|
x
News Release
22 June 2012
Militant Youth groups heightens
protest: countdown to PNoy’s SONA
North Cotabato- Various militant youth groups from Cotabato, Kidapawan,
Kabacan and Davao city on Thursday heightens protest to countdown for this
year’s PNoy’s State of the Nation Address.
Progressive youth groups expect that PNoy will again manoeuvre the nearing
SONA, boasting the success of his anti-people policy Public-Private
Partnership.
Darwin Rey Morante, coordinator Kabataan partylist-North Cotabato said,
PPP was then crafted along PNoy’s loyalty in accordance with the
prescription and imposition of his big foreign bosses.
“At present, the systematic abandonment of government’s accountability in
the full recognition of his citizens lies destitute in cutting government
allotment for the basic social services and instead channelling huge chunk
of it to debt servicing and militarization, indeed, ironic, how could PNoy
talk peace in his agenda when his people are suffering from the ultimate
woe of government neglect.” Morante Stressed.
The group also assailed the spate of brown-outs that is hitting again the
province of North Cotabato and the dire, life threatening implications of
corporatization of public hospitals in the country.
“These scenario runs contrary to what should be the taxpaying citizens be
serve through basic social services, our hospitals are supposed to be a
sanctuary of the ailing constituents but with the desperation of the
administration, this will surely result to the inaccessibility of
healthcare services for poor Filipino families due to higher hospital
fees.” Morante added.
The militant youth groups are also set to amplify calls and welcome with
heighten mass actions the 2nd State of the Nation Address of PNoy come
July.###
|
Kabacan |
 |
x
MANGAHAS NA MAKIBAKA, MANGAHAS NA MAGTAGUMPAY
Mensahe sa League of Filipino Students sa ika-18 Pambansang Kongreso Nito
Ni Prop. Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag ng Kabataang Makabayan
4 Mayo 2012
Nagpapaabot ako ng maalab na makabayang pakikiisa sa League of Filipino
Students sa okasyon ng ika-18 Pambansang Kongreso nito. Sumasaludo ako sa
ng inyong matatag, militante at mabungang pagkilos para sa mga karapatan
at iteres ng mga mag-aaral sa balangkas ng pambansa-demokratikong
rebolusyon ng sambayanang Pilipino.
Sa mahabang panahon, pinatunayan ng LFS ang kanyang katangian at papel
bilang isang makabayan at demokratikong pwersa na nangunguna sa mga
mag-aaral. Tampok ang kanyang bahagi sa pagpapabagsak sa papet at
pasistang diktadura ni Marcos. Kasama ang LFS ng Kilusang Mayo Uno sa
pagharap sa palasyo ng diktador sa mga araw na ibagsak ito, kasabay ng
pagtitipon ng karamihan ng iba’t ibang pwersa ng BAYAN at mga alyado nito
sa Edsa.
Maningning na ipinagpatuloy ng LFS ang pakikibaka laban sa mga sumunod na
rehimeng papet at mapagpkunwaring demokratiko. Tampok din ang papel ng LFS
sa pagpapabagsak sa rehimeng Estrada at sa pagbatikos at pagkahiwalay ng
rehimeng Arroyo. Sa ngayon, matalino at magiting na humaharap at lumalaban
ang LFS sa rehimeng Aquino na nagpapatuloy at nagpapalubha sa
pagsasamantala at pang-aapi sa mga mag mag-aaral at sambayanang Pilipino.
Wasto at napapanahon ang tema ng inyong kongreso: Mangahas na makibaka,
mangahas na magtagumpay! Isabuhay ang diwa ng paglilingkod sa sambayanan,
Pag-ibayuhin ang pagpapalawak at pagpapatatag ng ating hanay, Paigtingin
ang anti-imperyalista at pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan!
