Military defies court order to transfer Alcantara

to civilian detention facility— Karapatan

 

Taguig CityI

 

September 4, 2012

/p

 

 

     

NDFP Negotiating Panel Chair Luis Jalandoni speaks at the protest picket in front
of the Taguig RTC  held by Karapatan and SELDA human rights activists

 

Coni Ledesma, member, NDFP Negotiating Panel
 


 
/p

/p
Photos courtesy of KARAPATAN / Angge Santos
           
     

x

 

Press Statement
September 4, 2012

Reference: Marie Hilao Enriquez, Chairperson, 0917-5616800
Cristina Palabay, Secretary General, 09175003879
Angge Santos, Media Liaison, 0918-9790580

From martial law to Noynoy Aquino: political prisoners exist
Military defies court order to transfer Alcantara to civilian detention facility—Karapatan

The Taguig Regional Trial Court is set to decide today on the motion of Tirso Alcantara’s counsels for his immediate transfer from military custody to a civilian detention facility; and, to consolidate the charges of illegal possession of firearms and illegal possession of explosives to rebellion.

“But even without today’s hearing at the Taguig RTC, Alcantara should now be transferred to a civilian detention facility, specifically at the PNP Custodial Center at Camp Crame, because the Gumaca Regional Trial Court already ordered the military,” said Marie Hilao-Enriquez, Karapatan chairperson.

On July 18, the Gumaca Regional Trial Court, where Alcantara also face charges, ordered the Chief of the Intelligence Security Group or the Commanding Officer of the Intelligence Security Group of the Philippine Army to comply with the May 9, 2012 Order to “commit accused Tirso Alcantara at the PNP Custodial Center at Camp Crame.”

Karapatan renews its call to immediately execute the said Order. “For more than one and a half years now, Tirso Alcantara has been in solitary confinement in a military detention cell. It’s like martial law. The military can simply ignore any court order. We don’t see any reason for the delay of Alcantara’s transfer, yet the military refuses to follow civilian authority,” said Cristina Palabay, Karapatan secretary general.

The Gumaca RTC Resolution, signed by Judge Maria Chona Pulgar-Navarro , underscored the ‘supremacy of the civilian authority at all times’ and found that Alcantara’s ‘transfer to a civilian detention facility is long overdue’.

The said Gumaca RTC Resolution cited that Alcantara “suffered inhuman treatment and unreasonable restrictions/impositions on his rights in the hands of his military custodians.” The Court also recognized that “there are serious threats to his health and security which can only intensify if his detention at the ISG detention facility in Fort Santiago continues.” The same reasons were argued by Alcantara’s legal counsels at the Taguig RTC.
Hilao-Enriquez said that Alcantara is considered by the military as a “price catch”. He was jailed for fabricated criminal cases, and despite the Joint Agreement for Safety and Immunity Guarantees (JASIG), a signed agreement between the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Government of the Republic of the Philippines (GPH). Alcantara is a known leader of the New People’s Army in Southern Tagalog and is consultant of the NDFP on the peace negotiations. “NDFP consultants are guaranteed immunity under the JASIG. The problem is, the government has reneged on its earlier commitment to release political prisoners, specifically those covered by JASIG,“ added Hilao-Enriquez.

Karapatan also held a picket outside the Taguig Hall of Justice to call for the release of Alcantara and all other political prisoners either through a general, unconditional and omnibus amnesty or through the “Release on Recognizance” offered by the Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP), a group composed of peace advocates, Church leaders and organization from both Protestant and Catholic denominations. ###
 


 Police escorts pull away NDFP consultant Alan Jazmines from a media interview
 
           
           

 

Berso sa Bilangguan
Kapirasong Kritika ni Teo S. Marasigan
Pinoy Weekly
http://pinoyweekly.org/new/2012/06/berso-sa-bilangguan/


Marami ang nakakakilala ngayon kay Alan Jazmines bilang bilanggong pulitikal sa ilalim ng rehimen ni Noynoy Aquino. Kinikilala siya ng National Democratic Front of the Philippines bilang konsultant sa usapang pangkapayapaan nito sa gobyerno ng Pilipinas. Marami pa rin ang nakakaalala sa kanya bilang pangkalahatang kalihim ng itinayong Partido ng Bayan noong 1987, kung saan si Prop. Jose Ma. Sison ang naging tagapangulo. Mas malamang, mas kaunti ang nakakaalala sa kanya bilang makata.

