-araw, integrado ang Hukbong Bayan sa karanasan at buhay ng naghihirap na mamamayan, nagbibigay ng lahat ng kakayaning serbisyo at tulong sa ating mga kababayan sa kanayunan,” paliwanag ni Labrador.

Nagladlad rin ang grupo ng gahiganteng myural (15’x36’) na may nakapintang mukha ni Ka Roger Rosal na kumikilala sa dating tagapagsalita ng NPA bilang “Bayani ng Uring Api”.Ginawa ring pagkakataon ang pagkilos para ipakita ang pagkadismaya ng mamamayan sa kasaluyang rehimenat panawagang tuluyang ibagsak ang gobyernong US-Aquino.

“Sa buong kasaysayan, wala tayong nakitang tunay na pagbabago sa ilalim ng pinapangalandakang “daang matuwid” ni Aquino. Nananatiling pag-aari ng mga asyendero, panginoong maylupa at burgesya kumprador ang malalawak na lupain sa bansa gaya mismo ng Hacienda Luisita na pag-aari ng papet na Pangulo. Pinapatunayang nito na kahit nagdesisyon na ang Korte Suprema sa kaso ng Hacienda Luisita ay hindi sasapat ang ligal at parlyamentaryong pakikibaka dahil hindi kusang ibibigay ang ating mga lehitimong karapatan kung hindi tayo lalaban.”

Sa harap ng lumalalang krisis sa ekonomya at politika sa bansa, nanawagan ang PKM-TK ng patuloy na pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan. Ayon sa grupo, nananatiling ang kawalan-ng-sariling lupa ang pundamental na problema ng mamamayan. Nanawagan rin ang grupo na ipamahagi na ang lupa sa mga tunay na nagbubungkal at nagpapayaman nito.

“Sa mgalarangang gerilya na saklaw ng mga NPA, malaganap ang minimum naprograma ng rebolusyong agraryo at ang piling pagkumpiska at pamamahagi ng lupa. Sa pagsahol ng karalitaan, nahaharap ang mamamayan sa pagpapaigting ng ibat’t ibang laban. Kailangang pagpunyagian ito hanggang sa tagumpay,” pagtatapos ni Labrador.#
 

     
=  


 
==          
           
     
     
     

x

News Release March 25, 2012

Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan
National Democratic Front - Southern Tagalog
Reference Person: Eduardo Labrador
 

Rebolusyunaryong magbubukid, nagsimulang magpugay sa ika-43 taong anibersaryo ng NPA
 

"NPA: 43 taon nang tunay na naglilingkod at nagtatanggol sa sambayanang Pilipino!" ang makikita ngayong naghuhumiyaw na mga letrang pula sa karamihan ng mga pader at tulay sa Southern Tagalog.
Ayon kay Eduardo Labrador, tagapagsalita ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM-TK), kasaping samahan ng National Democratic Front sa rehiyon, "Pagtugon ito ng rebolusyunaryong samahan ng mga magsasaka sa Timog Katagalugan sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas na pasiglahin ang kampanyang pagpapakilala at pagbibigay-pugay sa 43-taong kagitingan ng New People's Army (NPA).
 

Kaugnay nito, nagsagawa ng iba't-ibang tipo ng biswal na propaganda ang PKM-TK sa rehiyon sa pamamagitan ng Oplan Pinta, Oplan Dikit at sticker bombing.
 

Nilaman ng kanilang mga panawagan ang islogan na "Sumapi sa NPA!", "Isulong ang Digmang Magsasaka!' at "Ibagsak ang Hacienderong Rehimen ni Aquino!"
 

Napuno rin ang mga pader ng poster na may disenyo at nakasulat na "43 Years of Genuine Service and Protection of the People. Cherish the New People's Army."
 

Ang isa pang disenyo ng poster ay may nakalagay na "Join the NPA!" at sa ibaba nito ay ang panghihikayat na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Pulang Himpilan ng Melito Glor Command, ang grupo ng NPA na nago-operate sa rehiyon.
 

Bukod sa mga nakagawian pamamaraan ng mga rebolusyunaryong grupo na magpinta at magdikit ng poster sa mga pader at tulay, tumampok sa aktibidad ng PKM-TK ang kanilang pagdidikit ng sticker lalo na sa mga pampasaherong sasakyan na may nakasulat na "Barya na lang po sa umaga" at sa ilalim nito ay may karugtong na "Ang kinikita ng sambayang Pilipino sa ilalim ng Hacienderong Rehimen".
Naging katanggap-tanggap ito sa mga tsuper at pasahero dahil sa panawagang "Lansagin ang Kartel ng Langis" lalo na at kamakailan at sunud-sunod na naman ang pagtaas ng presyong petrolyo na tila walang magawang paraan ang kasalukuyang gobyerno upang kontrolin ito.
 

"Masusundan pa ito ng marami pang tipo ng biswal at berbal na anyo ng pagpapakilala at pagdakila sa tunay na Hukbo ng mamamayan," dagdag ni Labrador.
 

"Dito masusukat kung gaano kamahal ng mamamayan, lalo na ng maralita sa kanayunan ang Bagong Hukbong Bayan at paano ito naiiba sa pasista at berdugong hukbong Armed Forces of the Philippines na nagsisilbing private army ng Hacienderong si Aquino at ng amo nitong Imperyalistang Kano," paglilinaw pa ni Labrador.
 

Ang NPA ay binuo noong Marso 29, 1969 ng bagong tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-Marxismo-Leninismo-Maoismo).#
 

     
           
           

 


ComScore

 

/p

  
 

Google