/p
           
 



PRESS RELEASE
Hulyo 15, 2008

PALAYAIN SI FATIMA AT ROSEANN GUMANOY -GABRIELA TK

“Wala nang iba pang may karapatan sa kustodiya kay Fatima kundi ang kanyang ina. Ang patuloy na pagkaka-ditine kay Fatima at kay RoseAnn Gumanoy sa Fort Bonifacio General Hospital ay isang paglabag sa karapatan ni Nanay Maria Gumanoy at sa karapatan ng kanyang mga anak lalu na kay Fatima na isang menor de edad”

Ito ang naging pahayag ng Gabriela Timog Katagalugan, kasabay ng panawagan para agad nang palayain si Fatima at si Rose Ann Gumanoy, mga anak ng pinaslang na lider magsasaka na si Eddie Gumanoy. Gaganapin ang pagdinig sa petisyong Writ of Habeas Corpus na isinampa ni Nanay Maria bukas, Hulyo 16, 2008.

Maaalalang dinukot ng mga militar ang magkapatid na Gumanoy noong Hulyo 3, 2008. Makikipagkita sana ang dalawa sa kanilang ina subalit hindi na ito nakarating sa lugar na napagkasunduan. Dinala ang magkapatid sa Fort Bonifacio General Hospital.

Ayon kay Helen Asdolo, tagapagsalita ng Gabriela Timog Katagalugan, nangangamba sila sa maaaring mangyari sa magkapatid habang nasa kamay ito ng mga militar.

“Hindi na bago para sa pamilya Gumanoy ang mabigwasan ng bangis ng militar. Mismong ang kanilang ama ay brutal na pinaslang ng Armed Forces of the Philippines. Ang AFP at ang rehimeng Arroyo ang huling pwedeng pagkatiwalaan ng pamilyang Gumanoy.”

Maaalalang si Eddie Gumanoy, lider magsasaka mula sa Kasama-TK ay pinaslang sa kasama ni Eden Marcellana ng Karapatan sa isang fact finding mission sa Mindoro.

“Ang patuloy na pagmamanman, pandarahas at pagtugis ng militar sa kanilang pamilya ay pagpapakita na hindi pa rin tumitigil ang rehimeng Arroyo sa implementasyon ng Oplan Bantay Laya,” pagtatapos ni Asdolo.

For Reference: HELEN ASDOLO (Gabriela-TK Secretary General) 0918-4698497



 

 
           

Home

Send us your feedback

 

Google

/p