Hindi ko rin naman siya natatandaan bilang makata, bagamat ilang tula na niya ang nabasa ko. Mas tumatak sa akin na makata siya dahil sa isang kaibigan, na bagamat sumisimpatya sa Kaliwa ay kritikal sa pagtula ng mga aktibista. Sa pagtingin ng kaibigang ito, marami sa mga makatang aktibista ang gumagamit ng mabibigat na salita – kamao, dugo, rehas, mapulang bukang-liwayway – na bukod sa gasgas na ay hindi nabibigyan ng bagong buhay. Parang basta inilalagay, walang kongkretong pag-uugnay.

Anu’t anuman, tatlong makatang aktibista lang ang pinuri ng naturang kaibigan: si Sison, si Gelacio Guillermo, at si Jazmines. Kahit nga sa pagpuri ay madamot siya: may mga “cute na linya” raw si Jazmines kaya bukod-tangi. Kaya naman nang aksidenteng makita ko ang librong Moon’s Face and Other Poems [1991] ni Jazmines sa bahay ng isa pang kaibigan, agad ko itong hiniram at binasa. Para sa tulad kong hirap magbasa at umunawa ng tula, simple at madaling maunawaan ang kalakhan ng tula ni Jazmines.

Isinulat ni Jazmines ang mga tula sa Moon’s Face habang nakapiit bilang bilanggong pulitikal ng diktadurang US-Marcos noong 1982 hanggang Pebrero 1986. Sa kanyang panghuling salita, iniugnay ng kritikong si Lilia Quindoza-Santiago ang pagtula ni Jazmines sa pagtula ng maraming bilanggong pulitikal. Sa kanyang paunang salita naman, pinasaklaw pa ng kritikong si Elmer A. Ordoñez ang pagkukumparahan – ang mahabang tradisyon nina Balagtas, Rizal, at Amado Hernandez ng pagsulat sa piitan.

Kung tutuusin, pandaigdigang tradisyon ito ng mga progresibo sa partikular at mga rebelde sa pangkalahatan. Simula kay Vladimir Lenin hanggang kay Ho Chi Minh, simula kay Antonio Gramsci hanggang kina George Jackson at Mumia Abu-Jamal, nagsulat ang mga progresibo sa kulungan. Ang sabi ng isang akademikong kontra-Kaliwa, sa piitan lang nagkakaroon ng katulad ng “sabbatical leave” ng akademya ang mga rebolusyonaryo – na para bang napakainam ng kalagayan dito para magsulat.

Sa mga tula ni Jazmines, makikita ang pagpapatibay, kung hindi man pagpapatalas, sa kanyang paninindigan, sa kalagayang gusto itong pahinain at papurulin ng mga nagpiit sa kanya. Pinatigil man siya sa paglaban sa labas ng piitan, patuloy siya sa paglaban sa loob, sa hangaring makasanib muli sa paglaban sa labas. Ang panahong ginagamit na armas laban sa kanya ng kaaway, itinatransporma niyang armas laban sa kaaway. Ang espasyo na pinapakitid sa kanya, nilalampasan niya gamit ang kamalayan at alaala – para, syempre pa, sa aktwal na pisikal na pag-alpas para bumalik sa pakikibaka sa labas.

Sa isang tula, inilarawan ni Jazmines ang kroniko o papasahol na krisis ng lipunan sa antas na personal, parang nagkukwento lang, at nang nakakaantig ng damdamin. Ipinakita niya ang pagkitid ng larangan ng maniobra ng maralita para magdiwang, kahit sa isang panahong pinalalabas ng namamayaning kultura na nagdiriwang din sila.

Disyembre 25, 1983
 


Minsan nga’y
ibinili ako ni Nanay
ng bagong damit
sa palengke. Pinagpag
niya ang kanyang
pinakamagandang nasa aparador
at namasyal kami sa Luneta.
Ang di-matapos-tapos na kwentuhan
ay pinangibabawan na lang
ng pagod at antok.

Noong isang taon nama’y
hindi na kami lumayo
pero nagpista naman kami
sa puto-bumbong,
mantikilya’t tsokolate
bago matulog.

Ngayo’y niyakap niya ako
nang ubod-higpit
at binati na lang ako
nang walang imik
bago matulog.