Sumisidhi ang pagdarahop at paghihirap ng sambayanang Pilipino habang
lumulubha ang krisis ng global na kapitalismo at ng lokal na naghaharing
sistema ng mga malaking komprador at asendero. Paborable ang kalagayan
ngayon para pag-alabin ang diwa at damdamin ng mga mag-aaral at
sambayanang Pilipino, organisahin sila para sa pakikibaka at pakilusin
sila laban sa mga imperyalista at kanilang mga alipuris at sumulong sa
landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon laban sa imperyalismo,
piyudalismo at burukrata kapitalismo.
1. Para gisingin, himukin at pukawin ang mga mag-aaral sa antas ng hayskul
at kolehiyo, dapat magpakahusay tayo sa paggawa ng ahitasyon at propaganda
alinsunod sa pangkalahatang linya ng pakikibaka para sa pambansang
kalayaan at demokrasya. Batikusin natin ang mga imbing pwersang
nagpapataas ng gastos sa edukasyon , kabuhayan, paninirahan at
pangangalaga ng kalusugan, nagsisinungaling at nanlilinlang sa bayan at
nagbabanta o gumagamit ng karahasan para supilin ang mga demokratikong
karapatan.
Ibig sabihin ng ahitasyon ay ang mabilis ng pagkalat ng mga panawagan,
laluna sa anyo ng mga islogan, tungkol sa mga nagbabagang isyu sa
pamamagitan ng maiigsing talumpati, polyeto, larawan, poster, sulat pader
at iba pang paraan na dagliang nakakaabot sa marami. Ibig sabihin ng
propaganda ay ang mga pahayag, artikulo at iba pang kasulatang
nagpapaliwanag ng mga patakarang bunga ng pananaliksik at pag-aral at ng
mga kolektibong talakayan at maaaring ilathala ang mga ito sa peryodiko o
ikalat sa anyo ng pamplet.
Lumilitaw ang mga mahusay na ahitador at propagandista dahil sa
pampulitikang edukasyon sa pambansang demokratikong kilusan, kabilang ang
pagsapol sa mga pinakaesensiyal na nilalaman ng Konstitusyon at Programa
ng LFS, mga napapanahong propaganda ng LFS at mga pag-aaral sa mga kurso
tungkol sa Lipunan at Rebolusyong Pilpino at sa sektor ng mga mag-aaral.
Maaaring ipaliwanag sa masa ng kasapian ng LFS kung ano ang hinaharap na
demokrasyang bayan at sosyalismo. Subalit hindi kailangang gawing rekisito
sa masa ng kasapian ang pag-aaral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo dahil ang
LFS ay pangmasang organisasyon at hindi partido ng mga rebolusyonaryong
proletaryo.
2. Magtayo ng mga sangay sa mga unibersidad, kolehiyo, departamento at
hayskul. Kung saan wala pang sangay, dapat may organisador ng LFS na
nagtitiyak na may mga panimulang rekluta at dapat may kasama siyang
tagapagpaliwanag sa mga esensyal na punto sa Konstitusyon at Programa ng
LFS. Puedeng pasumpain na agad ang mga rekluta bilang mga kasapi at puede
na rin silang maghalal ng mga pinuno ng sa sangay.
Para mabilis na lumawak ang organisasyon ng LFS, dapat laging
pinaaalalahanan ang mga kasapi ng sangay na magrekluta ng ibang estudyante
na kaibigan, kaklase o kasama sa ibang organisasyon, magbigay ng paliwanag
sa kanila tungkol sa mga esensyal na punto sa Konstitusyon at Programa ng
LFS, mag-ulat sa pamunuan ng sangay para may iba pang kasapi na aatasang
gumawa ng beripikasyon at magdala sa rekluta sa miting ng sangay para
aprubahan ang aplikasyon nila.
