Rodolfo "Pong" Alvarado, Jr.

 

Bayan Muna Regional Project Officer

Bayan Muna Provincial Chair

6th nominee of Bayan Muna partylist

shot dead with 8 gunshot wounds

at 5:30 PM, Dec. 31, 2006

at his house in Barangay San Lorenzo, Ligao City, Albay

 

Dec. 31, 2006  Updated: Jan. 5, 2007

 

 

 

Pong Alvarado at the relief operations of Bayan Muna in Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay,  on Dec. 19,2006 in the aftermath of Supertyphoon Reming;

at a Bayan Muna rally

 

To download photo: Right Click on image and "Save Target as.."

To view actual size: Double click on image

If  some thumbnails are missing,    press F5 to refresh

 

           

Photos taken at the Bicol Power forum

on July 16, 2003

 

Inquirer report on the killing Jan. 1, 2007

ABS-CBNnews:Activist killed in Albay

Inquirer:Another leftwing activist slain in Bicol

Manila Times:2007 starts with new political killing

Tribune: Extra-judicial killings claim last victim for ’06

 

           

Download joint statement of Bayan Muna-Bikol, Karapatan-Bikol and Bayan-Bikol

Manila Standard Today: Albay gov urges probe of killings

News Balita: Albay guv condemns killing of Bayan Muna leader

Party-list leaders: Govt out to cripple us-Press Statement

Relieve Bicol police chiefs, remove military units over spate of activist slays - Satur

Inquirer, Jan. 2

page 1

           

 

 

December 31, 2006

News Release

 

Reference: Jose Pernia

Regional Coordinator

 

Regional Project Officer ng Bayan Muna Bicol, Pinaslang!

 

Ligao City- Alas 5:30 ng hapon sa Barangay San Lorenzo, pinaslang sa kanilang tahanan si Rodolfo “Ompong” Alvarado. Regional Project Officer ng Bayan Muna sa Bicol at ika-anim na nominado ng nasabing party list.

 

“Walang patawad ang “death squad” ni GMA. Sa natitirang oras ng 2006, inihabol si kasamang Ompong”. Pahayag ni Pernia.

 

Si Alvarado ang ika-42 sa mga pinaslang sa rehiyong Bikol sa taong 2006 at ika-129 mula noong maupo sa pwesto si GMA.

 

Matatandaang bago dumating ang araw ng kapaskuhan, pinatay si Atty. Gil Gojol, abogado ng Bayan Muna sa Sorsogon kasama si Danilo France na kanyang body guard.

 

“Ang nangyari ay patunay lamang na handang gawin ng malakanyang ang lahat matupad lamang ang 2 taong deadline ni GMA na ubusin ang kanyang mga kalaban. Tuloy-tuloy ang implementasyon ng Oplan Bantay Laya ng AFP na walang ibang hangarin kundi patahimikin ang sinumang itinuturing na kalaban ng gobyerno” Dagdag pa ni Pernia.

 

Matatandaan na bago pa man lumahok at manalo sa halalan ang Bayan Muna noong 2001 hanggang 2004, matindi ang propaganda ng gobyerno na ito diumano ay kasama sa mga front NPA.

 

“Naniniwala kami na responsable ang gobyerno sa mga nangyayaring ito. Ang pagbansag sa amin na diumano’y mga kasama at taga suporta ng NPA ay deklaradong gyera sa amin at sinumang sibilyan na naghahanap ng pampulitikang pagbabago, katotohanan at hustisya sa likod ng katiwalian ng gobyernong Arroyo”. Sabi pa ni Pernia.

 

Ang Bayan Muna kasama ang mga kaalyadong militanteng organisasyon ay mahigpit na kinokondina ang naturang pagpatay.

 

“Dapat ng papanagutin si GMA kasama ang kanyang mga alagad sa dumadaming listahan ng inutang na buhay. Ang agarang pagpapatalsik sa papet, pasista at pahirap sa masang pekeng pangulo ay mas lalong dapat madaliin at ipagtagumpay. Hanggat nananatili si GMA sa pwesto, dadami pa ang magiging kaso ng pampulitikang pamamaslang.” Pagtatapos ni Pernia.

 

Download statement in Word format

 

           

FACT SHEET R-06-00

           

KARAPATAN-BIKOL

Alliance for the Advancement of People’s Rights

*G/f Encarnacion Bldg., Rizal St., Brgy. 17, Legazpi City

7 (052) 4805227   : email: karapatanbikol@yahoo.com

  

        I.      Tipo ng paglabag:

Pagpatay

       II.      Biktima:

Rodolfo “Ompong” Alvarado, 53 y/o, married, resident of San Lorenzo St., Brgy. Sta Cruz, Ligao City

BM Chairperson  Albay Chapter

BM 6th Nominee

BM Regional Project Officer

Chairperson, Albay Mov’t for Justice & Peace

Secretariat, Bikol Mov’t for Disaster Response

      III.    Petsa ng Pangyayari:

Disyembre 31, 2006 around 5:15 in the afternoon

      IV.   Lugar na Pinangyarihan:

San Lorenzo St., Brgy. Sta. Cruz, Ligao City

V.   Pinaghihinalaang may   Kagagawan/Perpetrator:

Mga pinaghihinalaang miyembro ng military death squad

     VI.   Motibo:

politikal

 

V          II.  Aktwal na Pangyayari:

 

Ayon sa salaysay ng pamilya ni Rodolfo Alvarado,  bandang alas singko ng hapon ng lumabas ito ng bahay sakay ng kanyang kotse para bumili ng  cell card  dahil tatawagan ng kanyang  ina ang kapatid na nasa Canada.

 

Hindi nagtagal, nakarinig sila ng putukan sa may labasan mga 15 metros ang layo sa kanilang gate.  Napag-alaman nilang binaril si Opmpong ng di kilalang lalaki.  Ayon sa nakakita,  papasok ng eskinita ang sasakyang minamaneho ni Ompong ng biglang may umarangkadang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki na pawang nakasuot ng crash helmet at nag-overtake sa kotse nito. Dahil makitid ang kalsada  nagmenor ang kanyang sasakayan, samantalang ang motorsiklo ay humarang sa kanyang daan.  Dalawang lalaking naglalakad ang huminto sa tapat ng bintana ng kotse (rear left ) at ang isa ang bumaril kay Ompong.  Walong (8) putok ang pinakawalan ng assailant tatlo nito ang tumama sa katawan ni Ompong  left armpit tumagos sa kanang bahagi ng kanyang katawan, na humagip sa kanyang puso na kanyang ikinamatay.  Itinakbo siya sa hospital subalit di na rin siya umabot ng hospital.

 

 

Documented by :    Joel Montas

                               January 1, 2007

 

Download fact sheet in Word format 

 

           
POSTER BY KARAPATAN - Bikol
           
           
           
Download poster in PDF format
           

Home

 

 
Web www.arkibongbayan.org