 

Sa isa pang tula, ipinapakita niya ang mahigpit na ugnayan ng pang-araw-araw na aktibidad ng mga aktibistang nakikipamuhay sa mga magsasaka, at marahil ng mga New People’s Army rin, sa matayog na pag-unawa sa halaga ng naturang mga aktibidad. Puno ng kabuluhan ang tahimik na pagsusulong ng gawain sa hanay ng maralita.

 

Ang mga Naglalamay

Kaunting kaluskos.
Mahinang kaskas ng pawid.
Munting kiskis. Nagkakilala
ang mga mata’t pisnging
bumilog sa bahid ng sindi.
Marahang pagbubukas ng pinto.
Pahid ng putikang
mga paa sa basahan.
Mahigpit na daupang-palad.
Maliksing pagbaba
ng tuyong mga paa. Sandali’y
kumukulo na ang kape. Sunud-
sunod na pahid ng putikang
mga paa sa basahan.
Mahigpit na daupang-palad.
Mahinang mga usapan. Umuusok
pa ang kape. Sunud-
sunod na pagbaba ng mga paang
kumakalat at kumakaluskos
sa gabing kagampan
sa bukang-liwayway.

Sa isa pang tula, napakalinaw ang pagkabig sa mga nasa panggitnang uri, sa kabila ng titulong magbibigay ng akalang itataboy sila. Ang konteksto: ang mga rali sa Makati noon laban sa diktadurang US-Marcos na binubuhusan ng confetti ng mga nasa panggitnang uring nasa mga gusali sa nasabing lungsod. Kaalinsabay, pinapaigting sa kanila ang mga personal na kontradiksyon sa harap ng paglaban ng sambayanan.
 

 

 

Confetti Revolutionaries

At the din
you stir
to open your windows
and let pass that shot
that has hung
in the hollows
of your high-rise
edifices.
A fisty air
rushes in
from the sweating ground
and shatters
your shut-in office cool.
You shed dead files,
yellow matter
and other scrap,
shred them
and throw them
out of windows,
each shred
pantomiming
the inevitable fall,
in terms so genteel
you sojourn to the ground
for a look-see
at the lithe
touchdown of paper.

Instead you meet
a heavy,
heaving,
sweating
groundswell
to whom you are
welcome confetti.

It rises to absorb you.

You shudder an instant,
weighing your own readiness
to go farther
than the paperwork.
 

 


Sa liham niya kay Quindoza-Santiago, mapagkumbaba si Jazmines. Aniya, dahop ang kanyang pampanitikang background, wala siyang nalahukang palihan sa pagtula, hindi pa nakikinabang sa kritikal na pagsuri sa kanyang mga tula, at hindi siya pamilyar sa mahuhusay na makata. Pero taliwas dito ang paghusga ni Quindoza-Santiago: inalpasan ni Jazmines ang lahat ng limitasyon sa pamamgitan ng paghasa ng kanyang pagtula sa gitna ng pakikibaka – at, maidadagdag, kahit sa laylayan nito, sa loob mismo ng piitan.

Sa kanyang panayam nitong huli sa Pinoy Weekly, simple at matalas ang paliwanag ni Jazmines sa “tungkulin at halaga” ng mga progresibo at rebolusyunaryong alagad ng sining: “Halos katulad ng sa mga rebolusyonaryong edukador at propagandista…” Aniya, “Napag-iibayo [nila] ang paggising sa rebolusyonaryong kaisipan at damdamin… sa iba’t ibang mapanlikhang paraan…” Sa Moon’s Face, nagpapakita si Jazmines ng mahusay na pagtangan sa naturang tungkulin at mahusay na pagsasabuhay ng naturang halaga.

14 Hunyo 2012

 

           
     
=  


 
==          
           

 

 

PRESS RELEASE September 3, 2012

Alcantara’s lawyers to push for his transfer

Lawyers of Tirso Alcantara, alleged to be a high ranking NPA member, will push again in court tomorrow, September 4, 2012, for the immediate transfer of his detention.

Alcantara’s case for rebellion is set for hearing tomorrow at the Regional Trial Court of Taguig City, Branch 266 where he has a pending motion for the transfer of his detention.

Atty. Rachel Pastores of the Public Interest Law Center (PILC), Alcantara’s lawyer, slams the AFP and the PNP for conspiring to keep him under military custody despite the mandate of the law that he should be detained in a civilian facility.

Atty. Pastores disclosed that a court in Gumaca ordered Alcantara’s transfer to the PNP Custodial Center in Camp Crame but the Philippine Army has since then refused to comply with the order. According to her, after the military’s motion for reconsideration of the order was denied, the PNP likewise filed its own motion for reconsideration saying it cannot detain Alcantara. “This move of the police is obviously cooked up with the military to perpetually deny our client’s rights as a detainee,” she said.