May ilang paraan ng konsolidasyon ng sangay: maagap na pagtupad sa mga
takdang kurso ng pag-aaral, pagpaparami ng kasapi at pagtaas ng kakayahang
magparami, paggawa ng mga porum tungkol sa mga mahalagang isyu, mga
kultural na pagtatanghal, pagbubuo ng mga grupo o tim ng pagsisiyasat at
paglubog sa mga komunidad sa kalunsuran at kanayunan at pagmobilisa ng
sariling hanay, mga alyadong organisasyon at mga di-organisadong mag-aaral
para sa kampanya. Ibig sabihin ng konsolidasyon ay pagpapataas ng
kakayahan, hindi pagkulong sa sarili. Napagsasabay ang ekspansion at
konsolidasyon.
3. Sa mobilisasyon, dinadala natin ang mga isyu tungkol samga karapatan at
interes ng malawak na masa. Katugon nito ang pagpapakilos sa sariling
hanay natin, sa mga alyadong pwersa at mga di-organisadong masa. Sa
paglulunsad ng mga kampanya natin, dapat gumamit tayo ng mga pamamaraan
para maakit na lumahok ang malawak na masa. Ang sarili nating bilang ay
laging mas maliit sa bilang ng mas malawak na masa. Kung gayon, lagi
nating pagsikapan na magkaroon ng mga alyado at mga personahe na
nakakaakit ng karagdagang masa.
Matitiyak nating magiging matagumpay ang kampanya kung kasama sa plano ang
mga malawakang paghahanda na ang layunin ay patingkarin ang atensiyon at
interes ng masang nais nating mapalahok. Sa mismong araw o mga araw ng
malakihang pagkilos dapat ding may mga pamamaraan para akiting lumahok ang
mga nakakamasid at nakakarinig sa ahitasyon at propaganda at masang
kumikilos na. Gumamit ng ilang kulumna mula sa iba’t ibang direksyon para
dumagsa sa pagtitipunan. Pero sa kaso ng estudyante sa downtown ng Manila,
dapat sikapin din nilang okupahin ang mga kalsada patungong Malakanyang.
Dapat hindi parang bula ang mobilisasyon ng masa na madaling lumobo at
madali ring mawala. Bunga ito ng masisasig na trabaho sa ahistasyon at
propaganda at sa organisasyon. At dapat magbunga ito ng ibayong lakas ng
LFS. Noong araw na ibagsak ng mga estudyante’t mga kabataan si Estrada,
akala ko tuluy-tuloy na ang paglakas ng LFS at buong kilusan ng kabataan.
Pero humupa nang ilang taon ang kilusang ito at nahirapang ibagsak ang
rehimeng Arroyo nang lumitaw itong napakasama.
Naiwasan ni Arroyo na ibagsak ng mga mamayan. Pero patuloy na nabubulok
ang naghaharing sistema. Ito ang nagbibigay ng pagkakataon at pag-asa sa
mga mag-aaral at sa buong kilusang pambansa-demokratiko para ibagsak hindi
lamang ang isang rehimen kundi ang buong sistema. Maliwanag na ganap na
papet ng mga imperyalista ang rehimeng Aquino, kinatawan ito ng mga
mapagsamantalang uri, sakim at korap at mahilig sa paglabag sa mga
karapatang tao. Hindi lamang Noynoying sa mga mahahalagang isyu kundi
sobrang aktibo sa paglabag sa mga pambansa at demokratikong karapatan ng
sambayanang Pilpino.
Nasa mas masamang kalagayan ngayon ang lokal na sistema dahil sa mabilis
na paglubha ng krisis ng global na kapitalismo. Pumalpak nang todo ang
patakarang neokolonyal, tinamaan ng depresyon ang buong daigdig at
gumagamit ngayon ang mga imperyalista at mga papet nito ng terorismo ng
estado at mga digmang agresyon. Sapilitan, malaganap ngayon sa daigidig
ang paglaban ng mga mamamayan sa mga imperyalista at mga papet nito para
ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at tumahak sa daang patungo sa
bagong daigdig ng ibayong kalayaan, demokrasya, hustisya sosyal,
lahatang-panig na kaunlaran at internasyonal na pagkakapatiran at
kapayapaan. ### |