Letter of Thanks of the family of Ka Bel and the Anakpawis Partylist  
 


LETTER TO THE EDITOR

July 21, 2008

Salamat sa Young Blood article, “Quiapo Vendors” ni Ms. Lucero, na lumabas sa PDI.

On July 19, 2008, we went to Plaza Miranda to look for the Flower's Vendors Association. We easily found the vendors selling flowers along the mall at the side of Plaza Miranda near Quiapo Church. I asked about the president of their association and met Mrs. Maria S. Batac, from San Fernando, Pampanga. I learned that Ms. Lucero bought the flowers from her.

Maya-maya ay ngumiti siya. Nagtanong siya kung kailan kami pupunta sa puntod ni Ka Bel. Magpapadala uli siya ng mga bulaklak (at inisa isa na ang mga bulaklak). Pinigil ko siya, at sinabing "sa Bulacan po siya nakalibing, baka ho malanta agad ang mga bulaklak."

Aling Maring said, "basta nakababad sa tubig ang mga bulaklak ay matagal itong malanta." Para lang huwag na siyang mag-abala pa, I told her na "ganito na lang po, Aling Maring. Pag kailangan namin ng mga bulaklak, sa inyo na lang kami oorder at magpapagawa. Hihingi na lang po kami ng discount." Tumango siya at sabay sabi sa amin na, "sige, kayo ang bahala. Hihintayin ko kayo."

Binanggit ko sa kanya na marami ang nakabasa at naluha sa artikulo ni Ms. Lucero. Kaya, hinanap namin sila para mapasalamatan. Sabay abot ko sa kanya ng dala naming Thank You cards mula sa pamilya at Anakpawis Partylist. Naluluha-luha niyang binasa at tinitigan ang mga cards na iniabot ko sa kanya. Pansamantala kaming nagpaalam at sinabing babalik kami sa kanyang puwesto para muling makipagkuwentuhan.

Marami pang ibang simpleng tao na hindi namin kakilala ang nagpunta sa burol ni Ka Bel. Tulad ng isang lalaki na tuwing umaga ay pinupunasan ang kabaong ni Ka Bel. Nang tinanong siya ng isa kong kapatid, ang sagot niya ay "ito man lang ay magawa ko para kay Ka Bel, bago man lang siya ilibing."

Napakarami, di mabilang ang mga simpleng tao, marami sa kanila ang nanggaling pa sa probinsiya ang nagtungo sa Iglesia Filipina Independencia (IFI) para masilayan sa huling sandali ang katawan ni Ka Bel at magbigay ng kanilang respeto, kilalanin ang simpleng buhay at puspusang pakikibaka ni Ka Bel para sa interes ng masang anakpawis.

Nais namin silang puntahan at makilala, para tulad ni Aling Maring ay maabutan ko ng Thank You Card ng aming pamilya at ng Anakpawis Partylist. Higit pa rito, ay maiparamdam namin sa inyo ang mahigpit at mainit na pakikipagkamay at masabi sa inyo ang aming taos pusong pasasalamat.

OFELIA BELTRAN
Anak ni Ka Bel

 

 
           

Home

Send us your feedback
Google