“Not only is it illegal for the military to keep the custody of our client, it has also continued to violate his rights since his arrest on January 4, 2011. He is kept in solitary confinement. The military continue to impose unreasonable and unjustified restrictions on visits to him by his family and even by his lawyers, depriving him of his rights under RA 7438. He is still blindfolded when he is brought out of his cell,” Atty. Pastores bared.

“We are denied to get a blood sample from him, but the military took a blood sample from him without his consent and while in blindfold. He is given food laced with chemicals, with pieces of broken glass or with fecal matter. These are just among the numerous violations of his rights while in military custody,” Atty. Pastores further said.

“There is, therefore, a pressing need to transfer the custody of our client from the military to a civilian detention facility,” Atty. Pastores concluded.

Alcantara has been detained at the Custodial Management Unit (CMU) of the Philippine Army in Fort Bonifacio, Taguig City since January 5, 2011 for trumped-up cases of rebellion and various common crimes.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For reference: Atty. Rachel Pastores 0927-9219539
 

 
           
 
TV-2 interviews Luis Jalandoni
 
 


Palabas, Paglilitis at Pakikibaka
by Omeng Rodriguez
September 1, 2012

Ipinalabas sa Cultural Center of the Philippines ang dulang simbolikal na “Walang Sugat” ni Severino Reyes nitong mga nakaraang linggo. Ipinakita sa produksyon ang posibleng paraan ng pagtatanghal ng dula na noong panahon pa ng pananakop ng mga Amerikano isinagawa. Dahil simbolikal, kailangang idaan ang dula sa malikhaing paraan na nagpapakita ng nasyonalismo. Subalit hindi maitatatanggi na sa mga orihinal na pagtatanghal, kakambal ng mga artista ang kaba habang sila’y umaarte. Baka sila’y mahuli. Baka sila’y makulong. Ito ang malaking kaibahan sa pagtatanghal ng dula ni Severino noon at sa kontemporaryong panahon.

Ang panahon ng 1902 hanggang 1906 ang era ng mga sedisyosong dula. Nilikha ang batas na Act No. 292, ang Sedition Act na ipinasa noong Nobyembre 4, 1901 na nagbibigay-krimen sa anumang adbokasiya para sa paglaya ng Pilipinas. Dahil sa batas na anti-subersyon na ipinatupad ng kolonyal na sistema ng pamamahala ng mga Amerikano, hinuli at ikinulong ang mga artistang tuwirang tumutuligsa sa isang imperyalistang estado. Bukod kay Severino Reyes, nakulong rin sina Juan Abad, Juan Matapang Cruz, at Aurelio Tolentino. Dumaan sila sa paglilitis. Kumuha ng mga testimonya mula sa mga saksi at mga manonood ng palabas kung ano ang naging epekto sa kanila ng dula.


Unang itinanghal sa Teatro Libertad noong Hulyo 7, 1902 ang dulang “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad. Iniligid din ito upang ipalabas sa malalapit na probinsiya tulad ng Laguna at Cavite. Mahalagang aspekto ng produksyong pandulaan noong mga panahong ito ang konsepto ng mobilidad ng sining. Ang sining ang lumalapit sa mga manonood, hindi ginawang eksklusibo. Nagiging behikulo ang dula sa pagpapalaganap ng mga sentimyentong makabayan at anti-kolonyal. Sa naging pagtatanghal nito sa Batangas noong Mayo 10, 1903, ipinasara ito ng mga awtoridad ng lalawigan at kinasuhan ng sedisyon ang manunulat.

Sa pamamagitan ni Judge Paul W. Linebarger, napatunayang sedisyoso ang drama at maysala ang awtor na kinasuhan ng dalawang taon na pagkakakulong na may multa na 2,000 dolyar. Noong Agosto 9, 1906, binaligtad ng Korte Sumprema ang desisyon ng mababang korte. Habang nakapending ang kaso, sinulat ni Juan Abad ang “Isang Punlo ng Kaaway” na itinanghal sa Teatro Rizal sa Malabon noong May 8, 1904 na naging dahilan sa pangalawang aresto kay Abad. Upang paigtingin pa sa hukuman ang mga akusasyong ito kay Abad, pinatawag ang isang saksi para magbigay ng kanyang testimonya. Sa transkripsyon ng testimonya ni Jose Villanueva, nang tanungin siya kung nauunawaan ba ng mga manonood ang simbolismong ginamit ng awtor sa dula, sinabi niyang hindi siya nakatitiyak. Gayunman, sinabi rin niya na sa kanyang palagay, iilan lamang ang nakakaunawa nito.

Sang-ayun naman kay Alfredo Cantos, isang saksi ng pamahalaan nang tanungin siya hinggil sa politikal na epekto ng dula sa mga manonood, binanggit niyang narinig niya mula sa ibang mga manonood na may kinalaman ang dula sa ugnayan ng Pilipinas at Amerika. Nang tanungin din siya hinggil sa impresyon na epekto ng dula sa mga partikular nitong mga manonood, binanggit niya na karamihan sa mga manonood ay nagustuhan ang palabas. Gayunman, hindi niya batid kung ito’y dahil sa maganda at may poetikong linya, o dahil sa may kinalaman ang dula hinggil sa relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Sa testimonya naman ni Simeon Luz, nang tanungin siya kung naunawaan ba ng mga manonood ang dula, binanggit niya na marahil na nauunawaan ito ng mga edukadong manonood, subalit yaong mga sinasabing masa’y mahihirapan itong unawain. Gayunman kung ito’y ipapaliwanag sa kanila, maaari nila itong maintindihan kaagad. Tinanong din si Simeon Luz kung sa kanyang pagtatanya ay malaki ang epekto ng dula, binanggit niya na hindi niya ito masasabi. Subalit nabalitaan niyang nagkamit ito ng masigabong palakpakan mula sa mga manood. Para sa kanya, isa ito sa pinakamahusay na dulang itinanghal.

Itinanghal naman ang dulang “Hindi Aco Patay” ni Juan Matapang Cruz sa Teatro Nueva Luna sa Malabon noong Mayo 8, 1903. Sa isang ulat mula sa The Manila Times noong Hulyo 6, 1903, habang itinataas ang bandila ng Katipunan sa likod ng tanghalan, isang lasing na sundalong Amerikano ang nagtapon ng bote ng serbesa, umakyat sa entablado at lumikha ng ingay rito. Hinuli ang manager ng teatro, ipinagbawal ang dula at kinuha ang gamit-panteatro tulad ng bandila ng Katipunan at iba pang sagisag-rebolusyonaryo. Hinuli ang mga artista matapos ang isang buwan. Nagtago si Juan Matapang Cruz noong Hulyo 5, 1903 habang may malaking piyesta ng mga Amerikano. Dalawang taong nakulong si Juan Matapang Cruz. Kaya’t lumalampas sa drama ng palabas ang pagtatanghal, sapagkat ang totoong drama’y nangyari sa tunay na buhay ng mga alagad ng sining.

 

Isa si Aurelio Tolentino sa mga artistang nakulong dahil sa kanyang paglikha ng mga akdang subersibo at tumutuligsa sa isang kolonyal na sistema ng pamamahala ng mga Amerikano. Tumulong din siya sa distribusyon ng La Solidaridad, at naging miyembro ng La Liga Filipina. Isa rin siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan. Kasama siya nina Jacinto, Bonifacio sa Pamitinan Cave sa Montalban kung saan idineklara ang kalayaan noong Abril 10, 1895. Sa pagsisimula ng rebolusyon, nakulong siya ng siyam na buwan sa Bilibid at doon tinorture. Isa rin siya sa mga pumirma ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Naging manunulat din siya sa iba’t ibang pahayagan tulad ng La Independencia, La Patria, El Liberal at ng sarili niyang pahayagan na Filipinas. Noong Agosto 1900, itinayo niya rin ang lihim na samahan na Junta de Amigos. Nang itayo ni Artemio Ricarte ang isang bagong rebolusyonaryong kilusan, sumali rito si Tolentino subalit agad din siyang hinuli at ikinulong. Sa buo niyang buhay nakaranas si Tolentino ng siyam ulit ng pagkakakulong.

Sa tala ni Edna Manlapaz, noong Mayo 14, 1903 sa Teatro Libertad sa Maynila hinuli si Tolentino. Sa isa sa mga eksena na nakasulat sa dula na kailangang kunin ang bandila ng Amerika at ito’y lukutin bilang senyales na tagumpay, hindi ito ginawa ng nakaatas na artista dahil sa makikita siya ng mga Amerikanong manonood. Si Aurelio Tolentino mismo ang gumawa ng aksyon at eksena. Dahil dito, nagalit ang mga manonood na Amerikano at isang galit na sundalo ang lumikha ng kaguluhan. Matapos nito, inaresto si Tolentino at ang iba pang artista sa dula. Kung tutuusin, ang mga Amerikanong nanonood ng dula ang unang nagsasagawa ng kaguluhan habang nagtatanghal. Kinasuhan si Tolentino ng sedisyon at hinatulan ng dalawang taon na pagkabilanggo at may multa na 2,000 dolyar. Sa pamamagitan nina Rafael Palma at dalawang pang Amerikanong abugado, nag-apela sila sa Korte Suprema subalit noong Marso 6, 1906, hinatulan si Tolentino na maysala.

Mayroon din mga pagkakataong ang mga hinuhuli ay ang buong mga artista ng dula tulad nang nangari noong Mayo 15, 1903 sa Obando, Bulacan na nagtanghal ng “Ang Kalayaan Hindi Natupad.” Kahit sa dulang “Pulong Pinaglahuan” na itinanghal sa Navotas, Rizal noong Enero 23, 1904 ang lahat ng mga artista at awtor ng dula na si Mariano Martinez ay hinuli. Isang dula naman mula sa Laoag, Ilocos Norte, ang “Ang Katipunan” na itinanghal noong Pebrero 21, 1905 kung saan pati ang lahat ng mga nanood ay hinuli. Ibig sabihin, hindi lamang ang mga manunulat at artista ang hinuhuli kundi maging ang mga manonood na maaaring maimpluwensyahan ng mga dulang ipinapalabas. Ganito katalas ang mga dula. Layunin ng sining na magmulat at mag-organisa sa mga manonood.

Buhay ang sining na nakikibaka at nagpapatuloy ang represyon ng estado upang pigilan ang mga subersibo sa layunin nilang magmulat ng mga manonood, mambabasa at tagapagtangkilik ng sining na rebolusyonaryo. Isa na rito si Alan Jazmines na kasalukuyang nakapiit sa Bicutan/Camp Bagong Diwa sa Special Intensive Care Area. Inilipat si Alan Jazmines dito mula sa kanyang pagkakakulong sa Camp Crame. Magsasampung buwan na siyang nakapiit sa SICA kasama ang iba pang mga bilanggong politikal.Hindi na rin bago kay Jazmines ang makulong dahil sa kanyang politikal na paninindigan. Mula pa noong panahon ng batas Militar, nakulong na si Jazmines. Nakapaglabas ng antolohiyang “Moons Face and Other Poems,” at nag-eksibit din ng kanyang mga likhang larawang tumatalakay sa mga pambansang isyu ng ating bayan. Ipiniit man siya, nagpapatuloy siya sa paglikha ng makabayang sining.

Sa ikaapat na palapag ng SICA nakakulong sina Jazmines. Kasama niya sa selda ang iba pang bilanggong politikal na mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan; kabataan, pesante, katutubo, at aktibistang estudyante. Pinasilip kami ni Jazmines sa kanilang buhay sa kulungan gamit ang kanyang mga salita. Natural siyang kuwentista, subalit hindi mula sa imahinasyon ang kanyang isinasalaysay, kundi mga katotohanan sa buhay ng mga bilanggong politikal sa bansa. Ito na ang ikatlo niyang pagkakakulong, at nakamamangha na nakukuha pa niyang ngumiti. Malinaw na makikita sa kanya ang katatagan na hinubog ng kanyang pakikibaka. Maaaring puti na ang kanyang buhok, subalit tanda ito ng angkin niyang karunungan at haba ng makulay niyang buhay sa pakikibaka.

Sanggunian:
Bonifacio, Amelia L., The “Seditious” Tagalog Playwrights: Early Ameircan Occupation (Manila: Zarzuela Foundation of the Philippines, 1972).
Fernandez, Doreen G., Palabas : essays on Philippine theater history (Quezon City : Ateneo de Manila University Press, 1996).
Riggs, Arthur Stanley, The Filipino Drama 1905, Public Laws Annotated (Manila: Ministry of Human Settlements, Intramuros Administration, 1981).
The Law Phil Project-The Arellano Law Foundation
The State of Political Detainees: Philippine Setting, Jesus P. Casila et., al. Philippine Law Journal.
 

           
           
           

 


ComScore

 

/p

  
 

Google